The Place Where It All Began
Sa gitna ng maliit pero buhay na buhay na plaza, may isang malaking puno na nagsisilbing paboritong tambayan nina Keziya Aldeverre at Alex Reyes. Tuwing hapon, dito sila tumatambay habang tanaw na tanaw ang tirik—pero napakagandang—sikat ng araw na unti-unting lumulubog sa dulo ng bayan.
Sa tabi lang ng plaza, may street food stall na parang pangalawa nang bahay nilang dalawa. Lagi silang kumakain doon—kwek-kwek, fishball, isaw—at minsan pa nga, libre sila dahil suki na suki na si Keziya at Alex.
Pero kahit gano'n, hindi kailanman nag-flex ng yaman si Keziya.
Kahit mayaman siya, simple ang gusto niyang buhay. Mas gusto niyang maglakad pauwi kaysa magpa-hatid. At kahit condo nila ang tinitirhan niya, lagi niyang sinasabi kay Alex na nakikitira lang siya sa tita niya. Ayaw niyang may magbago sa tingin ni Alex sa kanya.
Bago pa dumating ang transferee, araw-araw silang magkasama. Pareho silang umuuwi nang sabay dahil malapit lang din ang condo ni Keziya sa bahay ni Alex. Sa isip ni Alex, simpleng babae lang si Keziya—matalino, tahimik, mabait. At gano'n si Keziya gustong manatili.
Pero ang tahimik na routine nila'y biglang magbabago…
Dahil may darating na bagong estudyante.
(The First Bell)
Flag raising. Maingay, maaliwalas, at puno ng tsismis ang umaga.
Pagbalik nila sa classroom, pumasok ang adviser nila kasama ang bagong estudyante.
"Class, this is Ashley Lopez."
Pagpasok pa lang ni Ashley, napahinto si Alex.
Natulala. Napa-ngiti. Napaayos ng upo.
Hindi nakaligtas ito sa tropa niya: sina Kevin, Clark, Justin, Dave, Joshua, at Clinton.
"Uy Alex oh, iba yung tingin!" asar nilang bulong-bulong.
"Crush agad?"
"Love at first sight ba yan?"
Si Alex naman, pasimpleng ngumiti habang pilit pinipigilan ang kilig.
Pinatabi ng teacher si Ashley kay Keziya, kaya naman napatingin ang buong klase.
Napansin ng lahat… magkaiba sila.
Ibang-iba ang dating ni Ashley—maaliwalas, modern, sosyal.
Habang si Keziya ay eleganteng simple.
Narinig ni Keziya ang mga bulungan.
"Mas bagay si Alex kay Ashley…"
"Si Ashley mas pretty…"
"Si Keziya kasi parang… ewan."
Unti-unting sumikip ang dibdib ni Keziya.
Gusto na sana niyang mag-walk out.
Pero biglang sumigaw si Justin:
"Quiet!"
Tapos sabay sabing,
"Hoy kayo! Kung makasalita kayo kay Keziya, parang kayo ang magaganda! Tanggalin niyo muna makeup niyo, baka maging pulboron kayo sa kapal n'yan!"
Natawa ang tropa. kahit si Keziya, kahit papaano, gumaan ang pakiramdam.
( Recess Time)
Pagdating ng recess, niyaya ni Keziya si Alex na kumain sa canteen.
Pero umiling si Alex.
"May gagawin lang ako."
Ang hindi alam ni Keziya—
ang gagawin ni Alex… ay kausapin si Ashley.
Nakita ng friends ni Alex kung paano nalungkot si Keziya.
Kaya sila na mismo ang sumama sa kanya.
Kahit maloko at madaldal ang grupo, mabait sila kay Keziya.
Para sa kanila, si Keziya ang pinaka-maayos, pinaka-matalino, at pinaka-sincere na girl na nakita nilang kasama ni Alex.
Pero sa araw na 'yon…
Parang may unti-unting nagbabago.
At hindi pa alam ni Keziya,
ang pagbabagong iyon ang magdadala sa kanya
sa taong tunay na para sa kanya—
isang Hanz na ngayon ay hindi pa niya nakikilala.
(The Slowly Breaking Heart)
Paulit-ulit. Araw-araw.
Parehong pattern, parehong sakit.
Hindi na sinusundo ni Alex si Kiya tuwing papasok sa school. Hindi na rin ito sumasabay umuwi. Lahat ng dati nilang routine—lahat ng sanay na si Kiya—unti-unting naglalaho.
At ang mas masakit?
Hindi dahil busy si Alex.
Hindi dahil may kailangan siyang gawin.
Kundi dahil… si Ashley Lopez ang lagi niyang sinasamahan.
Hinahatid-sundo ni Alex.
Binibilhan ng chocolates.
Minsan bulaklak.
Minsan milk tea.
At si Kiya?
Nanliliit, nanlalabo, unti-unting napapalayo sa taong akala niya ay hindi mawawala.
Pero kahit gano'n, hindi siya makatanggi sa isa pang routine—yung assignments ni Alex.
Hindi man siya kausapin nito nang matagal, hindi man siya sinasabayan sa hallway…
sapat na kay Kiya ang konting chat ni Alex na:
> "Kiya, gawa mo 'to for me."
At sagot niya lagi:
> "Sige. Send mo na."
Hindi dahil required.
Kundi dahil ayaw niyang tuluyang mawala si Alex sa mundo niya.
At higit sa lahat… dahil may tinatago siyang pagtingin dito.
(The Missed Sunset)
Uwian na.
Sumubok si Kiya.
"Alex… tara sa place natin? Sunset ngayon. Tagal na nating 'di napupuntahan."
Saglit na natahimik si Alex, pero mabilis ding sumagot.
"Hindi muna. Ihahatid ko si Ashley. Next time na lang."
At ganoon lang.
Nawala na naman siya sa listahan ng priorities nito.
Kaya mag-isa siyang pumunta sa favorite place nila sa plaza—yung puno, yung street foods, yung tanawing palagi nilang pinupuntahan noon.
Umupo siya sa ilalim ng puno, pinanood ang pulang kalangitan, at pilit ngumiti.
"Ganito pala… kapag unti-unting nalilimutan."
Bumili siya ng street food. Napatingin ang vendor.
> "Oh, hija… nasaan yung kasama mong lalaki? Lagi kayong magkasama dito." Mahina ang sagot ni Kiya.
> "May importanteng pinuntahan… ako na lang po muna ngayon."
Habang kumakain, ramdam niya ang bigat sa lalamunan.
Hindi dahil sa pagkain—kundi dahil sa lungkot.
Pag-uwi niya, binuksan niya ang Facebook.
At una niyang nakita ay ang post ni Alex:
> "Malapit na… mapapasagot din kita 😉❤️"
Natulala si Kiya.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
"Okay. Enough. Matulog na lang ako…"
Bulong niya habang pinipilit maging matatag kahit umiiyak ang puso.
(The Next Morning)
Maagang gumising si Kiya. Pinilit maging okay.
Pagdating sa school, binati siya ng barkada nina Alex—sina Clinton, Kevin, Justin, Clark, Dave, at Joshua.
> "Oh Kiya! Good morning!"
Ngumiti siya.
"Saan si Alex?"
Saglit na nagkatinginan ang mga lalaki bago sumagot si Clinton.
> "Saan pa? Edi sa babae niya."
"Baliw na baliw na talaga doon," dagdag pa ni Kevin.
Napangiti si Kiya. Pero hindi umabot sa mata ang ngiti.
May kirot, may kurot, may lungkot.
(The Surprise Quiz)
Dumating ang teacher nila. At nagulat ang lahat.
> "Class, surprise quiz!"
Sabay-sabay ang reklamo ng buong room.
Wala kasi silang review.
At gaya ng dati—tumabi ang tropa ni Alex sa harap ni Kiya.
"Pre, tabi tayo kay Kiya! Safe tayo dito!"
"Brainy 'to, sure ako may sagot!"
Hindi naman nag-review si Kiya, pero lagi siyang nakikinig tuwing nagtuturo ang teacher.
Kaya sapat na ang stock knowledge niya.
After checking…
Si Kiya lang ang naka-perfect.
At ang lowest score?
Si Ashley Lopez...???
Nagbulungan ang mga estudyante.
"Maganda nga pero bobo naman."
"Puro makeup walang utak."
"Kala mo kung sinong sosyal."
Nilingon ni Ashley ang buong klase, halatang nainis.
Pero bago pa lumala ang bulungan, biglang nagsalita si Alex.
> "Hoy, enough! Tigilan niyo si Ashley. Hindi niya kasalanan kung mahirap yung quiz."
Tahimik ang lahat.
At si Ashley?
Nagpa-bebe, yumakap pa sa braso ni Alex, parang may audience.
At doon…. doon sumikip ang dibdib ni Kiya.
Hindi dahil nilalait si Ashley.
Kundi dahil…
ibang tao ang pinagtatanggol ni Alex.
Hindi na siya.
Parang unti-unti siyang nabubura sa buhay na dati ay pagmamay-ari niya.
