WebNovels

Chapter 3 - Chapter 2: First Meeting

Sophia POV

 

"Guys, let's have a meeting first. Para malinaw tayo kung ano-ano ang inyong duties and responsibilities." sigaw ni Ma'am Carmelle, na parang excited na sa araw na ito.

 

Sabay-sabay kaming lima na tumayo at nag-tungo sa Supply Chain and Procurement Meeting Room.

 

"Okay, may mga dala naman kayong notebook and pen no? Hahahaha! Mahaba-habang usapan 'to, guys!" saad ni Ma'am Carmelle, habang nakangiti.

 

Eh… bakit ako lang may dala ng notebook at pen? Hmmm… secretary na ba akong ganito? Hahahaha!

 

"Ma'am, may dala naman po si Sophia, ahhaha. Sya na lang po ang mag-minutes of the meeting," biro ni Ma'am/Ate Joan, sabay sulyap sa akin. Hayst! Eto talaga, hindi mo maiwasan na mapasenyas ng "visor" sa harap mo.

 

"May maasahan pa ba ako sa inyo, ahahaha. Sige, Sophia, take charge sa minutes ng meeting. Let's start," sabi ni Ma'am Carmelle.

 

30 minutes? Charrr!

 

Sabay hinga ko bago itala lahat ng hinihinging detalye. Nag-hatian na sila ng mga requisitions ng bawat department at colleges, pero bakit parang wala pa sa akin? Mukhang challenging 'to, I need to focus.

 

"Sophia, ready yourself. Ang hawak mo lang na PRF ay para sa Building and Grounds Department. Kasi sayo ang ISO, Contract Management, Construction Management, Bookstore, at Concessionaires o yung mga canteen natin," sabi ni Ma'am Carmelle, sabay kind smile.

 

Ay wow! Yan lang ba? Dagdagan nyo pa! Joke lang. Pero medyo nakakatakot din — dami ko nang responsibilities.

 

Vincey Navarro POV

 

"Hala, tignan mo si Sophia, kitang-kita na baguhan pa lang, pero mukhang chill lang," sabi ko sa sarili ko, habang tinatamad-tamad pa rin ako sa desk ko.

 

Ako si Vincey Navarro, at sa first glance, alam kong magiging ka-close ni Sophia. Bakit? Kasi obvious ang aura niya na innocent pero independent. Tamang-tama sa gusto kong kaibigan.

 

Naglapit ako sa kanya, sabay wink: "Hey, newbie! Huwag kang mahihiya ha, makikilala ka rin namin ng maayos. Promise, fun lang dito sa Procurement."

 

Napangiti siya, shy na shy. "Ah, yes po… I mean, hi," sagot niya, medyo naguguluhan pero cute.

 

"Good! Kita mo? May kausap ka na agad na hindi magbibigay ng pressure," sabi ko habang ini-adjust ang aking tasang coffee.

 

Aira Mendoza POV

 

"Good morning, Sophia!" bati ko, sabay tapik sa shoulder niya. Ako si Aira Mendoza, isa rin sa procurement staff, at matagal na rin sa office kaya medyo pangalawang ate ko na rin siya bukod kay Ma'am Joan.

 

Napangiti siya. "Good morning po…" medyo reserved pa rin.

 

"Relax lang, ha! Dito sa Procurement, mahilig kami sa kwentuhan habang nagta-trabaho," sabi ko, sabay tawa. "Kung kailangan mo ng tips sa mga forms at requisitions, tanungin mo lang ako. I'll help you survive!"

 

Sabay sulyap sa Ma'am Joan na nagbibiruan sa kabilang mesa. "Promise, hindi ka mauubusan ng atensyon dito," dagdag ko, sabay wink.

 

Luna Alcaraz POV

 

Ako si Luna Alcaraz, at sa Procurement staff, ako ang nagha-handle ng Culinary Ingredients at budget ng Culinary Classes. Tahimik lang ako sa office pero observant sa lahat ng bagong tao.

 

Napansin ko si Sophia — baguhan, pero confident sa small ways. Medyo curious din ako kung paano niya haharapin ang responsibilities na nakalatag sa kanya.

 

"Hi, Sophia," bati ko, medyo mahinahon. "Hi po, Luna," sagot niya, halatang cautious pa rin.

 

She seems like she'll be okay, sabi ko sa sarili ko. Just a little guidance and she'll adjust.

 

Sophia POV

 

Habang nagmi-meeting, sinusulat ko lahat ng kailangan, kahit na medyo nakaka-intimidate ang dami ng hawak kong responsibilidad. Pero nakakatuwa rin — may mga tao kang puwede pagkataguan ng tawanan at guidance.

 

Si Ma'am Joan, si Ma'am Carmelle, si Vincey, si Aira, at si Luna — parang mini-family na agad.

 

Napatingin ako sa PRFs at notes ko. Deep breath. Kaya ko 'to. Predictable. Organized. Simple.

 

Pero kahit ganito kaayos at ka-peaceful ang unang araw ko, nararamdaman ko na may mga challenges na paparating.

 

More Chapters