WebNovels

Chapter 1 - Prologue

Crestwood University — the place where everything started. For Sophia Yoo, it was just another ordinary day. Same hallway, same coffee shop, same peaceful routine. Tahimik lang ang mundo niya, hanggang sa isang araw… dumating siya.

 

Arch. Jace Arvin Manalo.

 

The man with that perfect smile and that voice that could melt anyone's heart.

 

Una lang sana, tingin-tingin. Pero bakit parang sa bawat sulyap niya, bumabagal ang oras? Bakit parang may sariling rhythm ang tibok ng puso niya tuwing naririnig niya ang boses nito?

Hindi niya alam kung anong meron — curiosity lang ba, o simula na ng kung anong delikado?

Kasi habang pinipigilan niyang mahulog, si Jace naman… tahimik pero siguradong lumalalim na.

 

At sa huli, hindi na mahalaga kung sino ang nauna. Ang masakit lang, minsan…

'yung unang nahulog, siya pang hindi sinalo. 💔

 

First Encounter

 

"Excuse me—"

 

Paglingon ni Sophia, muntik na niyang mabitawan ang hawak niyang iced coffee. Nakatayo sa harap niya ang isang lalaking naka-white polo, at naka bag.

 

"Ah, sorry," mabilis niyang sabi, tinatago ang kaba sa likod ng ngiti.

 

Ngumiti rin ito. That kind of smile. Yung tipong sandali lang pero may epekto agad.

"No worries. I think this is yours?"

 

Tinuro ni Jace ang ID lanyard na nalaglag sa sahig. "Ah! Thank you…" kinuha niya agad, halos hindi makatingin.

 

"Sa Building and Grounds ka?" tanong ni Sophia, trying to sound casual.

 

"Kind of," sagot nito, sabay tawa. "Newly hired Asst. B&G Head. Jace."

 

"I'm Sophia," mahina niyang sagot.

Nagtagpo ang mga mata nila sa gitna ng hallway. Isang segundo. Dalawa.

At doon nagsimula — isang simpleng hi and hello na kalauna'y magiging dahilan ng mga gabing walang tulog, ng mga titig na hindi niya mabasa, at ng pusong unti-unting nahulog sa maling oras.

 

More Chapters