WebNovels

Chapter 10 - Unang Pagkakataon Part 1

Di ako mapakali sa bulong ni Michelle kanina, matatapos na ang shift at iniisip ko pa rin ang sinabi nya. May sinusulat sya sa papel bago lumabas ng room. Binigay nya sa kin ang papel na may nakasulat, "RedDoorz near LRT 2 Antipolo Station. Mauuna na ko dun July, sumunod ka na lang, yung di tayo mahuhuli kung gusto mo." Yun yung detalyado na sinulat nya sa papel. Napaisip ako kung no boyfriend since birth din ba sya dahil sa mga detalyeng ito. Pinauna ko na sya lumabas ng room pagkatapos ng 10 minutes ay umalis na rin ako sa room. Nagmamadali ako sa locker para ayusin ang gamit ko nang makatanggap ako ng chat sa kanya. "July byahe na ko papunta sa hotel, sunod ka na lang pag nandun na ko para di tayo mahuli." Nakatapat lang ako sa locker at lumipas pa ang 15 minutes ulit, nagchat ulit sya, "Nandito na ko sa room hinintay ka," chinat nya sa kin yung room number at dali-dali na kong bumyahe. 

 Di ako makapaniwala sa nangyayari, dalawang linggo pa lang na gf ko si Michelle pero may mangyayari na kagad sa min. Nagmamadali na ako sa byahe at pagdating ko sa reception ng hotel, tinanong na ko ng receptionist kung anong room ako pupunta. Tinawagan ng receptionist yung tao sa room na yun at na confirm naman na ako yung hinihintay. Umakyat na ko sa hagdan at pagdating ko sa hotel room ay nakita ko si Michelle na nakatapis na lang ng tuwalya. Kitang kita ko na ang kinis ng katawan nya mula ulo hanggang paa. Naligo na rin siguro sya habang hinihintay ako sa byahe kanina. Nagniningning ang ganda ni Michelle. Sino bang di maaakit sa ganito kagandang babae. Eto na ata ang isa sa di ko makakalimutang tagpo ng buhay ko. Good luck sa akin at sa pagkalalake ko.

More Chapters