WebNovels

Chapter 166 - Chapter 164: Captain, puro ka nalang cellphone.

Nabunot ang GOT-G sa group B kasama nila ang Team JACK na galing sa KME region, ang Korean-Japan team na nag-champion sa KME. Nasa group C naman ang CP kasama ang XUV at sa group D ang MPG kasama nila ang BBQ at JWW. SRR o single round-robin ang format kaya ang magiging series ng game ay A vs. B, A vs. C, A vs. D, B vs. C, B vs. D, at C vs. D. BO5 ang series kaya mahabang laruan ito bago matapos.

Pagkatapos ng draw, pinaliwanag ng dalawang host kung anong araw ang kanilang match pati narin ang format ng games para maintindihan ng mga viewers. Habang nagsasalita ang host abala naman sila sa kani-kanilang ginagawa para aliwin ang sarili. Hindi na nakipagkwentuhan si Jacian kay Lucky kaya umalis ito para pumunta sa ibang teams. Humikab si Jacian at isinubsob ang kanyang noo sa balikat ni Just, hindi naman siya nilinga ni Just dahil nasa kagitnaan ito ng pagtitipa para mag-send ng reply.

"Captain, puro ka nalang cellphone." May tampong saad ni Jacian habang nakasubsob sa balikat ni Just.

"Kausap ko si Mrs. Sojurn, ang sabi niya dumeritso na tayo sa bahay pagbalik natin ng Pinas." Kalmadong saad ni Just.

"Mm." Tanging sagot lang ni Jacian at inangat ang kanyang mukha at nagdesisyong sumandal sa upuan.

Pagkatapos magsalita ng tatlong host, akala ni Jacian ay makakaalis na sila ngunit mayroon pa palang fan signing na hinanda ang KWC sa labas ng venue. Umupo sila sa mono black at pinirmahan ang mga merch, pinirmahan ni Jacian ang dala ng mga fans na malaking banner na lagi niyang nakikita tuwing laban nila sa tournament, hindi niya maiwasan ang hindi mapangiti, nakaabot sa Saudi yung banner. Pagkatapos niyang pirmahan 'yun kinuha niya ang mga merch na kalalapag lang sa kanyang harapan, nag-angat siya ng mukha para tingnan yung fan at binati ito ngunit bahagya siyang natigilan nang makitang si LittlePrince iyon.

Jacian: "?!"

Hindi niya maiwasan ang hindi magulat, samantalang nag-angat naman ng mukha si LittlePrince matapos niyang ilapag yung mga merch sa mesa, tiningnan niya si Jacian at nginitian ito.

Ilang segundo bago nakabawi si Jacian at kaagad siyang nagtaka ngunit hindi niya iyon pinahalata. Naagaw ang atensyon nila kay LittlePrince na nakatayo sa harap ng mesa ni Jacian para magpasign. Maging ang mga fans na nakapila kina Just at Lucky ay napatingin kay LittlePrince, nakayuko naman si Jacian habang seryusong pinipirmahan ang mga merch.

Sa kabilang banda, pinaglapat ni Lucky ang kanyang mga labi habang nakatingin kay LittlePrince at bahagyang sinipa si Jacian sa ilalim ng kurtina. Tiningnan lang siya ni Jacian at pinagpatuloy na ulit ang pagsign.

Lucky: "..."

Pagkatapos niyang pirmahan ang mga merch, inayos niya iyon at itinulak palapit kay LittlePrince at tiningnan ito.

"Thank you." Ani Jacian at nginitian ito.

Kinuha naman ni LittlePrince ang mga merch at tiningnan ang pirma ni Jacian. "Wow, ang ganda ng pirma mo." Dagdag niya pa.

Hindi naman sumagot si Jacian at nginitian lang ito. Samantala, tiningnan ni Just si LittlePrince sa gilid ng kanyang mga mata pero kaagad din namang binawi ang kanyang paningin, ngunit hindi iyon nakaligtas sa mata ng mga fans.

"Wait..." Ani LittlePrince at may dinukot sa kanyang bulsa, nilapag niya iyon sa mesa at makikita ang isang gold bracelet. Maliit lang iyon at halos kapareho ng suot ni Just ngunit mas marami itong design. Maging ang mga fans ay napatingin sa bracelet na nilapag ni LittlePrince. "Binili ko 'yan galing China, it's limited edition." Saad pa nito.

Tiningnan ni Jacian si LittlePrince. "Thank you, pero hindi ko naman matatanggap 'yan." Kalmadong sagot niya.

Umiling naman si LittlePrince. "Kaya kong gumastos ng mas mahal pa dito, kung para sa'yo." Ani LittlePrince dahilan para magkaroon ng mahinang kantyawan sa area nila.

Si Lucky na abala sa pagpirma at pakikipagflirt sa mga fans ay bahagyang nabigla at makikita ang kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha. Pasimple siyang umubo at sinilip si Just sa gilid ng kanyang mga mata pero nakita niyang hindi nagbago ang ekspresyon nito at nanatili lang itong seryuso. Wala ring makikitang kahit na anong ekspresyon sa mukha ni Jacian ngunit sa loob niya, bahagya siyang nabigla. Tiningnan niya si Just ngunit nakita niyang nakatingin pala ito sa kanya at nagbawi ng tingin para ipagpatuloy ang pagsign.

Jacian: "..."

Nginitian niya si LittlePrince at kinuha ang gold bracelet. "Thanks, hindi ko in-expect na isa ka sa mga lolo ko." Seryusong aniya ngunit ikinatawa iyon ni LittlePrince. Sinabi naman ni LittlePrince na nanonood siya ng live ni Jacian since 2025 at napanood niya ang pinakauna niyang livestream. Hindi maiwasan ni Jacian ang hindi magulat. Sinong hindi magugulat, ang isang gwapong nilalang nanonood lang ng livestream niya, hindi ba narealize ni LittlePrince na walang kwenta yung pinapanood niya? Holy shit, puro walang kabuluhan ang mga sinasabi niya sa livestream at nakikipagtrash talkan sa mga viewers.

Saglit lang silang nag-usap ni LittlePrince dahil hindi narin pinahaba ni Jacian ang kanilang conversation at siya na ang pumutol, kanina niya pa kasi nakikitang pumuputi ang mga mata ni Just para tingnan siya gamit ang peripheral vision. Pagkatapos ng fan signing sinabihan sila ng kanilang lead coordinator na pumunta na sa parking lot at hintayin si Coach Dang, kasalukuyang nasa disciplinary league pa si Coach Dang kasama ang coach ng XUV para kausapin ng head ng disciplinary league. Ilang sandali lang ang makalipas nang dumating narin ang team van at bumalik na sila sa hotel.

"Anong pinag-usapan niyo Coach?" Tanong ni Lucky habang nag-cecellphone ito sa tabi ni Gem.

Tiningnan naman siya ni Coach Dang gamit ang rearview mirror. Ilang segundo siyang tiningnan ni Coach Dang bago ito napabuntong hininga. "Wala naman, ang sabi ng disciplinary league kapag naulit pa ito doble na ang multa."

Nakahinga naman ng maluwag si Lucky.

_

Sobrang init na pagbalik nila sa hotel kaya naligo muna sila bago bumaba ulit para kumain, nagkaroon sila nang mahabang diskusyonan tungkol sa pagsisimula ng tournament bukas, sinabi narin sa kanila ni Coach Dang ang strategy na gagamitin nila sa bawat teams at dahil sobrang haba nun, halos hindi na sila nakakain, nawalan narin ng gana si Lucky, hindi dahil hindi masarap ang pagkain, kundi kinakabahan na siya para sa global competition na magsisimula bukas. Marami siyang what if's sa kanyang isipan kaya hindi narin siya kumain at seryusong pinakinggan ang strategy na dinidiscuss sa kanila ni Coach Dang. Si Lucky ang marksman ng team kaya nakasalalay sa kanya kapag umabot sa late game, kahit gaano kaganda ang early ni Jacian at Just kung ma-drag sa late game ang match siguradong hindi nila kayang i-hold ang kalaban kapag hindi kayang pigilan ng marksman ang kalaban. Kaya nakasalalay kay Lucky ang late game, in short, malaki ang responsibilidad niya sa laro.

Sa loob ng room, parehong nakaharap sina Jacian at Just sa laptop habang nanonood ng match ng MPG. Alas dos na sa kanilang orasan at kung sa Philippine time alas siete na ito ng umaga. Pagkatapos nilang kumain kanina sinabihan sila ni Coach Dang na bumalik na sila sa kanilang room at matulog na kaagad, tanghali magsisimula ang opening at hindi sila p'wedeng malate.

Nagkaroon naman ng tacit understanding sina Jacian at Just at nagdesisyong manood ng gameplay. Pareho silang nakaupo malapit sa floor to ceiling windows na may kurtina na kulay brown. Habang nanonood sila, abala naman si Jacian sa pagtake note sa dala niyang notebook. Pagkatapos ng pinapanood nilang gameplay ng MPG, napakamot si Just sa kanyang kilay at hinawakan ang mouse para buksan ang ilan pang video.

"2 a.m na." Ani Just at tiningnan si Jacian.

Hindi naman sumagot si Jacian at pinagpatuloy lang ang pagsusulat. Habang naghahanap si Just ng video sa kanyang laptop, umilaw ang kanyang cellphone at makikita ang message galing kay Coach Dang.

[Coach Dang: Bakit hindi ka pa natutulog?]

Nag-angat si Jacian ng mukha at tiningnan ito. "Sino 'yan?"

"Si Coach Dang." Sagot ni Just at nagtipa ng reply.

"Hindi pa tulog si Coach Dang?"

"Mn."

Tiningnan ni Jacian ang laptop na siya ang wallpaper. "Bakit pinatay mo, nanonood ako." Kinuha niya ang mouse at hinanap yung gameplay ng MPG. Determinado siyang hanapin ang breakthrough point ng MPG dahil hindi pa man nagsisimula ang tournament ay alam niyang ang MPG ang magpapahirap sa kanila. Si LittlePrince ang kanilang marksman at kapag sinabing 'LittlePrince' it means perfect, hindi lang sa physical kundi pati sa gameplay.

Habang nag-rereview siya ng match, pinatay naman ni Just ang kanyang cellphone at humiga mesa.

"Kung antok ka p'wede ka namang matulog, alam mo bang inaantok ako kapag nakakakita ako ng taong natutulog." Malamig na saad ni Jacian habang abala sa kaka-scroll sa laptop.

Bumangon naman si Just at piniling sumandal nalang sa upuan. Tiningnan niya ang pinindot ni Jacian na video at nakitang gameplay iyon ni LittlePrince, makikita ang mukha ni LittlePrince sa lower left ng screen na nakasuot ng uniform at noise-cancelling headphones. Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Just nang mabilis niyang sulyapan si LittlePrince sa lower left ng screen.

"Nasaan na yung gold bracelet na binigay ng die-hard fan mo?" Tanong ni Just.

Napahinto naman si Jacian at matamang tiningnan si Just. "Secret." Saad niya at tumingin sa kanyang notebook. Napangiti naman si Jacian nang hawakan ni Just ang kanyang balikat, nanginig tuloy ang kanyang kamay at nagkaroon ng mahabang guhit ang kanyang notebook. Tiningnan niya si Just pero hindi siya nagsalita.

"Bakit parang interesado ka kay LittlePrince?" May diing saad ni Just.

"Hindi lang parang, interesado talaga." Walang pag-aalinlangang sagot ni Jacian. Nilapag niya ang kanyang ballpoint pen sa mesa at tiningnan si Just. "Nakaraan ko pa 'to pinag-iisipan, pakiramdam ko talaga matagal na kaming magkakilala ni LittlePrince... or matagal niya na akong kilala. Hindi mo ba napapansin?" Tanong ni Jacian.

"Diba sabi niya nanonood siya ng livestream mo." Seryusong sagot ni Just.

Napakurap si Jacian habang nag-iisip. "...yeah." mahabang tugon niya. Tiningnan niya si Just atsaka umiling. "Parang pamilyar talaga siya, yung presensya niya, yung tono... Parang..." Naningkit ang mga mata ni Jacian. "Parang yung big spender ko livestream room." Pagpapatuloy ni Jacian.

Kumunot narin ang noo ni Just. Wala siyang ideya sa big spender ni Jacian at tanging pangalan lang nito na Xiaowang ang alam niya na nabangggit din ni Jacian noon. Nagpatuloy naman si Jacian.

"Preho sila ng pangalan, pareho silang nanonood ng livestream ko since 2025, pareho sila ng edad, pareho din sila ng tono. Nasa Saudi rin ngayon ang big spender ko." Ani Jacian.

"Wait, same name?" Tanong ni Just.

"Mm. Ang Xiaowang sa english Little Prince." Sagot niya.

"Narinig mo na ang boses niya diba?" Tanong ni Just na tinanguan ni Jacian.

"Mm, hindi sila pareho pero p'wede naman siyang gumamit ng voice changer." Segunda ni Jacian.

Just: "..."

Bahagya niyang ikinabigla ang sagot ni Jacian, hindi niya inaasahan na ganun kataas yung trust issue ni Jacian. Tinanong niya si Jacian kung anong araw siya makikipagkita sa big spender niya ngunit ang sabi kay Jacian ng big spender niya ay siya ang mag-set ng date kung kailan siya free. Magsisimula na ang global competition nila bukas kaya gahol sila ng oras at wala siyang oras para gumala, kaya hindi pa alam ni Jacian kung kailan siya makikipagkita sa kanyang big spender.

Gusto narin sanang makita ni Jacian ang kanyang big spender para mapag-usapan na nila yung tungkol sa binili nitong games at maibalik niya na ang pera ngunit wala pa siyang oras. Pinawalang bahala niya nalang iyon dahil nasisimulang gumulo ang kanyang isipan. Tiniklop niya ang kanyang notebook at pinatay ang laptop.

"Matulog na tayo, alas tres na." Saad niya at tumayo, ngunit kaagad siyang napaupo nang hilahin siya ni Just pabalik.

"Tinatanong ko kung nasaan yung gold bracelet." Ani Just.

Jacian: "..." Saglit niyang tiningnan si Just at tinapik ang kanyang cellphone na nasa loob ng kanyang bulsa. "Nasa loob ng phone case." Aniya. Hindi naman nagsalita si Just at nanatiling tahimik habang hawak ang braso niya. "...captain." Aniya ngunit hanggang doon lang iyon nang makitang lumapit ang mukha ni Just at halikan siya.

More Chapters