WebNovels

Chapter 148 - Chapter 146: Kami ni Boss.

Maingay ang gc ng mga pro players at puno iyon ng congratulations sa FTT dahil sa pagkapanalo nila sa semi-finals at pasok na sa grand finals. Nag-congrats din ang GOT-G at naghihintay silang magharap sa stage ng grand finals. Si Lucky ang nag-reply sa mga nag-congrats sa kanila dahil nakita niyang hindi na active ang kanyang mga teammates at mukhang dumeritso na kaagad ang mga ito sa higaan para magpahinga.

[FTT.Lucky: Thank you guys. Looking forward sa grand finals, @GOT-G.] Reply pa ni Lucky bago siya natulog.

Mayroon nalang silang tatlong araw para mag-training dahil grand finals na sa susunod na araw, nakaraang linggo pa naghihintay ang GOT-G ng makakalaban nila at alam ni Coach Dang na nakahanda na ang GOT-G kung sino man ang makakalaban nila sa grand finals, sa napakahabang araw bago ang match ng FTT at RG, alam nilang nabasa na ng GOT-G ang kanilang strategy at napag-aralan narin kung paano masisira ang kanilang rhythm. Kaya hindi na nagsayang ng oras si Coach Dang at kaagad tinawag ang mga players ng FTT para magtraining.

Madilim na sa labas ng base at maririnig ang tahol ni Golden sa labas. Nasa loob parin ng training room sina Jacian at Just kasama si Coach Dang at tatlo nalang sila ang naiwan dahil pinayagan ni Coach Dang sina Lucky na bumalik sa kanilang dorm ngunit pinaiwan niya sina Jacian at Just para pag-usapan ang kanilang strategy. Sa kanilang jungler at mid laner nanggagaling ang rhythm at nag-seset ng pace kaya kailangan nila ng malalim na tacit understanding at parehong level ng hero pool.

Madaling araw na at narinig nilang huminto ang tahol ni Golden para pumasok sa loob ng base, tinanong ni Jacian kung anong nangyari sa aso niya at sinabi naman ni Just na baka umihi lang. Nakalimutan niyang buksan ang CR ng kanyang dorm kanina pagbaba niya kaya hindi siguro nakapasok si Golden.

Nakaharap si Coach Dang sa kanyang laptop habang may tinitingnan doon ngunit ilang sandali ang makalipas nang balingan niya sina Jacian at Just para magpaalam na kukunin ang kanyang flashdrive sa kanyang dorm. Nilapag ni Coach Dang ang folder sa harapan ni Jacian na puno ng pinag-usapan nila kanina bago siya lumabas ng training room.

Nakaharap si Jacian sa computer kung saan naka-connect ang kanyang gaming phone at binuklat ang folder, pinili niya yung mga mage hero na kailangan niyang i-practice at nilista lahat iyon ni Coach Dang kasama ang mga jungler hero. Sinubukan niya iyon habang sinasabi kay Just yung mga hobby niya sa loob ng hero's george at ano ang p'wede nilang maging plano.

Tahimik naman si Just sa tabi niya habang nakaupo sa gaming chair, kanina pa ito nakayuko sa mesa habang nakapatong ang kanyang ulo sa isa niyang braso na nakalapag sa mesa, nasa ganun siyang posisyon habang nakatingin kay Jacian na kanina pa siya dinidiskusyonan ng mga topic tungkol sa match.

Habang abala ni Jacian sa pagsasalita hiwakan ni Just ang kanyang kamay at marahang pinagsalikop ang kanilang mga daliri, pagkatapos niyang diskusyonan si Just nilinga niya ito at nakita niyang nakatitig ito sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya. Tiningnan niya ang magsalikop nilang kamay na nakalapag sa kanyang hita.

"Wait." Ani Just at bumangon mula sa kanyang pagkakayuko sa mesa at kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa. Pinanood ni Jacian kung ano ang gagawin nito ngunit binuksan lamang ni Just ang camera at kinuhanan ng picture ang kanilang kamay.

Jacian: "."

Ilang sandali ang makalipas at bumalik din kaagad si Coach Dang para ipagpatuloy ang kanilang discussion. Pagkatapos ng mahaba nilang discussion dahil sa laman ng flashdrive ni Coach Dang na puro PowerPoint pinayagan narin sila ni Coach Dang na bumalik sa kanilang dorm at pagpahinga ng maaga. Nang sabihin ni Coach Dang na bumalik na sila sa kanilang dorm para magpahinga ng maaga, si Jacian at Just ay parehong napa "???" Maaga? 3 a.m na ng umaga.

Tiningnan naman sila ni Coach Dang. "Bakit? Kung makatingin kayo parang minamaltrato ko kayo ah." Saad ni Coach Dang.

Jacian: "..."

Just: "."

Hindi na sila nagsalita at parehong bumalik sa kanilang dorm.

Samantala, pinost ni Just sa kanyang story ang picture bago siya natulog. Nang makita ng mga fans ang kakaupdate lang na story ni Just, hindi nila alam kung ano ang i-rereact.

["??????!"]

Kinabukasan, makikitang trending si Just sa Melon dahil sa story na ini-update niya ng 3:06 a.m, kanya kanyang konklusyon na ang nabuo ng mga fans samantalang wala pang viewers iyon nung natulog si Just.

Si Lucky kaagad ang unang nakakita at nagtanong sa kanyang mga teammates kung sino yung ka-holding hands ni Just. Ngunit pareho namang walang ideya sina Blue ay Gem at sumandal lang sa sofa ng living room. Hindi rin nila alam ang tungkol sa girlfriend ni Just dahil hindi naman nila nakikita ang kanilang captain na may kasamang babae o may nililigawan na babae. Liban pa doon, hindi rin naman lumalabas ng base si Just pwera nalang kung yayain ito ng mga tropa niya.

Napuno ng kuryusidad si Lucky at abala parin siya sa pag-scroll para maghanap ng ideya, tulog pa si Just dahil ang sabi ni Coach Dang inabot ng madaling araw ang discussion nila kagabi kasama si Boss at sinabing h'wag munang gigisingin ang dalawa. Hindi naman makapaghintay si Lucky kaya binasa niya nalang ang mga nabuong konklusyon ng mga fans.

"Wala kang mahihita d'yan. Kung tayo nga na kasama natin si captain hindi natin alam sila pa kayang hindi nila nakikita si captain 24/7." Sita sa kanya ni Blue.

Sumandal naman si Lucky sa sofa at binaba ang kanyang cellphone. "Sobrang tago naman ni Cap Tin, pati mga tropa niya hindi alam." Saad ni Lucky. Nag-chat pa sa kanya si Lessen kanina para itanong kung sino yung girlfriend ni Just ngunit sinabi niyang hindi niya rin alam, kaya hindi nila maiwasan ang hindi ma-curious. "Sino kaya yun? Sobrang ganda siguro nun ang puti ng kamay eh, tapos ang hahaba ng mga daliri mukhang mayaman." Saad ni Lucky. Marami siyang babaeng nireto kay Just na galing sa mga mayayamang pamilya ngunit hindi ganun kasing puti at ganda ng kamay, ibang iba sa girlfriend ni Just. Iba talaga kapag pogi yung pumili. Napailing si Lucky.

Habang nilalamon siya ng kuryusidad nahagip ng kanyang mga mata si Jacian na pababa ng hagdan. Halatang napuyat ito dahil malaki ang kanyang eyebags at nababahiran ng pagkaantok ang kanyang mukha sa puntong kapag binigyan ito ng higaan ay hihiga din kaagad, magulo ang kanyang buhok at naka-tupi pa ang sleeve ng kanyang oversized shirt. Naglakad si Jacian patungo sa kusina ngunit tinawag siya ni Lucky kaya dumeritso nalang siya sa living room at kumuha ng tubig sa water dispenser na malapit sa TV.

"Boss, nakita mo ba yung trending sa Melon?" Tanong ni Lucky.

Umupo naman si Jacian sa sofa atsaka umiling.

"May girlfriend na si Cap Tin."

Jacian: "?" Kumunot ang kanyang noo at nagtatakang binalingan si Lucky. "Girlfriend?" Tanong niya.

Tumango si Lucky. "Wait. Ipapakita ko sa'yo." Saad ni Lucky at mabilis na hinanap ang story ni Just atsaka iyon iniharap kay Jacian.

Jacian: "..."

Nang makita niya ang story ni Just kumurap siya ng dalawang beses. Picture lang naman iyon ng kamay nila na magkaholding hands at nilagyan ni Just ng heart na pink at may music, pinost iyon ni Just ng 3:06 ng madaling araw. Hindi makapaniwala si Jacian, antok na antok na siya pagbalik niya sa kanyang dorm tapos si Just may oras pa mag-edit para sa story.

Jacian: "..."

Samantalang, nakangiti naman si Lucky at binawi niya na ang kanyang cellphone. "Hindi ba romantic si Cap Tin? Sigurado akong maganda 'tong girlfriend ni Cap Tin, tingnan mo ang papayat ng mga daliri bagay na bagay sa kamay ni Cap Tin." Saad ni Lucky.

Jacian: "..." Romantic? Kung alam lang nila kung ano ang sitwasyon nila ni Just sa training room nung time na yan.

Ilang sandali ang makalipas nang makarinig sila ng doorbell.

Napabalikwas naman si Lucky ng tayo dahil nag-order siya nakaraan sa online at ngayong araw darating, bumalik siya sa sofa bitbit ang isang box at sinimulan itong buksan.

"Bumili ako ng singsing." Saad ni Lucky at kinuha ang dalawang pares na singsing. Bumili siya ng silver at gold para ibigay sa bago niya nanamang nililigawan ngunit napipilian siya kung ano ang mas maganda kaya binalingan niya si Jacian na nasa tabi niya para tanungin.

"Yung silver." Sagot ni Jacian.

"Wait, isukat ko sa'yo." Saad ni Lucky at kinuha niya na ang kamay ni Jacian at sinukat iyon sa ring finger. "Oo nga noh? Maganda 'tong silver."

"Maganda yung silver kasi maputi yung kamay ni Boss." Saad ni Blue habang nagkakape.

Tiningnan naman ni Lucky ang kamay ni Jacian atsaka tumango ngunit nang titigan niya ulit 'yun bahagyang kumunot ang kanyang noo.

"Wait, bakit parang hawig ito sa kamay ng girlfriend ni Cap Tin?" Saad niya at kinuha ang kamay ni Jacian para titigan iyon.

Jacian: "???"

Blue: "......"

Gem: "."

Kunot ang noong kinuha ni Lucky ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at kinalikot iyon para hanapin ang story ni Just. Nang makita niya, tinapat niya yung cellphone sa kamay ni Jacian para ipagkumpara. Madilim ang picture at halatang gabi iyon kinuha ngunit kita naman ang magkaholding hands na kamay na nakapatong sa hita, nakasuot pa si Just ng relo na kulay itim at makikita ang silver bracelet sa ilalim nun.

Pinaglipat-lipat ni Lucky ang kanyang paningin sa kamay na ka-holding hands ni Just at sa kamay ni Jacian ngunit wala siyang makitang pagkakaiba. Naguguluhan niyang tiningnan si Jacian.

"Parang kamay mo talaga 'tong nasa picture." Hindi makapaniwalang saad ni Lucky.

Sa kabilang banda naman ay nagpakawala si Blue ng mahinang tawa. Tuluyan nang kumunot ang noo ni Lucky nang makitang bahagya pang umiling si Gem.

Lucky: ".........?"

Habang nilalamon si Lucky ng kuryusidad, sakto namang bumaba si Just sa second floor at pumunta sa living room, hindi na nag-alanganin si Lucky at kaagad nagtanong.

"Cap Tin, may girlfriend ka na?" Tanong niya kay Just habang sumasahod ito ng tubig sa water dispenser. Ngunit inilingan naman siya ni Just bilang sagot. "......?"

"Sino pala yung ka-holding hands mo?"

"Lalaki yun." Sagot ni Just habang nakatingin sa kanya.

Lucky: "!!!" Tiningnan niya ang kamay ni Jacian at nilinga ulit si Just. "Kamay ba ni Boss yun?"

"Mn. Kami ni Boss." Diretsong sagot ni Just sa kanya.

"Holy shit." Malamig na mura ni Lucky gamit ang mababang tono. Totoo ba 'tong narinig niya? Parang gusto niyang mamatay ng 16 times sa farm lane.

Samantalang, abala ni Jacian sa kaka-scroll habang tahimik lang na nakikinig ng palitan ng salita ni Lucky at Just. Bahagya siyang natawa dahil sa pagiging slow ni Lucky. Alam ni Jacian na matagal nang may hinala si Blue tungkol sa kanilang dalawa ni Just dahil lagi niyang nakikitang may reaksyon ito tuwing nadadawit sila ni Just sa usapan, kaya hindi na nagulat si Blue nang marinig ang sinabi ni Just at bahagya lang ngumiti.

Hindi parin makapaniwala si Lucky, hindi dahil ang jungler at ang kanilang mid laner, kundi dahil hindi niya napansin na silang dalawa. Lagi naman silang magkasama sa base at dugtong din ang dorm nila ni Just ngunit hindi niya naman napapansin na may kakaiba kay Just at kay Boss, hindi rin pumupunta si Boss sa corridor kung saan ang dorm ni Just at sobrang distansya nila sa isa't isa pagdating sa stage. Paano nila nagawang itago yun?

Umupo si Just sa sofa at tinanggal ang singsing sa daliri ni Jacian para ibalik iyon kay Lucky, kaagad naman iyong nasalo ni Lucky gamit ang dalawa niyang kamay. Napailing si Lucky, hindi niya inaasahang kasama lang nila sa iisang bubong ang taong magugustuhan ni Just. Kaya pala sa dami ng mga babaeng nireto niya kay Just wala itong nagustuhan, dahil hindi pala babae ang gusto niya. Hindi rin naman maimagine ni Lucky na may kasamang babae si Just dahil masyadong cold ang kanilang captain at hindi sapat ang init ng mga babae para maging warm ang kanilang captain.

More Chapters