WebNovels

Chapter 176 - Chapter 6

Ano'ng sabi mo kani-kanina lamang?! Hahaha... Ito ka ngayon sa aking kamay at literal na hawak-hawak kita sa leeg. Hindi mo ko kaya Human Demon Chief Frant!" Nakangising sambit ni Nimbus habang makikita ang kasiyahan sa mukha nito.

Ngunit mabilis siyang nakaramdam ng enerhiya mula sa kaniyang likod at doon ay mabilis siyang sinuntok ng malakas ni Human Demon General Criouse.

"BOOGSHHHH!"

Isang malakas na pagtilapon sa malayo ang kinahinatnan ni Nimbus sa hindi inaasahang pangyayaring ito.

"Hmmp! Nakalimutan mo atang nandito pa ko hahaha... Ang pinakaayaw ko sa lahat ay tinatalikuran ako grrrr..." Galit na sambit ni Human Demon General Criouse na animo'y hindi niya aakalaing tuso rin ang nilalang na si Nimbus upang unahin ang lampang si Human Demon Chief Frant.

"Andiyan ka pa pala? Akala ko kasi ay patay ka na tsaka parang langaw ka lang naman sa paningin ko, why bother?!" Sambit ni Nimbus na hindi siya tiningnan nito. Kasalukuyan itong pinagpag ang kaniyang sarili mula sa malakas na pagkakatilapon dulot ng pangahas na nilalang na si Human Demon General Criouse.

"Hmmmp! Ikaw...! Naiinis na talaga ako sa pag-uugali mo, akala mo ay sobrang lakas mo na pero hindi mo ko kaya bugok dahil mapapatay kita sa maliit na porsyento lamang ng aking kapangyarihan!" Nanggagalaiting mbit ni Human Demon General Criouse habang makikita ang determinasyon sa mukha nito na gusto niyang mapaslang ang misteryosong nilalang na si Nimbus.

"May mali ba sa pag-uugali ko? Determinado akong hindi mo ko mapapatay kahit ilang libong ulit mo akong gustong paslangin. Hindi kasi umaasa sa aking sarili lamang na kakayahan o kapangyarihan. Hindi parehas sa iban diyan puro daldal nalang at sneak attack nalang ang alam. Sabihin mo sino ang nakakahiya sa atin?! Tinaguriang Martial Stardust Human Demon Expert pero pweehhh! Isa ka lang naman pipitsuging alalay ng lahi niyo, isang utusan, isang alila at isang basurang miyembro ng basurang lahi niyo hahahaha!" Sambit ni Nimbus sa mapang-asar na tono. Gusto niya talagang ipakitang hindi siya maaapi ng paghuhusga ng mga hambog at mahihinang human demon na ito. Ang bloodline ng mga ito ay unti-unti ng nagdecline pero parang nagtataka siya dahil sa pangyayaring ito lalo na sa kaso ni Sect Master Black Crow kung saan ay may lahi itong Human Demon pero isa siyang Black Crow na siysng ikinakabahala niya.

"Hmmp! Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan lalo na ang lahing aking kinabibilangan? Isa ka lamang hamak na nilalang na maaari naming tirisin at mayroon akong ilang libong paraan para paslangin ka!" Sambit ni Human Demon General Criouse habang nakangisi.

"Hahahaha... Edi subukan mo para malaman natin kung kaya o may kakayahan kang pigilan ako. Hindi yung daldal ka ng daldal ay wala ka namang abilidad upang paslangin ako hahahaha..." Malademonyong sambit ni Nimbus habang hindi nito mapigilang humalakhak.

Maya-maya pa ay biglang lumiwanag ang buong katawan ni Human Demon General Criouse habang makikita ang determinasyon nito sa kaniyang mukha.

"Kung gayon ay humanda ka sa gagawun kong atake dahil hindi ako magdadalawang isip na mapaslang ka!" Sambit nito habang makikita ang kakaibang ngisi nito.

"Aasahan ko yan..." Simpleng sagot ni Nimbus habang hindi ito nakatingin kay Human Demon General Criouse.

"Oh talaga ba?! Sige, tikman mo to!" Sambit ni Human Demon General Criouse haabmg animo'y mabilis itong nawala sa kinaroroonan nito at doon ay mabilis nitong pinagsusuntok si Nimbus ngunit tanging iwas lamang ang nagagawa ni Nimbus rito at animo'y naglilikha sila ng ritmo ng isang sayaw ngunit ang binibitawang atake ni Human Demon General Criouse ay nakakamatay at napakalakas. Kahit sinong mga Martial God Expert o mga may mabababang cultivation levels ay siguradong magigimbal at mahihintatakutan sa napakaepikong labanan ng Martial Art Experts na sina Human Demon General Criouse at ng misteryosong nilalang na nakaitim na balabal na nagngangalang Nimbus.

Habang papatagal ng papatagal ay papatindi ng papatindi ang nagyayarimg sagupaan at labanan ng dalawang panig na ito. Kung titingnan nga ang postura at kaanyuan ng dalawa ay aakalain mong si Nimbus pa ang nagmumukhang kontrabida rito. Nakabalot ang buong katawan at may kasamang nakakatakot na dambuhalang halimaw na tinatawag na Primal Golden Ape. Sino ang mag-aakalang ang Undead Cultivators at mga Primal Golden Apes ay mga fortitious encounter lang naman ng isang batang paslit noon na si Van Grego ngunit ngayon ay napakalakas na ng mga ito.

Kahit magmukha pa man kontrabida si Nimbus sa mga nilalang na nakakasaksi sa mainit na labanan nila ni Human Demon General Criouse ay wala siyang pakialam. Alam niyang lakas ang kailangan sa mundong ito at hindi ang popularidad lamang dahil bunga lamang ito lahat ng kalakasan.

Kasalukuyan pinagsusuntok at pinagsisipa si Nimbus ni Human Demon General Criouse habang nasa closecombat position sila. Halos walang magalawan si Nimbus sa uri ng pakikipaglaban na ito ngunit kahit na ano'ng sipa at suntok na natatanggap nito ay animo'y nagiging balewala o walang epekto ang lahat ng ito sa kaniya. Tanging mumunting galos at sugat lamang ang natatamo ni Nimbus ngunit kataka-takang hindi siya tumalsik rito na siyang ipinagtataka ni Human Demon General Criouse.

Ano'ng nangyayari? Bakit ganito ang resulta ng labanang ito?! Sabihin mo, kumain ka ba ng Forbidden Pills?! Sabihin mo!" Sigaw ni Human Demon General Criouse kay Nimbus habang mabilis itong lumayo nang makaramdam siya ng ibayong pagtataka sa pangyayaring ito.

"Hahaha... Inutil! Masyado kang naging bulag-bulagan at hindi mo napapansin ang mga bagay-bagay. Napakahina mo na kanina pa at mas humihina ka pa haabng lumilipas ang oras. Alalahanin mong isa ka lamang Cultivation Copy. Ngayon ay oras na para ako naman para ako ang magpahirap sa'yo!" Malademonyong sambit ni Nimbus habang pinapatunog pa nito ang kaniyang buto sa kamay. Hindi niya hahayaang hindi siya makaganti rito.

"Hindi ako naniniwala, isa kang mahina at ako? Ako lang naman ang pinakamalakas. Tingnan natin kung ano'ng mangyayari sa'yo sa oras na maglaban tayo gamit ang aking tunay na katawan at katauhan. Pupulbusin kita ng buhay at pahihirapan ko ang kaluluwa mo sa ilang libong uri ng paghihirap na alam ko hahahaha...!" Malakas na sambit ni Human Demon General Criouse habang mabilis itong nawala sa lokasyon nito at ramdam niyang lumayo ito ng ilang metro mula sa kanina nitong lokasyon.

"Hindi maaari ito, natunugan niya na ang aking plano. At plano pa ata nitong bumalik sa totoong katawan nito. Kapag nangyari iyon ay mahihirapan akong labanan ang isang tunay na Martial Stardust Realm. Sa tingin ko ay dalawang lebel na ang natagumpayan nitong magbreakthrough kaya nangangamba akong hindi ko ito kakayanin kahit magsama-sama pa kaming pitong mga undead Cultivators. Hindi pa huli ang lahat dahil nandito pa ang Cultivation copy nito. Kung suswertehin siya ay maaari niyang mapatay ang totoong Human Demon General Criouse sa oras na mapinsala niya o mapaslang ang Cultivation copy nito. Hindi pa kasi nito naaabot ang mataas na lebel ng Cultivation kung saan ay maaari nitong ikonekta mismo sa kasalukuyan ang kaniyang Cultivation copy liban pa roon ay isa lamang itong talisman. Sa oras na mawalan ng bisa ito ay magiging purong enerhiya ito at doon nga ay malalaman niya ang lahat st tataas pa ng husto ang lakas nito at comprehension idagdag pa ang alaala na makukuha niya mula rito. Hindi niya hahahyaang mangyari ito kaya mabilis niyang sinundan ang direksyong tinahak ni Human Demon General Criouse at wala siyang pakialam sa mahinang Human Demon Chief na nagngangalang Frant. Kailangan niyang mapaslang ngayon ang Cultivation Copy ni Human Demon General Criouse bsgo pa makasanib ito o makaabot sa lugar nito dahil siguradong masasaalang-alang ang buhay niya. Confident siyang matalo ang Cultivation Copy ng Human Demon General na ito pero confident pa ba siya kapag nagkaharap sila ng isang tunay na Martial Stardust Realm Expert kagaya ni Human Demon General Criouse na isang boundary ang agwat nitong Cultivation level sa kaniya?! Iyan ang nakakatakot na senaryong gustong iwasan ni Nimbus.

Mabilis niyang pinaulanan ng mga flying daggers ang kinaroroonan ang tumatakas na si Human Demon General Criouse ngunit sumasablay ito. Hindi maipagkakailang iba talaga ang lakas ng isang Martial Stardust Realm Expert. As expected sa isang Martial artist na nakatapak sa Cultivation na Martial Stardust Realm Expert na mayroong kakayahang maging flexible ang katawan sa airflow at trajectory ng gusto nitong iwasang bagay. Pero napatawa lamang soya dahil kahit ano'ng lakas ng mga ito ay hindi sila makakatapak sa Earthen Realm kung saan ay mas nakakatakot at nakakagimbal ang mga kakakayahan ng mga nakatapak rito.

"Nice try Nimbus pero di mo ko mahahabol hehehe...!" sambit ni Human Demon General Criouse habang mabilis na tumakbo papalayo. Hindi niya magagamit ang kaniyang pares na pakpak dahil medyo masukal itong gubat na pinasukan niyang direksyon. Akala niya ay sapat na ang kaniyang bilis upang matakasan ang misteryosong nilalang na si Nimbus ngunit nagkakamali siya ng kaniyang inaakala dahil nakaya siya nitong masundan ganon-ganon lamang siguro ay mayroon itong mga kayamanan sa katawan lalo na at para mapabilis nito ang galaw nito. Gusto niya ring makuha ang mga ito sa pamamagitan nito. Mabilis lamang siyang napangisi at napangiti dahil sa kaniyang naiisip na mga plano. Hindi niya gustong umuwo ng walang nakukuhang bagay.

"Yan pala ang gusto mo Nimbus, pwes pagbibigyan kita hahaha... Sambit ni Human Demon General Criouse sa kaniyang isipan at mabilis na tinahak ang isang makipot na lugar na salungat sa direksyong tinatahak niya kanina. Maya maya pa ay nakarating sila sa isang nakakatakot na bahay.

Napaisip-isip naman si Nimbus. Hindi niya aakalaing napakatuso palang heneral si Criouse para ihatid siya sa lugar na ito. Habang tumatakbo siya ng mabilis sa kakahuyan o kaya minsan ay sa mga sanga ng puno ay maya-maya ay nakita niyang nakatayo na lamang si Criouse malapit sa lumang bahay. Lumapag siya ilang metro lamang ang pagitan nila.

"Oh, bakit ka tumigil?! Nagbago na ba ang isip mo na ako'y paslangin?!" Sambit ni Human Demon General Criouse habangnakalagay ang kamay sa kaniyang baba habang makikita ang animo'y nagtatakang ekspresyon nito sa kaniyang mukha.

"Hahahahaha... Hindi ako nagbabago ng desisyon noh. Sa palagay mo ba ay hindi kita mapapaslang pwes nagkakamali ka! Ang isang katulad mo ay dapat ng mamatay dahil sa marami mong kasalanang maka-hayop o maka-demonyo at kung mabubuhay ka pa ay marami ka pang inosenteng buhay na idadamay." Galit na sambit ni Nimbus at sinubukan nitong humakbang ngunit ayaw ng kaniyang paang humakbang pa.

Napangisi naman si Human Demon General Criouse sa kaniyang nakikitang sitwasyon ni Nimbus habang hindi ito makagalaw sa kinatatayuan nito.

"Maganda ba ang pagkakagawa ko ng aking Human Demon Sticking Array?! Hehehe..." Malademonyong sambit ni Human Demon General Criouse habang hindi mapigilang malakas na ngumisi. Maya-maya pa ay may hawak itong malaki at mahabang espada na halos dalawang kamay mismo nito ang humahawak. Ito ang kahinaan ng Cultivation Copy ng totoong Human Demon General Criouse dahil tanging ang depensa ng pakpak nito at ang bilis lamang ang naikopya niya rito pero sampong porsyento na ng kaniyang Cultivation ang nagmait niya rito. Isa rin itong pagsasayang ng pansariling kayamanan.

Mabuti na lamang at matataas ang mga mayayabong na puno sa lugar na ito kung kaya't malayang makakalipad si Human Demon General Criouse nang hindi umaapak sa lupa.

"Hahahaha... Kawawang nilalang ka Nimbus. Ang pagiging pakialamero mo sa bagay na hindi mo kayang lutasin ay wag mong ipagpilitan ang sarili mo. Ang iyong nalalapit na kamatayan ang siyang isisisi mo sa iyong sarili dahil masyado kang mahina para labanan ako kaya tikman mo ang talim ng aking espada!" Sambit ni Human Demon General Criouse habang mabilis nitong nakalapit sa kinaroroonan ni Nimbus. Isang malakas na paghataw nito ng espada ang kaniyang ginawa at doon ay animo'y isang ngiting tagumay ang kaniyang pinakawalan.

Ngunit labis na lamang ang gulat niya ng mahataw niya ang kaniyang espada at nahati lamang ang katawan ni Nimbus at doon ay walang tumambad sa kaniya na anumang talsik ng dugo.

"Isang afterimage, Hindi maaari ito!!!!" Galit na sambit ni Human Demon General Criouse sa napakalakas na tono.

"Nagulat ka ba?! Ano ako uto-uto? Kung hindi mo tinatanong ay isa rin pala akong Formation Master kaya wag mo kong patawanin sa basic formation arrays ng inyong basurang lahi hahaha... Ngayon ay ipapalasap ko sayo ang tunay na Sticking Array Formation!" Nakangising sambit ni Nimbus habang nasa ibabaw siya ng puno. Alam na kasi nito ang patibong na inihanda ni Human Demon General Criouse dahil bilang Formation Master ay nakikita niya ang formation lines kahit nakapikit pa ang mata niya. Isa lamang itong basic formation array at walang espesyal na katangian kung saan ay maikukubli nito ang formation lines. Sa katotohanan ay alam ni Nimbus na walang abilidad o kakayahan si Human Demon General Criouse na gumawa ng formation array dahil sa mga pauna nitong mga reaksyon at kilos lalo na ang pag-activate ng array. Kung totoong formation array ito ay kayang-kaya nitong lakaran ang safezone ng formation array maging ang kalakasan ng Array. Sa kabuuan, niloloko lamang ni Human Demon General Criouse ang sarili nito katulad na lamang ng paghahanap nito ng isang matigas na bato para ipukpok sa sarili niyang ulo.

"Formation Array Skill: Sticking Array Formation!" Agad na nagsagawa si Nimbus ng isang malawakang skill ng kaniyang natutunan tungkol rito. Hindi man niya masasabing napakalakas niya sa ganitong propesyon pero sa walang kamuwang-muwang na si Human Demon General Criouse patungkol sa Formation Array.

"Hahahaha, kahit magsagawa ka man niyang ay wala ka pa ring magagawa dahil nakakalipad ako kumpara sa iyo na sobrang bagal mo na ngang tumakbo ay hindi ka pa nakakalipad hahahahaha!" Malademonyong sambit ni Human Demon General Criouse habang hindi niya hahayaang mayurakan lamang siya ng misteryosong nilalang na si Nimbus.

"Yun ang inaakala mo pesteng Human Demon. Nakalimutan mo atang hindi ako nag-iisa hahahaha!" Humahalakhak na sambit ni Nimbus hanggang sa isang hindi inaasahang pangyayari ang nangyari sa lugar na ito.

Bigla na lamang lumitaw sa himpapawid ang isang dambuhalang halimaw atmabilis na bumulusok pailalim habang ang dalawang kamay ng Primal Golden Ape ay nakadikit.

"Primal Golden Ape Skill: Holy Smash!"

"Hindi ito maaari! Hindi ako maaaring mamatay rito!" Sambit ni Human Demon General Criouse habang ibinalot niya ang kaniyang sarili ng kaniyang animo'y matitibay na pakpak. Kompiyansa siyang mapoprotektahan siya nito sa atake ng halimaw.

BOOGGGSH!

Isang malawakang pagsabog ang nangyari sa lugar na ito kung saan ay lumikha ng nakakabinging tunog ng pagkawasak ng lugar. Hindi maipagkakailang nabulabog ang buong lugar na ito lalo na ang mga nilalang na nakatira rito kagaya ng mga Martial Beasts.

Nakatingin lamang si Nimbus sa pinangyayarihan ng napakalakas na pagsabog sa lugar mismong nililiparan ng Cultivation Copy ni Human Demon General Criouse kung saan ay kumpiyansa itong mapoprotektahan siya ng matitibay nitong pakpak.

"Isang mangmang na nilalang. Kahit na Cultivation Copy Talisman lamang ito ng tunay na Human Demon General Criouse ay nakakairita ang boses nito. Hindi ko aakalaing pati ang pag-uugali nito ay nadala nito lalo na kahambugan. Tingnan natin ngayon kung kanino ang huling halakhak!" Sambit ni Nimbus habang mabilis niyang pinuntahan ang kaniyang mount na walang iba kundi ang Primal Golden Ape na isang Warrior Beast. Anong binatbat ng mga mahihinang human Demon Beasts sa isang Warrior Beast Level na mga nilalang?! Tanga lamang sila upang hindi malaman na napakadelikadong nilalang ang mga ito pero ito siya, sinasakyan niya lamang ang ito na animo'y isa siyang maharlikang nilalang habang unti-unting nawawala ang kaniyang pigura sa kadiliman ng gabing ito tandang tapos na ang misyon nito. Wala na siyang pakialam pa sa mga Hybrid Sect Master o sa Human Demon Chief Frant na iyon dahil mas malaking personalidad ang nasugatan niya ng malubha. Isa itong matagumpay na misyon para sa kanilang mga Undead Cultivators. Masasabi niyang isang magandang simula ito sa kanila at nakapag-ensayo sila ng malaki na siyang nagbunga rin ng malaki.

More Chapters