WebNovels

Chapter 249 - Chapter 78

Nang tuluyan ng napudpod at nagbreakdown into bits of pieces ang Silver Foam Stingray's Tail ay mabilis na hinalo ito ni Van Grego sa kaniyang naunang mga sangkap.

Ilang minuto lamang ang nakalilipas ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa pinaghalong mga sangkap. Mistualng nagkakaroon ng Alchemical Reactions ang bawat sangkap.

Tss... tss... Tss...

Bigla na lamang nag-vibrate ng malakas ang Ice Fire Cauldron na animo'y nagkakaroon ng mga pangyayari sa paghahalo at mga pinaghalong mga sangkap kung saan ay nagkakaroon ng mga residing effects at paghahalo ng buong sangkap.

Ang pangyayaring ito ang pinangangambahang bahagi ng binatang si Van Grego. Kaibahan sa mga nagawa niya noong mga Pill ay ito siguro ang masasabi niyang pinakamaselang paggawa niya ng Alchemy Processes. Karaniwan kasi ay halos magkakatulad lamang ng mga grade ang bawat mga sangkap o mga Alchemy Ingredients ang ginagamit niya sa mga Alchemy Process o sa mismong paggawa ng mga Pill. Isa itong Ancient Martial Pill kung kaya't hindi alam ni Van Grego kung paano ito naging posible o mayroon talagang pagkakaiba sa mga paggawa ng mga Martial Pills na katulad nito sa kasalukuyang estado ng mundong ito. Tanging ang kaunti o katiting na memoryang naiwan lamang ang kaniyang binabasehan sa paggawa nito. Ilang araw ang ginugol niya maging ang kaniyang buong lakas at pagod upang maperpekto ang paggawa nito sa kasalukuyan. Ang mga sangkap kasi ay una pa lamang ay alam na ni Van Grego na iba iba ang grade nito. Ang pinakamataas na grade na sangkap dito ay ang Evergreen Herb na siyang pinakamahirap hanapin na sangkap at pinakamahal sa Action House. Kung mapadpad man ito sa sinumang Cultivator ay siguradong hindi nito ipagsasabi o kaya ay ipagpapalit sa napakalaking halaga. Sunod naman sa Evergreen Herb ay ang Bloody Crown Flower na siyang masasabi din ni Van Grego na isa sa pinaka-kakaibang bagay ngunit maraming siyang matatagpuan nito sa mga lugar na mayaman sa Yang Energy lalo na sa mga matatanda at naglalakihang mga bulkan kung saan ito karaniwang tumutubo. Ngunit dahil sa napakadelikadong lugar ito makikita o mahahanap ay konti lamang ang nakikipagsapalaran rito. Malaki ang agwat ng grade ng Evergreen Herb kumpara sa Bloody Crown Flower ngunit dahil sa mayroon silang similarities lalo pa't naka-classify sila as pure energy plant ay madali lamang silang matunaw at humalo sa isa't-isa. Sunod naman ay ang Beast Core ng Ferrocious Earth Worm kung saan ay nakita ni Van Grego na napakapuro ng enerhiyang meron ito at doble ang kalidad nito kumpara sa mga karaniwang mababangis na halimaw na dambuhalang uod na matatagpuan sa mga karaniwang lugar sa Central Region o sa alinmang rehiyon. Napakatingkad ng kulay nito na halos kapantay na ng Beast Core ng mga Martial Ancestor Realm Beast ngunit ipinagpapasalamat ni Van Grego na mataas pa rin ang kaniyang attainments ng konti kumpara sa halimaw na Ferrocious Earth Worm na kayang makipaglaban sa mga matataas na Boundary. Buwis-buhay rin kung tutuusin ang pakikipaglabang ginawa ni Van Grego at marami siyang nalamang kakulangan niya ng mapadpad siya sa rehiyong ito.

Ang sunod namang sangkap na mababa kumpara sa mga naunang mga sangkap ay ang Golden Oil Grass na masasabing rare lamang at hindi siya ganoon kahirap hanapin sapagkat karaniwan lamang itong tumutubo sa matataas na mga pormasyon ng lupa kagaya ng mga bulubundukin, bundok o sa mga high cliffs ngunit hindi mo ito matatagpuan sa maiinit na klima ng lugar kundi sa mga malalamig na parte ng mga matataas na lugar. Kung mangyaring nagkakaroon ng pagbabago sa klima ay siguradong mamamatay rin o matutunaw ang nasabing damo. Dalawa hanggang tatlo lamang ang karaniwang tumutubo sa parehong lugar kung kaya't masasabing doble o triple rin ang iyong swerte sa paghahanap nito. Pero ang nakakalungkot lamang ay sobrang baba ng grade ng nasabing sangkap na ito kumpara sa naunang tatlong matataas na kalidad ng sangkap.

Ngunit ang nakakabahala para kay Van Grego ay ang pinakamababang grado ng sangkap na nakatatak sa kaniyang isipan na sangkap upang buuin ang nasabing Ancient Martial Pill na Olfactory Pill o kilala sa tawag na Wolf Pill. Alam niya rin ito noong una pa lamang ngunit nang makita ang kasalukuyang paggawa niya ng nasabing Ancient Martial Pill ay siguradong mahihirapan siya.mabuti sana kung nagluluto-luto lamang siya at ang tagakain ay ang kaibigan niya katulad ni Fatty Bim pero iba ito sapagkat Pill ang gagawin niya. Dahil konting maling pagluto kagaya ng pagkasunog o pagkamali niya sa pagkontrol ng kaniyang apoy ay siguradong mawawala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan na ayaw niyang mangyari. Kung sa kalidad lamang ng sangkap ay masasabing napakalayo talaga ng agwat ng Silver Foam Stingray's Tail sa Golden Oil Grass at mas lalong kung iisipin pa ni Van Grego na ikumpara ang mga ito sa ibang sangkap lalo na sa Evergreen Herb ay baka sumakit lamang ang ulo niya.

Kung nakikita lamang ng ibang mga ekspertong Alchemist ang sangkap ng binatang si Van Grego ay siguradong mamamatay sila kakaisip kung sino bang hangal o baliw ang gagawa ng Pill na mayroong iba't-ibang klase ng grade ng mga Sangkap. Kung susuriin ang mga sangkap ay baka buong magdamag ay baka nakatunganga lamang ang ibang mga Alchemist habang tinitingnan nila kung ano ang gagawin ng binatang ito. Gusto ba nitong mag-aksaya lamang ng pambihirang mga sangkap kagaya ng Golden Oil Grass? Beast Core ng Ferrocious Earth Worm? Ng Bloody Crown Flower? At lalong-lalo na ang Evergreen Herb? Pero ang Silver Foam Stingray's Tail ay baka magtaka sila kung may gamit ba talaga ito sa Alchemy. Siguradong manghihinayang at mawawasak ang puso ng ibang mga Alchemist sa kanilang makikita kung sakaling mapanood nila ang binatang ito. Masasabi nilang isang Mad Man ang binatang si Van Grego.

"Bakit ngayon ko lamang naisip ang bagay na ito. Talagang kahit saang parte ilagay ang sangkap na Silver Foam Stingray's Tail ay siguradong hindi siya maghahalo sa alinmang mga sangkap." Sambit ni Van Grego habang makikita ang lungkot sa boses nito. Iniisip niya ang mga paraan upang magawa niya ang bagay na ito.

Ngunit maya-maya pa ay kumislap at umaliwalas ang buong pagmumukha ng binatang si Van Grego sa kaniyang naisip na paraan upang maging posible ang kaniyang ninanais na paraan.

Minimal na pag-aapoy lamang ang ginagawa ni Van Grego upang masigurong hindi masusunog ang alinmang mga sangkap rito at mapanatili ang medicinal efficacy ng bawat sangkap sa loob ng kaniyang Ice Fire Cauldron.

Agad na pinalitaw ni Van Grego sa kaniyang harapan ang napakakapal na libro na may pamagat na Ancient Miracle Pill. Dito ay nag umpisang magbuklat at suriin ang bawat mga pill na naririto. Dahil likas na napakatalas ng memorya at isipan ng mga Cultivators ay hindi nahirapang magbasa ng napakabilis ang binatang parang nag-scan lamang o nagbubuklat lamang ito ng libro.

Isang minuto lamang ang nakakalipas ay nasa mahigit ika-isang libong pahina na ang nababasa niya na siyang normal lamang. Ang ibang mga scholar at mga Cultivators sa mga Sect ay mandatory at mas mabibilis pang magbasa kay Van Grego. Isa lamang iyan sa basic training nilang mga martial artists o martial art cultivators.

Ngunit maya-maya lanang ay napatigil si Van Grego kung saan ay nakita niya ang bagay na hinahanap niya. Isang liquid Pill ito kung saan ay kulay ginto o matingkad na dilaw ang kulay nito. Kakaiba ang Liquid pill na ito na tinatawag na Grade Equilizer Pill o Miracle Enhancement Liquid Pill. Isa itong iri ng Miracle Pill na masasabing heaven-defying sapagkat ang isang patak lamang nito ay maaaring pababain nito ang grade ng isang mataas na grade ng sangkap sa paggawa ng Pill at maaaring pataasin nito ang may mababang grade na sangkap.

"Miracle Enhancement Liquid Pill?!" Tulalang pagkakasabi ni Van Grego habang hindi nito namalayan naisalita ito ng kaniyang bibig. Halos natuwa si Van Grego sa kaniyang natuklasan. Halos lumitaw ang pagkamangha at pagkabigla ng binatang si Van Grego sa bagay na ito. Talagang Heaven-defying talaga ang nasabing Miracle Pill na ito na tinatawag ring Grade Equilizer Pill.

Ngunit ang mangha at tuwang naramdaman ni Van Grego ay napalitan ng agam-agam.

"Paano ako gagawa ng Pill kung kasalukuyan akong gumagawa nito. Ang maaari kong gawin ay ibasura muna ang aking ginagawa sa ngayon na siyang masasabing isang kabiguan sa akin. Paano ako maghahanap ng Evergreen Herb o alinman sa mga sangkap na ito kung di ko pa napupuntahan ang alinman sa mga lugar rito." Sambit ng binatang si Van Grego habang punong-puno ng agam-agam ang kaniyang puso't isipan. Tunay ngang madaling sabihin ang mga bagay na nais nating gawin pero natin magawa physically. Mentally Prepared but physically unprepared. Parang ang paggawa niya ngayon ng pill. Madali lamang sabihin na itigil ang proseso sa paggawa ng Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill pero paano ang mga sangkap na nasimulan niyang tunawin at paghaluin?! Mabuti sana kung makakahanap o may extra siyang mga sangkap na mahirap hanapin katulad ng Bloody Crown Flower na ilang buwan niya ring pinagplanuhan at isinagawa ang kaniyang planong pagpunta sa isang malaking bulkan malaoit sa kaniyang lugar na closes door seclusion. Hindi lamang iyon kundi ang Evergreen Herb na siyang pinakamahirap hanapin sa lugar. Suwerte niya lamang at siya ang nakakuha sa napakaraming mga Cultivators o Martial Artists na naging kakompetinsiya niya noon. Ang lahat ng ito ay tinatawag na Practicality Vs. Nonsensical ideas.

Ilang minuto rin nag-isip si Van Grego at umaliwalas muli ang kaniyang mukha.

"Hindi ko na kailangan pang mamili kung mayroon rin naman akong mapagkukuhanan hehehe..." Sambit ni Van Grego habang makahulugang ngumisi. Naalala niya naman noong sinubukan niyang pumunta sa isang Separate Space na maliit lamang sa loob ng Myriad Painting na siyang nagsisilbing bahay panuluyan ng kaniyang dating Half-master na si Master Vulcarian. Naaalala niyang mahilig mangolekta si Master Vulcarian lalo na ng mga bagay-bagay. Medyo masama pa rin ang loob ni Van Grego dahil sa naging huling alaala niya sa kaniyang Half -Master. Nakita niya noong mayroon itong mga kakaibang koleksyon ng mga kakaiba at pambihirang Pill na hindi niya nga matandaan kung ano ang mga pangalan ng mga ito. Nagbabasakali siyang mayroon itong Heaven-defying Miracle Pill na tinatawag na Grade Equilizer Pill o Miracle Enhancement Liquid Pill na kinakailangan niya.

"Wala akong pagpipilian kundi ang pumunta sa lugar na iyon." Sambit ni Van Grego na bakas pa rin ang awkwardness sa boses nito. Hangga't maaari kasi ay hindi niya pinupuntahan ang lugar na iyon o kahit ang pagpasok sa loob ng Myriad Painting ay hindi niya ginagawang madalas at malimit lamang siyang bumibisita rito. Nagtataka nga rin siya kung nasaan na ang pitong Undead Cultivators. Tanging ang natira lamang doon kasi ay ang 243 na mga Undead Cultivators na wala pa ring kamalayan sa kasalukuyan.

Mabilis na ipinikit ni Van Grego ang kaniyang sarili. Hindi niya na kailangan pang mag-aksaya ng enerhiya sapagkat kayang-kaya niya ng maglakabay gmait ang kaniyang sariling espiritu sa loob ng Myriad Painting. Dito ay mabilis niyang nakita ang mga pagbabago sa loob ng Myriad Painting. Napakaraming mga bagay ang inilagay niya rito lalo na ang mga malalaking mga Puno ng Niraya Tree na napakarami na ng mga ito at ang mga Martial Beasts na nilagay niya rito mapahimpapawid man, gumagapang o may mga paa ay nilagay niya rito. Napalapit kasi ang loob niya sa mga ito. Likas man silang mababangis dulot ng batas ng kagubatan ay payapa namang namumuhay ang mga ito rito.

Ngunit agad ring ibinalik ni Van Grego ang kaniyang isipan sa kasalukuyan niyang layunin kung bakit siya pumasok at pumunta sa loob ng Myriad Painting.

Agad na tinungo ni Van Grego ang direksyon ng kinaroonan ng maliit na separate space dimension na siyang kinaroonan ng dating nagmamay-ari ng lugar na iyon na wlaang iba kundi si Master Vulcarian.

Papasok na sana si Van Grego ngunit napahinto pa siya sapagkat naramdaman niya ngayon ang tensyon o awkwardness na kaniyang nararamdaman. Tila parang nag-aalinlangan pa siyang pumasok sa lugar na ito na siyang nagsisilbing alaala at pag-exist ng kaniyang dating Half-master na hindi niya alam kung nasaan na ito ngayon. Kung buhay pa ba ito o patay na. Hanggang ngayon kasi ay puno pa rin ng katanungan ang puso't isipan ng binatang si Van Grego na minsan ng naging disipulo o estudyante ng isang nilalang na nagngangalang Master Vulcarian.

More Chapters