WebNovels

Chapter 92 - Chapter 90: Sariling error ko po 'yung game 2.

Hindi na pumalag si Jacian nang hilahin siya ni Lucky papasok sa training room, nakita niya pa si Lan na lumabas sa meeting room para umupo sa sofa at harapin si Mrs. Sojurn at Coach Dang. Pagkatapos nun, sumara ang pinto ng training room.

Hinila ni Jacian ang gaming chair para umupo roon ngunit hinila siya ni Lucky patayo. Hindi niya mapigilan ang hindi ito tingnan nang salubong ang kilay. Kanina pa siya hinihila ni Lucky at sumasakit na ang balikat niya.

"Hindi ka ba curious sa pinag-uusapan nila? Tara, maririnig natin kapag dito tayo malapit sa pinto." Ani Lucky at idinikit ang tenga sa pinto.

Hinila naman siya ni Gem sa likod ng kanyang damit at iniupo sa gaming chair. Binuksan ni Gem ang dalawang gaming phone bago hinila ang gaming chair atsaka umupo roon.

"Let's queue." Malamig na saad ni Gem. Makikita ang pagkadismaya sa mukha ni Lucky at nag-scroll ng hero sa farm lane para pumili ng marksman hero.

Sa living room, prenteng naka-upo si Mrs. Sojurn habang naka-ekis ang kanyang mga braso sa dibdib. Malamig ang kanyang mukha habang deritsong nakatingin kay Lan, may staff na nakatayo sa gilid ng inuupuan nitong sofa at assistant iyon ng manager. Inayos ni Lan ang suot niyang salamin at pasimpleng hinawi ang kanyang buhok bago inilapag sa kanyang kandungan ang dalawang kamay, gusto niyang magsalita ngunit hindi niya magawa, ipinaglapat niya lang ang kanyang mga labi at tumingin sa kanyang kamay.

"Hindi ko alam na may bagong coach na pala ang club." Ani Mrs. Sojurn habang nakatingin kay Lan.

Hindi nagsalita si Lan. Nang marinig ang sinabi nito, si Coach Dang ang sumagot. Bagaman, magkaibigan sila ni Mrs. Sojurn alam ni Coach Dang ang temperament nito at kahit siya takot din kay Mrs. Sojurn. Kaya nilinga niya muna ni Lan bago tiningnan si Mrs. Sojurn. Umubo muna siya para kunin ang atensyon ni Mr. Sojurn bago nagsalita. "Ako ang kumuha sa kanya, sinabi ko sa manager na ipaalam sa'yo pero sinabi niyang busy ka. Wala na akong time kaya hindi na ako nakahingi ng permission mo." Kalmadong paliwanag ni Coach Dang.

Hindi siya tiningnan ni Mrs. Sojurn. "It doesn't matter." Sabi nito at tumingin kay Lan. "Coach Lan, right?" Tanong nito na dalawang beses tinanguan ni Lan. "Gusto kong ipaliwanag mo kung anong nangyari nung game 2. Ayokong panoorin ang mic check na nilabas ng PKL dahil gusto kong sa'yo manggaling ang paliwanag. Anong nangyari nung game 2?" Tanong ni Mrs. Sojurn at ini-ekis ang kanyang legs.

Natahimik si Lan, ibinuka niya lang ang kanyang bibig ngunit walang lumabas na salita. Nakikita niya sa kanyang peripheral vision ang tingin ni Coach Dang na nagpapahiwatig na sagutin niya ang tanong ni Mrs. Sojurn ngunit hindi siya makahanap ng magandang salita para ipaliwanag ang gusto niyong sabihin. Hinawi lang ni Lan ang kanyang buhok at bahagyang yumuko.

Naningkit ang mga mata ni Mrs. Sojurn, makikita ang kawalan ng pasensya sa kanyang mukha at halatang nainis ito dahil sa pagiging tahimik ni Lan. "Hindi mo kayang ipaliwanag ang game 2?" Tanong uli ni Mrs. Sojurn. Naghari ang katahimikan sa living room at nararamdam ni Coach Dang na nagsisimulang bumigat ang atmosphere.

Sa loob ng training room, nasa kalagitnaan ng teamfight si Lucky at Gem, si Blue naman ay nakasandal sa bukas na bintana, may hawak itong cellphone habang nagpapahangin. Nagtitipa naman si Jacian sa kanyang cellphone habang naka-upo sa gaming chair. Tahimik sila at tanging ingay lang na nagmumula sa gaming phone ni Lucky at Gem ang maririnig sa apat na sulok ng training room. Habang nakatuon ang kanilang atensyon sa kani-kanilang ginagawa bigla na lamang may kumalabog sa living room dahilan para magulat sila. Napa-angat ang balikat ni Jacian at Blue dahil sa gulat samantalang naitapon naman ni Lucky paangat ang kanyang gaming phone mabuti nalang at sa katawan niya lang din iyon nahulog. Bahagya namang huminto si Gem at tiningnan sila bago tumingin sa pinto.

Tumayo si Jacian para buksan ang pinto nang may kumatok doon. Nakita niya ang staff ng kanilang manager na nakatayo sa labas habang nakatingin sa kanya, sinabi nitong gusto siyang kausapin ni Mrs. Sojurn at humakbang patagilid para makalabas si Jacian sa pinto. Makikita ang gulat at takot sa ekspresyon ni Lucky nang marinig ang sinabi ng staff ngunit hindi na nilingon ni Jacian ang kanyang teammates at sinara ang pinto bago naglakad patungo sa living room. Naagaw kaagad ang kanyang atensyon sa ubas na bahagyang kumalat sa mesa ang ilang piraso, halatang hinampas ni Mrs. Sojurn ang mesa at naglikha ng malakas na kalabog kanina. Huminto siya sa gilid ni Coach Dang, tinapik ni Coach Dang ang sofa para senyasan siyang umupo na agad niya namang sinunod.

Kalmado niyang tiningnan si Mrs. Sojurn. "Gusto niyo 'raw akong kausapin?" Tanong ni Jacian. Naramdaman niyang gumalaw si Lan para tingnan siya ngunit hindi na siya nag-abalang lingain ito. Tiningnan siya ni Mrs. Sojurn at ibinalik ang tingin kay Lan dahilan para maiyuko ulit ni Lan ang kanyang ulo.

"Hindi kayang ipaliwanag ni Coach Lan ang game 2. Jacian, kaya mo bang ipaliwanag?" Tanong nito at lumipat kay Jacian ang malamig niyang mga tingin.

"Saang part po ng game ang gusto niyong ipaliwanag ko?" Mahinang tanong niya at sinusubukang gawing magalang ang kanyang tono. Ang owner ng club ang nag-recommend sa kanya kaya malaki ang respeto niya kay Mrs. Sojurn.

Binawi ni Mrs. Sojurn ang kanyang mga tingin. "Forget it. Anong thoughts mo sa game 2?" Binago nito ang kanyang tanong ngunit ganon parin ang tono ng kanyang boses.

Saglit namang nag-isip si Jacian, sa katunayan hindi na kailangang pag-isipan. "Sariling error ko po yung game 2." Mariing saad niya. Gusto niyang magpatuloy ngunit pinili niya munang manahimik, gusto niyang marinig ang sasabihin ni Mrs. Sojurn.

"Sarili mong error? Hindi mo kayang gamitin si Gan&Mo? Ilang beses mong nalaro si Gan&Mo? Nagamit mo ba 'to sa mga practice match?" Sunod-sunod na tanong ni Mrs. Sojurn.

"Hindi ko ginagamit ang hero na 'to, hindi ko rin nagamit sa practice match." Sagot niya, saglit lang siyang tumingin kay Mrs. Sojurn bago nagbaba ng tingin.

Tumango si Mrs. Sojurn. "Hindi mo pa nagamit sa practice match pero ginamit mo na sa tournament?" Saad nito habang nakatitig kay Jacian.

"Sinunod ko lang ang line-up ng coach."

Dahil sa sinabi ni Jacian lumipat kay Lan ang tingin ni Mrs. Sojurn. "Pinapagamit mo ng hero ang mga players na hindi pa nagagamit sa practice match?"

Nag-angat ng tingin si Lan. "Hindi ko alam na hindi siya marunong gumamit ng Gan&Mo." Mabilis na depensa ni Lan.

Nagulat si Jacian dahil sa sinabi nito at nakakunot-noo itong binalingan. Nagtaka siya, anong hindi alam ni Lan na hindi siya marunong gumamit ng Gan&Mo? Alam nitong hindi niya pa nagagamit si Gan&Mo pero pinagamit sa kanya dahil gusto nitong mapahiya siya sa harapan ni Just. Nangalit ang ngipin ni Jacian at hindi mapigilan sabihing, "Sa ban/pick palang sinabi ko na sa'yo na hindi ko pa na-master si Gan&Mo, pero sinabi mong h'wag akong mag-alala dahil may damage siya. Pinilit mo akong gamitin ang hero na hindi ko pa nagagamit." Kalmado ngunit may diing sagot niya.

Dahil sa sinabi ni Jacian nagulat si Lan. Inis siya nitong nilinga para batuhin ng masamang tingin, may warning din ang mga mata nito, para bang nagpapahiwatig na h'wag siyang magsalita ng kung ano-ano. Ngunit hindi iyon pinansin ni Jacian, ayaw niyang sinisisi siya sa mga bagay na ibang tao ang may kasalanan, handa rin siyang umalis sa club kung mapupunta sa kanya ang sisi, kung hahayaan niya lang na i-trato siya ng ganito ano pang kwenta na isa siyang trash talk king? Iniisip ba nila na pangarap niyang maging pro player? No, kaya niyang mag-retired pagkatapos ng isang season.

Kalmado ang ekspresyon ni Jacian, ayaw niyang magpakita ng negatibong pag-uugali sa harapan ng taong nag-recommend sa kanya. Tumikhim si Coach Dang para pagaanin ang sitwasyon bago tiningnan si Lan. Sinasabi niyang kumalma muna ito sa pamamagitan ng tingin.

"Ang sabi mo hindi mo alam na hindi marunong gumamit ng Gan&Mo si Jacian. Fine." Saad ni Mrs. Sojurn at iniunat ang kanyang kamay sa staff na nasa gilid nito. Kinuha naman ng staff ang cellphone sa bulsa nito at inilapag sa nakalahad na palad ni Mrs. Sojurn. Simpleng binuksan lang iyon ni Mrs. Sojurn para i-play ang video, pagkatapos nun maririnig ang boses nila sa match area. Ini-forward ni Mrs. Sojurn ang video at huminto iyon sa video na gusto nitong mapanood. Namutla si Lan nang marinig nito ang sarili niyang boses.

"Pick Gan&Mo." Maririnig iyon sa cellphone na hawak ni Mrs. Sojurn, pagkatapos nagsalita si Lucky, maririnig din ang boses ni Gem para tanungin si Jacian kung pipiliin niya ba si Gan&Mo. Ilang segundong katahimikan bago nagsalita si Jacian.

"..wag." Sagot ni Jacian sa tanong ni Gem.

Nagsalita naman si Lan. "Bakit? Maganda si Gan&Mo sa line-up na 'to, at mapopoke mo ang mga enemies na nasa likuran." Ma-awtoridad na lintaya ni Lan.

"Hindi ko pa na master si Gan&Mo." Mariing sagot ni Jacian.

"What? Hindi mo pa na master si Gan&Mo? Hindi ba sabi mo malalim ang hero pool mo, bakit ngayon hindi mo kayang gamitin si Gan&Mo?"

"Kaya kong gamitin lahat ng hero sa HoK 'EXCEPT' kay Gan&Mo." Mahinang sagot ni Jacian at may diin ang salitang 'EXCEPT'

"Mukhang kulang pa ang training hours mo sa isang araw, pagbalik sa base dadagdaan ko ng 2 hours ang training mo para i-master si Gan&Mo." May bahid ng provocation ang tono niya at huminto bago muling tumuloy, "Don't worry, malakas naman si Gan&Mo at may damage siya. Hindi ikaw ang core, ang kailangan mo lang gawin ay bawasan ang HP ng kalaban at hayaang si Lucky ang kumuha ng kills. Do you understand?" Pagkatapos nun pinatay ni Mrs. Sojurn ang video at iniabot sa staff.

Natigilan si Lan at namutla ang kanyang mukha. Hindi niya magawang mag-angat ng tingin para harapin si Mrs. Sojurn dahil sa hiya, kahit si Coach Dang ay napakunot noo nang marinig ang conversation, hindi niya pa napakinggan ang mic check na inilabas ng PKL kaya hindi niya in-expect na ganito ang sitwasyon nila sa ban/pick phase. Ngunit nang marinig ang conversation, hindi siya makapaniwalang tumingin kay Lan.

Umangat ang isang kilay ni Mrs. Sojurn, malamig ang kanyang mga mata ngunit nababahiran ng galit ay dismaya ang kanyang mukha. Animo'y kahit anong oras ay sisigawan sila. "Ban/pick phase palang nagkakagulo na kayo? Anong klaseng coaching 'to! Hindi mo ba kayang mag-handle ng team?! Tama ba ang sinabi mo sa harap ng mga players?! Ikaw ang coach pero ikaw mismo ang sumisira sa mental state ng mga players!" Hindi na nagulat si Jacian nang tumaas ang boses ni Mrs. Sojurn. Sanay siya sa mga ganitong sigawan dahil lumaki siyang magulo sa loob ng bahay nila, ngunit kahit siya ayaw niyang makarinig ng ganitong salita, ngunit wala naman siyang magagawa kundi pakinggan ang sermon ni Mrs. Sojurn sa kanilang Coach. "Anong klaseng team 'to! Nasan na ba ang mga players ng FTT, nasan ang captain?!"

Mabilis na nag-angat ng tingin ang staff para ilibot ang kanyang paningin sa first floor ng base ngunit napako ang kanyang tingin sa nakasaradong pinto ng training room, sakto naman dahil kabababa lang ni Just sa hagdan. Bahagya pang bumagal ang paghakbang nito nang makita si Mrs. Sojurn bago muling nagpatuloy para lumapit. Binalingan naman ni Coach Dang ang staff kaya kaagad itong lumapit sa pinto ng training room para puntahan ang ibang players ng FTT.

Sa loob ng ilang segundo, makikitang nakatayo sa malapad na living room ang mga players ng FTT. Nakayuko ang kanilang mga ulo at naghahanap ng p'wedeng pagkaabalahan, lalo na si Lucky. Nasa likuran siya ni Jacian na siyang naka-upo sa sofa, nakahawak si Lucky sa sandalan ng sofa habang hindi mapakali ang kanyang paa, huminto lang ang paggalaw 'nun nang marahang sipain ni Gem.

More Chapters