WebNovels

Chapter 156 - Chapter 154: Grand finals

Simula nang magkaroon ng teamfight sa may mid lane, hindi na humupa ang mapa at hinihingal narin ang dalawang commentators dahil sa kasisigaw. Sila na ang kinakabahan sa t'wing magkakaroon ng teamfight at agawan ng mga objectives, nagmukhang brawl yung match dahil walang nagpapapatay at nag-reretreat kahit na kakaunti nalang ang laman ng kanilang HP bar, maghihiwalay lang ang dalawang teams kapag isang bar nalang ang kanilang HP, wala ng recovery, at nakacooldown ang kanilang mga skills.

Parehong nag-retreat ang dalawang teams at pumunta si Lessen sa kanyang blue buff para kunin iyon ngunit habang kinukuha niya iyon bigla siyang dinaanan ng ultimate ni Nuwa.

(FTT.Boss) Unstoppable! (GOT-G.Lessen)

Napahiyaw nanaman ang mga audience pati narin ang dalawang commentators na kakapahinga palang matapos nilang i-analyze kanina ang teamfight sa puntong halos mabulol na sila.

Commentator Zia: "Sabi ko na nga ba eh, hindi pa tapos ang laban. Grabe naman talaga si monster mage, napatay niya na si Lessen, nakuha niya pa yung blue buff."

Commentator Waver: "Ang hirap pala kapag Nuwa yung gamit ni Boss, akala ko Da Qiao lang ang hindi p'wedeng ibigay sa FTT pero si Nuwa din pala. Hindi sila makakapag-farm ng maayos niyan, andaming nawalang buff kay Lessen dahil kung hindi man mahook ni Gem, nakukuha ni Boss gamit yung ultimate."

Commentator Zia: "Yeah, at hindi niya na kailangang lumapit, gamitin niya lang yung ultimate sa tamang posisyon makukuha niya na yun, kaya hindi makakaganti si Lessen."

Commentator Waver: "Sakit nun noh? Yung binubully ka pero hindi ka makaganti. Si Feyd pa naman dapat ang papatay kay Nuwa kasi 'yan yung mga kalaban na gusto ni Feyd eh, yung malalayo ang range para kapag nilapitan niya hindi makakalaban. Pero baliktad ang nangyayari, si Lessen pa ngayon ang napapatay ni Boss."

Nang umabot sa 10 minute mark, parehong pumunta sa overlord pit ang dalawang teams para kunin iyon. Tumagal ang sayawan doon at umabot ng 3 minutes ang sayawan, naghihiyawan narin ang mga fans para ilabas ang kanilang excitement at kaba dahil kasalukuyang hindi nagkakalayo ang gold ng dalawang teams at kanina pa mainit ang laban. Nakahanda rin ang smite ng dalawang jungler at parehong naghahanap ng timing.

Samantalang, nasa mid lane naman ang dalawang mage para linisin ang minion wave habang sinasayaw pa nila ang overlord, ngunit sad'yang napakatagal ng sayawan doon at nainip si Gem kaya nang itapon niya ang kanyang hook nahuli niya yung marksman ng GOT-G sabay flash patungo kung saan ang kanyang mga teammates.

Napahiyaw nanaman ang dalawang commentators maging ang mga audience nang pagtumpukan kaagad iyon ng FTT ngunit mabilis namang sumapi doon ang support ng GOT-G na si Little gamit si Yaria, mabilis na sinagip ng GOT-G si Thorn kaya hindi iyon tuluyang napatay ng FTT at isang bar nalang ang HP nang makatakas. Nagkaroon ng teamfight doon malapit sa overlord pit at gustong itulak ng GOT-G ang teamfight patungo sa jungle ng FTT ngunit hindi pumayag ang FTT na gawin iyon ng GOT-G at mabilis na nag-react.

Gamit si Guan Yu, dinala ni Blue si Shadow patungo kay Just at ginamit naman ni Just ang kanyang hook para kunin si Shadow at ibagsak sa kabilang side, nang bumagsak si Shadow sa kabilang side na-hook naman siya ni Gem, ganun uli ang ginawa nila sa ibang players ng GOT-G at literal na pinagpasapasahan para ilinya at daanan ng ultimate ni Nuwa.

Napatay ng FTT si Shadow at si Right kaya support at marksman nalang ang kasama ni Lessen. Sinubukang kunin ni Lessen ang kanyang red buff ngunit ginamit nanaman ni Gem ang kanyang hook at hinila iyon. Sinubukan niyang kunin ang kanyang blue buff ngunit ginamit ni Jacian ang kanyang ultimate at ninakaw iyon, hindi naman namatay si Lessen ngunit kumalahati ang kanyang HP.

Nagsimulang maubos ang towers ng GOT-G at tinrabaho lang ng shadow vanguard ang farm lane na kanina ay full pa ang mga tore. Ngunit hindi pa matatapos ang laban dahil nagawang linisin ni Thorn ang mga shadow vanguard pati narin ang minion wave. Wala ng tower ang GOT-G nang mabuhay sina Shadow at Right, hindi narin makakuha ng jungle camps si Lessen at nag-retreat na sila sa kanilang crystal para simulang mag-defend. Ito ang unang beses nilang mag-defend sa grand finals at ang masaklap pa, ito rin ang huling game.

Nang ipakita sa maliit na parte ng screen ang mukha ng mga players ng GOT-G, mapapansin ang pressure sa kanilang mukha at ang mabigat nilang paghinga, malamig sa loob ng venue ngunit makikita ang butil-butil na pawis sa kanilang noo at ang madalang na pagkurap ng kanilang mga mata. Nakatuon ang kanilang atensyon sa gaming phone na animo'y ayaw na nilang kumurap. Nagsisimula naring tumaas ang kanilang heart rate at ang heart rate ni Shadow na laging 80 ay umabot ng 167. Hindi siya na-pressure ng ganito ngunit ngayon maging ang kanyang kamay ay nanginginig na.

Nagsimula nang mag-push ang FTT kasama ang tatlong wave ng minions, maaga nilang nalinis ang minions ng GOT-G kaya walang minion wave ang GOT-G. Nang maabot nila ang bukana ng crystal ng GOT-G, lumiko si Gem at ginamit ang kanyang hook para mag-initiate kaagad ng teamfight. Nagulat ang GOT-G dahil sa bilis ng pag-atake ni Gem at wala na silang nagawa nang damputin sila ng mga hook ng FTT at ilabas sa crystal. Nakatakas pa si Thorn na dalawang bar nalang ang HP at tumago sa likod ng kanyang mga teammates ngunit dinaan siya ng ultimate ni Nuwa.

Hindi na pinatagal ng FTT ang laban dahil nag-tower lock na si Lucky habang nasa teamfight ang kanyang mga teammates at pinasabog ang crystal ng GOT-G.

VICTORY!

Commentator Zia & Waver: "Congratulations FTT!" Malakas na sigaw ng dalawang commentators.

Panalo sila! Panalo sila sa huling game ng grand finals!

Makikita sa match area ng FTT na patalon nilang tinanggal ang kanilang noise-cancelling headphones at mahigpit na niyakap ang isa't isa habang umaapaw sa tuwa. Maging ang mga fans ay napatayo habang winawagayway nila ang hawak nilang mga merch para damayan ang FTT.

"Congratulations FTT!" Anunsyo ng dalawang host stage na silang paakyat sa hagdan. Maririnig iyon sa buong venue at tumutok lahat ng spotlight sa FTT na nakayuko habang pabilog na magkakaakbay. "FTT reigns supreme! Congratulations on your well-deserved domestic championship title!"

Makikita sa napakalapad na audience area ang malaking black and gold banner na inangat ng mga fans, sinusuportahan nila ang FTT at sinisigaw ang pangalan ng champions.

Umakyat narin si Coach Dang sa stage para puntahan ang kanyang teams at kaagad niyang niyakap ang kanyang mga players nang makalapit na siya. Mahula-hulang niyakap ni Coach Dang ang kanyang team dahil sa hindi mapigilang tuwa, pagkatapos ng ilang season nagawa ulit nilang makapasok sa grand finals at maging domestic champion. Tinapik ni Just ang kanyang balikat kaya kumalma narin si Coach Dang at dinala ang kanyang team sa gitna ng stage dahil hinihintay na sila ng dalawang host para i-angat ang malaking trophy.

"Ladies and gentlemen, the moment we've all been waiting for... And the champions lift the trophy high!"

Nang sabihin iyon ng dalawang host, sabay-sabay nilang inangat ang trophy at umulan ng gold na confetti mula sa taas. Tumutok sa kanila ang mga spotlight at napakaraming camera ang kumislap para kunan ng litrato ang napakagandang sandali na animo'y huminto ang lahat. Makikita sa big screen ang nangyayari sa stage at lalong nag-ingay ang mga fans nang hawakan ni Just si Jacian sa balikat na siyang paalis na sana ngunit bahagyang napahinto, akala ng mga audience kung anong gagawin ni God J ngunit nakita nilang niyaya niya lang ito mag-selfie sa trophy.

Kanya-kanyang selfie ang mga tao sa trophy hanggang sa kausapin ng dalawang host ang FTT para sa ilang mga katanungan. Kaunti lang naman ang hinandang tanong ng dalawang host at hindi narin nagsalita ang ibang players, si Coach Dang at Lucky lang ang sumagot sa mga tanong hanggang sa matapos ang maiksing interview.

Pagkatapos ng mahabang sandali at natapos na ang kaganapan sa grand finals, pumasok na sa team van ang FTT dala ang kanilang trophy. Nawala ang pagod nila dahil sa kanilang pagkapanalo ngunit napalitan naman iyon ng gutom, sinabi naman ni Coach Dang na kanina niya pa inutusan ang kanilang lead coordinator na magpa-reserve ng table sa isang restaurant. Natuwa naman si Lucky at napakasaya niya samantalang sumandal naman si Jacian sa upuan at nagdesisyong matulog. Inayos ni Just ang kanyang ulo at pinatong iyon sa kanyang balikat.

Malapit lang ang restaurant na napili ng kanilang lead coordinator at wala pang 30 minutes narating na nila. Nakapag-order narin ng pagkain si Lacey at kasalukuyan itong nakatayo sa gilid ng mesa habang may katawag, nang makita nito si Just at ang iba kaagad itong kumaway.

"Wow! Alam na alam mo talaga ang paborito ko, Ate Lacey." Saad ni Lucky habang nakatingin sa malalaking alimango at malulutong na hipon.

Ngumiti naman ang kanilang lead coordinator. "Syempre, congratulations guys, parating palang yung cake." Saad niya at binalik sa bag ang kanyang cellphone.

Bahagya namang kumunot ang noo ni Coach Dang at hinila ang upuan para doon umupo. "Cake? Hindi naman kita sinabihan na mag-order cake." Nagtatakang tanong niya.

Tumango si Lacey. "Inutusan ako ni Mrs. Sojurn na mag-order ng cake, ang sabi niya bayad niya na yun."

Nakahinga naman ng maluwag si Coach Dang at sinabihan ang kanilang lead coordinator na umupo na para kumain.

"Wala ba tayong alak?" Tanong ni Blue habang nakatingin sa kanyang baso na may lamang juice. Nag-cecelebrate sila ngayon kaya hindi p'wedeng walang alak.

Tiningnan naman siya ni Coach Dang. "Nag-order ako. H'wag kayong magpakalasing may interview kayo bukas."

"Bukas kaagad?" Tanong ni Lucky.

"Mn, tuwing kinabukasan naman talaga ang interview." Sagot ni Coach Dang.

Nang ihatid na ang alak sa kanilang mesa, sinalinan ni Blue ang mga baso ngunit sinabi ni Coach Dang na h'wag papainomin ng alak si Jacian, hindi rin naman umiinom ng alak si Jacian kaya inilingan niya rin si Blue.

"Dahil hindi ka iininom, idadagdag ko kay Captain ang sa'yo." Saad ni Blue at binigyan si Just ng dalawang baso.

Jacian: "..."

"H'wag mong papainomin si Just ng marami, kapag nalasing 'yan tingin mo kaya naming pasanin ni Jacian 'yan?" Ani Coach Dang.

Hindi naman nagsalita si Just at tinungga lang ang alak na sinasalin ni Blue sa kanya. Tumawa pa si Blue at sinalinan ang baso ni Just bago tinungga ang bote, binalingan ni Coach Dang si Jacian ngunit bahagya lang ngumiti si Jacian at napailing.

Pagbalik nila sa base, hirap na pinasan ni Coach Dang at Jacian si Just paakyat ng second floor at ipasok sa dorm nito. Mabuti nalang at nakakapaglakad pa si Blue at kusa itong bumalik sa kanyang dorm, samantalang binuhat din ni Gem si Lucky at nilagay ito sa dorm bago pumunta sa kabilang corridor at bumalik sa sarili niyang dorm.

Antok na tinapik ni Coach Dang ang balikat ni Jacian at nagpaalam na itong bumalik bago niya sinara ang pinto.

Tiningnan niya si Just na nakahiga sa kama at nilapitan niya ito para tanggalin ang team jacket, tinanggal niya rin ang relo nito maging ang silver bracelet ngunit bahagya siyang napahinto nang makitang wala sa kamay ni Just ang silver bracelet. Ilang sandali ang makalipas nang maalala niyang binigay sa kanya iyon ni Just kanina at suot niya parin ito hanggang ngayon.

Tinanggal niya iyon sa kanyang pulsuhan at nilapag sa mesa ni Just. Tinanggal niya rin ang sapatos ni Just at inayos ito ng higa, ngunit habang inaayos niya ang posisyon ni Just napahinto siya nang magising ito.

"Umaga na?" Paos na tanong ni Just habang nakakunot ang kanyang noo, ang kanyang mukha ay nababahiran ng pagtataka.

"Umaga ka d'yan, gabi palang." Sagot ni Jacian at kinuha ang kumot para kumutan ito ngunit hinawakan ni Just ang kanyang kamay at hilahin siya nito pahiga sa kama. Hinawakan niya ang balikat ni Just nang halikan siya nito ng ilang segundo bago ito humiwalay at yumakap sa kanya. Nahilo si Jacian sa loob ng dalawang segundo dahil sa amoy ng alak. Tiningnan niya si Just na ngayon ay nakasiksik ang ulo sa kanyang leeg habang nasa bewang niya ang kamay nito. Napakamot si Jacian sa kanyang kilay.

Mabuti nalang at malakas ang air-con sa loob ng dorm ni Just at kahit sumiksik si Just hindi siya naiinitan. Hindi pa siya inaantok pero dahil hindi siya makaalis, binuksan nalang ni Jacian ang kanyang cellphone para paantukin ang kanyang sarili.

Pagbukas niya sa kanyang cellphone nakita niya ang upcoming video call mula kay Chase at sasagutin na sana iyon ni Jacian ngunit naalala niyang nakayakap nga pala sa kanya si Just.

Jacian: "!!!"

More Chapters