WebNovels

Chapter 2 - Chapter 1: First Day!

Sophia POV

 

June 2023.

 

Mainit ang simoy ng hangin nang unang araw kong tumapak sa Crestwood University bilang bagong empleyado. The morning sun was too bright, halos kasing liwanag ng mga pangarap kong hindi ko alam kung saan patungo.

 

"New beginnings," bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang malawak na campus.

I've always wanted stability — a quiet job, a peaceful routine, and maybe… a life that didn't feel too heavy. After years of uncertainty, finally, nandito ako. Sa lugar na alam kong magiging bago kong tahanan.

 

Pagpasok ko sa admin building, naamoy ko agad ang halong amoy ng papel, tinta, at kape. That familiar office scent — organized chaos. "Good morning po, Ma'am? Saan po kayo?" bati ng guard.

 

"Sa HR Department po." ngiti ko, medyo kabado. "First day ko po today."

 

Pinapunta na ako sa HR Department ng guard. Habang nakaupo ako, tinitingnan ko ang paligid — framed achievements, plaques, at ilang staff na busy sa kani-kanilang ginagawa. It felt intimidating. Pero deep inside, may halong excitement.

 

I thought to myself, this is it — a new chapter, a new me.

 

Nang ipakilala ako sa team, puro ngiti lang muna ako. "Hi, I'm Sophia,"

"Welcome to Crestwood!" sabi ng isa sa mga staff.

 

That moment felt light. Parang kahit bagong mundo 'to, kaya ko.

 

Ang trabaho ko ay simple lang: assist the Procurement Office with admin tasks. Paperworks, schedules, memos — the usual stuff. Hindi glamorous, pero sakto lang. I liked keeping things organized, tahimik, predictable.

 

Predictable.

Yun kasi ang gusto ko sa buhay. Yung alam ko kung anong susunod. No surprises. No drama.

 

 

Pagkatapos ng orientation, naglakad ako mag-isa papunta sa cafeteria. It was a small corner café inside the university — tahimik, may amoy ng bagong brewed coffee, at may view ng courtyard.

 

Umorder ako ng caramel macchiato, my comfort drink. Habang hinihintay ko, I took a deep breath.

 

This is where I belong, sabi ng isip ko. A steady life. A safe routine.

 

Pero habang pinagmamasdan ko 'yung mga estudyanteng nagtatawanan, mga staff na nagmamadali, at mga taong parang sanay na sa gulong ng bawat araw… napaisip ako.

 

What if something changes?

 

What if, one day, something — or someone — comes along and shakes this calm little world I built?

 

Napangiti ako sa sarili ko, sabay iling. "Impossible," bulong ko. "Walang ganon."

 

That day ended like any other first day — puno ng adjustment, pagod, pero may kasamang saya.

Hindi ko alam, habang naglalakad ako pauwi, na doon pala nagsimula ang lahat. Crestwood University — the place I thought would just be work. The place I thought would be quiet.

 

I didn't know then… that soon, this place would no longer be peaceful — because my heart would learn how to skip, stumble, and eventually, fall. 💔

 

Ma'am Joan POV

 

"Hey! Ikaw siguro si Sophia!"

 

Napalingon ako sa boses na sobrang lively, yung tipong kahit hindi mo kilala, automatic mapapangiti ka. Isang babaeng curly hair, naka-pink blouse, at may hawak na tumbler na may sticker ng "Procurement Besties."

 

Ngumiti sya. "Yes po, ako nga po."

 

"Ay nako, wag ka nang 'po' — Diyos ko, nakakamatanda! Joan na lang. Ako si Ma'am Joan Dela Vega, pero dito sa office, 'ate Joan' na lang, okay?"

 

Sabay abot ko ng kamay, then tinapik ko sya sa balikat. "Welcome to the Procurement family! Ready ka na bang ma-stress? Charot lang!"

 

Sabay tawa ko, 'yung tawang nakakagaan ng loob.

 

"Medyo kinakabahan po ako—ay, I mean, kinakabahan ako," sabi nya, napahagikhik na lang ako.

 

"Ay naku, wag kang kabahan! Dito sa Procurement, sanay na kami sa pressure, pero lagi kaming may kape at chika! Kung wala kang sense of humor, magde-develop ka talaga dito!"

 

Sabay abot ko ng sticky note sa kanya:

 

"Rule #1: Huwag ma-stress ng wala sa oras."

 

Saka ako kumindat. "Rule #2: Lahat ng problema, masosolusyunan ng milk tea or samgyup."

 

Napatawa sya. At that moment, I knew — this woman was going to be my office kapatid.

 

Ma'am Carmelle POV

 

"Good morning, team!"

 

Halos napaayos sila ng upo nang marinig ang malambing pero authoritative na boses ko. I walked into the office wearing my signature smile — 'yung tipong motherly pero professional.

 

"Hi, Ma'am Carmelle!" sabay nilang bati.

 

Paglingon niya sa akin, ngumiti siya nang malumanay.

 

"So, ikaw si Sophia? The new admin assistant?"

 

"Yes po, Ma'am," sagot nya, sabay ngiti.

 

Lumapit ako, tapik sa balikat nya. "Welcome to Crestwood, hija. I've heard good things about you. Don't worry, we don't bite here — unless walang kape."

 

Sabay tawa ang buong office.

 

"Seriously though," sabi ko, "if you ever feel lost or pressured, my door's always open. We're a family here, okay?"

 

Tumango sya. "Thank you po, Ma'am."

 

"Good. At saka—" sabay tingin ko kay Joan, "Joan, wag mo masyadong turuan ng kalokohan 'tong bagong bata natin ha."

 

"Ha?! Ako pa talaga, Ma'am?" depensa ni Joan, sabay tawa.

 

"Siya nga po ang nagturo sa'kin ng 'Rule #1' agad!" singit ni Sophia, natatawa rin.

 

"Rule #1?" tanong koe.

 

Sabay-sabay kaming tumawa nang sumagot si Joan: "Wag ma-stress ng wala sa oras!"

 

"Good. Rule #3: Kung hindi mo kaya, kape muna," sagot ko, sabay wink.

 

At that moment, napagtanto ko — hindi lang sila staffs ko. Parang pamilya talaga.

 

Sophia POV

 

Habang nag-aayos ako ng desk ko that afternoon, napangiti ako mag-isa. Hindi ko in-expect na ganito kabait at ka-welcoming yung mga tao dito. Akala ko, sa una, magiging tahimik lang ako. Pero sa unang araw pa lang, may mga taong nagparamdam na hindi ako mag-isa.

 

Si Ma'am Joan — maingay pero totoo.

Si Ma'am Carmelle — matalino pero may puso.

 

At sa gitna ng mga tawanan, kwentuhan, at amoy ng printer ink sa opisina, may kakaibang peace akong naramdaman.

 

For the first time in a long while, hindi ako nagmamadali. Hindi ako natatakot.

 

Tahimik lang ako, nagta-type sa computer, habang naririnig ko si Ma'am Joan na nagchi-chika sa kabila at si Ma'am Carmelle na tinatawagan ang supplier sa kabilang linya.

 

I smiled. This is it, sabi ko sa isip ko. This is where I belong.

 

Ang alam ko lang noon, masaya ako. Simple. Magaan. Tahimik.

 

Hindi ko alam na sa mga susunod na linggo, may darating na dahilan kung bakit hindi na magiging tahimik ang mundo ko.

 

More Chapters