WebNovels

Chapter 100 - Chapter 98: Gusto mo bang makipag-dou queue?

Hindi ina-apply ang global ban/pick sa regular season at ang mga hero na nagamit nila sa unang game ay maaari pa nilang gamitin sa mga susunod na laban. Regular season palang at hindi pa ganon kainit ang laban kumpara sa playoffs, kahit ang mga audience ay hindi rin ganon karami ngunit sapat na ang kanilang mga sigawan at banners para magkaroon ng buhay ang arena.

Nang magsimula ang ban/pick phase, nasa blue side parin ang Fantastic Era at red side ang FTT. Hindi nilalabas ng mga teams ang kanilang signature hero at ang kanilang mga strategy sa regular season, dahil nilalabas lang nila ito pagdating ng playoffs. Hindi nila p'wedeng ipaalam sa mga teams ang kanilang line-up, mga malalakas nilang core-system o kahit ang set-up. Paulit-ulit lang ang ginagamit nilang mga hero para hindi makahanap ng clue ang opponent pang-counter sa kanilang line-up.

Ganon din naman ang FTT at matapos kunin ng Fantastic Era ang Arli kinuha ng FTT si Menki ngunit ngayon ay Liu Bang na ang kanilang kinuha dahil binan ng Fantastic Era si Guan Yu. Ganon parin ang hero na kinuha ni Lucky at Gem samantalang hindi parin binan ng Fantastic Era si Mai Shiranui kaya kinuha uli ni Boss si Mai Shiranui para sa last pick ng FTT.

Hindi mapigilan ng dalawang commentators ang hindi matawa, kahit ang scrolling comments sa official live broadcast ng PKL ay puno ng 'haha'

Commentator Zia: "Grabe, ngayon ko lang nakita na nilalast pick na si Mai Shiranui. Ganon ba kababa 'tong hero na 'to?"

Nagpakawala ng tawa si Commentator Waver: "Yeah, sobrang nakakabanibago noh? Sanay kasi tayo na kapag Mai Shiranui first pick 'yan kung hindi ban."

Commentator Zia: "Sabi ng Fantastic Era, hindi kami takot sa Mai Shiranui niyo, pero ganon din naman ang FTT, hindi binan si Arli eh. Walang planong i-banned 'yung magaling na marksman."

Commentator Waver: "Mmm, pareho silang hindi takot. Wala silang kinakatakutan."

Nagpakawala ng tawa si Commentator Zia. Matapos i-analyze ang line-up ng dalawang teams pumasok na sila sa game number 2. Isang panalo nalang ng FTT tapos ang series.

[Anong inisip ng coach ng Fantastic Era? Wala ba siyang plano umakyat sa group B?]

[Hindi lang group B pre, parang playoffs ayaw narin niya.]

[Yung hindi pag-banned ng FTT sa Arli tanggap ko pa eh, pero 'yung hindi pag-banned ng fantastic era sa Mai Shiranui ni Boss. Kahit psychologist hindi kayang ipaliwanag.]

[Ha! Iniisip nilang trash streamer lang ang apo ko? Yung trash steamer tanggap ko eh pero 'yung may 'lang'.....no way!]

[Streamer lang kasi si Boss, so parang ang iniisip ng fantastic era dito kapag binan nila ng hero si Boss ibigsabihin takot sila kay Boss. Like hell na matakot sila sa isang streamer? Team fantastic era ang nagpapatunay na mas mahalaga ang pride kaysa sa points.]

[Team fantastic era, mag-concede na kayo ng defeat.]

[Grabeng bobo naman coaching.]

Kasabay nun ginamitan ng skills combo ni Jacian ang mid laner ng Fantastic Era.

First blood!

[First blood nanaman si Boss, extra gold nanaman.]

[Itong trash grandson ko na 'to mahirap lang 'to eh, pero ngayon siya ang pinakamayaman, ang taas ng gold. Kahit dito man lang sa game maranasan ng apo ko maging mayaman.]

Mid game palang ngunit makikitang meron ng KDA si Boss na 5-0-1, snowball lang ang ginagawa ng FTT at hindi nila hinahayaang makapag-set ng tempo ang Fantastic Era. Dahil sa KDA ni Boss, lamang siya ng dalawang level sa mid laner ng Fantastic Era.

Sobrang layo na ng game 2 sa game 1 dahil kung nung game 1 nakakapag-react pa ang Fantastic Era, ngayon wala na silang sagot. Pumupunta si Boss sa jungle ng Fantastic Era at nabuburst niya kaagad ang jungler, sobrang hirap hulihin ni Mai Shiranui at para sa marksman ng Fantastic Era nahihirapan din siyang habulin ito. Nahahabol niya ngunit wala siyang sapat na damage para ma-execute ito.

Sa loob ng 7 minutes natapos nila ang match nang walang kahirap-hirap, snowball lang ang ginawa ng FTT, nung nakita nilang butas ang farm lane inisang push nalang nila at hindi narin nakapag-defend ang Fantastic Era dahil wala na silang minion wave.

Pumunta ang FTT sa match area ng Fantastic Era para makipag-shake pagkatapos bumaba na sila ng stage.

Commentator Zia: "Ang bilis lang ng match noh? Hindi natin inaasahan na hanggang dun lang ang match, ako hinihintay ko pang mag enhance yung overlord at tyrant pero hindi na inabot."

Commentator Waver: "Early palang kasi sinulit na ni Boss 'yung damage niya eh plus may Liu Bang pa, so kahit na pumunta si Boss sa jungle ng Fantastic Era kaya siyang i-assist ni Blue. Tsaka, kung mapapansin talaga natin si Boss 'yung laging nag-iinitiate, siya 'yung initiator ng match. Alam mo sobrang hirap mag-initiate gamit si Mai Shiranui kasi 'yung positioning, kailangan mo ng magandang posisyon para ma-perfect mo kung saan tatama 'yung ult. Actually, sa line-up ng FTT mas safe dito kung si Menki ang initiator pero kasi si White, nakita natin na hirap siyang mag-initiate. Nawawala siya sa kanyang rhythm kapag nag-iinitiate siya kaya si Boss talaga 'yung ginawa nilang initator. Sobrang hirap, nakakakaba."

Commentator Zia: "Again, congratulations FTT, 2-0 ang kanilang score. Last match nila 2-0 din isang points nalang ma-popromote na sila sa group B next round."

Matapos ang match, inabot sa kanila ni Mrs. Sojurn ang kanilang mga cellphone at sabay-sabay silang dumaan sa backdoor patungo sa parking lot. Nang makapasok sila sa team van, binuksan ni Jacian ang kanyang SweetTalk app nang mag-popped up ang notification.

[Just: Well played.]

Umandar na ang team van at nag-byahe pabalik sa base. Katabi ni Jacian si White at katabi nito si Lucky, walang tigil sa pagkukwentuhan ang dalawa kung paano nila na-punish ang Fantastic Era na gumamit ng Arli at Augran.

Nakayuko lang ang ulo ni Jacian habang nagtitipa, ang sira niyang earphone ay nakasabit lang sa kanyang leeg.

[Just Call Me Boss: Hindi naman sila malalakas.]

Nag-send si Just ng voice message at ginamit ni Jacian ang kanyang earphone para pakinggan iyon, nagpakawala lamang si Just ng mahinang tawa. Nang makarating sila sa base, naka-upo si Just sa sofa habang abala sa pagtipa. Iniunat lamang nito ang kanyang kamay para makipag-high five sa kanila, isa-isa silang nakipag-high five kay Just bago umakyat sa second floor samantalang lumapit si Jacian at umupo sa sofa.

"Kamusta ang check-up?" Tanong niya at nagsalin ng tubig sa baso.

"P'wede na akong mag-training kahit ilang oras ko gusto." Sagot ni Just, nakasandal siya sa sofa habang hinahawakan niya ang kanyang relo sa kaliwang pulsuhan.

"Edi ayos." Nakangiting ani Jacian at inilapag ang baso sa mesa.

"Mn." Ngumiti siya ng maliit at seryusong tiningnan si Jacian. "Gusto mo bang makipag-dou queue?"

Jacian: "..."

Natigilan si Jacian bago nagpakawala ng mahinang 'mm'. Pagkatapos nun, bumalik na siya sa kanyang dorm para maligo. Napakamot siya sa kanyang ulo, bakit niyaya siya ni Just makipag-doubles? Ang sabi sa kanya ni Coach Dang noon tamad si Just makipag-doubles sa kanyang teammates, training man 'yan o tournament. Bihira din silang mag-doubles ni Just at nakakapag-doubles lang sila kapag iniutos ng coach, kapag hindi inutos ng coach hindi sila nag-doudoubles. Ngunit bigla siyang niyaya ni Just mag-doubles, hindi mapigilan ni Jacian ang hindi magtaka. Siguro, dahil Team TK ang makakalaban nila next match na mayroong mid/jungle dou sa pagitan ni Linus at Sin, isa rin ang TK sa mga teams na nakakapasok sa playoffs every season at hindi pa nahuhulog. Kung hindi siya niyaya ni Just mag-doubles plano niya ring yayain ito bukas pagkatapos ng kanilang practice.

Nang magising si Jacian, nag-toothbrush lang siya at naghilamos bago dumeritso sa training room. 7:00 a.m palang ngunit pagpasok niya ay naroon na si Just habang naglalaro, kahapon lang ang kanilang match kaya wala pa si White at Lucky pati narin ang iba niyang teammates para mag-training, siguradong nasa loob pa sila ngayon ng kanilang dorm para bumawi ng tulog at tanghali pa magigising, tanging si Just lang ang naroon. Nagulat si Jacian. Hindi siya sanay na makitang nasa loob ng training room ang kanilang captain nang 7 a.m ng umaga, laging tanghali pumupunta ng training room ang kanilang captain at kung nagigising man ito ng maaga, nag-jojogging ito at babalik uli sa kanyang dorm. Ito ang unang beses makita ni Jacian na nagpapractice si Just nang sobrang aga.

"Good morning." Bati sa kanya ni Just nang umupo siya sa tabi nito. Halatang kakatapos lang maligo ni Just dahil hindi pa tuluyang natuyo ang buhok nito at may patak pa ng tubig ang kanyang damit na kulay blue. "Tatapusin ko lang 'tong match." Ani Just habang nasa kalagitnaan ng teamfight.

"Ang aga mo ngayon ah." Komento ni Jacian habang inaayos niya ang kanyang equipment. Lumapit naman ang staff na nag-aayos ng mga wires sa gilid para tulungan si Jacian, ito na ang nag-assemble ng mga gamit niya para mag-live.

"Mag-lalive ka?"

"Mm. Meron pa akong 5 hours para ma-full ang quota ngayong buwan." Tinakpan niya ang kanyang bibig para humikab. "Hindi ka ba mag-lalive? Na-full mo na ang quota mo?"

"May 2 hours pa. Nag-lalive ako sa dorm." Sagot ni Just.

"Bakit hindi ka mag-live para ma-full na." Habang sinasabi iyon nagtitipa siya sa computer na naka-connect sa kanyang cellphone, dahil doon mababasa niya ng maayos ang live chat. Ni-log niya ang kanyang Hi! Streaming account sa mobile phone at ini-adjust ang webcam, binuksan niya lang ang camera at hinayaang kunan ng video ang kanyang bare face.

Tumambay siya sa game lobby at nag-check ng mga skins. Nang makita ng mga lolo ni Boss na online siya, mabilis silang pumasok sa livestream room niya at naglapag ng mga comments.

[Ang aga pa pero online ka na?]

[7 a.m palang, siguradong hindi pa gising si Lucky ngayon dahil kung gising 'yun maglalive kaagad 'yun. Hindi pa gising si Lucky pero ikaw nandito na sa streaming platform?!]

[Apo, hindi pa ako nakakabawi ng tulog dahil sa pangtatrash talk ko sa mga antis. Diba sabi ko nakaraan gagawa ako ng video para i-trash talk 'yung mga trash na nasa comsect ng FTT nakaraan? Ah...ang eye bags ko.]

[Ilabas mo panoorin natin.]

Nilapag nito ang video sa comsect at napuno ng haha.

[Ang tagal ko nang naghihintay ng live mo apo kaya laging naka-open ang data ko, pero ngayong umaga tunog nang tunog ang cellphone ko at halos sipain na ako ng asawa ko palabas ng bahay dahil sa ingay. Sigh..]

[Shit! Nag-live si Boss?]

[Hindi pa po nagsisimula.]

[Bakit nasa game lobby lang 'yan, Boss? Nag-cocommercial ka ba ng beauty products?]

Sa lower left ng main screen kung saan makikita ang makinis na mukha ng streamer, kumunot ang noo ni Jacian habang nagbabasa ng comments.

"Hinihintay ko pa si Captain. Mag-doudoubles kami ngayon." Saad niya, papatayin niya sana ang webcam pero nakita niyang kakatapos lang ng game ni Just.

[Oh shit! Makakakita ba tayo doubles?]

[Sure na pre, doubles nga 'to sa rg.]

[Ano nga uli ang pangalan ng dou ng dalawang 'yan? Kings dou? Double K cooperation?]

[FTT.Lucky: Honeybam dou. [Wink.jpg.]]

Jacian: "..." Hindi niya pinansin ang comment ni Lucky at i-ninvite si Just.

[Nandito rin si Lucky?]

[Wait, ano 'yung comment ni Lucky?]

[Honeybam dou.]

[Gem+Lucky = GemLuck CP

Lessen+Shadow = LS dou

Ning+Water = LifeSaver Connection

Sin+Linus = The Innocent

Just+Lan = Mid/jungle dou

Just+Boss = Honeybam dou]

[Hahaha Grabe namang dou 'yan.]

[Reminder lang ha, GemLuck CP talaga 'yung pinakalayag nung hindi pa na reveal 'yung LS dou. Tibag na 'yung LifeSaver Connection at Mid/jungle dou pero dumagdag 'yung Honeybam dou.]

[Unique, ano kayang pumasok sa isip ni Lucky para i-comment 'yung Honeybam dou na 'yan.]

[Nakakadalawa na si Just ha.]

[Wala na, nabading na. Tanggap ko pa 'yung ibang dou eh, pero itong Honeybam dou? Sobrang layo na sa e-sports.]

[Honeybam dou!!!]

More Chapters