WebNovels

Chapter 91 - Chapter 89: Mrs. Sojurn

Sa sumunod na araw, masakit na idinilat ni Jacian ang kanyang mga mata. Mataas na ang sikat ng araw ngunit Nanatiling madilim sa loob ng kwarto ni Jacian, nakasara ang makapal na kurtina at walang kahit isang sinag ng araw ang pumasok sa bintana. Hindi siya mahilig magsara ng kurtina dahil ginagawa niyang alarm ang sikat ng araw para magising siya ng tuluyan, ngunit ngayon nakababa at nakasara ang makapal na kurtina dahilan para bahagyang kumunot ang kanyang noo.

Wala sa sariling bumangon siya at napakamot sa kanyang batok, iniisip kung paano siya napunta sa kanyang kwarto. Naglakad siya patungo sa bintana at hinawi ang kurtina para ilagay sa magkabilang gilid. Tumama sa bintana ang liwanag kaya bahagyang napapikit si Jacian, kumurap siya ng dalawang beses bago naglakad patungo sa kanyang bathroom. Binuksan niya lang ang gripo para maghilamos at nang tumama ang tubig sa kanyang mukha, naalala niya ang nangyari kagabi.

Jacian: "..." Kinukwento niya kay Just 'yung mga struggles niya sa buhay, at liban pa dun umiyak pa siya sa harapan nito!

Fuck!

Nababalutan ng tubig ang kanyang mukha at ramdam niya ang lamig, habang iniisip iyon wala sa sariling sinampal niya ang kanyang sarili at tumalsik ang mga tubig sa paligid niya. Sinimulan niyang murahin ang kanyang sarili at kinuha ang toothbrush. Hindi siya makapaniwalang nag-drama siya sa harapan ni Just, pakiramdam niya hindi siya 'yun. Ano pang kwenta ng pagiging trash talker niya? Isa pa ba siyang trash talker na matalim ang bibig at malakas ang mental state? Siya pa ba 'yung streamer na nagsabing sa panahon ngayon dapat maging robot na ang mga tao para wala nang pakialam kung anong sabihin ng mga tao? Fuck! Hindi na siya 'yun! Nag-collapse ang mental state niya at nag-drama sa harapan ni Just! Hindi ito ang unang beses na nakita siyang umiyak ni Just, pangalawang beses na 'to!

Binalot ng hiya ang buong pagkatao ni Jacian at halos 30 minutes siyang nagbabad sa tubig, lumabas siya ng bathroom habang tinutuyo ang kanyang buhok gamit ang towel. Ngunit nang marating niya ang sofa, bahagyang naningkit ang kanyang mga mata at napapikit. Tinulungan siya ni Just na tuyuin ang kanyang buhok kagabi, hanggang ngayon nararamdaman parin ni Jacian ang kamay nito na mabagal na sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang kamay.

Holy shit! Kamay 'yun ng Great Demon King, kamay ng world championship at pagod nang humawak ng maraming trophies ngunit ginawa niya lang taga-tuyo ng kanyang buhok?

Hindi makahanap ng salita si Jacian na ipang-sesermon niya sa kanyang sarili, naglakad lang siya palapit sa mesa para kunin ang kanyang cellphone at tingnan ang oras. Hindi pa naman siya late dahil 9 a.m palang at madalas 10 a.m ang kanilang practice match kung meron man. Nang maisip niya ang practice match, binuksan niya ang kanyang SweetTalk app para i-check kung may chat sa kanilang gc ngunit wala namang chat si Lan na meron silang practice match. Maliban sa mahabang 'good morning' na si-nend ni Lucky wala ng bagong message dun. Pinatay niya lang ang kanyang cellphone at lumabas ng dorm para bumaba.

Sa malaking living room ng kanilang base, makikita ang ilang mga tao na abala sa paglilinis. Naroon ang second string na parit-parito habang may dalang mop at balde. May mga nagpupunas ng pader at bintana habang tinatali ang mga kurtina, bukas din ang pinto ng training room pati narin ang meeting room at makikita si Lucky, Gem at Blue sa loob habang abala si Lucky sa pagpupunas ng mga mesa. Kaharap nito si Gem na inaayos ang mga gaming chair habang nagwawalis naman si Blue at may dusk pan na naka-abang sa pinto.

Bumagal ang naging pagbaba ni Jacian sa hagdan habang nakahawak sa railings, nilibot niya ang kanyang paningin sa living room at bahagyang nagulat nang makita si Coach Dang na naka-upo sa sofa. Malinis na ang base at halatang kanina pa sila naglilinis, binilisan ni Jacian ang kanyang pagbaba para lapitan si Coach Dang. Nakita naman siya ni Coach Dang at sinenyasan siya nitong lumapit. Tiningnan muna ni Jacian ang mga tao sa loob ng base bago binalingan si Coach Dang nang may pagtataka.

"Anong nangyayari dito, Coach?" Tanong niya at dahan-dahang umupo sa tabi ni Coach Dang.

Hindi naman pinansin ni Coach Dang ang tanong niya at may kung anong emosyon ang makikita sa mga mata nito nang titigan siya. Nagtaka naman si Jacian at iniunat ang kanyang kamay para kumuha ng ubas sa mesa at inilagay iyon sa kanyang bibig.

"Nalabas na ang voice pack ng match niyo, kasama sa nilabas ng PKL committee ang ban/pick. Hindi ka talaga marunong gumamit ng Gan&Mo? Sabihin mo nga, ilang beses mo bang nalaro si Gan&Mo?" Tanong ni Coach Dang.

Kumuha ulit si Jacian ng isang ubas bago inilingan si Coach Dang. "Hindi ko pa nagagamit si Gan&Mo, kahit isang beses." Sagot niya at inilagay sa kanyang bibig ang ubas.

Hindi siya makapaniwalang tiningnan ni Coach Dang. "Hindi ka marunong gumamit ng Gan&Mo pero pinagamit ka ni..." Huminto si Coach Dang at tiningnan ang paligid, nagpatuloy siya gamit ang mababang boses. "Pero pinagamit ka ni Lan?" Nababahiran ng pagtataka ang boses nito.

"Mm." Sagot lang ni Jacian at tiningnan si Coach Dang. Iniunat niya uli ang kanyang kamay para kumuha ng ubas pero tinapik ni Coach Dang ang kanyang kamay.

"Stop, hindi ka pa nakakakain ng kanin. Alam mo ba kung ano ng meaning ng unang match mo sa regular season?"

Hindi nagsalita si Jacian, syempre alam niya pero hindi niya naman pinapahalagahan 'yun. Umupo lang siya ng maayos at tumigil na sa kakakuha ng ubas.

Seryuso siyang tiningnan ni Coach Dang. "Ang unang match mo sa regular season ay debut mo sa professional arena. Pero kayo ang pinili ng GOT-G sa opening match kaya iyon ang naging debut mo. Kung hindi kayo ang pinili ng GOT-G sa opening match anong mangyayari sa debut mo? Meron kang K/D/A na 1-6-1 tingin mo memorable 'to?" Sambit ni Coach Dang habang seryusong nakatingin kay Jacian. "Gusto kong maging maganda ang unang laro mo sa professional arena, gusto kong ako ang maging Coach dahil debut ng bagong player ng Team ko pero wala ka dun. Alam mo ba kung ano ang debut ng mga pro players sa professional arena? Si Shadow nakakuha ng pentakill dahil sa cooperation nila, si Water nakabasag ng crystal, si Kirsty nakakuha ng most K/D/A sa unang match niya at ikaw...nakakuha ka ng 1-6-1 sa unang match ng regular season? Kung alam ko lang na mangyayari 'to sana ako nalang ang nag-coach sa unang series." Inis na saad ni Coach Dang at inis na hinagis pabalik sa plato ang ubas.

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Jacian at naka-upo lang ito ng maayos habang nakikinig sa sinasabi ni Coach Dang. Nanatiling ganun ang kanyang posisyon hanggang sa matapos marinig ang rant ng kanilang coach.

Sa kabilang banda, nang makita ni Coach Dang na kalmado ang kanilang team mid laner, hindi niya maiwasan ang hindi ito titigan. "Nakikinig ka ba sa akin? Kanina pa ako nagsasalita dito."

"Narinig ko. Sa lakas ng boses mo baka nga umabot 'yun sa meeting room at narinig ni Coach Lan na binabackstab mo siya." Kalmadong saad ni Jacian.

Coach Dang: "..."

Hindi niya alam kung anong sasabihin. Ang kanilang team mid laner na nakakuha ng 1-6-1 sa pangalawang match niya sa professional arena ay hindi nababahiran ng lungkot sa naging result. Sobrang nakakapagtaka, halos lahat ng pro players may mga highlights sa kanilang debut pero siya nadurog ngunit hindi kakikitaan ng lungkot. Hindi kaya hindi mapangarap ni Jacian ang maging pro player?

Napailing si Coach Dang. Sabagay, nabalitaan niyang maraming clubs ang kumuha kay Jacian para maging pro player pero ni-reject nito lahat. Ang batang 'to, mas gugustuhin pang tumambay sa streaming platform para mang-trash talk ng mga players kaysa mag-training para makuha ang world cup.

Habang nasa ganung sitwasyon, tumunog ang doorbell sa kanilang base. Lahat ng tao sa first floor ng base ay natigilan maliban kay Jacian. Para silang ginamitan ng crowd control at si Jacian lang ang naka-cc immune. Kakatapos lang nila maglinis at kasalukuyan nang inaayos ang mga gamit, kahit sina Lucky kasama si Gem at Blue na palabas ng training room ay bahagyang na-stunned. Bumagal ang lakad nila at tiningnan ang mga players ng second string na malapit sa pinto. Ngayon lang nakapag-react ang second string at mabilis na kinuha ang mga mop at balde at animo'y gumamit ng flash dahil sa bilis nilang nawala.

Hindi alam ni Jacian kung saan sila pumunta at nilinga ang pinto dahil sa doorbell. "May bisita ba tayo?" Tanong niya at nilinga si Coach Dang.

Coach Dang: "..." Umubo si Coach Dang at tiningnan siya. "...Jacian, p'wedeng buksan mo ang pinto?" May pakikiusap na utos ni Coach Dang. Nilinga nito ang kanilang lead coordinator na patungo sa kanilang deriksyon. "Lacey, kumuha ka ng meryenda at inumin." Utos ni Coach Dang. Mabilis namang bumalik ang kanilang lead coordinator sa kusina.

Tinanguan lang ni Jacian ang kanilang coach at tumayo para buksan ang pinto.

Lucky: "!!!!!!!"

Gem: "."

Blue: "??"

Nanginig ang mga binti ni Lucky at naglakad palapit kay Coach Dang. "Okay lang ba na si Jacian ang magbubukas ng pinto?"

"Of course. Depende sa performance niya." Saad ni Coach Dang.

Sa kabilang banda, binuksan ni Jacian ang pinto ng kanilang base at nang makita kung sino ang nasa labas. Bahagya siyang napakurap ng dalawang beses. Nakatayo sa harap ng kanilang pinto ang isang babae na sa tingin ni Jacian ay thirty years old. Mababa ito ng isang dangkal kay Jacian at mataas na naka-ponytail ang kanyang buhok, straight ang buhok nito na hanggang ribs at sobrang itim, may suot itong itim na sunglasses at may makapal na kilay, matangos ang kanyang ilong at naka-lipstick ng pula. Sa kanang kamay nito, may hawak itong stick ng sigarilyo at inilagay nito iyon sa mapula nitong labi para humithit.

Nang makita ito ni Jacian, isa lang ang nasa isip niya. Kahawig ni Just ang babaeng nasa harap ng kanilang pinto. Kung tutuusin parang si Just lang na naka-ponytail. Pamilyar din sa kanya ang itim na sunglasses at napagtantong ito 'yung salamin na suot ni Just sa kanyang wallpaper. Hindi na siya magtataka kung mama ito ni Just, mama ni Just ang may-ari ng kanilang club. Kaya pala nagkaroon ng general clean-up sa kanilang base at nandito rin si Coach Dang dahil darating ang owner ng club. Mabilis na nag-react si Jacian at binuksan ng malaki ang pinto.

Malamig ang mukha ni Mrs. Sojurn katulad ng kanilang captain, bahagya pang umangat ang kilay nito nang tingnan nito si Jacian. Ngunit masasabi ni Jacian na simple lang ito manamit, t-shirt na itim lang ang suot nito at blue jeans, hindi mo iisipin na isa siyang owner ng club. Mukhang bata parin ang kanyang itsura at hindi halatang may anak, hindi halatang may anak itong 22 years old.

Naglakad ito palapit sa pinto at inihulog ang upos ng sigarilyo sa basurahan. Humakbang naman si Jacian para umalis sa daraanan nito. Tiningnan lang siya ni Mrs. Sojurn bago ito pumasok sa base at tinanggal ang suot na sunglasses. Nang maglakad ito patungo sa sofa, mabilis na tumayo si Coach Dang at sinalubong ito, hinawakan nila ang kamay ng isa't isa at nagbanggaan ng kanilang balikat.

Nagulat si Jacian.

"Hindi ko in-expect na nandito ka ngayon. Congratulations, nasaan ang baby mo?" Tanong ni Mrs. Sojurn. 

"..hindi ko kasama." Namumutlang sagot ni Coach Dang ngunit pinilit niyang magpakita ng ngiti. Hindi niya dinala ang anak niya dahil nagmamadali siyang pumunta sa base kaninang umaga nang sabihin ni Mr. Sojurn na pupunta si Mrs. Sojurn sa base ngayong araw. Pagkatapos niyang magpaalam sa kanyang asawa ay dumeritso na siya sa base.

Matapos isara ang pinto nakita ni Jacian si Lucky na sumesenyas habang nakatayo sa tapat ng training room. Kumakalabit ang daliri nito para senyasan siyang pumunta roon. Naglakad naman si Jacian para puntahan si Lucky kasama si Gem at Blue.

More Chapters