WebNovels

Chapter 164 - Chapter 162: "Jacian! May penalty ka?!"

Parehong gumalaw ang kilay nilang dalawa ni Just nang marinig iyon, bahagyang bumagal ang kanilang hakbang ngunit hindi naman nila iyon binalingan kahit nasa kaliwa lang ni Jacian. Isang metro lang ang layo nila sa isa't isat.

Nang mapagtanto ni Jacian ang sinabi ng mga pro players na iyon, naningkit ang kanyang mga mata ngunit hindi siya lumingon, hindi rin lumingon si Just at kalmado lang nitong pinagpatuloy ang paglakad na animo'y walang narinig.

Hindi narin iyon binigyan ng atensyon ni Jacian at nag-act na parang walang narinig ngunit nang makalayo-layo na sila ni Just doon sa may elevator narinig niyang sumipol ang isa sa kanila kasunod ng mapang-asar na tawanan.

Nagpintig ang tenga ni Jacian at huminto ang kanyang pahakbang, unti-unting naningkit ang kanyang mga mata at hindi mapigilang umikot, malalaki ang kanyang hakbang pabalik doon sa elevator kung saan nakasakay ang XUV. Kasalukuyang pasarado na ang pinto ng elevator at isang pulgada nalang ang bukas ngunit hindi nag-alanganin si Jacian na iharang ang kanyang daliri sa pinto ng elevator at nang bumukas uli iyon, inangat niya ang kanyang middle finger.

Mga players ng XUV: "!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Kasalukuyang naka-upo sina Jacian at Just malapit sa bintana habang pinapanood sa laptop ang practice match nila sa XUV kanina, habang nasa kagitnaan sila ng kanilang pagrereview tumunog ang cellphone ni Jacian nang makatanggap siya ng voice message galing kay Coach Dang. Pinindot niya iyon at itinapat sa kanyang tenga para pakinggan ngunit kaagad niyang nailayo nang marinig ang sigaw ni Coach Dang.

["Jacian! May penalty ka?!"]

Sigaw ni Coach Dang kaya kaagad niyang nailayo ang cellphone sa kanyang tenga at hindi maiwasang hindi hilahin ang kanyang tenga dahil pakiramdam niya bigla siyang nabingi.

Tiningnan niya si Just pero nag-angat lang din ito ng mukha para tingnan siya at pinaused ang video. Yumuko naman si Jacian para magtipa sa kanyang cellphone.

[Just Call Me Boss: Dahil ano?]

Ilang segundo nang mag-send ulit si Coach Dang ng voice message.

["Dahil pinakyuhan mo yung XUV! Nag-report sila sa KWC disciplinary league at kuha ka sa CCTV!"]

Jacian: "." Umangat lang ang kilay ni Jacian. Hindi na siya nabigla nang sabihin iyon ni Coach Dang dahil alam niya namang magsusumbong ang XUV. Hindi na iyon binigyan ng atensyon ni Jacian at tinanong kung magkano, sinend naman sa kanya ni Coach Dang ang post ng HoK Esports. Kakapost lang iyon ng HoK Esports ngunit umabot na kaagad ng thousand ang react pati narin ang comments, makikita rin sa picture na nakatayo yung mid laner ng FTT sa harap ng elevator para pakyuhan ang mga players ng XUV na nakasakay doon.

Imbes na mainis dahil sa ginawa ni Boss, puro 'haha' ang react nun at iilan lang ang nag-angry. Tiningnan lang ni Jacian ng picture na sinend ni Coach Dang kung saan kuha siya sa CCTV at hindi na iyon pinansin.

Jacian: "Okay. Saan ko ba i-sesend? Sa SweetTalk? Sa WeChat, Maya, Gcash? ...Or cash?" Send niya ng voice message kay Coach Dang.

Coach Dang: "!!!" Kung makatanong ka parang andami mong pera! Tumikhim si Coach Dang bago nag-send uli ng voice message.

["Gusto ng KWC ng cash."]

["Mm."]

Alam ni Jacian kung bakit gusto ng KWC ng cash, dahil maliban sa penalty niya kakausapin pa siya ng disciplinary league tungkol sa rules and regulations. Siguradong hindi lang siya ang pinapapunta pati narin ang XUV players.

Tinanggal ni Just ang flashdrive sa USB socket at tiniklop ang kanyang laptop, tiningala naman siya ni Jacian dahil hindi pa natatapos ang kanilang review.

"Matutulog ka na?" Tanong niya kay Just.

"Mn. Anong oras na, pupunta pa tayo sa office ng disciplinary league bukas."

"Sasama ka?" Kunot noong tanong niya.

"Mn. Nag-text din sa akin si Coach Dang. Kuha rin ako sa CCTV." Kalmadong saad ni Just habang inaayos ang kanyang kama.

Jacian: "..."

Binuksan niya uli ang picture na sinend ni Coach Dang ngunit wala naman si Just doon sa picture, tinanong niya si Just ngunit sinabi ni Just na kuha siya sa ibang angle, at hawak iyon ng disciplinary league.

Tumango nalang si Jacian at tumayo para pumunta sa kanyang kama, sinend din sa kanya ni Coach Dang na alas otso sila pupunta sa disciplinary league. Nag-scroll lang siya ng ilang minuto bago niya iyon pinatay at nagdesisyong matulog.

Kinabukasan, maaga silang nagising ni Just para pumunta sa disciplinary league. Nang buksan ni Jacian ang kanyang Melon account hindi na siya nagtaka nang makitang nasa hot search nanaman siya. Marami ng react ang post ng HoK Esports tungkol sa penalty niya at umabot narin ng 100 thousand ang comments.

Sumandal siya sa pinto ng kanilang room para magbasa ng comments habang hinihintay si Just, naka-ekis ang kanyang kaliwang braso sa kanyang dibdib habang nakapatong doon ang kanyang siko, nakalapat sa pader ang kanyang likod habang seryusong nagbabasa ng comments.

[Parang nalugi yung XUV oh. Alam mo yung feeling na nauntog ka sa pader tapos gusto mong gumanti pero hindi ka makaganti? Parang ganun yung mukha ng XUV.]

[LMAO! Defeat na kaagad kahit hindi pa nagsisimula ang tourna.]

[Anong ginawa XUV? Hindi naman papatol ang apo ko kung hindi siya inunahan.]

[HAHAHA, mukhang mayabang din kasi tong XUV. Natanggal yung yabang nila eh.]

[Goodluck sa ego ng XUV. Sakit niyan, pakyuhan ba naman. lmao.]

[Grabe kahit sa personal nakakaranas ng VIP treatment si Boss? 1v6 'yan oh, nand'yan yung substitute ni Ice, yung mid laner ng XUV.]

[May nagaganap na 1v6 sa elevator. Bakit parang hindi na sila makapag-antay ng match?]

[Naku mainit ang tourna ngayon, may hinanakit kaagad eh.]

[Goodluck talaga sa dalawang teams na 'to, sana maging okay pa yung mental state nila pag-uwi.]

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Jacian habang binabasa niya ang mga comments, nanatiling seryuso at kalmado ang kanyang mukha habang nakasandal sa pader malapit sa pinto. Sinara niya na ang post ng HoK Esports at pinatay ang kanyang cellphone para ihulog sa kanyang bulsa. Sakto namang bumukas ang pinto ng katabi nilang room at lumabas si LittlePrince.

Napalingon doon si Jacian at nakita niyang tiningnan siya ni LittlePrince at nginitian siya nito, ngumiti naman si Jacian pabalik kasabay ng maliit na tango. Suot nito ang checkered na jacket na kulay gray at white t-shirt sa loob, halatang bagong ligo lang ito dahil basa pa ang ilang parte ng kanyang buhok.

Naglakad si LittlePrince palapit sa kanya at tiningnan ang pinto ng kanilang room na bahagyang nakasara, pinasok nito sa bulsa ng kanyang pants ang isang kamay bago nilinga si Jacian.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni LittlePrince sa kanya.

"Hinihintay ko si Captain." Sagot ni Jacian at nilaro ang cellphone sa loob ng kanyang bulsa.

Tumango si LittlePrince. Ngunit maya-maya lang bahagya itong natawa. "Nakita ko yung post ng HoK Esports, bakit mo ginawa yun?"

Nagtaka si Jacian sa tanong ni LittlePrince ngunit hindi niya nalang binigyan ng atensyon, inilingan niya lang si LittlePrince at hindi na siya nagsalita. Sakto namang bumukas ng malaki ang pinto at lumabas si Just.

"Bumili muna tayo ng tubig bago tayo pumunta sa disciplinary league. Sobrang init ngayon." Ani Just at inabot kay Jacian ang mini fan. Nang iabot niya iyon kay Jacian napalinga siya sa kanyang kaliwa nang makita si LittlePrince.

Tiningnan din siya ni LittlePrince. "Pupunta ba kayo sa disciplinary league?" Tanong ni LittlePrince na sinagot ni Just ng mahinang 'Mn' "Great. Sabay na tayo." Anito.

"Ihahatid kami ng team van. Excuse us." Malamig na saad ni Just at hinala ang pulsuhan ni Jacian. Hawak niya ang pulsuhan ni Jacian hanggang sa makarating sila sa baba, binitawan niya lang ito nang bumili sila ng tubig at pumasok sa team van.

Binuksan kaagad ni Jacian ang tubig nang makapasok sila sa loob. November na pero sobrang taas parin ng temperature, pakiramdam ni Jacian tanghaling tapat na kaagad kahit umaga palang, kung mainit sa Pilipinas mas mainit dito. Uminom siya ng tubig at nagtira ng kalahati. Hinawakan niya ang kanyang t-shirt at pinaypay iyon para malamigan ang kanyang tiyan.

Sinabihan naman ni Just ang driver na babaan ang air-con kaya naging normal ang temperature sa loob ng van.

"November na pero mainit parin." Ani Jacian habang pinupunasan ang kanyang noo gamit ang kanyang kamay.

Binuksan naman ni Just ang mini fan at tinutok iyon sa kanya, kumuha siya ng tissue at pinunasan ang pawis sa leeg ni Jacian. Ngunit nabasa kaagad iyon kaya kumuha ulit siya ng panibago.

"Pawisin ka." Saad niya.

Tumango naman si Jacian. "Hindi ko alam, simula nung tumira ako sa base sobrang pawisin ko na, hindi naman ako pinapawisan nung nasa boarding house ako." Sagot niya at kumuha rin ng tissue sa box na red na dala ni Just at pinunasan ang kanyang noo.

Sinabihan naman ni Just ang driver na babaan pa ang temperature at doon lang nakaramdam ng lamig si Jacian, ngunit nanatiling nakaharap sa kanya ang mini fan.

Habang nasa team van sila, nakatanggap si Jacian ng text galing kay Coach Dang at bahagyang kumunot ang kanyang noo.

"Bakit?" Tanong ni Just sa kanya.

Tiningnan niya si Just at ibinalik uli ang paningin sa screen. "Nagsend si Coach Dang ng screenshot, ang sabi ng disciplinary league hindi ko na kailangan magbayad ng penalty. May nag-record ng trash talk ng XUV doon sa may elevator." Saad ni Jacian at inabot kay Just ang kanyang cellphone, pinindot naman ni Just ang icon para i-play iyon at maririnig ang boses ng mga players ng XUV. Nakapost na iyon sa social media at trending narin sa hot search.

Sa bagong post ng HoK Esports, makikitang binabash na sa comment section ang mga players ng XUV lalo na ang kanilang jungler na si Rain na rainbow ang buhok at si Ice na kanilang mid laner. Saglit lang na binasa ni Jacian ang mga comments at hindi interesadong pinatay ang kanyang cellphone. Sinabihan naman ni Just ang driver na hindi na sila matutuloy at bumalik na sa hotel.

Dumeritso sila sa room ni Coach Dang at sakto naman dahil kanina pa sila nito hinihintay, nilapag ni Coach Dang ang baso sa kanyang mesa at pinatuloy silang dalawa.

"Nakita niyo na yung announcement ng disciplinary league sa post ng HoK Esports? Mabuti nalang at may nakapag-record ng trash talk ng XUV, dahil kung wala, may isa na tayong notice. Siguro naman alam niyo kapag umabot ng tatlo ang notice? Banned na tayo sa global!" May diing saad ni Coach Dang.

Hindi naman sumagot si Jacian at bahagya lang yumuko.

"Jacian." Tawag ni Coach Dang. "Ano bang pinunta natin dito? Hindi mo ba kayang pahabain ang pasensya mo?" Ma-awtoridad na tanong ni Coach Dang habang nakatingin sa kanya.

Hindi naman sumagot si Jacian at nanatili lang na nakaupo sa gaming chair habang nakayuko, tahimik niyang sinasalo ang mga sermon ni Coach Dang. Nakaramdam naman ng guilty si Coach Dang nang makitang nakikinig lang si Jacian sa kanya, sasabihan niya sana ito ng mga comfort words ngunit ibubuka niya pa lang ang kanyang bibig nang iangat ni Jacian ang kanyang mukha.

"As long as may pambayad ako, bakit ko naman papahabain ang pasensya ko?" Ani Jacian.

Coach Dang: "!!!" Bullshit! What comfort words?!

"Kahit ilang fines pa 'yan." Dagdag niya.

Coach Dang: "!!!!!!!!!"

Sa kabilang banda, bahagya namang natawa si Just habang nakatingin sa gulat na mukha ni Coach Dang, mainit sa Saudi pero kasing puti ng snow ang mukha ni Coach Dang.

Tinapik ni Just ang balikat ni Coach Dang at lumabas na sila ni Jacian. Paglabas nila, balikat naman ni Jacian ang tinapik niya para pakalmahin ito.

Jacian: "?" Nagtataka niyang tiningnan si Just. "Bakit tinatapik mo yung likod ko?"

"Mainit ka eh, wala pang tournament." Sagot niya.

Hindi naman binigyan ng atensyon ni Jacian ang sinabi ni Just at napahawak sa kanyang labi habang malalim na nag-iisip.

"Sino kaya yung nag-record?" Tanong niya.

Saglit 'ding napaisip si Just atsaka siya umiling. Pinawalang bahala narin iyon ni Jacian at sabay na silang bumalik sa kanilang room.

More Chapters