WebNovels

Chapter 143 - temporary chapter

***

Kamatayan ang ihahatol ng hari sa kanya kahit na magkadugo sila at matalik na kaibigan ito ang isinisigaw ng mga pamilya ng kaibigan ni moldovar, ngunit dahil sinulsulan siya ng reyna.

"Alam ko ang iniisip mo at ramdam ko yon na labag ito sa damdamin mo, dahil sayo mismong hatol mamamatay ang matalik mong kaibigan.." pakunwari ni Azonia.

"Isa nga akong hari ngunit, masakit para sa akin na mangyari ang bagay na ito." Napabuntong-hininga na lamang ang hari dahil sa napakabigat ng dinaramdam niya at nakakahawa ang kalungkutang iyon sa tunay na nagdadalamhati.

"Naririnig mo ba ang sarili mo?" Sabi ni Azonia. Napailing na man ang hari at nagtataka sa ikinikilos ng asawa niya. "Sinabi mo na ang solusyon mismo sa bibig mo!!"

"Ngayon lang kita nakitang nag-iisip asawa ko, ano ba ang gusto mong ipahiwatig?" Sabi ni Harthur na malungkot parin ang mukha at nanlulupaypay.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:
More Chapters