WebNovels

Chapter 11 - Unang Pagkakataon Part 2

Nahihiya pa ako nung una pero hinubad ko na rin yung damit at pantalon ko at sunod kong hinubad yung brief ko. Nakita na nya ang dapat nyang makita pero kita ko ang ngiti sa kanyang mukha. 

"Sabay na tayong maligo July, hugasan natin ang katawan ng isa't-isa." sabi ni Michelle sabay hawak sa kamay ko papunta ng banyo. 

Tumigin ako sa bintana ng hotel room sa may banyo at parang gabi na pero di ko maintindihan dahil kaka out pa lang namin kaninang umaga. Pero di ko na inintindi yung labas basta kasama ko si Michelle.

Pagkatapos namin maligo ay nag sipilyo kame pareho dahil eto na ang simula ng bakbakan. Kung susumahin ang mga maliligayang pagkakataon sa buhay ko ay masasabi ko na ito na ang isa sa pinakamasaya. Tama nga yung kantyaw sakin ng mga kaibigan ko sa office na hindi kumpleto ang buhay kapag hindi napagdaanan ang ganitong ganap. Di ko na dinetalye pero para akong dinala sa langit sa ginawa namin ni Michelle sa loob ng hotel room. Lahat ata ng inipon kong pantasya simula nung mag teenager ako hanggang ngayon ay nagkatotoo na at ginagawa na nga namin. 15 o 20 minutes ata tinagal ng bakbakan namin pero parang buong araw ang tagal ng bawat minuto para sa akin. Pagod na pagod kame pareho pagkatapos. Ang tanging naiwan na lamang sa aking sarili na tanong ay kung pagmamahal na ba ito o dahil ito ang unang pagkakataon na naranasan ko ito kaya sobrang saya sa simula. Tumingin ulit ako sa bintana ng hotel room sa may bed room na at napansin ko na parang lumiwanag na parang umaga ang labas. Nakakapagtaka dahil kanina ay parang mag gagabi na pero biglang bumulong sa tabi ko si Michelle.

"July, pwedeng next time na mag check-in tayo sa hotel room yung walang bintana na kita ang labas?" paanyaya ni Michelle na mukhang nangangamba.

Sinabi nya na una na sya uuwi at binalik ko yung pera na pinambayad nya kanina sa reception at sinabi ko sa kanya na aalis rin ako pagkatapos ng 15 minutes. Siningil ako ng reception ng additional na 1k dahil sa dugo na nagkalat sa higaan dahil ako naka una kay Michelle. Napagastos ako nung araw na yun ah. Pero hindi ko yun makakalimutan dahil yun ang unang pagkakataon ko at ni Michelle...siguro. Hindi kame sabay umuwi kase mahirap na at baka may makahuli sa min.

Habang pauwi sa min ay may nakasalubong akong matandang babae. Medyo matanda na parang kuba na sya maglakad. Nang naglampas kame sa isa't-isa ay timing na bigla syang nagsalita, "Wag mong mahalin si Malik, marami ang mamamatay." nanlaki ang mata ko at napahinto sa paglalakad sa sobrang kaba ay unti-unti lang ako sa paglingon ngunit sa paglingon ko ay wala na yung babae na nakasalubong ko.

Iyon na naman ang mga salitang narinig ko. "Wag mong mahalin si Malik, marami ang mamamatay." pero hindi na nananaginip ngayon dahil realidad na ito at sino ba yang si Malik?

More Chapters