WebNovels

Chapter 9 - Balik sa Dati Part 2

Pumasok na ko sa training room at as usual, nauna na naman ako kay Michelle. Pumasok na rin si Michelle limang minuto pagkatapos ko mag set up. Bigla akong niyakap ni Michelle patalikod pagka lock nya ng pinto. Sira pa rin yung CCTV ng room dahil wala pang maipalit na bago yung kumpanya. Ang higpit ng yakap ni Michelle na para bang antagal naming di nagkita. Nagtataka lang ako dahil anlamig lamig ng pakikitungo nya sa akin kahapon pero biglang balik sa dati ang ginagawa nya ngayon. Humarap na ko at eto na ang senyales na halikan ulit si Michelle. Padiin ng padiin ang halikan namin na para bang nung una kaming naghalikan nung unang araw ng training. Mas malikot si Michelle ngayon kumpara nung una at tumigil kami sa halikan pagkatapos ng limang minuto. Umupo na kame sa magkatabing station na may ngiti sa labi. Nagbalik ang closeness namin ni Michelle sa di ko maintindihan na dahilan. Bumalik na ulit ang gf ko.

 Minsan, pinagpapasalamat ko pa na nasira yung CCTV ng room dahil nagagawa namin ni Michelle yung mga ganitong kalokohan. Nababaliw na ata kung iisipin o dahil kahit kelan hindi pa ko nakakatikim ng halik at yakap ng magandang babae. Natapos na ang shift namin at goodbye kiss ulit bago lumabas at pumunta sa kanya-kanyang locker. Sumunod na araw, sa di ko maintindihan na dahilan. Bumalik na naman yung malamig na Michelle na parang di ko nakahalikan kahapon. Tapos pagkatapos ng araw na yun, nung sumunod na araw bumalik na naman sya sa pagiging sweet. Napansin ko yung pattern na to ng isang linggo na para bang may mali na sa behavior ni Michelle. Magiging sweet sya ngayong araw pero sa susunod na araw ay magiging malamig sya. Parang dalawa ang pagkatao nya na di ko maintindihan. Dalawang linggo nagpatuloy ang ganitong relasyon namin ni Michelle hanggang sa may mga dumating na nagaayos ng CCTV ng room. Di na namin ginawa yung kalokohan namin ni Michelle dahil may CCTV na ulit at baka mahuli kami. Kasama ko yung sweet side ni Michelle na para bang tanggap ko na yung ganitong behavior nya kase nagbebenefit naman ako kaya okay lang siguro. Habang nagpaprocess kami side-by-side, lumapit sya sa kin at bumulong

"July, gusto mo ba mag hotel tayo pagkatapos ng shift?" yaya nya.

 Bigla akong nagulat sa sinabi nya at medyo tumigil sa pagpaprocess at napatingin sa kanya habang sya ay nakatingin sa kin na nakangiti. Mukhang eto na ang araw na mabibinyagan ang tulad kong no girlfriend since birth.

More Chapters