--
CHAPTER 1: Bagong Simula, Bagong Kilig?
Mainit ang sikat ng araw at maingay ang hallway ng Northgate High.
Punong-puno ng kwentuhan at tawa ang paligid.
Sa gitna ng lahat ng iyon, tahimik na naglalakad si Andrea Villareal — bagong transfer mula sa St. Catherine's Academy.
Mahinhin siya, simple, at may isang plano para sa school year na ito: walang gulo, walang drama, at lalong walang crush.
"Please Lord, sana peaceful ang school year ko," bulong niya habang hawak ang class schedule.
Pagpasok niya sa classroom, napansin niyang marami na ang nakaupo.
Yung iba abala sa cellphone, yung iba busy sa kwentuhan.
Pumwesto siya sa last row — safe spot.
---
Pero bago pa siya makapag-settle, may biglang lumapit.
"Hi! Ako si Dhan!" masayang bati ng isang girl na may maiksi pero stylish na buhok.
Umupo ito sa tabi niya na parang matagal na silang magkakilala.
"Bagong transfer din ako. Bestie na tayo ha?"
Nagulat si Andrea. Bestie agad?
Bago pa siya makasagot, dumating ang tatlong babae.
"Ano Dhan, hindi mo kami ipakikilala?" tanong ng isa na may pink hair clip.
Ngumiti si Dhan. "Andrea, sila si Aisha Mendoza — fashionista ng section.
Si Khea Santos — tahimik pero savage.
At si Alexandra Cruz — certified clown ng group."
---
Habang nag-uusap ang grupo, bumukas ang pinto.
Tumahimik ang klase.
Pumasok si Ma'am Perez, ang adviser, at ngumiti.
"Good morning class. Alam kong lahat excited sa bagong taon.
Pero bago tayo magsimula, may bago tayong estudyante ngayong section.
Andrea Villareal, please come in front and introduce yourself."
---
Nanlamig ang kamay ni Andrea.
Tumayo siya at naglakad papunta sa harap, ramdam ang mga matang nakatingin sa kanya.
Sa gilid, may isang pares ng mata na kakaiba ang intensity — kay River De León, tahimik, sosyal, at may aura na parang laging composed.
"Hi, I'm Andrea Villareal.
Galing ako sa St. Catherine's Academy.
Sana maging maayos ang taon natin," sabi niya bago mabilis bumalik sa likod.
---
Ngumiti si Ma'am Perez.
"Okay, bago tayo magsimula, gagawa muna tayo ng bagong seating arrangement.
Girls sa kaliwa, boys sa kanan. Partner kayo by seat number."
Unti-unting nagpalit ng pwesto ang mga estudyante.
Hindi alam ni Andrea… ang magiging seatmate niya ay walang iba kundi si River De León.