Di ko na talaga alam kung ano nangyayari pero sanay na ko sa ganitong ugali ni Michelle kahit mas okay pa rin yung sweet side nya. Sabay kaming apat lumabas ng building at nakakapanibago dahil usually pag maghohotel na kame ni Michelle ay sya lagi ang nauuna sa hotel at sumusunod ako after 15 or 30 minutes. Ganun ang routine namin palagi pag kasama yung sweet side nya. Pag labas namin ng building, mas dinikitan nya si Apple kesa sa kin. Alam ko naman na kasama namin yung cold side nya. So ibig sabihin kapag kasama namin yung cold side nya, pwede syang yayain lumabas pero kapag yung sweet side naman nya ung kasama, dun lang sa hotel. Di na ko aasa na sa kin sya sasama maglakad side by side dahil parang lage kumukulo yung dugo nya sa kin. Buti na lang talaga at nakasabit pa sa yaya lumabas at kumain. Sinamahan na lang ako ni Brian maglakad side by side para hindi naman ako mukhang out of place sa tropahan.
"Uy July, samahan na lang muna kita dito. Ano ba trip mo kainin later," tanong ni Brian.
"Goods na ko sa tapsilog, sobrang gutom na rin ako. Dami natin trabaho kanina," pagkakasabi ko kay Brian na parang pagod na pagod na ako sa buhay.
Dalawang metro ang layo ni Michelle at Apple habang naglalakad sa min. Kaya di naman siguro kame maririnig kapag nag-usap kame tungkol sa kanila.
"Brian, alam mo naman siguro na napapansin namin yung sobrang closeness nyo ni Apple. Lagi kayo sabay pumasok. Lagi kayo sabay umuwi. Lagi kayo sabay kumain tulad neto. Alam ko naman na sabit lang kame ni Michelle sa inyo. Nililigawan mo ba si Apple o mali lang kame ng pagkakaintindi," tanong ko na may pagdududa kay Brian.
"Alam mo July, may mga bagay talaga na basta masaya na kayo, yun na yun. Pag nakikita mo sya, masaya ka na dun. Pag nakakasama mo sya, masaya ka na rin dun. Hindi naman ako lage humihingi ng validation sa anumang gustong isipin ng mga tao. Ang mahalaga masaya kame ni Apple," malalim na pagkakasabi ni Apple.
"Huh, eh hindi mo naman sinagot yung tanong ko kung nililigawan mon yung tao o kayo na eh," pagkakasabi ko na nagtataka bakit ayaw nya sumagot ng diretso.
"Magkaibigan lang kame ni Apple," malumanay na pagkakasabi ni Brian.
Pagkahaba haba ng closeness nila tapos sasagutin lang ako ni Brian na magkaibigan lang pala sila. Para saan na masyadong close sila sa isa't-isa. Pero may naiiwan na lang na tanong sa isip ko kaya tinanong ko na rin sa kanya.
"Uhmm Brian, may bf na ba si Apple?" tanong ko sa kanya na walang kaba.
"Pagkakaalam ko wala. Single sya nung nakilala ko sya at nung nakilala natin sya," pagkakasabi ni Brian.
Baka naman kaibigan lang talaga tingin nya kay Brian. Sila ata ang buhay na patunay na pwede mag bestfriend ang babae at lalake. Medyo malayo pa ang lakad namin mga 10 minutes pa ata bago kame makapunta dun sa kakaninan namin. Medyo intense na ang aura namin ni Brian sa isa't-isa dahil sa mga tanungan namin kanina. Tingin tingin lang kame sa social media para pang aliw ng bigla syang nagtanong.
"Kayo ba ni Michelle, kamusta na kayo?" tanong ni Brian.
"Okay naman kame. Mabait, maganda tsaka madali pakisamahan si Michelle," pagkakasabi ko sa kanya para matapos na ang usapan.
"Wala bang namamagitan sa inyo o magaling lang kayo magtago?" bigla akong tiningnan ni Brian na para bang may gusto pang sabihin at idagdag pa.
"Bakit mo naman naisip yan. Kita naman sa min di ba na parang "normal" lang kame na magkaibigan." isang malupit ko na depensa kay Brian.
Hindi naman siguro naririnig ni Michelle at Apple pinaguusapan namin ni Brian sa likod kaya siguro safe lang yung usapan namin. Pero hindi pa rin nya tinapos yung topic namin at may dinagdag pa.
"Nung isang araw kase medyo nagtaka lang ako, alam mo yung hotel dun sa bandang malapit sa MRT. Bumili lang ako ng inumin malapit dun sa MRT pero nagulat ako sa nakita nung nakita ko na lumabas sa hotel si Michelle. Alam kong sya yun! Maganda si Michelle pero madali lang maidentify yung mukha nya compared sa ibang babae na magaganda rin naman," pagtataka ni Brian.
"Baka naman kamukha lang ni Michelle yun at hindi talaga sya o baka naman antok ka na Brian kaya kung sino-sino na ang nakikita mo," muling depensa ko sa kanya. Anak ng, mukhang nahuhuli na kame ni Michelle. Eto na talaga yung sinasabi nila na walang lihim ang di nabubunyag.
"Sa bagay, baka nga tama ka at namamalikmata lang ako. Pero handa ka na ba sa susunod kong nalaman?" muling tanong ni Brian at pinagpapawisan na ko ng malamig.
"Ano yun Brian? Baka naman isa na naman yan sa malikmata mo. Hehe hehe," kinakabahan na ko sa mga nalalaman pala ni Brian.
"After 15 o 20 minutes ata nung pagkalabas at pagkaalis ni Michelle dun sa sinasabi kong hotel, Nakita kitang lumabas din sa hotel, mukhang pagod na pagod. Oo, ikaw yung nakita ko July, wag ka na tumanggi," napatitig sya sa kin at gusto alamin yung isasagot ko. Magsasabi na ba ako ng totoo o magsisinungaling ulit. Pero kapag nalaman kase nila yung tungkol sa relasyon namin, baka maging issue to sa mga kakilala namin at baka makarating pa sa upper management. Di ko na alam ang magiging hatol nila. Kaya mas pinili ko ang magsabi ng totoo at magsinungaling at the same time.
"Oo ako yung nakita mo na lumabas sa hotel pero nag check in lang ako dun para magpahinga mag-isa dahil sobrang sakin ng ulo ko at hindi na kayang ibyahe. Alam mo namana yung workload na binibigay sa kin minsan di ba? Sobrang dami na parang di ko na kaya umuwi. Regarding naman dun kay Michelle, hindi ako sure kung sya talaga nakita mo dahil possible na marami syang kamukha na lumabas dun," pinipilit ko pang ilaban at dipensahan yung mga nakita ni Brian nung oras na yun kaya todo paliwanag ako.
Tumahimik ng kaunti ang paligid at biglang…
