WebNovels

Chapter 163 - Chapter 161: Mn. Dalawa kami dito.

Nakaramdam si Jacian ng antok kaya bahagya siyang yumuko at tiningnan ang kanyang sapatos para itago ang kanyang hikab, tinakpan niya ang kanyang bibig bago nag-angat uli ng mukha. Sakto namang natapos na yung mga tao doon sa front desk at inabot ng babae yung mga susi ng kanilang room.

Naglakad sila patungo doon para kumuha din ng susi at nang balingan ni Jacian yung team na kakaalis lang sa front desk, napahinto siya nang makita ang isang pamilyar na lalaki. Kasabay nito yung isa sa dalawang matatabang lalaki at bahagya itong tumango habang kinakausap ng matabang lalaking 'yon. Naka-t shirt ito ng itim at pants na blue, nakasampay sa kanyang braso ang checkered na kulay gray at nakapatos ng puti.

Unti-unting kumunot ang noo ni Jacian habang nakatingin sa lalaking yun, ngunit maya-maya lang nag-angat din ng tingin yung lalaking tinitingnan niya at nagtama ang kanilang paningin. Doon lang nakita ni Jacian ng buo ang mukha nito at hindi nga siya nagkakamali, si LittlePrince yung lalaking 'yun.

Babawiin na sana ni Jacian ang kanyang mga mata ngunit natigilan siya nang ngitian siya nito.

Jacian: "..."

Nginitian ba siya ni LittlePrince?

Inaantok pa si Jacian kaya hindi siya sigurado kung siya ang tinitingnan nito kaya hindi niya mapigilan ang hindi lingunin ang kanyang likuran dahil baka may tao sa likuran niya ngunit nakita niyang walang iba kundi ang malaking espasyo ng hotel at pader yung dulo. Tiningnan niya ulit si LittlePrince at nakita niyang bahagya lang itong natawa dahil sa ginawa niya. Hindi narin siya nito nilinga at nagpatuloy na sa paglalakad kasama ang mga teammates nito.

Habang kinakausap ng kanilang lead coordinator na si Lacey yung babae sa front desk, nilapitan ni Jacian si Just at sinabing nakita niya si LittlePrince. Sinagot lang siya ni Just ng 'Mn' at tinanong kung nasaan na at sinabi niya namang kakaalis lang.

Nanatili paring nakakunot ang noo ni Jacian. "Kilala ba ako nun? Nginitian niya ako." Sabi niya.

"Baka nanonood siya ng match ng PKL." Sagot ni Just.

"Imposible, kung nanonood lang siya ng match ng PKL dapat ngumiti lang siya katulad ng ngiti ng stranger. Iba yung ngiti niya eh, parang kilalang kilala niya ako, at hindi lang siya ngumiti... Tumawa pa siya." Hindi makapaniwalang sabi ni Jacian.

Hindi naman nagsalita si Just at kinuha lang ang susi nang iabot iyon ni Coach Dang. Hindi narin nagsalita si Jacian at hinintay lang na abutan siya ng susi ngunit hindi siya inabutan ni Coach Dang.

"Nasan ang susi ko, Coach?" Tanong niya.

Tiningnan siya ni Coach Dang. "Binigay ko na kay Just, anim lang ang room kaya magsama nalang kayo sa iisang kwarto." Ani Coach Dang.

Tumango si Jacian.

Anim na rooms lang ang inihanda ng KWC para sa isang team dahil lima para sa mga players at isa para sa Coach at lead coordinator, pero dahil babae ang kanilang lead coordinator at may-asawa't anak si Coach Dang, hindi iyon maganda para sa dalawa kaya nagdesisyon si Coach Dang na pagsamahin nalang sa iisang room ang kanilang jungler at mid laner.

"Naku, baka may ma-knockout kaagad nang hindi pa tayo nakakapagknockout stage." Kantyaw ni Lucky sa dalawa.

Hinampas tuloy siya ni Coach Dang ng folder sa ulo. "Dalawa yung kama dun." Sabi ni Coach Dang at sinabihan na silang sumakay na sa elevator dahil nasa third floor ang kanilang room.

Dumeritso na sila sa kani-kanilang room kaya nagpaalam na sila sa kanilang mga teammates dahil nasa kabilang corridor ang kanilang room. Habang sinususian ni Just ang doorknob bumukas ang pinto sa katabi nilang kwarto at lumabas ang isang lalaki.

Nakasandal si Jacian sa pader habang hinihintay na bumukas ang pinto at nang makapagpahinga na siya, inaantok pa siya at pagod ang mental niya dahil sa dami nang nilakad ngayong araw. Gusto niya nalang matulog at kumain pagkagising.

Ngunit habang nasa ganun siyang posisyon dinilat niya ang kanyang mga mata nang makarinig nang mahinang tikhim, akala niya si Just iyon ngunit nang tingnan niya ang kabilang gilid ni Just nakita niyang palapit sa kanilang p'westo si LittlePrince. Halatang kakarating lang din nito sa kanyang room dahil hindi pa ito nakakabihis, wala narin ang checkered na nakasampay sa braso nito. Saglit lang nitong kinalikot ang cellphone bago naglakad palapit sa kanila.

Napansin naman ni Just ang presensya niya kaya nilinga niya rin ito. Tuluyan nang binuksan ni Just ang pinto at sinuksok ang susi sa kanyang bulsa.

Matangkad si LittlePrince pero mas matangkad si Just sa kanya ng kunti, mas payat lang ito kay Just kaya matangkad tingnan. Kung anong nasa social media ganun na ganun din ang itsura nito sa personal, straight ang buhok nito na umabot hanggang sa mata, may nunal ito sa gilid ng ilong at natural na mapula ang manipis niyang labi.

Nginitian nito si Just at iniunat ang kanyang kamay. "This must be God J, right?" Nakangiting saad ni LittlePrince.

"Mn." Tugon ni Just at nakipag-shakehands.

"Mas lalo kang gumwapo sa personal." Komento pa nito.

Jacian: "?"

Just: "."

Napakurap si Jacian. Marunong mag-tagalog si LittlePrince? Ngunit hindi iyon ang punto, ang point dito sinabihan niyang gwapo si Just. Gwapo naman talaga ang kanilang captain pero nagulat lang si Jacian dahil nanggaling iyon sa isa pang gwapo. Akala niya hindi marunong mag-compliment yung mga gwapo at mga magaganda.

Tiningnan niya si Just ngunit hindi naman nagbago ang ekspresyon ni Just. Nanatiling kalmado ang kanyang ekspresyon at halatang walang balak pahabain ang compliment ni LittlePrince. Mukhang nahalata rin ni LittlePrince na hindi interesado si Just sa kanyang topic kaya bahagya siyang ngumiti at ibinaling sa iba ang kanyang paningin. Tiningnan nito ang kanilang mga maleta.

"Nag-aayos kayo?"

"Mn." Tugon ni Just.

"Great. Magkalapit lang pala ang room natin, p'wede tayong maglaro. Nasan ang room ni Boss?"

"Here." Sagot ni Just.

"Oh. Akala ko room mo 'yan."

Tumango si Just. "Mn. Dalawa kami dito."

LittlePrince: "..."

Ilang segundong hindi nakapagsalita si LittlePrince bago siya nagpakita ng maliit na ngiti. Nang mapansin ni Just ang pananahimik ni LittlePrince binalingan niya ang mga maleta at pinasok na iyon sa loob ng room kasama ang maleta ni Jacian.

Pagod sila sa mahabang byahe parehong physical at mental kaya gusto muna nilang magpahinga bago kumain. Sinabihan sila kanina ni Coach Dang na bumaba para kumain ng hapunan ngunit sinabi ni Just na magpapahatid nalang sila ng pagkain pagkagising nila at h'wag na silang yayain. Tinanguan naman siya ni Coach Dang at sinabing i-adjust na ang time ng kanilang mga orasan dahil bukas ng umaga pupunta sila sa management ng KWC para magpa-register.

Gusto nilang ayusin ng mabilis ang kanilang mga gamit para makapagpahinga na sila ng maaga ngunit sinong mag-aakalang pupuntahan sila ni LittlePrince at magsalita tungkol sa mga kung ano-anong bagay. Habang inaayos ni Just ang kanilang gamit, nilapitan naman ni LittlePrince si Jacian na nakasandal sa pader. Papasok narin sana si Jacian para tulungan si Just ngunit napahinto siya nang makitang humakbang si LittlePrince palapit sa kanya. Wala namang ibang sinabi si LittlePrince dahil pagkatapos nitong mag 'hello' sa kanya nagbigay din ito ng good luck para sa darating na tournament.

Tumango naman si Jacian at binigyan din ng good luck si LittlePrince. Hindi narin naman nagtagal si LittlePrince dahil sinabi nitong lalabas siya para kumain, niyayaya pa siya nito pero tumanggi si Jacian dahil sa pagod. Wala siyang ganang kumain kahit na masasarap na pagkain pa ang ihanda sa kanyang harapan.

Sinara na ni Jacian ang pinto atsaka humikab bago siya naglakad patungo sa kama. Binagsak niya ang kanyang katawan sa malambot na kama at komportableng pinikit ang kanyang mga mata.

"Maligo ka muna bago ka matulog." Saad ni Just habang nilalagay sa cabinet ang mga damit.

"...mm." Halos hangin nalang na sagot ni Jacian habang nakapikit ang kanyang mga mata.

Kinabukasan, alas dos palang ng madaling araw nang magising na si Jacian, ilang beses siyang pumikit pero hindi na siya dinadalaw ng antok. Una ng limang oras ang Pilipinas sa Saudi Arabia kaya ang alas dos ng Saudi ay alas siete ng Pinas. Hindi na talaga siya aantukin dahil alas singko o alas sais siya nagigising. Tiningnan niya si Just ngunit nakita niyang natutulog pa ito, madilim parin sa labas nang hawiin niya ang kurtina ngunit makikita ang maraming street lights na nagliliwanag sa paligid.

Dumeritso nalang si Jacian sa CR para maligo dahil hindi siya nakaligo kahapon nung dumating sila, tinuyo niya ang kanyang buhok at bumalik sa kama bitbit ang kanyang cellphone. Habang nag-i-scroll siya sa Melon bahagyang nag-popped up ang notification sa taas ng screen at nakita niya ang chat ni Xiaowang.

[小王: Good morning.]

Ilang segundong tinitigan ni Jacian ang chat ni Xiaowang bago niya ito ni-replyan. Laging nag-gogood morning si Xiaowang sa kanya pero hindi iyon nag-chat sa kanya ng ganito kaaga, alas dos palang ng madaling araw. Ngunit naalala ni Jacian na nasa Saudi nga pala sila kaya siguradong kanina pa gising si Xiaowang.

[小王: Anong ginagawa mo?]

[Just Call Me Boss: Wala naman.]

Sagot niya sa tanong ni Xiaowang, akala niya yayayain siya nito ngunit makalipas ang ilang segundo nang hindi na iyon sinundan pa ng chat, siya na ang nagyaya kay Xiaowang ngunit sinabi nitong hindi siya makikipag-Q. Sinagot iyon ni Jacian ng simpleng 'OK' pero makalipas ang ilang sandali nang makatanggap ulit siya ng chat galing kay Xiaowang.

[小王: Labas tayo next time.]

Jacian: "?"

Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa screen.

[Just Call Me Boss: Sure, pagkatapos ng global competition.]

[小王: Nasa Saudi rin ako, p'wede tayong lumabas kapag free ka.]

Pagkatapos ng conversation nila ni Xiaowang, tahimik na si Jacian hanggang sa makasakay sila ng team van patungo sa office ng KWC para magpa-register, sinabi niya kay Just ang tungkol sa conversation nila ni Xiaowang nang makitang tulog ang kanilang mga teammates.

Hindi naman nagbago ang ekspresyon ni Just at bahagya lang tumango. "Mn. P'wede mong itanong sa kanya ng personal tungkol sa pera na sinend niya."

Tumango din si Jacian. Naisip niya rin 'yun kanina at mas mabuti ngang makausap niya ito ng harapan para magkaroon sila ng malinaw na usapan, pero hindi doon nababagabag si Jacian. Hindi niya alam pero nakakaramdam siya nang kakaiba.

Nang dumating ang hapon, nagkaroon sila ng practice match sa room ni Coach Dang at inabot na sila ng gabi, kumain sila sa restaurant para sa kanilang hapunan at bumalik din kaagad sa room ni Coach Dang para ipagpatuloy ang kanilang practice match. I-ninvite ni Coach Dang ng practice match ang isa sa MKL team na XUV kung saan magaling ang kanilang mid/jungler dou, natalo sila ng XUV ng tatlong beses at nanalo sila ng dalawang beses, pagkatapos ng practice match tinawagan ni Coach Dang ang coach ng XUV pero hindi niya iyon ma-contact. Sakto namang nag-popped up sa lobby ang chat ng mid laner ng XUV na si Ice at sinabi nitong nasa CR ang kanilang coach para sumuka, sinabi pa nitong good luck nalang 'pag nagsimula na ang tournament.

Si Lucky na ang nag-reply doon bago sila nag-left. Tinanggal nila ang kanilang noise-cancelling headphones at tinanong si Coach Dang kung irereview pa nila ang kanilang practice match pero sinabi naman ni Coach Dang na madaling araw na at mamayang tanghali nalang kung walang interview na ipi-prepare ang KWC.

Sabay na bumalik sina Jacian at Just sa kanilang room sakay ng elevator, ngunit paglabas nila nakarinig sila ng grupo ng mga pro players galing sa kabilang pasilyo at maingay na nagkukwentuhan patungo sa katabi nilang elevator.

"Tsk! FTT isn't even that strong, what Great Demon King? I even soloed Just, and he's supposed to be God J? My junior could beat him! Let's good luck them in the tournament, they're really terrible players." Matigas na sambit ng lalaking rainbow ang buhok at nakipagtawanan ito sa mga kasamahan nilang nasa likod.

"Haha! And that pink-haired guy, bro. Their mid laner, he's so good at trash talking others but he himself is a whole trash. The pklmonstermage? Tsk! What a joke! I still dominated him. Let me tell you bro, Coach was disgusted by his terrible gameplay that he rushed to the bathroom to throw up."

Sinundan iyon ng malalakas na tawanan hanggang sa marating nila ang elevator at pumasok doon.

More Chapters