"Hahaha... Ang sakit naman ng pagkakabagsak ko. Parang nabalian ata ako ng buto." Sambit ni Nimbus habang pinatunog pa ang bawat buto niya sa kaniyang katawan maging ang kaniyang mga daliri na balot rin ng mga kakaibang gloves.
Agad namang nagpupuyos sa galit ang damdamin nina Human Demon Chief Frant lalong-lalo na si Human Demon General Criouse dahil sa nahihimigan nila ang pagiging sarkastiko ng misteryosong nilalang na nagngangalang Nimbus. Hindi sila tanga para hindi mahimigan ang gusto nitong iparating. Parang sinasabi o ipinapahiwatig nito na "Lakasan mo naman yung atake mo, parang nahirapan ka pang ihagis ako eh hahaha." Hindi niya na gusto pang mapahiya ng ganito kahit na wala silang manonood. Isa na itong malaking sampal sa mukha nila at suntok sa pagiging lalaki nila. Halos manginig ang kamay nito na pormang kamao sa higpit ng pagkakakuyom nito. Halos wala siyang makitang pag-inda man lang ni Nimbus o nagkabali-bali ba ang mga buto nito at kung mangyari man ito ay siya na si Human Demon General Criouse ay magdidiwang saclaniyang tagumpay pero parang sa panaginip niya lamang ito mangyayari at hindi sa reyalidad na kinaroroonan niya ngayon.as ikinuyom niya ng mahigpit ang kaniyang kamao at doon ay naglalabas ng itim na enerhiyang sarili niya mismong kapangyarihan.
Ngunit nabigla siya ng masuri niyang maigi ang leeg ni Nimbus at doon ay nakita niya ang isang ginintuang bagay sa mismong leeg nito. Hindi siya tanga para makaramdam ng pagkabahala dahil alam na alam niya kung ano'ng uri ito o kung ano ang gamit ng bagay na ito.
"H-hindi m-maaari ito... Pa-papaanong me-meron kang gorget na gawa sa kakaibang enerhiya na kayang pasuin ako?! Ano'ng klaseng bagay iyan ha?! Isa ba iyang makapangyarihang armas?!" Nahintatakutang sambit ni Human Demon General Criouse dahil hindi niya aakalaing mayroong nakakamanghang bagay ito na nakatago sa leeg nito o kung sa leeg lang ba ito. Pinilit niyang magsalita ng tuwid kahit naguguluhan na siya sa pangyayaring ito.
Ano ba ang dahilan kung bakit naging ganito na lamang ang pagbaliltad ng sitwasyon in a way na hindi niya alam kung ano ang gagawin.
"Isal ang naman itong Gorget na gawa sa kakaibang metal. Isinuot ko lang naman ito dahil medyo bored lang ako at hindi ko aakalaing mapipinsala ka nito. Ang alam ko lang is allergic ito sa mga kadiring nilalang este pesteng nilalang hahaha... Di ko alam na nabibilang ka pala doon hahahaha..." Nagagalak na sambit ni Nimbus habang malakas pa itong humalakhak sa huli.
Napangiwi naman sina Human Demon Chief Frant lalong-lalo na si Human Demon General Criouse sa inaasal ng misteryosong nilalang na si Nimbus. Nakakarami na ata itong pambabara sa kanila lalo na sa napakasarkastiko nitong pananalita. Para sa kanila ay parang normal na atang gawain ito ng misteryosong nilalang na si Nimbus ang pagiging sarkastiko which is in a point na nakakainsulto na sa kanilang pagkatao maging ang pag-apak nito sa kanilang pride. Kung may award lang ang pagiging sarkastiko nito into the highest level ay walang dudang panalo na ito dahil tipong mang-iinis ka palang is naiinis ka na or naiinsulto. Para sa kanila ay napakahirap na makipag-usap rito at talagang ramdam nilang hindi sila sineseryoso nito at animo'y naglalaro lamang na siyang ikinaiinis nila o mas mabuting sabihing ikinakagalit nila.
"Pwede bang tigil-tigilan mo ang pagiging sarkastiko mo sa akin. Napakawalang-modo mong nilalang Nimbus. Talagang isinuot mo lamang ng aksidente? Tanga ba kami o talagang estupido ka rin? Wag mo kong padaanan ng kasarkastikuhan mo dahil hindi ako tanga katulad niyong dalawa!" Sambit ni Human Demon General Criouse haabng pinapatamaan ang mga salita niya kay Nimbus maging sa estupido nilang chief na si Human Demon Chief Frant.
"Bakit naman ako nadamay diyan Human Demon General Criouse?! Wala akong ginawang masama sa'yo ha. Bakit palaging mainit ang dugo mo sakin. Kaaway nating dalawa o ng lahi natin itong sarkastikong Nimbus na yan na---------!" Sambit ni Human Demon Chief Frant pero mabilis siyang pinutol sa kaniyang pagsasalita ni Human Demon General Criouse.
"Yan, gumagana na naman pagkatanga mo... Estupido ka talaga at tanga... Kung siya ay may award na best Sarcastic creature award eh ikaw naman ay Best in Stupidity award at Best in katangahan na kaabnormalan Award grrrrr!" Sambit ni Human Demon General Criouse na animo'y nasa dulo na ng psgputok ng kaniyang frustrations sa lugar na ito. Magkahalong inis at galit ang nararamdaman niya.. Halos umusok na ang ilong nito sa sobrang frustrations dahil sa pangyayaring ito. Yung feeling na halos hindi mo na mai-handle ang pangyayaring ito pero andun pa rin yung inis mo sa kasama mong tanga-tangahan.
"Ano'ng ekspresyon yan Crayons? Canyons? Catol?! Ano ba pangalan mo pero anyway demonyo ka naman eh kaya pwede ko na ring itawag sa'yo is weakling demon 1..." Sambit ni Nimbus habang tinitingnan si Human Demon General Criouse na animo'y parang wala lang, yung nakikipag-usap na parang isa lamang itong maliit at ordinaryong insekto.
Maya-maya pa ay ibinaling nito ang tingin niya kay Human Demon Chief Frant habang tinitingnan ang kabuuan nito.
"Sino ka nga ba?! Frank? Flat? Flant? Mas bagay sayo pangalang weakling demon no. 2! Yun na nga lang para di naman ako mahirapan sa tinatawag niyo at talagang may Human Demon talaga?! Dapat weakling demon pangalan niyo dahil sabi niyo nga diba hindi kayo tao. Total sobrang hina niyo rin naman ay bagay lamang ang Weakling Demon 1 &2 para marepresent niyo ang lahi niyong napakasama at isang basurang lahi na dapat ikahiya!" Sambit ni Nimbus habang walang makikitang pagkasarkastiko kundi purong galit. Binabalik niya lang ang sinabi sa kaniya noon na sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang salitang Weakling Human No. 1, no. 2... Hanggang sa Garbage Human, Little Pig Human at Toxic Human na siyang ikinagalit niya ngayon. Kasi yung nararamdaman niya ngayon ay parang gusto niyang ibalik lahat ito sa lahi ng mga Human Demons na walang awang nang-iinsulto sa kanilang mga Human Race to the point na kinamumuhian nila ito at walang awang pinatay para sa pagigjng ganid ng mga ito sa kapangyarihan.
Natigilan naman sina Human Demon Chief Frant at Human Demon General Criouse ngunit agad namang napangisi si Human Demon General Criouse sa damdaming inilalabas ni Nimbus.
"Hahahaha... Sino kaya sa atin ang galit hahaha... Mabilis lamang kitang mapapatay ngayon kaya humanda ka!" Sambit naman ni Human Demon General at agad na nawala sa pangalawang pagkakataon sa kinaroroonan niya. Mabilis niyang binigyan ng napakaraming suntok si Nimbus ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mabilis itong naiiwasan ni Nimbus na dahil sa bilis rin ng paggalaw nito ay nag iiwan ng afterimages na siyang halos hindi makapaniwala si Human Demon General Criouse maging si Human Demon Chief Frant na nanonood lamang.
Maya-maya pa ay pinaghusayan at binago ni Human Demon General Criouse ang kaniyang panibagong istilo ng pakikipaglaban sa pamamagitan ng pagbago sa kaniyang punch movement. Halos dumoble pa ang mga afterimages nila na aakalain mong napakarami nilang mga parte ng katawan. Doon nga ay mabilis niyang natamaan si Nimbus sa tagiliran nito at bumulusok sa kabilang direksyon.
"Hindi ko aakalain na isa kang brawler type na Human Demon ay nakakamangha naman. Pero pasensya ka na dahil ganon rin ako hahaha..." Mabilis na pinagpag ni Nimbus ang kaniyang sariling itim na balabal na animo'y ayaw nitong madumihan na siyang ikinainis rin ng dalawa. Isa kasi itong indikasyon na minamaliit ka ng iyong kalaban at hindi nagustuhan lalo na ni Human Demon General Criouse ngunit wala na itong naisip pa nang mabilis na lumitaw sa harapan niya ang misteryosong nilalang na si Nimbus.
Agad naman nakaramdam si Human Demon General Criouse ng ibayong sakit sa kaniyang tiyan at mabilis siyang bumulusok sa ibang direksyon ngunit maya-maya pa ay nakaramdam siya ng ibayong sakit sa likod nito habang sa makailang sakit sa katawan ang natanggap nito at ininda saka siya bumulusok sa malayo na siyang naglikha ng malaking pagsabog.
Napakasakit ng katawan ni Human Demon General Criouse dahil sa matinding pagkakasuntok ni Nimbus sa kaniya. Agad na tumulo ang masaganang dugo sa gilid ng kanyang labi at mabilis niya ito isinuka.
Hindi niya aakalaing mayroong nilalang na kayang tapatan ang kaniyang combat capabilities. Biruin mo at mabibilang lamang sa kaniyang kamay ang nakatalo sa kaniya rito at hindi niya hahayaang hamakin lamang siya ng nilalang na ito.
"Nakatsamba ka lang at masyado ka atang kampante. Hindi mo ko matatalo!" Agad niyang pinahid ang sarili niyang dugo dulot ng marahas na atake ni Nimbus.
"Hahaha... Makakaya mong indahin ang atake ko pero paano kaya ang nilalang na naririto na siyang pinoprotektahan mo?! Makakaya mo kayang pigilan ang mangyayari sa kanya?! Hahahahaha...!" Malademonyong sambit ni Nimbus habang makikita ang kakaibang ngisi sa kaniyang katawan. Agad siyang mabilis na nawala sa ere doon naalarma si Human Demon Chief Frant.
"Hahahaha... Daan ka muna sa aking mga alagad bago mo ko mahawakan hahahaha!!!!" Sambit ni Human Demon Chief Frant at mabilis na nagsagawa ng skill.
"Mummified Puppet Skill: Defense Battle Formation!" Malakas na sigaw ni Human Demon Chief Frant habang mabilis na nagkaroon ng pagbabago sa katawan ng mga mummified puppets na biglang nagkaroon ng mga kulay pulang mga linya na animo'y ugat at mas pumula ang mata ng mga mummified puppets na animo'y mas naging mapanganib at mabangis ang mga ito. Doon ay pinalibutan si Human Demon Chief Frant na animo'y nasa isa siyang hari na mayroong kawal ngunit ang kaibahan lamang ay nagpormang siyang pabilog kagaya ng Ice globe. May kakaibang enerhiyang bumabalot sa labinlimang mummified puppets sa Defense Battle Formation
Doon nga ay mabilis na lumitaw si Nimbus sa kinaroroonan ni Human Demon Chief Frant na animo'y isa itong anyo ni kamatayan at mabilis na pinagsusuntok ang Defense Battle Formation na likha ng Mummified Puppet Skill nito.
"Pow! Pow! Pow!"
Bawat suntok na binibitawan ni Nimbus ay naglilikha ito ng malakas na shockwave na kita mismo ng mata kapag napapanood mo ito.
Napangisi na lamang si Human Demon Chief Frant sa giangawang pagsuntok ni Nimbus na animo'y tuwang-tuwa siya rito.
"Isa kang bubong nilalang Nimbus! Kahit ano'ng gawin mo ay hindi mo makakayang tapatan at sirain ang depensang taglay ng pinagsama-sama kong Mummified Puppets. Kung ako sa'yo ay sumuko ka na lamang hahaha!!!" Humahalakhak na sambit ni Human Demon Chief Frant habang makikita ang kasiyahan sa mukha nito.
Ngunit nagulat na lamang siya ng makitang nagkaroon ng mumunting bitak ang Visible na animo'y glass barrier na likha ng skill ng Mummified Puppets niya. Hahanapin niya pa sana si Sect Master Black Crow pero hindi niya man lang ito mahanap o mahagilap ang awra nito.
"Bwiset, humanda ka talaga sakin Sect Master Black Crow dahil pupulbusin kita kapag matagumpay kong mapaslang ang misteryosong nilalang na ito, lintik lang ang walang ganti!" Galit na saad ni Human Demon Chief Frant sa kaniyang isipan. Tinakasan lamang siya nito sa napakadelikadong sitwasyon na siyang ikinaiinis o mas mabuting ikinakagalit niya.
Dahil sa labis na pag-iisip ay hindi niya namalayang halos puro cracks na lamang ang makikita sa defense battle formation ng kaniyang Mummified Puppets at maya-maya pa ay nakita niya na lamang ang kaniyang sarili at ang labinlimang mummified puppets na tumalsik sa iba't-ibang parte ng lugar na ito. Halos hindi siya makapaniwala sa pangyayaring ito na kung saan ay nagawang wasakin ng misteryosong nilalang na nagngangalang Nimbus ang kabuuang depensa ng kaniyang Mummified Puppets Defense Battle Formation Skill nito.
Liban sa matinding sakit na kaniyang iniinda ay lubos siyang napaisip sa pangyayaring ito. Na hindi ordinary nilalang ang kalaban nila kundi isang halimaw na gusto silang puksain. Hindi siya makapaniwala na darating ang araw na mare-realized niya na mayroon palang nilalang ang malalakas pa kumpara sa lahi niya at wala siyang mahanap na kahinaan nito. Nasa pag-iisip siya na hindi siya maaaring mamamatay rito. Hindi hamak na mas malaki na ang sinayang niyang oras rito maging ang kaniyang alas ay halos paubos na ngunit nasa tough battle pa rin siya kung saan hindi niya alam kung ano ang maaari niyang gawin ngayon.
Maya-maya pa ay naramdaman niyang kusang tumaas ang kaniyang sariling katawan sa ere mula sa kaniyang marahas na pagkakabagsak kung saan ay hindi siya makabangon pero ito siya ngayon na nakalutang sa ere ngunit sa masakit na paraan at ito ay dahil kasalukuyan siyang mahigpit na sinasakal sa leeg ng misteryosong lalaking si Nimbus. Doon ay naalarma at nakaramdam siya ng ibayong takot na hindi niya pa nararanasan kundi ngayon lamang. Nasa sitwasyon siya ngayon kung saan lahat ng salita ay bumalik sa kaniya maging ang ibayong kahihiyan dulot ng kaniyang pagkatalo.