WebNovels

Chapter 177 - Chapter 7

Sa isang malawak na silid kung saan naroroon ang lalaking maihahalintulad sa nakalaban ni Nimbus ay maiging nagcu-cultivate at kasalukuyan itong nasa seclusion kung saan ay nagpapalakas pa ito ng lubusan. Hindi maipagkakailang nasa kalagitnaan ito ng pagcucultivate nang bigla na lamang itong napasuka ng sariwang dugo na siyang ikinagulat rin nito.

"Ano'ng nangyayari sa akin?! Hindi kaya... Hindi maaari?! Kahit na hindi pa ganon kalakas ang Cultivation Copy Talisman ko ay hindi maaaring matalo lamang iyon o mapaslang ng sinuman. Sino kang pangahas na nilalang ka upang kalabanin ako ng harap-harapan?! Malilintakan ka talaga sa akin kapag nalaman ko kung sino kang talaga at ipapalasap ko sa'yo ang aking paghihigante!" Sambit ng lalaking walang iba kundi si Human Demon General Criouse na nagpupuyos sa galit ang kaniyang damdamin habang tumutulo sa gilid ng labi nito ang napakasaganang dugo.

Agad niya itong pinahid at nag-concentrate sa pagcucultivate. Hindi niya aakalaing mas mapapahaba pa ang kaniyang pagtira rito sa malawak na silid na ito at ang inaasahan niyang pagtapak sa 3rd-Step Martial Stardust Realm ay lubhang napakalabo pa mula ngayon idagdag pang napinsala ang kaniyang sariling Cultivation dahil sa napaslang ang kaniyang Cultivation Copy.

"Humanda ka sakin pipitsuging insektong Frant ka, pagbabayaran mo ng malaki ang aking naging pinsala sa katawan. Kung bakit ba naman gusto siyang protektahan ni Boss hmmmp! Masyado ng malaki ang naipundar king pasensya at sisiguraduhin kong mayroon akong magiging benepisyo na makukuha at hindi lamang puro pasakit hmmp!" Sambit ni Human Demon General Criouse habang ikinakalma ang sarili maging ang kaniyang isipan. Ang awrang inilalabas niya sa katawan ay higit na malakas kumpara sa Cultivation Copy Talisman nito at kung lalabanan ito ni Nimbus ay siguradong hindi niya ito makakayanan. Ang lakas nito ay hindi hamak na malakas o maikukumpara ito sa lebel ng napatay noon ni Van Grego na Black Terra Spider sa kakaibang pamamaraan.

Agad niyang pinatawag ang kaniyang alagad gamit ang kaniyang isipan at doon ay mabilis na tumambad sa kaniya ang isang nakakapangilabot na nilalang.

"Hanapin mo si Human Demon Chief Frant na peteng nilalang na iyon. Paslangin mo ito ng hindi nag-iiwan ng bakas. Kung sakaling pumalpak ka ay alam mo na ang kahihinatnan mo hahahahaha!!!!" Sambit ni Human Demon General Criouse habang matalim nitong tiningnan ang nakakakilabot na anyo ng nilalang na ito o mas mabuting sabihing isa itong halimaw. Imbes na kamay ang makikita mo rito ay isang napakatulis na bagay ang nasa kamay nito maging katawan nito ay nakakatakot rin dahil mistula itong halimaw ngunit mala-tao lamang ang nilalang na ito. Hindi man lang mababakasan ng pagkabahala o pagkatakot si Human Demon General Criouse dito kundi natutuwa pang utusan ito.

"Shisshuuuurriinn krunikunnookk fiissssjurriinoo kiirrippiinooo ssaaaannnn..." Sambit nito na magalang na yumuko at mabilis na nawala sa lugar na ito.

"Tingnan natin kaya ngayon pipitsuging Frant kung hanggang saan ang swerte mo. Hindi ko aakalaing mas papaboran ka pa ng boss natin kaysa sa akin na isang Heneral ng ating lahi. Ngayon ay kailangan mo ng mamaalam sa mundong ito para makahinga ako ng maluwag dahil sa kamalasang hatid mo sa akin o sa lahi nating Human Demon!" Nanggagalaiting sambit ni Human Demon General Criouse habang mabilis nitong ipinikit ang dalawang mata nito habang may kakaibang ngisi na nakapaskil sa mukha nito.

...

"Anong gagawin ko?! Hindi ako maaaring manatili pa rito dahil baka balikan ako ng misteryosong nilalang na nagngangalang Nimbus. Ayoko pang mamatay sa lugar na ito!" Sambit ni Human Demon Chief Frant habang nababahala at natatakot sa kaniyang kaligtasan ng kaniyang buhay. Hindi niya gustong mamatay rito dahil marami pa siyang malaking planong gustong tuparin sa buhay na ito.

Agad niyang ipinawalang-bisa ang kaniyang skill dahil maging ang kaniyang enerhiya sa katawan ay halos masaid na rin maging ang kaniyang endurance ay lubhang humina dulot ng pagod at exhaustion sa walang katapusang labanang ito.

Biglang gumalaw ang mga mahahabang Demon Paper na bumalot sa katawan ng labimpitong mga Hybrid Sect Masters at doon ay tumambad ang nakakakilabot na itsura maging ng pangangatawan ng mga ito dahil mistulang namumula ang mga balat ng mga ito at namumula rin ang mga mata ng mga ito na animo'y hindi nakatulog ng ilang buwan na kulang na lamang ay maglabasan ang mga dugo sa mata ng mga ito. Maging ang kanilang pangangatawan ay mistula silang nangangayayat dulot nito. Hindi lubos akalain ni Human Demon Chief Frant na masyado niya atang nagamit ng matagal ang mga ito at naconsume ng mga Demon Papers ang indibiduwal na lakas o enerhiya ng mga ito.

Agad namang nakonsensya si Human Demon Chief Frant dahil dito. Wala namang kasalanan ang mga ito ngunit naiipit lamang siya sa isang sitwasyon kung saan ay masyadong malakas ang kaniyang kalaban at idagdag pang close combat martial Artist ito/ brawler kumpara sa kanya na isang melee or controlling branch lamang na martial artists. Malakas man ang abilidad niyang kumontrol pero sa harap ng mapamuksang atake ng kaniyang kalabang nagngangalaang Nimbus ay balewala lamang ang kaniyang mataas na kontrol sa mga Mummified Puppets halimbawa lamang kani-kanina ay nang sakalin siya ni Nimbus sa leeg ngunit wala siyang laban upang makatakas man lang sa brute force ng kamay nito na siyang isang absolute strength ng mga brawlers. Kung hindi lamang sa Cultivation Copy Talisman ni Human Demon General Criouse ay siguradong malamig na bangkay na lamang siya ngayon.

Maya-maya pa ay parang buhay ang mga mahahabang Demon Papers dahil kusang bumalik ito sa kamay ni Human Demon Chief Frant na maayos na nakarolyo at unti-unting nawala ang nakakapangilabot na enerhiyang inilalabas nito na ngayo'y parang ordinaryong papel na lamang kung titingnan.

Maya-maya pa ay itinapat niya ito sa isang lalagyan na nasa kaniyang bandang bulsa at mistulang nawala ito sa kaniyang kamay tandang itinago na niya ito roon. Masyado namang nakakabahala kung wala siyang lalagyan buti na lamang at isa siyang Human Demon Chief sa kasalukuyan kaya nakatanggap siya ng Middle Grade Insterspatial sack.

Maya-maya pa ay nangatumba ang labimpitong Hybrid Sect Masters sa kalunos-lunos nilang anyo. Halos hindi na nga ito makilala sa malayuan dahil kailangan mo pang suriin ang mga ito ng malapitan bago ma-identify. As expected sa kakaibang kapangyarihang taglay ng Demon Paper na personal na kino-cultivate ni Human Demon Chief Frant.

"Paalam!" Yan na lamang ang nasambit ni Human Demon Chief Frant ng mabilis niyang pinagana ang isang kakaibang talisman na walang iba kundi ang Escaping talisman. Bigla na lamang siyang nawala na parang bula sa lugar na ito.

Maya-maya pa ay nakita na lamang ni Human Demon Chief Frant ang kaniyang sarili sa isang masukal na kagubatan. natumba siya at napasuka na lamang siya ng sariwang dugo. Hindi na kasi stable ang lagay niya noong gamitin niya kani-kanina lamang ang Escaping Talisman na siyang nangangailangan ng ibayong lakas ng pangangatawan dahil sa taglay nitong pwersa kung saan ay mabilis kang ilalayo ng ilang metro o kilometro ayon sa kondisyon ng katawan mo. Sa palagay niya ay dalawang kilometro lamang ang inilayo niya mula sa kinaroroonan niya na walang iba kundi ang lugar ng Vampiric Bat Powerhouse. Ngsyon ay hindi niya alam kung saan siya. Hindi niya aakalaing masyado siyang napinsala noong bilang tumalsik siya ng malayo bago pa siya mahigpit na sinakal ng misteryosong nilalang na si Nimbus.

Agad siyang maingat na tumayo at pinilit na lumakad sa ilalim ng puno. Agad siyang gumamit ng Sound Transmitting Talisman upang padalhan ng mensahe si Sect Master Black Crow kung naroroon siya. Siguradong matatagpuan siya nito sa kasalukuyan niyang lokasyon dahil alam nito ang pasikot-sikot na lugar na teritoryo ng mga Hybrid Sect. Para masigurado niyang pupuntahan siya nito ay inilagay niya rin sa mensahe ma iyon ang mga malalaking pabuyang nakalaan lamang rito. Siguradong hindi nito mapipigilan ang temptasyon ng mga malalaking bagay at pabuyang maaari nitong matanggap.

Nagcultivate muna siya sa nakakakilabot na kapaligirang kinaroroonan niya. Mabuti na lamang at medyo malaki ang punong kinaroonan niya at kampante siyang hindi siya agad maaatake ng sinuman rito lalo na ng mga mababangis na mga Martial Beast o maski ng mga Wild Beasts.

Ilang minuto rin ang kaniyang pagcucultivate nang makarinig siya ng mga huni ng lumalakad papunta sa kinaroroonan niya. Masyado nang stable ang lagay niya ngunit hindi pa masyadong bumalik ang kaniyang normal na estado o lakas.

"Hindi ko aakalaing mabilis naman akong mahahanap ni Sect Master Black Crow. Masyado ata itong excited sa gantimpalang ikakaloob ko sa kaniya kaya masyado niyang binilisan ang kaniyang pagpunta rito hehe..." Masayang sambit ni Human Demon Chief Frant habang mabilis siyang sumilip sa labas ngunit yun din ang dahilan kung bakit mabilis siyang napatakip ng bibig.

"Anong ginagawa ng nakakakilabot na nilalang na ito? Isa lang naman ang alam kong mahilig mag-alaga nito at eksperimentuhan ang mga ito kundi si Human Demon General Criouse. Hindi kaya ako ang gusto nitong paslangin. Sa lagay ko ngayon ay imposible akong makakalaban rito ng harap-harapan kaya magpapadala na lamang ako ng mensahe kay Admiral!" Sambit ni Human Demon Chief Frant sa kaniyang isipan. Masyado siyang naiipit sa delikadong sitwasyon. Kung mamamatay man siya ngayon ay hindi niya hahayaang wala siyang masisisi rito at kung sino ang maaaring pumatay sa kaniya.

Agad niyang pinagana ang Sound Transmitting Talisman ng maingat habang inilagay niya rito ang kaniyang mensaheng nais ipabatid.

Maya-maya lamang ay nagulat siya ng bigla siyang nakaramdam ng sakit mula sa kaniyang tagiliran. Doon ay nahintatakutan siya dahil nakarating na pala ang halimaw sa kanyang pwesto nang hindi niya namamalayan.

Kahit masakit ay mabilis niyang binunot ang kaniyang katawan mula sa pagkakasaksak ng halimaw at mabilis nalumayo habang hinahawakan ang kaniyang tagilirang napinsala dulot ng pagkakasaksak. Mabuti na lamang at narito lamang at mababa ang pagkakasaksak kung sa mga vital points at areas siguro siya nasaksak ay malamang sa malamang ay nalagutan na siya ng hininga.

"Ano bang klaseng nilalang itong ginawa ngayon ni Human Demon General Criouse? Mukhang gusto niya akong paslangin upang hindi ko maisumbong ang gusto niyang mangyari sa akin hahahaha... Yun ang inaakala niya dahil ilang oras mula ngayon ay siguradong pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin!" Sambit ni Human Demon Chief Frant habang nakangisi ngunit agad rin siyang napangiwi dahil sa medyo malalim na sugat na kanyang natamo mula sa surpresang atake ng nakakapangilabot na anyo ng nilalang na ineksperimentuhan ni Human Demon General Criouse. Kung mas nakakaalarma ang kaya niyang gawin paano pa kaya malademonyong gawain ni Human Demon General Criouse?! Mas malala ito kumpara sa kaniya at hindi nito makakayang masikmurang balatan at eksperimentuhan ang katawan ng mga buhay na nilalang maging ang gawain nitong gawing isang sandata ang mga buhay nitong eksperimento.

Maya-maya pa ay nakita na lamang ni Human Demon Chief Frant ang nakakapangilabot na anyo ng nilalang na ito na mabilis na tumakbo papunta sa kaniya habang ginuguyod pa nito ang sarili nitong kamay na gawa mismo sa isang napakatulis na bagay na siguradong tinahi lang at dinugtong lamang ito sa kamay nito. Kung hindi siya nagkakamali ay mula ito sa matalim na parte ng wild beast na kung tawagin ay Long Sword Shark. Wala man itong kamandag ngunit kayang-kaya ka naman nitong patayin sa haba at talim nito kaya nga ingat na ingat ang sinuman na masagupa ang mga ito dahil kahit ang mga normal na bangka ay kaya nitong butasin at hatiin kapag nangyari ito ay alam mo na ang kahihinatnan mo lalo na kapag nasa malalim na parte ka ng karagatan.

Tumalon ito pataas habang nakaturo sa ilalim ang dalawang matutulis na bagay ang animo'y kamay nito habang mabilis itpng bumulusok pailalim sa aking kinaroroonan.

Mabilis ko namang ginalaw ang aking katawan at mabilis na tumalon paatras upang hindi ako mahagip ng dalawang matutulis na bagay sa kamay nito. Halos hindi ako makapaniwalang napakabrutal ng ginawang ito ni Human Demon General Criouse sa kaawa-awang nilalang na ito.

"Walang dudang naging isang heneral ito pero bakit naman ako nito gustong paslangin. Hindi niya alam ang binabangga niya!" Sambit ni Human Demon Chief Frant sa kaniyang isipan habang mabilis itong nagpalipat-lipat ng lugar rito dahil masyado siyang nahihirapan sa sitwasyong kinalalagyan niya lalo pa't hindi ordinaryong nilalang ang kaniyang kinakaharap ngayon. Hinihiling niya na sana ay dumating na si Sect Master Black Crow dahil hindi niya na alam ang gagawin niya dulot ng pangyayaring ito.

More Chapters