WebNovels

Chapter 4 - Chapter 4: Yung Akala Mong Simpleng Sakay Lang

Umaga. Jeep. Sakayan. Ulan.

Walang masyadong pasahero pero may isang pamilyar na mukha na agad bumungad sa kanya.

Si Elian.

"Pwede ba ako dito?" tanong niya habang tinapik ang space sa tabi ni Tessa.

"Libre naman 'yan…"

"Hindi lang 'yung upuan ang tinutukoy ko."

Napatingin si Tessa. Hindi siya sanay sa mga linyang ganun. Pero may parte ng puso niya na… ngumiti.

Tahimik sila sa biyahe. Pero ramdam niya ang sulyap ni Elian tuwing napapatigil ang jeep.

"Tessa," bulong ni Elian, "kilala ko si Zed."

Napalingon siya. "Anong ibig mong—"

 "Alam ko kung sino siya sa buhay mo. At hindi ako narito para palitan siya... Gusto ko lang malaman mo, na kaya kitang samahan kahit hindi ako ang una mong pinili."

More Chapters