WebNovels

Chapter 44 - chapter 22 (TAGALOG)

​ Kabanata 22: Anino ng Plaridel

​Ang bukang-liwayway sa Plaridel ay hindi naghatid ng pag-asa sa mga tao, kundi isang matalim na salamin lamang ng pighati na bumabalot sa isang mahirap na pamayanan at nagdurusang barangay, saksi sa hindi mabilang na paghihirap sa buhay. 

Sa gitna ng mga bahay-kubo na yari sa kawayan at nipa, naglalakad ang isang dalaga na si Georgia Pilar—isang 14-na-taong-gulang na babae na may mahigpit ang pagkakabigkis ng kulay itim niyang buhok.

 Sa kanyang mga kamay, may bitbit siyang maliit na buslo na puno ng mga bulaklak—rosas, sampaguita, at gumamela—na inani niya mula sa gilid ng kanilang barangay upang ibenta sa palengke.

 Ang kanyang damit ay punit-punit, at luma na nagpapakita ng kanilang mapagkumbabang pamumuhay, ngunit ang kanyang mga mata ay nag-aalab sa determinasyon, sa kabila ng pananakit ng sikmura sa gutom mula pa noong nakaraang gabi.

​"Georgia, mag-ingat ka sa daan!" tawag ng kanyang lola mula sa loob ng kanilang abang dampa, mahina ang boses ngunit may halong pag-aalala.

 Si Lola Maria, isang matanda na hirap huminga dahil sa sakit sa baga, ay nakahiga sa banig, ang balat ay manipis na parang pergamino. 

"Lumayo ka sa mga Kastila, anak. Alam mo ang nangyari sa pamilya natin."

​"Opo, Lola," sagot ni Georgia, bagaman ang kanyang puso ay nanikip sa galit habang inaalala ang nakaraan.

 Ang kanyang pamilya ay biktima ng kalupitan ng mga Kastila. Ang kanyang ama, si Mang Pedro, ay naghihirap sa bilangguan para sa isang krimen na hindi niya ginawa—isang huwad na akusasyon na sinuportahan ng mga opisyal na Kastila upang takutin ang mga Pilipino. 

Ang kanyang ina, si Aling Rosa, ay binawian ng buhay sa isang trahedya—pinatay ito matapos gahasain ng mga pulis, ang kanilang ginawang krimen sa pamilya ni Georgia ay nananatiling walang kaparusahan hanggang ngayon. 

Ang alingawngaw ng hiyaw ng kanyang ina at ang dugo sa kanilang sahig ay bumabagabag kay Georgia, at nagbibigay sa kanya ng lakas tuwing umaga upang pilitin na iangat ang buhay.

​Habang naglalakad patungo sa palengke, nasaksihan niya ang kaawa-awang kalagayan ng kanilang barangay—mga bahay na gawa sa lumang kahoy at tokda na nalalapit nang gumuho, mga bata na naglalaro sa kabila ng kanilang gutom, at mga matatanda na nagmamakaawa sa mga dumadaang Pilipino.

 Sa malayo, nakikita ang lungsod ng Plaridel—malalaking bahay ng mga Kastila, mga simbahan na pinalamutian ng magagandang dekorasyon, at mga kalye na malaki ang kaibahan sa kanilang putikang lugar. 

"Hindi ito tama," bulong ni Georgia sa sarili, habang humihigpit ang hawak sa buslo

. "Bakit kailangan nating mamuhay sa putikan habang sila'y nagpapakasasa sa ginto? amin ang lupain na ito, ngunit kami'y tinatrato lang nila na parang mga alipin."

​Habang naglalakad, nasaksihan niya ang isang grupo ng mga Kastilang pulis na kinaladkad ang isang matandang Pilipino, duguan ang mukha mula sa kanilang mga suntok.

 "Magbayad ka ng buwis mo, indiyo!" sigaw ng isang pulis, habang ang matanda ay nagmamakaawa. Walang nagmalasakit, walang tumulong—yumukod lamang ang mga Pilipino, sa takot na sila ang isusunod.

 Nanikip ang dibdib ni Georgia, lumalim lalo ang kanyang galit sa mga ito. "Sinisira nila ang buhay namin," bulong niya, ngunit alam niyang wala siyang magagawa sa ngayon. Kailangan niyang kumita ng pera para sa kanyang mga lolo't lola.

​Pagsapit ng hapon, nakabenta siya ng ilang bulaklak, kumita ng isandaang piso—na kulang pa para sa gamot ng kanyang lola. Pag-uwi niya, may dala siyang maliit na supot ng bigas at isda, isang kaawa-awang pagkain na ipinalit ng kanyang lolo, si Lolo Mateo, sa palengke. 

"Salamat, apo," sabi ni Lola Maria, habang kinukuha ng nanginginig niyang kamay ang pagkain. 

"Apo, alam kong mahirap para sa iyo ang magtrabaho. Patawarin mo kami at hindi kami makatulong sa iyo nang higit pa."

​"Kung sana'y nakinig ang iyong ina at lumayo sa mga Kastila, hindi sana ganito kahirap ang buhay natin. Kaya, apo, huwag na huwag kang magtitiwala sa kanila," dagdag ng kanyang lola, mabigat ang boses sa pagsisisi.

​"Opo, Lola, naiintindihan ko," sagot ni Georgia, abala ang kanyang isip. Ang kanilang pinagdaanan na kawalang katarungan ay hindi na bago sa kanilang lugar, lahat sila ay walang malapitan, ang katulad nilang nagmula sa mahirap na pamilya ay itinuring na parang basura sa lungsod. 

Nagtataka siya kung bakit tila iniwan sila ng langit sa gitna ng pagiging madasalin ng kanyang lola, at kung bakit kailangan nilang tiisin ang ganitong paghihirap. 

Napagmasdan nya ang kabuan ng kanilang bahay na halos nabubulok na, dahil sa pagkadismaya ay lalo syang napupuno ng pagkamuhi sa buhay. Pumasok sya sa kwarto at umupo habang tinitignan ang kaawa awa nilang tirahan

"para kaming mga basura na itinapon na lamang sa lugar na ito. Hindi ko sila mapapatawad," bulong niya, ang kanyang mga mata ay puno ng luha ngunit nag-aalab sa pagpapasya.

​Nang gabing iyon, habang natutulog ang kanyang mga lolo't lola, tahimik na lumabas si Georgia sa kanilang dampa. Kinuha nya sa kanyang bulsa ang maliit na maskara na gawa sa puting bagay, may tatak na "H" bilang simbolo ng kanyang hustisya. 

Ang kanyang pulso ay pumipintig sa determinasyon habang naglalakad patungo sa bayan, ang kanyang mga hakbang ay matatag sa kabila ng kadiliman.

​Sa sentro ng Plaridel, umakyat siya sa pinakamataas na istraktura—isang lumang tore, na dating simbahan ng mga Kastila. Mula doon, tiningnan niya ang bayan: ang nagliliwanag na ilaw ng mga tahanan ng mayayamang Kastila, puno ng mararangyang kagamitan, at sa kabilang parte ng bayan ay ang kanyang barangay, isang anino lamang sa malayo dahil walang ilaw ang marami sa mga bahay.

 "Balang araw," bulong niya, ang kanyang mga kamay ay humigpit sa bintana ng tore, "ang mga Pilipino ay maninirahan sa mga bahay na ito, at haharapin ng mga Kastila ang kaparusahang nararapat sa kanila."

 Sa isang iglap, tumalon siya mula sa tore, at habang nahuhulog, ang kanyang katawan ay naglaho, unti unting nagbago sa isang pigura na may kulay-rosas na buhok at pulang kapa— sa gabing iyon muling isinilang ang bayani ng plaridel na si Hustisya.

​Habang si Hustisya ay naglalakbay sa madidilim na kalye ng Plaridel, narinig niya ang sigaw ng isang babae mula sa isang eskinita. 

"Huwag niyo akong saktan, maawa kayo, isang mahirap na tao lang ako!" sigaw ng biktima, habang isang magnanakaw na may matalim na kutsilyo ang humihila sa kanyang bag. 

"Tumahimik ka, o papatayin kita!" angal ng magnanakaw, ang kanyang mukha ay nag aapoy sa galit.

​Ngunit bago pa siya makalapit, isang malamig na hangin ang humawi, at pinatay ang ilaw ng poste.

 "Sino 'yan?" tanong ng magnanakaw, ngunit ang tugon ay isang mahinang tawa mula sa mga anino. "Ababalang-abala ang mga aso ngayong gabi, at tila ba kailangan nyo isang matinding leksiyon," sabi ni Hustisya, ang kanyang boses ay masigla ngunit may dalang babala.

​Sa isang iglap, ang kutsilyo ng magnanakaw ay lumutang pataas, at inihagis palayo. "Ano'ng nangyayari?!" sigaw niya, ngunit bago pa siya makakilos, isang lubid, na parang may buhay, ang humigpit sa kanyang pulso, at hinila ang kanyang mga tuhod paluhod. 

Pagkaraan ng ilang sandali, lumitaw si Hustisya sa harap niya, ang kanyang kulay-rosas na buhok ay kumikinang sa dilim, at ang kanyang puting maskara na may tatak na "H" ay nagliliwanag.

​"Alam kong mahirap ang buhay, ngunit hindi ibig sabihin na maaari ka nang manakit ng iba. Ang mga taong katulad mo ay nararapat parusahan," sabi niya, ang kanyang ngiti ay nang-aasar.

​pilit na tumakbo ang magnanakaw, kahit na ang kanyang nakatali na kamay ay humahadlang sa kanya para makagalaw, ngunit mabilis lang sya na naabutan ni Hustisya. Isang malakas na sipa mula sa kung saan ang tumama sa kanyang likod, at bumagsak siya patungo sa isang poste.

​"Tumigil ka! Huwag mo akong saktan, parang awa mo na!" pakiusap niya, ngunit tumawa lang si Hustisya.

​"Nakakatuwa, hindi ba, marinig ang sarili mong nagmamakaawa ngayon, gayong binalewala mo ang pakiusap ng iyong biktima kanina," pang-aasar niya, at sinipa ang mukha ng lalaki. 

​Naglaho ang kanyang anyo, at sa isang iglap, sinapian niya ang magnanakaw, ang kanyang mga mata ay naging puti. 

"Ano kaya ang ipapagawa ko sa katawan mo ngayon?" bulong niya. Hinubad ng lalaki ang kanyang damit at pantalon, at umakyat sa poste sa gilid ng daan.

​Kusang gumalaw ang lubid, at mahigpit siyang tinali. "Ang saya sa pakiramdam ang pag laruan ang mga katulad mo!" tawa ni Hustisya, habang lumulutang sa hangin.

 Ibinigay niya ang bag sa babae, na tumakas na may pasasalamat, habang ang magnanakaw ay nanatili, nakatali at takot na takot.

​"Hangga't ako'y nasa bayang ito, ako'y maghahatid ng hustisya para sa inaabuso at inaapi," deklara niya.

​Lumipas ang mga araw, at ang pangalan ni Hustisya ay naging usap-usapan ng mga Pilipino sa buong Bulacan. 

Sa mga palengke, nayon, at maging sa mga simbahan, kumalat ang mga kwento tungkol sa parang multo na vigilante—ang babaeng may kulay-rosas na buhok na naghahatid ng hustisya sa naaapi.

​"Salamat sa kanya, nabawi namin ang pera mula sa mga magnanakaw!" sabi ng isang tindera. "Siya ang tunay na bayani ng Plaridel!" dagdag ng isang matanda.

​Sa opisina ng alkalde, habang lumilipas ang mga araw na wala silang nahuhuli, ang kwarto ay puno ng galit.

 Si Mayor de Guzman, isang opisyal na kalahating Pilipino at kalahating Kastila na naglilingkod sa mga Kastila, ay tumayo mula sa kanyang upuan, ang kanyang mukha ay namumula sa galit.

​"Bakit hindi pa ninyo nahuhuli ang vigilante na ito?!" sigaw niya sa kanyang mga tauhan, at inihampas ang kanyang kamay sa lamesa. "Ang ginagawa ng Hustisya na ito ay isang malaking kahihiyan sa gobyerno!"

​"Ngunit, señor, hindi namin siya ganun kadalinh mahuhuli," depensa ng isang guardia civil, nanginginig ang boses. "Siya'y lumilitaw at naglalaho na parang multo. Wala kaming laban sa kanyang kakayahan!"

​"Wala kayong silbi, isang kahihiyan na hayaan ninyong dayain kayo ng isang babaeng Pilipino!" sigaw ng alkalde, ngunit bago pa siya makapagpatuloy, isang boses ang umalingawngaw mula sa gilid ng silid.

​"Hayaan ninyong ako ang umasikaso rito, Alkalde." Nakaupo sa isang marangal na upuan ang isang matangkad na Kastila, ang uniporme ay pinalamutian ng ginto at medalya. Si Heneral Vicente Salazar, komandante ng mga puwersa ng Kastila sa Bulacan, ay tumayo, ang kanyang mga mata ay nag-aalab sa kapangyarihan at pagkamuhi.

​"Heneral Salazar, salamat po sa pagdating," sabi ng alkalde, ang kanyang tono ay punung-puno ng paggalang na tila pagpapakumbaba. 

"Ang vigilante na ito ay nagbabanta sa aming kontrol sa mga tao, isang malaking panganib sa aming pamamahala dito sa plaridel."

​"Hindi kontrol ang nawala sa atin, Alkalde, kundi ang aking reputasyon," sagot ni Salazar, ang kanyang boses ay malamig at matalim.

​"Ang Hustisya na ito ay isang mapangahas na Pilipino lamang na nagpapanggap na bayani sa aking teritoryo. Dahil sa kanya, iniisip ng mga indiyo na ililigtas sila ng hangal na babaeng iyon."

 Ang mga kristal ay kumikinang sa braso ng heneral, naglalabas ng mga hibla ng kuryente na gumagapang sa kanyang katawan.

​"Ipapakita ko sa kanila na nagkamali sila ng piniling kalaban." matapang na sambit nito. 

​Si Heneral Salazar ay higit pa sa isang pinuno—siya ay simbolo ng katiwalian at kalupitan. Sa kanyang opisina, madalas siyang makitang tumatanggap ng suhol mula sa mga Pilipinong may-ari ng lupa na nagpapataw ng mas mabigat na buwis sa mga mahihirap.

 "Taasan ang buwis sa baryo ng limang porsyento," utos niya sa kanyang kalihim, ang kanyang ngiti ay puno ng masamang balak.

 "Ang mga indiyo na ito ay nagiging masyadong matapang dahil sa kanilang kakampi na vigilante. Kailangan nilang malaman kung sino talaga ang naghahari sa lupain na ito."

​Sa mga kalye ng Plaridel, ang kanyang mga pang-aabuso ay hindi maitago. Isang araw, habang naglalakad siya sa lungsod, hindi sinasadyang nabangga siya ng isang 10-taong-gulang na batang Pilipino, ang maliit na katawan ay puno ng dumi mula sa pagtulong sa kanyang pamilya.

​"Ano ang ginagawa mo? Dinumihan mo ang aking uniporme, indiyo!" sigaw ni Salazar, ang kanyang mukha ay namumula sa galit. "Ang maduming palaboy na katulad mo ay masakit sa mata pagmasdan. Nakakasuklam na isipin na magkasama tayong nabubuhay sa iisang bayan."

​Walang pagpipigil, hinawakan niya ang buhok ng bata, itinulak ito sa lupa, at sinipa ang sikmura nang malakas.

​"Alamin mo ang lugar mo, hamak na basura!" sigaw niya, ang kanyang bota ay tumama muli habang ang dugo ay tumutulo mula sa bibig ng bata patungo sa kalye. 

Ang mga nakakita sa pangyayari ay yumuko lang ng tignan sila ni salazar, masyadong takot para mamagitan, ang kanilang takot sa heneral ay mas matindi kaysa sa kanilang habag. Walang tumulong sa kaawa-awang bata, walang pumigil sa pang-aatake.

​Mula sa malayo, sa likod ng isang gusali, nanood si Georgia sa nangyayari, ang kanyang mga mata ay nag-aalab sa galit. "Mga hayop!" bulong niya, ang kanyang mga kamay ay humigpit sa kanyang buslo. Nais niyang sugurin si Salazar, ngunit biglang nakaramdam siya ng isang presensya—malakas, madilim, at punung-puno ng kapangyarihan.

​"Ano ito? Mayroon siyang napakalaking presensya," nagtataka siyang bulong, nanginginig ang kanyang katawan. Napagtanto niya na si Salazar ay hindi isang ordinaryong Kastila—may hawak siyang anito o ilang makapangyarihang puwersa.

​"Kung haharapin ko siya rito, maraming sibilyan ang maaaring mapahamak," bulong niya, mabigat ang kanyang puso sa pag-aalala. Hindi niya nailigtas ang bata, at lalong lumalim ang kanyang galit sa nga Kastila. "isinusumpa ko, Heneral, magbabayad ka sa iyong kalupitan sa mga Pilipino," pangako niya, habang nakatitig kay Salazar na ngayon ay naglalakad papalayo, ang tawa nito ay parang kulog sa kanyang pandinig.

​Nang gabing iyon, nagpasya si Georgia na maging si Hustisya upang labanan muli ang krimen sa kanyang bayan. Habang naglalakad siya sa isang madilim na kalye, narinig niya ang sigaw ng isang matanda. 

"Huwag mong kunin ang pera ko!" sigaw niya, hinahabol ng isang magnanakaw na may dalang baril. 

"Matanda ka na—huwag kang manlaban kung pinahahalagahan mo ang buhay mo!" sigaw ng magnanakaw, ang kanyang daliri ay nakakasa sa gatilyo.

​Ngunit bago pa siya makaputok, isang malamig na hangin ang dumaan, at pinatay ang ilaw ng poste.

 "ang mga pesteng katulad mo talaga ang sumisira sa gabi ko ! Paano kayo nagkakalakas-loob na gumawa ng krimen sa aking bayan?" Umalingawngaw ang boses ni Hustisya na may awtoridad. 

Sa dilim, ang kanyang kulay-rosas na buhok ay kumikinang, ang kanyang pulang kapa ay lumipad sa hangin, at ang kanyang puting maskara ay may tatak na "H"ay nagliliwanag.

​"Ikaw?! Ang multo ng Bulacan!" bulalas ng magnanakaw, ngunit bago pa siya makatakas, ang kanyang baril ay lumutang at lumipad palayo.

 "Ano'ng nangyayari?!" sigaw niya, ngunit isang lubid ang humigpit sa kanyang mga binti, at hinila siya sa kanyang mga tuhod paluhod.

​Lumitaw si Hustisya sa harap niya, ang kanyang mga mata ay nagliliwanag na parang mga apoy dahil sa galit. "Ang mga taong katulad mo ay hindi nararapat sa bayan na ito—sa bansang ito!" sabi niya, ang kanyang ngiti ay matalim at mapaglaro na tila isang kontra bida sa isang palabas.

​Tumayo agad ang magnanakaw, pinakawalan ang sarili mula sa lubid sa binti, kumuha ang lalaki ng matalim na kutsilyo mula sa kanyang bulsa, at sumugod kay Hustisya. 

Ngunit naglaho ang dalaga, at sinapian ang katawan ng lalaki sa isang iglap. Ang kanyang mga mata ay naging puti, at ang kanyang kamay ay nagtulak ng kutsilyo sa kanyang sariling hita. 

Isang saglit pa, Lumabas si Hustisya mula sa kanyang katawan, at biglang sumigaw ang lalaki na halos gumulong sa lupa hawak ang kanyang sugat sa hita.

​"Tumigil ka na! Huwag mo akong patayin, parang awa mo na!" pakiusap niya, ngunit tumawa si Hustisya.

​"Nakakatuwa diba? Naririnig mo ba ang sarili mong nagmamakaawa saakin? " pang-aasar niya.

​Hinawakan niya ang kanyang buhok, at sumigaw, "Naririnig mo rin ba ang mga biktima mo na nagmamakaawa sayong harapan?"

​Dahil sa desperasyon, pilit itong tumayo at itinulak ng magnanakaw si hustisya habang sumisigaw, "Hindi mo ako mapapatay nang ganoon kadali!"

​nang makalayo sa dalaga ay kumuha siya ng isang maliit na granada mula sa kanyang bag, at inasinta itong ihagis kay Hustisya.

​Ngunit nang ihagis nya ito ay huminto ito sa ere at lumutang pabalik ang granada sa lalaki at agad na sumabog. Nalaslas ang kanyang katawan ng saluhin ng katawan nya ang pagsabog. 

​Lumutang si Hustisya sa hangin, ang kanyang mga kamay ay inilagay nya sa bewang at habang nakapamewang ay matapang syang nagsalita. 

"Ang mga handang pumatay ay dapat handang mamatay bilang kabayaran sa kanilang mga kasalanan," deklara niya, isang pulang maskara ang nakaukit sa poste bilang kanyang tanda ng tagumpay.

Agad syang bumaba at lumapit sa matanda. "Tapos na, Lolo. Natutuwa ako at ligtas ka," bulong niya. Niyakap ng matanda ang kanyang pera, puno ng pasasalamat, habang si Hustisya ay agad na naglaho sa hangin.

​Lumipas ang mga araw, at lalo pang lumaki ang katanyagan ni Hustisya. Ang kanyang pangalan ay naging alamat sa Plaridel, isang tanglaw ng pag-asa para sa mga Pilipino na nagsasabing,

​"Siya ang aming tagapagligtas laban sa mga Kastila!"

​habang sa opisina ni Heneral Salazar, tumindi ang kanyang galit sa bawat ulat tungkol kay Hustisya.

​"Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nahuhuli!" sigaw niya, ang kanyang mga mata ay nag-aalab sa pagkamuhi.

​Katapusan ng Kabanata.

More Chapters