WebNovels

Chapter 250 - Chapter 79

Tila nag-aalinlangan pa si Van Grego sa pagpasok sa loob ng Separate Space dimension ng Myriad Painting ngunit mabilis rin niyang nakumbinsi ang sariling para ito sa ikakabuti niya.

Gamit nag kaniyang sariling enerhiya ay gumawa ng maliliit na handseals si Van Grego at mistulang lumutang ito papunta mismo sa harang ng nasabing Separate Space Dimension.

Unti-unti namang nagreact ang nasabing harang at maya-maya pa ay nagliwanag ito at makikitang parang nawala ang harang kung saan naghihiwalay o nakahimlay ang Separate Space Dimension ng dating Half-master niya na si Master Vulcarian.

Agad na nakita ni Van Grego ang pamilyar na silid ng kaniyang dating Half-master. Napakalawak ito kumpara sa isang toa lamang. Maliit man maituturing nag Separate Space Dimension ay hindi naman literal na maliit ito. Parang masasabing kasing laki ito o kasing lawak ito ng mga ordinaryong mga bahay. Di ganoon kasobrang lawak at hindi rin sobrang liit ng espasyo.

Agad na nilibot ni Van Grego ang bawat pasilyo ng maliit na lungga ng kaniyang dating Half-master at masasabi niyang ganoon pa rin ang ayos ng mga bagay-bagay. Nakita niya ang isang tronong upuan ng dating Half-master niya at ang isang kakaibang basong napakaantigo sa makiit na lamesa nito na kasamang katabi nito ang isang bottle ng hinihinalang pambihirang wine na mayroong takip ito. Bilang paggalng sa namayapang Half-master niya ay hindi niya kailanman pinapakialaman ang mga bagay-bagay na naririto.

Pasikot-sikot ang lugar rito at mayroong iba't-ibang partition ngunit ang mga dinaanan niya ay kabisado niya na ito. Agad niyang tinungo ang daan patungo sa nasabing Collection Room ng dating Half-master nito na si Master Vulcarian.

Ang libro ngang hawak niya na patungkol sa Miracle Pill ay kinuha niya sa Library Room ng kaniyang dating Half-master. Hindi naman niya ito ninanakaw kundi hihiramin niya lamang. Sigurado siya sa kaniyang sarili na ang Miracle Enhancement Liquid Pill o Grade Equilizer Pill ang pangalawang kukuning bagay rito sa loob ng bahay ng kaniyang dating Half-master na si Master Vulcarian. Hindi niya naman siya nang-aabuso sapagkat alam niyang sa sarili niya na desperado lamang siyang sa mga oras na ito at wala siyang ibang pagpipilian kundi kapalan ang kaniyang pagmumukha. Isa pa ay may karapatan din siya sapagkat isa siyang Half disciple ng kaniyang Half Master Vulcarian.

"Kung saan po kayo Master Vulcarian, pasensya na kung pumunta naman ako sa bahay niyong ito huhu..." Sambit ng binatang si Van Grego habang nagbigay pa ng kowtow habang tumapat na siya sa pintuan na may pangalan na Collection Room. Napalunok pa ang binatang si Van Grego sa takot. Baka kasi bumalik na ang kaniyang dating Half-master o magpakita lamang siya pagbukas ng pintuang ito. Naiisip niya palang na naging isang uri ng Ferrocious Ghost ang kaniyang sariling half master ay kinilabutan siya sa kaniyang sariling iniisip.

"Pasensya na po Master Vulcarian. Kung ano-ano na po ang aking negatibong naiisip sa inyo huhu..." Sambit ni Van Grego habang bakas ang guilt sa boses nito. Maling-mali ang mga naiisip ng kaniyang sariling utak sapagkat isa itong pambabastos kung sakaling namayapa na ng tuluyan ang kaniyang half master na si Master Vulcarian. Tiyak na kung babangon ito sa hukay ay siguradong siya ang unang pupuntahan nito.

Wala ng inaksayang oras pa si Van Grego kung saan ay nagsagawa rin siya ng mumunting handseals at mabilis niyang binuksan ang pintuan ng Collection Room. Mabilis niya ring sinuri ang mga bagay na pambihirang masasabi sapagkat naka-display ang mga ito sa gilid. Puno ang kaliwa at kanang bahagi kung saan nakahanay ang mga iba't-ibang uri ng mga pambihirang bagay. Wala siyang pinapakialaman sa mga ito sapagkat hindi matukoy ang karamihan sa mga ito at walang impormasyon siyang nahalukay sa kaniyang isipan patungkol dito. Ang alam niya lang ay mga kalasag, espada, pana, hammer at iba pa ngunit alam niyang hindi mga ordinaryong mga sandata ang mga ito dahil sa mayroong complicated seal ang mga ito at tanging mumunting enerhiya lamang ang nakaalpas dito o sa mga ito. Sa ganito palang na aspeto ay siguradong kakaiba ang mga ito. Mismong ang kaniyang Half -Master ang kumolekta ng mga ito kung saan ay nakalagay rito kung kaya't imposibleng malaman niya ang mga gamit o impormasyon ng bawat isang pambihirang bagay sa loob ng Collection Room.

Maya-maya pa ay nadaanan rin ng binatang si Van Grego ang mga kakaibang mga bagay na mga alahas na masasabi niyang mga unique ang mga disenyo nito at parang nag-eexude ng vast auras ang mga ito. Alam niyang off-limits ang mga ito sa kaniya baka kung ano pang mangyari sa kaniya o sa buong lugar na ito kung sakaling mahawakan o masagi niya lamang ang mga ito kung sakaling magtriggered o magkaroon ng anumaly sa bagay na ito. There's no way he could touch it nor want to mess anything about this room o this whole separate space dimension.

Mabilis na nilampasan ito ni Van Grego at maya-maya pa ay tumambad sa kaliwang bahagi ang kamiyang hinahanap na bagay dito, ang mga koleksyon ng kaniyang Half-Master na si Master Vulcarian ng mga pambihirang mga Miracle Pill.

Tensyunado si Van Grego habang binabasa ang mga label ng mga pambihirang Miracle Pill na naririto. Walang mga alikabok man lang ang kwartong ito o bakas ng alinmang mga buhay na nilalang o insekto sa silid na ito halatang selyado at secured nag lugar na ito para lamang sa kaniyang Master Vulcarian.

"****** Pill, ***** Pill, ***** **** Martial Pill,**** ******* **** Liquid Pill ...." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang tensyunadong binabasa ang mga label ng mga nasabing pambihirang pill. Nakakamangha ang mga Miracle Pill na ito sapagkat iba at kakaiba ang mga pangalan ng mga ito. Hindi alam ni Van Grego kung ano ang gamit ng iba sa mga ito at wala siyang balak alamin sa ngayon ang mga ito. Napakadelikado sa kaniya kung kukunin niya ang mga ito at ikapahamak niya lamang. Kahit na Miracle Pill ang pangalan nito ay hindi ibig sabihin ay mabubuti ang epekto nito sa lahat. Mayroon ding Pill na nabasa niya sa libro (Ancient Miracle Pill) na kayang-kaya maging heaven-defying sa destructive na paraan lalo na ang pambihirang Miracle Pill na tinatawag na Land Decaying Pill na kayang gawing bulok ang Buong kalupaan maging ang mga nilalang mapatao, mapahayop o mapahalaman at iba pa na nabubuhay o hindi nabubhay sa lugar na iyan ay kasamang mabubulok sa isang iglap lamang. Ang isa pang nakakatakot na Miracle Pill na naaalala niya ay ang Elusive Blackhole Pill kung saan ay ang kumain mismo ng nasabing Miracle Pill na ito ay mamamatay at magiging isang maliit na Black Hole mismo na masasabing isang napakadelikadong Miracle Pill sapagkat ang Black Hole ay masasabing isang Omnipotent na penomena kung saan ay nag-uumpisa sa maliit na bagay hanggang sa kapag tumagal ng tumagal ay hihigup ito ng konti hanggang sa lumaki ng lumaki ito na kayang higupin ang isang buong mundo. Isa ito sa nakakatakot na penomena kung sakaling magkaroon ng ganitong klaseng pill ngunit napakaimposible nito sapagkat ang Miracle Pill Ingredients nito ay imposibleng mahanap at hindi nakalista ang buong mga sangkap nito sa libro. Pero kung iisipin ang mga uri ng Miracle Pill at mga sangkap nito ay tiyak na mahihirapan kang mahanap ito lalo na sa mundong ito. Siguradong kinakatakutan pala ang mga Alchemist lalo na ang matataas ang attainments sa pagsagawa ng mga pambihirang mga Martial Pill lalo na ng mga Miracle Pill. Talagang kinakatakutan ang mga ito at masasabi ni Van Grego na totoo ang mga ito. Hindi kasi basta-bastang nilalang ang kaniyang Half-Master na si Master Vulcarian. Ni hindi nga ito nagbigay ng kakarampot na tulong kung hindi naman kinakailangan. Napakaistrikto din nito at bossy na siyang hindi naman nirereklamuhan ng binatang si Van Grego dahil hindi lahat ng bagay sa mundong ito ay dapat umasa lamang sa madaling paraan o sa tulong ng iba dahil darating ang oras na kailangan mong tumahak ng sarili mong daan at gumawa ng mga bagay na dapat ay umasa ka lamang sa iyong kakayahan o abilidad.

Namalayan lamang ng binatang si Van Grego na binabasa niya ang Miracle Enhancement Liquid Pill na siyang ikinahinto niya.

"Ito na nga. Hindi ko aakalaing mayroong koleksyon ito si Master Vulcarian na aking Half Master hehehe..." Sambit ni Van Grego habang hindi mapigilang masayang napangisi sa kaniyang natuklasan. Naisatinig niya ito sapagkat hindi siya makapaniwala na umasa siya ngayon sa tulong ng kaniyang dating Half-master na si Master Vulcarian. Malabo pa rin sa kaniya ang mga huling pangyayari noon kung kaya't hindi siya magtatanim ng galit sa kaniyang dating Half-master na si Master Vulcarian dahil baka maging Heart Demons niya pa ito sa hinaharap. Wala siyang karapatang magalit sapagkat siya'y estudyante lamang nito na siyang ipinagpapasalamat niya.

Agad na may ibayong pag-iingat na kinuha ni Van Grego ang Miracle Pill na kakailanganin niya na walang iba kundi ang Miracle Enhancement Liquid Pill o Grade Equilizer Pill sa kinaroroonan nito. Medyo nakalagay ito sa pabilog na cylindrical tube ang itaas nito na makikita sa mga Alchemy Tube ngunit kakaiba ang lalagyan nito sapagkat hindi tukoy ni Van Grego kung ano'ng klaseng lalagyan ito dahil napakaantigo na nito at mayroong selyadong takip ito.

Hindi na naghanap o tumuklas ng ibang bagay si Van Grego sapagkat wala rin naman siyang mapapala dahil hindi niya naman ito kakailanganin sa ngayon. Maswerte na siyang nagsisilbing life-saver niya sa kasalukuyan ang mga bagay na naiwan ng kaniyang dating Half-master. Masaya siyang kahit isa lamang siyang hamak na mababa at ordinaryong bata sa mata ng pambihirang nilalang at existence ng kaniyang Half-Master na si Master Vulcarian ay hindi mapigilang bumalik at bumuhos ang alaala ng kaniyang dating Half-master. Hindi niya inaasahan na ganon lamang kadali at kaunti ng oras na naging Half-master nito ngunit napalapit sng loob niya rito ganon rin kina Alfero ( Blue Fire Attribute Martial Spirit) at Binibining Mystica, sa mga naging kaagapay niyang mga nilalang sa Hyno Continent, Arnigon Continent at sa mga kaibigan niyang nasa lugar na ito ngunit hindi niya abot-kamay ang mga ito.

Kung sinuman ang nasa lugar niya ngayon ay siguradong makakaramdam din ng takot, pangamba paghihinagpis at iba pang negatibong emosyon. Ang lugar na kaniyang kinaroroonan kasi ay higit na mas marahas at napakadelikado kumpara sa kasalukuyang lebel niya na alam niyang hindi niya rin ginustong mapunta sa lugar na ito. Tanging tiwala na lamang sa maykapal at sariling kakayahan si Van Grego upang unti-unting palakasin ang kaniyang sarili. Hindi niya hahayaang madaig siya ng problemang ito. Panahon, yan ang isinisigaw ng isipan ni Van Grego. Kung kaya niya lamang manatiling buhay hanggang sa maging malakas siya at mag-adjust siya sa lugar na ito ay siguradong malaki ang tsansang malaman niya ang mga pasikot-sikot ng lugar na ito. Tiyak siyang kahit na napakadelikado ng lugar na ito ay mayroong napakalaking oportunidad ang makukuha niya rito. Sa kasalukuyan ay mananatili lamang siya sa kaniyang adhikaing lumakas at magpalakas sa lugar na ito. Masuwerte nga siya kung tutuusin dahil dito siya napadpad. Ngunit alam niyang hindi permanenteng ligtas ang lugar na ito at darating ang araw na mayroong nilalang na naghihintay lamang sa pakigid na umatake sa teritoryo ng halimaw na Ferrocious Earth Worm na napaslang na niya. Kapag dumating ang oras na iyon ay siguradong wala siyang pagpipilian kundi labanan isa-isa ang mga ito. Ganon ang alam niya rito. Maikukumpara kasi sa chest piece ang mga nilalang rito sapagkat kakainin ng malakas ang mahina na siyang napaka-unfair na batas sa iba. Nasa Law of Jungle si Van Grego at alam niyang siya ay isa nang Chest piece na pumalit sa pwesto ng Ferrocious Earth Worm kung kaya't kung mabigo siya sa pagprotekta ng kaniyang teritoryo na ito ay siguradong buhay niya ang kapalit sapagkat nakabantay lamang ang mga malalakas at mababangis na nilalang sa labas ng teritoryo ng Ferrocious Earth Worm.

Agad na ipinawala ni Van Grego ang kaniyang iniisip at mabilis na lumabas sa labas ng Separate Space Dimension ng pagmamay-ari ng kaniyang dating Half-master na si Master Vulcarian. Ibinalik niya ang mga Selyo ng lugar na ito at ipinagpatuloy na ni Van Grego ang kaniyang paglabas sa Myriad Painting dala ang pag-asang umayon sana ang lahat sa kaniyang nais na planong gagawin upang makaligtas sa lugar na siyang hindi nararapat na puntahan o panatilihan ng katulad niyang isang hamak lamang na Martial Ancestor Realm Expert sa kasalukuyan.

More Chapters