WebNovels

Chapter 155 - Chapter 153: Grand finals

Binuksan ni Jacian ang gripo at binasa ulit ang kanyang buhok na hindi pa tuluyang natuyo matapos niya itong basain kanina. Nakasandal si Just sa lababo habang abala ito sa kanyang cellphone, naka-ekis sa kanyang tiyan ang kanyang kaliwang braso na pinapatungan ng kanyang kanang siko.

Ilang sandali ang makalipas nang balingan niya si Jacian na nakaharap sa labado. "H'wag kang magbabad sa tubig, ingatan mo ang kamay mo." Saad niya nang buksan ulit ni Jacian ang gripo at isahod doon ang kanyang kamay.

Pinatay niya ang gripo at humugot ng tissue para punasan ang kanyang kamay. "Hindi ko alam, hindi talaga ako ginaganahan." Aniya habang seryusong pinupunasan ang kanyang kamay.

"Mukhang kulang pa yung ginawa ko kanina." Biglang saad ni Just.

"Huh?" Tanong ni Jacian at nag-angat ng mukha para tingnan si Just ngunit hindi siya nakapalag nang isama siya ni Just papasok sa loob ng cubicle.

Samantala, sa loob ng break room kanina pa nag-uusap sina Coach Dang para sa huling game ng series at pare-parehong naagaw ang kanilang atensyon sa pinto nang bumukas iyon at pumasok ang dalawa nilang teammates na kanina niya pa hinihintay.

Naglakad si Coach Dang palapit sa kanila at inilagay ang dalawang niyang kamay sa kanyang bewang. Tiningnan niya ang kanilang team jungler at mid laner habang nababahiran ng mabigat na ekspresyon ang kanyang mukha.

"Tuwing pagkatapos ng game nalang kayo pumupunta sa CR, antagal niyo pang bumalik! Ano bang ginagawa niyo sa CR?!" Sermon sa kanila ni Coach Dang.

Just: "."

Jacian: "..."

Pareho silang natigilan. Pagkatapos ng ilang segundo bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Coach Dang nang may mapagtanto siya.

Coach Dang: "!!!"

Holy shit! Bakit nga ba nakalimutan niyang ang kanilang jungler at mid laner. Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng dalawa at mataman lang na nakatingin sa kanya. Awkward na tiningnan ni Coach Dang ang dalawa at hindi alam kung anong sasabihin, mabuti nalang at kumatok ang staff sa kanilang break room at sinabing magsisimula na ang match. Nakahinga naman ng maluwag si Coach Dang at sinabihan ang mga players na pumunta na sa stage.

Nagsimulang mag-ingay ang mga audience at umikot ang camera para camerahan ang mga streamers at costplayers na naka-upo VIP row. Ito ang huling laban ng grand finals at dito na malalaman kung sino ang tatanghaling kampeon ng domestic. Maririnig ang malakas na sigawan ng mga fans sa side ng GOT-G nang banggitin ng commentators ang kanilang fandom, at lumakas din ang sigawan sa side ng FTT nang banggitin ng commentators ang kanilang fandom. Pinakita din ng mga fans ng FTT ang nakapalaking black and gold banner na may nakasulat na 'For The Throne' at may logo ng FTT sa gitna.

Makikita din ang mga merch na hawak ng mga streamers at costplayers at ikinaway nila iyon sa camera, halos lahat ng chibi na hawak ng mga babaeng streamers ay puro kay Jacian. Napansin din iyon ng mga commentators at hindi maiwasan ang hindi kumantyaw.

Commentator Zia: "Grabe, halos lahat ng mga naggagandahang mga girls sa ating VIP row puro chibi ni Boss ang hawak. Iba si Boss."

Commentator Waver: "Pogi kasi siya eh tapos maputi pa."

Bahagyang natawa si Commentator Zia: "Wow, sa'yo pa talaga nanggaling yan." Saad niya. "Bukod doon sa pogi at maputi, bonus nalang yung malakas, diba?" Aniya na kaagad sinang-ayunan ni Commentator Waver. "Alright, at ito na ang huling laban ng ating grand finals at kasalukuyang 3-3 ang score. Pinakita narin kanina ang prediction rate at parehong nakakuha ng 50% win rate ang dalawa nating teams." Manghang saad ni Commentator Zia at binalingan si Commentator Waver. "Parang ngayon lang ata nagkaroon ng tie ang prediction rate, tama ba?"

Nang itanong iyon ni Commentator Zia, pinakita rin sa big screen ang prediction rate ng mga grand finals sa nagdaang season at tama nga si Commentator Zia dahil walang tie sa mga prediction rate at halos 5% at 10% ang agwat ng dalawang teams, ngayong season lang nagkaroon ng tie sa grand finals.

Mabilis na natapos ang 5 seconds countdown at nagsimula na ang blind pick. Nasa blue side ang FTT kaya sila ang unang pipili, marami ng hero ang hindi p'wedeng gamitin at akala ng dalawang commentators ay tatagal ang first pick ng FTT ngunit limang segundo lang ang makalipas nang kumuha kaagad ng hero ang FTT.

Parehong nagulat ang dalawang commentators dahil sa first pick.

Commentator Zia & Waver: "Wow! Xuance!" Gulat na saad nilang dalawa.

Hindi pa nagagamit si Xuance sa PKL tournament at may zero win rate. Ito ang unang beses na makikita nila si Xuance at sa kamay pa ng Great Demon King. Ito na nga ba yung sinasabi ng dalawang commentators na pambibigla ng FTT at hindi nila inaasahan na pick phase palang ay mangyayari na. Hindi rin nagtagal ang pick phase sa side ng GOT-G at kinuha nila si Feyd para kay Lessen at Lady Zhen para kay Shadow.

Hindi naman alam ng dalawang teams kung ano ang mga kukunin nilang hero kaya kumukuha lang sila ng hero base sa mga line-up na nagamit na nila at kung saan sila magaling o di kaya'y kung anong line-up na sa tingin nila ay magagawa nilang makuha ang victory. Makikita naman sa side ng FTT na kinuha nila si Nuwa para kay Jacian, si Nuwa na kilala ng mga gamers sa linyang 'You can run, but you can't hide' dahil napakalayo ng kanyang ult.

Ngunit sa mga nagdaang matches ng FTT hindi nila nakitang ginamit ni Boss si Nuwa at ito ang unang beses na gagamitin ni Boss si Nuwa sa playoffs. Hindi nila alam kung ano ang gameplay ni Boss kay Nuwa dahil hindi rin nila ito nakikitang ginagamit ni Boss sa livestream, maging sa history ng kanyang account ay hindi rin nila nakikita si Nuwa. Ang akala nga nila hindi gumagamit ng Nuwa si Boss nun nagulat nalang din sila nang lumabas ang pick ng FTT.

Mabilis na kumuha ng mga hero ang dalawang teams at isang hero nalang ang kulang sa FTT, wala pang hero si Gem at kasalukuyang hinuhulaan narin ng dalawang commentators ang p'wede niyang maging hero.

Commentator Waver: "Hindi na p'wedeng mag Dolia si Gem para sana sa double ultimate ni Nuwa. Wala naring Zhang Fei, pero p'wede pa naman yung Mozi."

Commentator Zia: "Yeah, maganda yung combo nila ni Nuwa. Kapag na CC ni Mozi sabay ult ni Nuwa, ganda nun. Sobrang safe din ni Nuwa 'pag Mozi."

Commentator Waver: "Pero ano kaya ang pipiliin ni Coach Dang para dito kay Gem, p'wede pa naman silang mag Mozi pero---WOAW!" Gulat na bulalas niya. "Kui! Si Kui ang magiging last pick ng FTT para kay Gem!" Hindi makapaniwalang lintaya niya.

Commentator Zia: "Hindi natin inaasahan na makikita natin si Kui ngayong series, ngayon lang din gumamit ng Kui si Gem. Nagamit niya narin si Kui pero dalawang season na ata ang makalipas, ngayon nalang natin ulit siya makikita sa kamay ni Gem."

Commentator Waver: "Parang ang hirap naman gumamit ng Kui ngayong game kasi may Feyd sa GOT-G, halos lahat may mobility tapos Marco Polo pa yung marksman."

Hindi mapigilan ni Commentator Zia ang hindi matawa. "Wala siyang pake, kahit maraming mobility yung kalaban mag-KuKui parin ako."

Commentator Waver: "Mahirap 'yan kasi maraming mobility yung kalaban pero... sila na 'yan eh, kaya na nila 'yan." Natatawang saad ni Commentator Waver.

Maging ang mga viewers ay nabigla din ngunit ano pa nga bang aasahan nila kay Gem.

[Hala, Kui talaga ang gagamitin ni Gem?]

[Hirap namang mang-hook kasi maraming mobility yung GOT-G.]

[Hindi mahirap yan para kay Gem, siya na 'yan eh, kaya niya na 'yan.]

[Bakit parang andaming hook ng FTT? Si Just may hook din.]

[???]

Hindi na pinatagal ng dalawang commentators at matapos ang blind pick ay kaagad naring pumasok sa game. Pinaghalong kaba at excitement ang maririnig sa sigawan ng mga fans na animo'y mas kabado pa sila kaysa sa mga players. Huling game nalang din ito ng series at tournament sa PKL kaya binigay na nila ang kanilang suporta.

Parehong disiplinado ang dalawang teams dahil tamang linis lang muna ng minions ang kanilang ginagawa, alam din nila ang kakahayahan ng isa't isa kaya kailangan nilang pag-isipan ng mabuti bago sila manggulo. Hindi rin nagbalak magnakaw si Lessen kahit na malakas ang kanyang mobility dahil kasalukuyang nasa loob pa siya ng sarili niyang jungle at hindi siya p'wedeng mamatay sa loob ng 4 minutes.

Halos pantay lang din ang gold ng dalawang teams hanggang sa maabot nila ang level 4. Nang umabot sa 4 minute mark at mag-spawn ang overlord/tyrant, pumunta doon ang GOT-G para kunin iyon ngunit pumunta din doon si Gem para magbigay ng vision. Ngunit para bang walang takot ang GOT-G kahit na nandun na si Gem at mabilis na sinayaw ang tyrant ngunit isang bar nalang ang HP nun nang daanan iyon ng ultimate ni Nuwa.

(FTT.Boss) Crucial Kill Theft

Audience: "WOOOHHH!!"

Napahiyaw ang dalawang commentators maging ang mga audience dahil sa accurate na posisyon ng ultimate. Sa limang players ng FTT si Gem lang ang nandun para magbigay ng vision dahil kahit si Just ay kasalukuyan pang nasa loob ng kanyang jungle para linisin iyon, mukhang binigay narin ni Just ang tyrant kay Boss na siya na ang bahala doon at nagawa naman ni Boss katulad ng inaasahan ni Just. Hindi na nila kailangang maghirap at sumayaw ng napakatagal doon sa may tyrant pit.

Bumalik narin sa sariling jungle ang GOT-G at kinuha nalang ang blue buff ngunit habang kinukuha iyon ni Lessen, makikita sa big screen na pagkatapos makuha ni Boss ang tyrant at mag-retreat si Gem, nag-u-turn si Gem para bumalik at dumaan sa river patungo sa blue buff ni Lessen, tinapon niya ang kanyang hook sa blue buff ni Lessen at nagawa itong makuha.

Commentator Zia: "Woo! Nakuha niya yung blue ni Lessen."

Commentator Waver: "Mn, parang ang gawa lang dito ni Gem manggulo. Guguluhin niya lang yung GOT-G. Tumaas 'din ang heart rate ni Lessen nung nakuha ni Gem yung buff niya. Sa lahat ng players ng PKL si Gem lang ang alam kung gumagamit ng Kui, at sobrang hirap gumalaw kapag itong hero ang hawak ni Gem kasi kaya niyang i-CC yung limang hero."

Commentator Zia: "Mahihirapan ata yung GOT-G kumuha ng resources dito, kailangan nilang i-assist si Lessen para makuha ni Lessen yung mga golem niya. Kasi p'wedeng pumunta si Gem sa jungle ni Lessen tapos i-hook yung mga golem. Wala siyang makukuhang resources nun."

Nagkaroon ng maliit na teamfight sa may mid lane sa pagitan ng mid laner at support ng dalawang teams, palitan lang ng mga skills ang nangyari ngunit makikitang mainit ang mga players at halos iniiwasan nila yung mga skills na binabato nila sa isa't isa. Ito yung sinasabi nilang 'nahulaan ko ang hula mo'

Tumagal ang maliit na teamfight sa mid lane at sumama narin yung dalawang jungler, samantalang nanatili namang nasa kani-kanilang lane ang marksman at clash laner.

Dumaan si Just sa damuhan at tinapon ang kanyang hook, dumikit iyon kay Shadow at ibinagsak si Shadow sa kabilang side kung saan naroon si Gem at Jacian, pagbagsak ni Shadow doon ginamit naman ni Gem ang kanyang hook para i-hook si Shadow at i-suppressed ito, sinubukang iligtas ni Lessen si Shadow ngunit pagbaba niya nadikitan siya ng hook ni Just at ibinagsak din doon. Habang nasa ganung posisyon sina Shadow at Lessen, dinaanan sila ultimate ni Nuwa.

(FTT.Boss) RAMPAGE! (GOT-G.Shadow)

(FTT.Boss) DOUBLE KILL! (GOT-G.Shadow)

Commentator Zia "Wow! Grabe naman!" Hindi mapigilang komento niya. "Grabe yung positioning, nilagay talaga si Shadow at Lessen doon sa lane para isahang ult lang ni Boss!"

Commentator Waver: "Sabi kasi ni Boss sayang yung ult ko kung isa lang yung tatamaan, tsaka mag-asawa kasi 'yan eh dapat sabay sila hanggang kamatayan."

Commentator Zia: "Mainit ang dalawang teams natin, antagal nung palitan ng skills doon sa may mid lane at akala ko nga hindi na mahohook ni Just yung isang player doon ng GOT-G pero wala siyang kaba na lumapit at kunin si Shadow para ibagsak doon sa kabilang side."

More Chapters