WebNovels

Chapter 145 - a bit more

Sa huli, hinirang na hari si Xerxez ng mga konseho na pinamunuan ng mga magulang ni Matheros. Doon na nagsimula ang pamumuno ni Xerxez, ibinuhos niya ang kanyang buong lakas at kaluluwa upang magsilbing huwarang hari ng buong Thallerion. Lumakas ang hukbo ng sandata at kinilala ng ibang bansa ang kanyang husay at galing sa paggawa ng taktika. Marami ang bumibisita sa Thallerion para humingi ng pangaral ni Xerxez, kaya mula noon nakilala pa si Xerxez ng maraming bansa.

Naiwagi man niya ang labang iyon, ngunit may malalim na hininga ang hinuhugot niya mula sa kanyang kaibuturan. Paano magiging masaya ang bayani na kinilala ng Thallerion—tila isang sigaw sa puso niya ang walang makarinig—nag-iisa na lamang siya. Ang mga mapupungay niyang mata ay umiikot sa dating upuan ng kanyang ama, maging ang silid niya'y nawalan na ng boses na dati ay binubusog iyon ng tinig ng kanyang ina.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:
More Chapters