WebNovels

Chapter 158 - Chapter 156: Gusto ko lang maging number 1 honored VIP sa livestream room mo.

Isang segundong napahinto si Jacian dahil hindi niya inaasahang papasok si Just sa kanyang livestream room at mag-send ng gifts. Sobrang daming gifts ang sinend ni Just kaya nakuha niya ang pagiging number 1 honored VIP at naging number 2 nalang si Xiaowang na big spender niya sa kanyang livestream.

Nagkaroon ng design ang username ni Just at nakahighlight din ang mga gifts na sinend niya kanina.

Kumunot ang noo ni Jacian at dinampot niya ang kanyang cellphone para mag-send ng message kay Just.

[Just Call Me Boss: Bakit nag-send ka?]

Ilang sandali ang makalipas nang makatanggap siya ng reply.

[Just: Gusto ko lang maging honored VIP sa livestream room mo.]

Jacian: "..."

Huminto ang kanyang daliri at bahagya siyang ng natigilan, naramdaman niyang kumabog ang kanyang dibdib at nangalay ang kanyang mga buto, maging ang kanyang kamay nanginig.

Viewers: [.......?]

[Boss?]

[Anong nangyari kay Boss? Na-pause ko ba?]

[Tao d'yan sa taas, hindi mo na-pause, hindi lang talaga gumagalaw si Boss.]

[Akala ko mahina signal ko.]

[Boss? Anong nangyari d'yan?]

[Luh? Biglang pumula yung mukha ni Boss.]

[????????????]

Napakurap si Jacian, pinatay niya ang kanyang cellphone at nilapag sa mesa. Napahinto siya dahil sa mga chat na sinend ni Just, pagkatapos i-send ni Just yung reply sinundan pa iyon ng ilang chat na naging dahilan para bahagyang mag-pink ang mukha ni Jacian.

[Just: Hindi ba p'wedeng maging number 1 honored VIP sa livestream room ng boyfriend ko?]

[Just: Maging kuripot na ako sa iba h'wag lang sa'yo.]

Naaalala pa ni Jacian yung mga yun dahilan para hindi siya maka-focus, pumikit siya at pinakalma ang kanyang sarili ngunit maya-maya lang in-off niya ang camera. Inaasar narin siya ng mga viewers at baka hindi niya mapigilan at bigla niyang mamura, ma-banned pa ang account niya at makaramdam siya ng sobrang kahihiyan. Nabanned yung account niya dahil kinilig siya sa mga chat ni Just? Bullshit!

Nagdesisyon siyang buksan nalang ang camera pero umilaw ulit ang kanyang cellphone nang mag-popped up ang chat ni Just.

[Just: Bakit pinatay mo?]

[Just Call Me Boss: Mm, wait.]

Tiningnan ni Jacian ang kanyang mukha sa camera ng kanyang cellphone at napansing wala na yung epekto ng chat ng kanilang captain, delikado, maputi pa naman siya kaya madali lang mahalata kung magiging pink ang kanyang mukha, siguradong magtataka ang mga viewers kung bakit nagkaroon siya ng blush.

Binuksan ulit ni Jacian ang camera at pinagpatuloy ang kanyang live, inubos niya rin ang cup noodles bago niya iyon tinapon sa trash can malapit sa may pinto. Nag-live siya hanggang sa dumilim ang araw.

Kinabukasan, nagising si Jacian sa tahol ni Spree kaya bumangon siya para buksan ang pinto, pumunta ito sa kabilang pasilyo kung nasaan ang dorm ni Just ngunit makalipas ang ilang sandali kaagad din itong bumalik. Tuwing umaga ito pumupunta sa dorm ni Just para sunduin si Golden at sabay silang lalabas sa base para maglaro, ngunit kahapon ng madaling umuwi si Just dala si Golden kaya hindi alam ni Spree na wala na ito sa base. Siguradong wala na itong natagpuan pagpunta nito sa dorm ni Just.

Umupo si Jacian sa sofa ng living room at tiningnan si Spree, malungkot itong naglakad patungo sa pwesto niya at umupo doon sa carpet, tumingin ito kay Jacian habang nakakunot ang noo. Nang tingnan ito ni Jacian pakiramdam niya maiiyak na si Spree dahil sa kunot ng noo nito, dalawa lang sila ngayon sa base at maging siya ramdam niya ang katahimikan. Ngunit hindi naman siya nalulungkot, sa katunayan naaawa siya sa aso niya. Ngunit imbes na ipakita ang awa sinermonan niya ito habang mangiyak-ngiyak na nakatingin sa kanya.

"Wala na si Golden, inuwi na ni Captain. Diba kinagat mo yung likod niya." Aniya kay Spree at hinimas ang ulo nito.

Saglit na nagpahawak sa kanya si Spree bago ito naglakad at humiga sa baba ng sofa, nakalapag ang mukha nito sa sahig at nakatingin sa kanya habang nakakunot ang noo.

Ilang sandali ang makalipas nang tumunog ang cellphone ni Jacian dahil sa upcoming video call ni Just. Sinagot niya iyon bago siya sumandal sa sofa. Nasa loob ng kusina si Just habang nakasandal sa lababo, makikita ang manipis na usok sa gilid niya at halatang nagluluto ito. Narinig ni Jacian ang kumukulo sa background ni Just kaya kumulo narin sa gutom ang kanyang tiyan, puro cup noodles lang siya nitong mga nakaraang araw at nararamdam niya narin na may kumukurot sa tagiliran niya.

"Nagugutom ka ba?" Tanong ni Just.

Awkward namang tumango si Jacian at hinawakan ang kanyang tiyan.

"Sabi ko kasi sumama ka na." Ani Just at nilipat sa kabilang kamay ang cellphone. Sinabihan niya si Jacian na sumama sa kanya sa bahay nila ngunit sinabi ni Jacian na may pupuntahan siya at next time nalang. "Anong ginagawa mo d'yan sa base? Akala ko ba may pupuntahan ka." Kalmadong tanong ni Just

Tumango si Jacian. "Meron, pero baka bukas pa."

"Mn." Saad ni Just at tiningnan ang kanyang niluluto. "Anong breakfast mo?"

Umiling siya. "Hindi pa ako nakakain." Sagot ni Jacian ngunit pagkatapos niyang sabihin iyon nakarinig siya ng tikhim. Hindi iyon si Just ngunit nasa tabi ni Just.

Narinig din iyon ni Just at nakangiting in-adjust ang kanyang kamay para makita ang katabi niya. "Online bless ka muna kay mama." Aniya.

Makikita si Mrs. Sojurn na nakaharap sa burner habang nagluluto, naka-t shirt lang ito ng itim at maong na short, nakasuot din ito ng salamin na kulay itim ang rimmed. Hanggang balikat lang ni Just si Mrs. Sojurn kaya bahagyang binaba ni Just yung taas ng cellphone para camerahan ito.

Jacian: "..."

Napakurap si Jacian. Ilang segundo siyang natigilan. Nand'yan si Mrs. Sojurn habang nag-uusap sila ni Just? Hindi lang yun, nand'yan si Mrs. Sojurn habang magka-video call sila ni Just.

Jacian: "...."

Hindi niya alam kung paano mag-react, ngunit natuon ang atensyon niya nang magsalita si Mrs. Sojurn.

"Bakit hindi ka sumama kay Just?" Tanong nito habang hinahalo ang niluluto.

Bahagya namang napakamot si Jacian sa kanyang kilay dahil hindi niya alam kung anong isasagot. Sinabi naman ni Mrs. Sojurn na pumunta siya sa bahay nila next time para matikman niya ang luto niya na kaagad namang tinanguan ni Jacian.

Saglit lang silang nag-usap ni Mrs. Sojurn bago naglakad si Just palabas sa kusina. "H'wag kang maniwala kay mama, 'di marunong magluto yun, pinauwi niya nga ako dito para may tagaluto wala kasi si papa." Sabi sa kanya ni Just habang paakyat ito ng hagdan. Batas sa pamilya nila na lalaki ang dapat na nagluluto kaya kapag wala si Mr. Sojurn, si Just ang nagluluto, wala naman sa bahay nila si Jared kaya kailangan umuwi ni Just kapag wala si Mr. Sojurn.

Namangha si Jacian, hindi niya in-expect na ganun ang pamilya ng Sojurn. Kaya pala magaling magluto si Just. Pinakita ni Just si Golden sa camera kaya nakangiting nilapitan ni Jacian ang aso niya at itinapat iyon sa mukha, agad namang kumawag ang buntot ni Spree at nagpakawala ito ng malungkot na tunog, hindi pa ito nakuntento at tumayo para ikawag ang buong katawan at amoy-amuyin ang screen. Halatang na-mimiss nito si Golden. Makikita sa screen na nilabas ni Golden ang kanyang dila at dinilaan ang screen, nailayo tuloy iyon ni Just para punasan. Hindi niya na pinakita sa camera si Golden kaya huminto ang pagkawag ni Spree at unti-unting nawala ang tuwa sa kanyang mukha, malungkot nanaman itong dumapa sa sahig.

Sinabi ni Just na isama niya si Spree kapag pumunta siya sa kanila, tumango naman si Jacian at bumalik sa sofa. Nagkwentuhan lang sila ni Just tungkol sa maraming bagay ngunit hindi nila brining up ang topic tungkol sa tournament, sumasakit ang ulo nila kakaisip sa match at gusto nila ng peace of mind kaya inaliw nila ang kanilang sarili tungkol sa topic at plano nila sa buhay.

"Ano bang gusto mo?" Seryusong tanong sa kanya ni Just.

Hindi naman nag-alanganin si Jacian sabihin ang mga gusto niya at halatang matagal niya na iyong pinag-isipan. "Gusto ko lang ng simpleng bahay na may tindahan, tsaka gusto kong mag-alaga ng koi." Sagot niya at bahagyang yumuko. "Ayoko na kasing ma-stress." Mahinang dagdag niya.

Nang makita ni Just ang mukha niya, bahagyang bumigat ang kanyang dibdib, nanatili naman siyang kalmado ngunit parang gusto ni Just magbihis at kunin ang kanilang kotse para bumalik sa base. Alam niyang may trauma si Jacian sa stress at gusto niyang samahan ito lagi para hindi nito maramdaman na mag-isa siya, hindi niya rin alam kung nakakatulog ba si Jacian ng maayos kapag mag-isa ito sa base o baka hindi ito nakakatulog dahil naaalala nito yung nangyari noon. Ayaw na ni Jacian ma-stress pero hindi alam ni Just kung paano tatanggalin yun.

Tiningnan niya si Jacian at nagpakita ng maliit na ngiti kasabay ng tango. "Mn. Gagawin natin 'yang gusto mo." Saad niya.

Hindi naman sumagot si Jacian at nanatiling tahimik.

Mabilis na lumipas ang oras at maagang nagising si Jacian dahil ngayong araw siya pupunta sa dati niyang land lady na si Nay Sita, gusto niyang bumalik doon sa lugar nila dahil napakaaliwalas pa ng paligid, hindi katulad sa lugar nila ngayon na maraming buildings. Wala rin naman siyang gagawin dahil nauna nang gumala si Spree at hindi niya na ito matawag, halatang namiss talaga nito si Golden at gusto nitong ilibang ang sarili.

Sinarado niya ang kanyang dorm at bumaba sa hagdan habang nagtitipa sa kanyang cellphone, gusto niyang itanong kay Just kung kanino yung motor na kulay blue sa may garage, matagal niya ng nakikitang nandun yun ngunit wala namang gumagamit kaya hindi niya alam kung kanino yun. Nakatanggap siya ng reply kay Just nang marating niya ang garage at umupo doon sa motor, hindi siya pinayagan ni Just dahil wala pa siyang license ngunit sinabi niyang malapit lang ang pupuntahan niya at marami siyang alam na short cut. Ilang sandali pa siyang umupo doon habang hinihintay ang reply ni Just.

[Just: Nasa upuan ang susi.]

Ngumiti si Jacian. Ngunit umilaw uli ang kanyang cellphone at makikitang nag-send si Just ng pera, bahagyang kumunot ang noo ni Jacian dahil sa 2 thousand pesos na sinend ni Just.

[Just Call Me Boss: ?]

[Just Call Me Boss: Para saan 'yan?]

[Just: Pang gala mo.]

Jacian: "..."

[Just: Sabihan mo ako 'pag nakauwi ka na.]

[Just Call Me Boss: Mm.]

Hindi na nagsayang ng oras si Jacian at kaagad sinusian ang motor para mag-joy ride. Bumalik muna siya sa dati niyang land lady para bisitahin ito, nagulat pa si Nay Sita nang makita siya at hindi makapaniwalang si Jacian ang kaharap niya. Sinabihan siya ni Nay Sita na mas lalo siyang pumogi at tumaba.

Jacian: "..."

Tumaba siya? Yumuko si Jacian para tingnan ang kanyang sarili pero wala naman siyang napansin na may nagbago sa katawan niya. Ngunit aminado si Jacian na lumakas siyang kumain simula nung pumasok siya sa club, hindi sila nauubusan ng meryenda at binibigyan din sila ng vitamins. Isa pa, sino ba naman ang hindi tataba kung may araw-araw na nagluluto para sa'yo.

Nagkwentuhan lang sila ng dati niyang land lady at natuwa ito ng sobra dahil dumalaw siya. Sa katunayan, dumalaw si Jacian dahil pupunta na sila sa ibang bansa next month para sa global competition at baka last week pa sila ng December makakauwi. Sinabihan siya ni Nay Sita na dumalaw siya uli para may kakwentuhan siya dahil nalulungkot daw itong mag-isa sa napakalaking tindahan at bahay.

Pagkatapos niyang bisitahin ang kanyang land lady, bumalik narin siya kaagad at nagdesisyong doon nalang gumala. Isang araw niyang nirelax ang kanyang sarili at halos madilim na nang makauwi siya, samo't saring pagkain din ang kinain niya kaya sumakit ang kanyang tiyan pagbalik niya sa base. Halatang kanina pa siya hinihintay ni Spree dahil naabutan niya itong nakaupo sa labas ng gate para hintayin siya.

Pinasok niya ang motor at ginuyod nalang iyon para ilagay sa garage, kinapa niya ang kanyang bulsa at dinukot ang kanyang cellphone nang tumunog iyon.

[Just: Hindi ka pa nakauwi? Gabi na.]

Binaba niya ang stand at kinuha ang susi bago siya naglakad papasok sa base habang nagtitipa ng reply.

[Just Call Me Boss: Kakauwi ko palang.]

[Just: Mn.]

More Chapters