WebNovels

Chapter 154 - Chapter 152: Grand finals

[Sus, h'wag kayong umasa na FTT ang magiging domestic champion. Baka magulat kayo kapag nag-sweep reverse.]

[Sa huli pa naman bumabawi yung GOT-G, lalo na yung LS dou. Pinagloloko lang nila yung FTT nauto din kayo, hindi mananalo ang isang team sa GOT-G kung hindi ibibigay ng GOT-G ang game.]

[Hoy! Tao sa d'yan sa taas, sana lang mapanindigan ng GOT-G yung sinasabi mong pang-uuto baka kasi kailangan niyo pang utuin yung GOT-G na natalo sila dahil inuto nila yung FTT.]

[At sino namang coach ang papayagan ang kanyang team na i-dog show yung grand finals?]

[Yun nga eh, hindi kasi magpatalo yung mga fans ng GOT-G.]

Habang mainit ang scrolling comments sa official live broadcast ng PKL, pinakita naman sa big screen ang prediction rate ng mga viewers at audience sa HoK community at makikitang umangat ang porsyento ng win rate ng FTT at ang 49% ay naging 60% samantalang bumaba naman ang win rate ng GOT-G at nakakuha lang sila ng 40% mula sa mga viewers.

Pumasok na sila sa game 5 at kung mapapansin, napakaraming hero na hindi nila p'wedeng gamitin ngunit naging mabilis ang blind pick na animo'y hindi sila nauubusan ng hero. Makikita nanaman sa side ng FTT ang mage hero na bihira nilang makita at iyon ay walang iba kundi si Shi na hawak ni Boss. Hawak din ni Lucky ang kanyang signature hero na si Hou Yi at mukhang magkakaroon nanaman ng combo sa pagitan ni Just, Boss at Lucky.

Ngunit malakas ang line-up na kinuha ng GOT-G lalo na sa mid game at malalayo ang kanilang range, nasa GOT-G si Pei para kay Lessen na isang jungler core at si Gan&Mo na hawak ni Shadow. Hindi na nakapag-react si Lucky nang sunod-sunod siyang tamaan ng skills ni Shadow at na-slain sa baba ng tower, kasama din si Gem sa namatay nang tamaan siya ng poke ni Pei. Maganda ang naging set ng GOT-G ngayong game 5 at lagi nilang nahuhuli si Jacian dahil alam ng GOT-G na siya ang magpapahirap sa teamfight. Silang dalawa ni Lucky ang naging target locked kaya dumadami narin ang kanilang deaths.

Nilapag ni Jacian ang kanyang gaming phone sa mesa at sumandal sa gaming chair, masyadong malakas ang damage ng GOT-G dahil sa early palang ay binigay na nila lahat ng resources kay Shadow at kitang-kita naman kung gaano kalakas ang ult ni Shadow kapag naka-item na ito. Gustuhin man nilang dikitan si Shadow ay hindi rin nila magawa dahil nand'yan si Lessen na nakabantay kung may mang-gagank kay Shadow. Hindi alam ni Jacian kung paano i-comback ang control nila sa mapa dahil lagi ring namamatay si Lucky at hindi nila ma-drag sa late game, tumatagal narin ang death recap kaya mabilis na napabagsak ng GOT-G ang kanilang high ground.

"Hindi kaya guys, hindi na 'to kayang i-defend." Saad ni Jacian.

"P'wede akong mag-rotate." Suhestiyon ni Just. Plano niyang mag-rotate at pasekretong linisin ang minion wave para nakawin ang crystal ng GOT-G ngunit umiling si Jacian.

"Walang time, Captain. Nagamit na natin yun kanina, siguradong binabantayan na ng GOT-G ang bawat sulok ng mapa ngayon."

Tumango si Just bilang pagsang-ayon. Pinakita sa big screen ang heart rate ng mga players at makikitang hindi naman nakaramdam ng mabigat na pressure ang FTT dahil stable pa naman ang kanilang heart rate at umabot lang iyon ng 94, nanatiling 51 ang heart rate ni Just at kalmado rin ang kanyang ekspresyon ngunit parehong nagulat ang dalawang commentators nang makita ang heart rate ni Boss.

Sa limang players ng FTT, si Jacian ang may pinakamataas na heart rate at umabot iyon ng 187. Alam ng dalawang commentators na mataas talaga ang heart rate ni Boss dahil lagi namang mataas ang kanyang heart rate sa mga nagdaang matches ngunit nagtataka sila dahil hindi naaapektuhan nun ang kanyang gameplay, nagagawa niya parin ng maayos ang kanyang trabaho na parang hindi siya kinakabahan. Nagtataka tuloy ang dalawang commentators kung kinakabahan ba talaga si Boss o hindi.

Nanatili namang kalmado ang mga players ng FTT kahit na may babagsak na malaking problema sa kanilang harapan, nagsimula nang mag-push ang GOT-G at hindi narin tumagal ang teamfight dahil nahuli kaagad ni Shadow si Lucky at ito ang unang namatay.

(GOT-G.Shadow) GODLIKE! (FTT.Lucky)

(GOT-G.Shadow) DOUBLE KILL! (FTT.Boss)

(GOT-G.Lessen) Defeated (FTT.Just)

(GOT-G.Thorn) Defeated (FTT.Gem)

(GOT-G.Thorn) DOUBLE KILL! (FTT.Blue)

ACED!

Nag-tower lock na ang GOT-G hanggang sa tuluyan nang sumabog ang crystal ng FTT.

DEFEAT

Isang game nalang sana panalo na sila at magiging domestic champion ngunit nakuha pa ng GOT-G ang game 5, sobrang lakas din kasi ng line-up ng GOT-G at maganda ang kontrol nila sa mapa kaya hindi nakakuha ng magandang set ang FTT. Inaasahan narin ng FTT na mai-extend ang series at hindi sila makakakuha ng 4-1 o 4-2 dahil sino ba ang kalaban nila? Ang GOT-G na ilang beses ng naging domestic champion at kasalukuyang pinakamalakas na team sa PKL. Matalo man nila ang GOT-G ngunit hindi iyon magiging smooth.

Dumeritso si Jacian sa CR at binuksan ang gripo, sinahod niya doon ang kanyang kamay at naghilamos ng malamig na tubig. Hindi kakikitaan ng kahit na anong ekspresyon ang kanyang mukha at kalmado lang siyang nakaharap sa salamin, pumapatak ang tubig sa lababo na nanggagaling mula sa kanyang baba. Habang nasa ganun siyang sitwasyon, narinig niyang bumukas ang pinto at pumasok si Just. Tiningnan niya lang ito mula sa repleksyon at binuksan ulit ang gripo para maghilamos.

Lumapit si Just at humugot siya ng tissue bago iyon inabot kay Jacian, kinuha naman iyon ni Jacian at pinunasan ang kanyang mukha at kamay.

"What's wrong?" Tanong ni Just habang nakasandal sa lababo at matamang nakatingin kay Jacian.

Bumagal ang kilos ni Jacian ngunit mabilis niya namang inilingan si Just bilang sagot. "Wala naman, pakiramdam ko lang hindi ako ginaganahan." Sagot niya, tinuyo niya ang kanyang kamay at inihulog sa trash can ang tissue.

Ilang sandali ang makalipas nang maramdamang niyang hiwakan ni Just ang kanyang balikat at halikan siya sa baba. Bahagyang huminto ang paghinga ni Jacian ngunit kaagad naman siyang nakabawi, lumayo narin si Just para bigyan ng distansya ang kanilang mukha at inangat ang kanyang kamay para suklayin ang basang buhok ni Jacian. Ginamit niya ang sleeve ng kanyang team jacket para punasan ang noo nito.

"Magsisimula na ang susunod na match." Saad ni Just.

"Mm."

Dumilim ang stage nang mamatay lahat ng spotlight pati narin ang big screen, ngunit nang muli iyong bumukas makikita ang 5 seconds countdown para sa blind pick ng game 6.

Commentator Zia: "Kasalukuyang 3-2 ang score at 3 points para sa FTT. Isang paalala ulit, BO7 or best-of-seven po ang ating format at kailangan nilang makakuha ng 4 points para sa tatanghaling kampeon ng PKL."

Pinakita ulit sa big screen ang prediction rate at makikitang mas lamang ang win rate ng GOT-G at nadagdagan iyon ng 10%.

Sa game 6, nagdesisyon si Coach Dang na kumuha ng line-up na malakas ang healing at playsafe dahil sobrang lakas ng GOT-G sa teamfight at lagi silang nasa disadvantage. Magaling ang GOT-G sa teamfight at halos lahat din ng mga matches na napanalunan nila ay dinadaan nila sa kakaibang teamfight.

Matapos ang blind pick, makikitang napaka-playsafe ng mga hero na kinuha ng FTT at kinuha din nila si Di Renjie para kay Lucky at Sakeer para kay Gem. Kalmado lang ang FTT sa early at halatang i-dadrag nila ito sa late game dahil si Lucky ang mapagkukunan nila ng malakas na damage. Ngunit parang mga gutom na halimaw ang GOT-G at nagtipon silang lima sa may mid lane para durugin si Jacian.

First blood!

Nakuha kaagad ang first blood matapos makaranas ng VIP treatment ang mid laner ng FTT. Gamit ni Jacian si Lady Zhen at matapos niyang i-freeze ang kanyang sarili nang gamitan siya ng skills combo, ginamit niya rin ang kanyang flash pabalik sa tower ngunit tinower dive siya ni Lessen gamit ang hero nitong si Lam at dinrag palabas ng tower.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Jacian habang nakatingin sa hero ni Lessen na nag-retreat kasama ang apat niyang teammates. Nagulat ang mga players ng FTT maliban kay Jacian nang puntahan ito ng lima at i-target lock, hindi lang sila ang nagulat, maging ang dalawang commentators at mga audience.

Commentator Zia: "VIP treatment yun ah, 1v5 sa mid lane."

Commentator Waver: "Si Boss talaga yung target dito ng GOT-G kasi mahihirapan si Lam pumasok sa teamfight kapag may Lady Zhen tapos mataas yung damage. Tsaka Angela din kasi yung gamit ni Shadow, walang effect yung ult niya kapag naka-freeze si Lady Zhen kaya naisip ng GOT-G na baka si Boss yung magpapahirap sa kanila sa laro."

[Shit! Grabe, pinagpiestahan si Boss dun ah.]

[Hahaha! Durog pala 'yang trash niyo eh.]

[Sino kaya ang hindi mamamatay kapag pinagtulungan ka ng limang hero na may tatlong skills bawat isa?]

[Yuck! Ang hina ng GOT-G, kailangan pa nilang mag-macro para patayin si Boss, eh si Boss nga kaya silang patayin kahit mag-isa lang.]

[Dumilim yung mukha ni God J nung lumabas yung first blood tapos si Boss.]

Mga lolo ni Boss: [???]

Umabot ng mid game at tama nga ang hinala ng dalawang commentators na si Boss ang magiging target locked ng GOT-G dahil kanina pa siya dinadalawan ni Lessen at pinagtutulungan. Hindi makapag-clear ng maayos si Jacian hanggang sa mag-collapse ang mid lane. Sa t'wing mapapatay siya ni Lessen lagi nitong tinatapaktapakan ang kanyang corpse dahilan para matawa ang mga audience at viewers.

[Hala, ginaganti ba ni Lessen si Shadow kay Boss?]

[LMAO.jpg.] [Parang ganito yung ginawa ni Boss doon sa corpse ni Shadow nung nagkasama sila sa rg. Kapag napapatay niya si Shadow nun lagi niyang tinatapakan yung corpse eh.]

[Syempre, ginaganti lang ni Lessen yung jowa niya.]

[???]

[Kawawa si Boss, walang nag-rerevenge para sa kanya.]

[Hintayin niyong maka-level up si God J.]

Tumagal ang match at makikita ang sunod-sunod na notification ng system.

(FTT.Just) GODLIKE! (GOT-G. Lessen)

(FTT.Just) DOUBLE KILL! (GOT-G.Shadow)

(FTT.Just) TRIPLE KILL! (GOT-G.Little)

(FTT.Just) QUADRAKILL! (GOT-G.Right)

(FTT.Just) PENTAKILL! (GOT-G.Thorn)

ACED!

Sa isang initiate ng teamfight sa may overlord, na-wipe out ni Just ang GOT-G.

[Holy shit...]

[What the...]

[Just?]

Nagulat ang mga viewers ngunit hindi nila maiwasan ang hindi mapamura.

[Fuck! Parang hungry beast! Grabe, parang gutom na aso.]

[Yan na ba ang tunay na lakas ng Great Demon King.]

[Ano pa bang revenge ang gusto niyo? Yan na guys, nag-revenge na si God J para kay Boss. Sabi ni Just, yan ang gusto niyo diba, sige durugin niyo pa yung Honeybam ko.]

[LMAO. Kanina pa kasi pinagpepiestahan ng GOT-G yung Honeybam niya. Sinasabi ko h'wag niyong gagalitin ang isang Great Demon King.]

[Grabe kung makakuha ng kill eh, kala mo asawa yung dinurog.]

Nagkaroon ng advantage ang FTT nang ma-ACED ang GOT-G ngunit hindi iyon sapat para makuha nila ang victory. Nakapag-defend ang GOT-G at dahil mas mataas ang kanilang damage kumpara sa FTT, nabaliktad ang sitwasyon at nagawa nilang pasukin ang high ground ng FTT. Sa huli natalo parin ang FTT nang mag-tower lock ang marksman ng GOT-G na si Thorn.

Ngunit natalo man ang FTT, hindi ramdam ng mga fans na talo sila dahil sa unexpected at unforgettable na pentakill ni Great Demon King.

Panalo parin ang GOT-G sa game 6 at kasalukuyang 3-3 na ang score, isang game nalang ang natitira at nang ipakita sa big screen ang prediction rate pumantay din ang percent ng dalawang team at parehong nakakuha ng 50%. Maging ang mga commentators ay hindi kayang hulaan kung sino ang mananalo dahil sa side ng GOT-G, alam nilang marami ng experience at gamay na ang blind pick at strategy pagdating sa pagpili ng hero, ganun din sa loob ng match. Ngunit sa side naman ng FTT, laging may panggugulat. Kaya hindi alam ng dalawang commentators kung sino ang mananalo dahil baka nasa advantage na ang GOT-G rapid biglang manggugulat nanaman ang FTT, o baka hawak na ng FTT ang game space tapos may advantage pa pala ang GOT-G.

More Chapters