WebNovels

Chapter 101 - Chapter 99: Honeybam dou

Kinuha ni Jacian si Ziya sa mid lane at Agudo naman kay Just. Si Ziya ay isang mage hero na kayang mag-level up hanggang level 25, may kakayahan din siyang i-level up ang kanyang teammate kaya sa buong match nila ni Just, ni-level up niya lang si Just dahilan para mapuno ng 'Honeybam dou' ang live chat.

Napakamot si Jacian sa kanyang kilay at inalis ang tingin sa computer, naka-oversized shirt pa siya at pantalon kaya makikita ang manipis na pawis sa kanyang noo dahil sa init, nang mapansin siya ng staff kaagad nitong binabaan ang temperature. Luminga naman si Jacian kung nasaan ang staff at binigyan ito ng maliit na ngiti ngunit nang luminga ulit siya sa live chat ay puro 'Honeybam dou' parin ang comments.

Si Agudo 'yung hero na magaling mag-push ng tower ngunit matakaw sa resources, halos lahat ng oras niya sa early game ay nasa jungle lang para kumuha ng creeps at makapag-summon siya ng maraming monster. Pagkatapos ubusin lahat ng creeps sa sariling jungle, pumunta si Just sa mid lane para tulungan siyang basagin ang tore. Pagkatapos ng ilang minuto, tiningnan ni Jacian ang live chat nang may mag-send ng gifts.

[Honeybam dou has sent you a big wave x1.]

[Honeybam dou has sent you a big wave x1.]

[Honeybam dou has sent you a big wave x1.]

[Honeybam dou has sent you a big wave x1.]

[Honeybam dou has sent you a big wave x1.]

Natuwa si Jacian dahil sa dami ng gifts. "Thank you, Honeybam dou----what?!!" Hindi maiwasan ni Jacian ang hindi magulat nang mabasa ang display name, napalakas pa ang boses niya dahilan para maagaw niya ang atensyon ni Just.

"Mn?" Tanong ni Just habang naka-angat ng bahagya ang dalawa niyang kilay.

Bagaman, walang tigil sa kaka-scroll ang live chat.

[Guilty 'yan.]

[Guilty ka Boss, h'wag ako, nagulat ka sa Honeybam dou.]

[Sure na nga, bading na talaga si Boss.]

[Itong trash streamer na 'to may gusto kay God J?]

[God J harap dito! Basahin mo ang comsect!]

[Boss, ang pula ng mukha mo.]

"Tapos? Anong gusto niyong palabasin?" Mataray na saad ni Jacian at umayos ng upo.

[Tingnan niyo, 'yung ganyang attitude guilty 'yan.]

[3 years na akong nanonood ng livestream mo Boss, kilalang kilala kita.]

[Guilty nga 'tong kupal na 'to. Panawagan lang sa mga fans ni God J, may umaangkin na po sa asawa niyo.]

[Masama 'yan ah, masamang future 'yan para sa FTT.]

[Send niyo na 'to kay Coach Sojurn, guys.]

Hindi na pinansin ni Jacian ang live chat at itinuon nalang ang kanyang atensyon sa screen ngunit maya-maya lang ay nag-desisyon siyang i-off ang web cam. Nag-reklamo ang mga lolo niya sa live chat ngunit hindi niya na binigyan ng atensyon.

_

Sa next match nila ng regular season, Team TK ang makakalaban nila kung nasaan si Captain Sin na isa mga kaibigan ni Just na isa ring top-tier jungler at best rookie mid laner na si Linus. Hindi sila nahuhulog sa playoffs at kahit parehong nasa group C sila ng FTT, masasabing pang group A ang laban ng dalawang koponan na 'to.

Naging seryuso ang training nila sa loob ng ilang araw at nagkaroon din sila ng practice match sa TK, hindi na brining-up ni Jacian ang tungkol sa 'Honeybam dou' na inilapag ni Lucky sa live chat at pareho narin nilang nakalimutan ang tungkol doon. Bibihira narin silang magbukas ng kanilang mga social media account at nang dumating ang araw ng match nila sa TK, sinabi ni Mrs. Sojurn sa kanilang lead coordinator na si Lacey na kunin na ang kanilang cellphone.

Si Lucky na nag-cecellphone sa gilid ay mabilis na nag-i-scroll hanggang sa huling minuto, siniko na siya ni Gem para ipahiwatig na tumigil na siya ngunit hindi niya ito pinansin. Nang lumapit si Lacey sa pwesto niya tumigil sa pag-scroll ang kamay niya nang makakita ng post na naka-mention si Just at Jacian.

[Waiting sa Honeybam dou bukas! @FTT.Just @FTT.Boss.]

Nagawa niya lang sumilip sa post dahil bubuksan niya palang ang comment nang may kumuha ng cellphone sa kanyang kamay. Kinuha ni Gem ang kanyang cellphone at iniabot kay Lacey, inutusan pala nitong kunin na ang cellphone ni Lucky dahil kumatok ang staff sa kanilang break room para sabihan silang pumunta na sa arena.

Umakyat sa stage ang babaeng host na si Ms. Phara at isa-isang tinawag ang mga players ng magkabilang teams. Matapos tawagin ang dalawang teams pareho silang dumeritso sa match area at umupo sa kani-kanilang gaming chair. Hindi pa nagsisimula ang match at oras palang para sa mic check, sa mga sandal ito nag-uusap-usap palang ang mga players sa pamamagitan ng kanilang noise-cancelling headphones at ang camera ay nakatuon palang sa dalawang commentators.

Commentator Zia: "Kinakabahan ako sa dalawang teams na 'to eh." Aniya at bahagyang inayos ang mic at tumawa.

Commentator Waver: "Oo, hindi lang ikaw kahit ako eh, may pakaba no? Sino ba naman ng hindi kakabahan. Laban ito sa pagitan ng dalawang top-tier junglers at top-tier mid laner. Kung napanood niyo nakaraan, si Linus ang naging MVP sa match nila at si Boss din ang naging MVP nung last match nila na wala 'yung Great Demon King. Patas lang sila kaya hindi natin alam kung sino ang makaka-first blood sa dalawang teams na 'to."

Commentator Zia: "Yung hula kasi natin nakaraan, kung sino ang maka-first blood siya ang mananalo."

Commentator Waver: "Pero dito, parang ang hirap alamin kung sino ang makaka-first blood, parehong makunat eh." Nagpakawala ng tawa si Commentator Waver. "Pero malalaman natin 'yan sa pagsisimula ng ating match. Pasok na tayo sa ating ban/pick phase."

Commentator Zia: "TK for the blue side and FTT for the red side. Makikita natin na agaran na nga nilang i-babanned si Augran, hahaha.."

Commentator Waver: "At 'yan na nga ba ang sinasabi natin na kapag si Great Demon King ang naka-upo sa jungler seat ng FTT, kailangan mo ng i-ban si Augran."

Binan ng TK si Augran at Musashi, binan naman ng FTT si Heino at Mozi. Pagkatapos nun, kinuha ng TK si Pei para sa kanilang first pick. Si Pei ay isang jungler hero at isa ito sa mga hero pool ni Captain Sin, malakas ito sa early game at masasabing masakit talaga ang damage ng isang Pei.

Napahawak si Jacian sa kanyang kaliwang pulsuhan kung saan naroon ang heart rate monitoring watch. Nakasandal lang siya sa gaming chair habang hinihintay ang command ni Mrs. Sojurn.

"Pick, Agudo and Liang." Saad ni Mrs. Sojurn mula sa kanilang noise-cancelling headphones.

Kinuha naman ng TK si Nuwa para kay Linus at Dolia para sa double ultimate. Sa side ng FTT, huling pumili si Jacian ng hero at ini-lock niya iyon kay Princess Frost. Walang pinagbago ang line-up nila sa mga nauna nilang match at tanging lane pushing lang ang gagawin ng FTT, kinuha nila ni Agudo at Chano na parehong may maraming summon at magaling mag-push, idagdag pa ang combo ng Liang at Princess Frost na makakapagpatigil ng paggala ni Pei sa buong mapa. Ang kailangan lang gawin ng FTT ay maunahan nilang mabasagan ng tower ang TK para mahati ang atensyon ng TK kung gusto man lang mag-initiate ng teamfight.

Commentator Zia: "Sobrang dali paganahin ang line-up ng TK, may damage kaagad mabilis pang mag-clear 'yung Nuwa pero 'yung line-up kasi ng FTT kung hindi mo babantayan 'yung mapa hindi mo mapapansin 'yung mga pitik-pitik ni Just at Lucky. Para sa side ng FTT, kailangan lang talaga nila mag-ingat kasi si Pei p'wedeng gumala 'to sa mapa tapos i-burst kaagad itong si Princess Frost."

Commentator Waver: "Yeah, at ang hirap patayin itong si Nuwa kasi wala silang assassins jungler, pero nand'yan naman si Mayene. P'wedeng pasukin ni Blue itong si Nuwa tapos combo kaagad."

Pagkatapos i-analyze ng dalawang commentators ang line-up, nagsimula na ang game number 1.

Nang lumabas si Jacian sa base, hindi siya pumunta sa mid lane para i-clear ang minions, pumunta siya sa blue buff para tulungan si Just na kunin ito, tinulungan niya rin si Just kumuha hanggang sa mga maliliit creeps. Mabilis nilang nalinis ang kanilang jungle hanggang sa mabasag ang tower shield sa mid lane. Lahat ng first tower ay may tower shield ngunit mabilis na nabasag ang tower shield ni Jacian dahil hindi siya nag-lilinis ng minions at laging hinahatid ni Linus ang kanyang minions patungong tower.

Matapos kunin lahat ng resources, pumunta sila ni Just sa mid lane at mabilis naman nilang nabugaw si Linus. Binigay ni Just ang river sprite kay Jacian dahil sa kanilang lahat ay si Jacian ang may pinakamababang gold. Hindi naman matakaw sa gold si Princess Frost dahil tagabigay lang ito ng crowd control kaya normal lang na ibigay niya sa kanyang mga kasama ang resources.

Sa official live broadcast ng PKL, makikita ang scrolling comments sa live chat.

[Honeybam dou!]

[Tinaboy si Linus eh, alis ka muna. Kami muna ng Honeybam ko. Sabi ni Just.]

[Kanina pa kasi binabasag ni Linus 'yung tower ni Boss, tingnan niyo nasa mid lane na si Just para basagin 'yung tower ni Linus.]

[Grabe naman 'tong ginagawa ni Just at Boss. Dikitan pre, ayaw talaga maghiwalay.]

[Walang makakapaghiwalay maliban sa kamatayan, sabi ni Boss.]

Matapos basagin ang first tower ng TK sa mid lane, bumalik si Jacian sa base at bumili ng equipment. Nakatuon ang kanyang atensyon sa main screen habang nakalapat sa screen ang apat niyang daliri. Ginagamit niya ang kanyang kaliwang hintuturo para tingnan ang mapa at ang kanan naman ay bumibili ng build, ang dalawa niyang thumbs ay nasa drag icon at hero skills. Inutusan siya ni Mrs. Sojurn na mag-command kaya hindi maalis sa mapa ang kanyang mga mata.

May 1 minute and 30 seconds pa para mag-spawned ang overlord/tyrant kaya chineck ni Jacian ang tatlong lanes sa mini map para tingnan ang wave ng minions. Pushing pa ang minions ng TK sa farm lane at nagawa naring pabagsakin ng TK ang tower nila sa mid lane.

Wala silang balak makipag-agawan sa tyrant kaya sinabi ni Jacian kay Blue na linisin ang minions.

"Okay." Saad ni Blue. Nilinis niya ang minions ngunit dumepensa ang clash laner ng TK kaya wala siyang choice kundi ang makipag-1v1.

"Papunta d'yan si Pei, nand'yan si Sin. Retreat muna." Utos ni Jacian habang papunta sa clash lane.

"...OK." Ginamit ni Blue ang kanyang 2-1 combo para sipain palayo sa kanya ang clash laner ng TK at bumalik sa sarili niyang tower.

"Captain, kaya mo bang pumunta dito?"

"Papunta na d'yan." Sagot ni Just.

Nasa baba ng tower si Blue habang si Jacian naman ay nakatago sa damuhan, pumunta ng clash lane si Just para kunin ang roster sa gilid. Lumabas naman si Blue sa tower para magpapain, nandun si Sin at ang clash laner ng TK para mag-clear ng minions at sinadyang mag-push ni Blue nang napakalalim sa puntong mahihirapan siyang bumalik.

Hinuli kaagad siya ng TK at mabilis na bumaba ang kanyang health, samantala habang nangyayari pala iyon nakaikot na si Jacian malapit sa river sprite at ginamit ang flash para lagyan ng ultimate sa gitna. Ginamit ni Blue ang kanyang combo na 1-1 para sa group crowd control at area burst damage, sinabayan pa ng combo ni Just. Namatay ang clash laner ng TK ngunit nagawa pang mabuhay ni Sin gamit ang kanyang isang guhit na HP ngunit ginamit ni Just ang kanyang skill 2 na roll ball at ginulungan si Sin. Namatay ang dalawang member ng TK at limbreng tyrant para sa FTT.

Nakuha ng FTT ang tyrant at nagawa pang pabagsakin ang tower sa clash lane. Ang plano nila kanina ay h'wag ng kunin ang tyrant at pabagsakin nalang ang tower sa clash lane ngunit namatay si Sin kasama ang clash laner kaya madali nalang para sa kanila pagsabayin ang dalawang resources.

More Chapters