WebNovels

Chapter 145 - Change 143: Just, sundin mo kung anong sinasabi ni Boss.

Mabilis na nabasag ang high ground ng RG sa may mid lane at butas ang kanilang crystal para sa mama dragon at shadow vanguard. Walang minion wave kaya kung susubukan man ng RG mag-defend at mai-cocomback ang match, kailangan nila ng magic para mapatay si Boss dahil malakas na ang damage ni Sima Yi at kung mag-tatower dive siya para abutin si Water madali para sa kanya ang gawin iyon dahil kahit magpakamatay si Boss hindi iyon kawalan dahil wala naring marksman ang RG at hindi na sila makakapag-defend.

Kaya naman nakatago lang si Water sa likod ng kanyang mga teammates habang nililinis ang shadow vanguard at hindi binigyan ng upportunity si Boss na gamitin ang kanyang ult at patayin si Water. Ngunit habang nakatago si Water sa likuran ng kanyang mga teammates, biglang sumulpot si Just sa kanyang gilid at gamitan siya nito ng smite at ultimate.

(FTT.Just) GODLIKE! (RG.Water)

Instakill! 92%

Water: "!!!"

"Ay Yati!" Mura ni Water. "Wala na, patay na ako." Saad niya at nilapag ang kanyang gaming phone sa mesa.

Hindi na nakapag-defend ang RG ngunit hindi naman sila na-ACED dahil nag-tower lock kaagad ang FTT at pinasabog ang kanilang crystal.

Commentator Zia: "Mapupunta sa FTT ang ating game 1 at gaya ng inaasahan natin si Boss ang ating MVP at mayroon siyang KDA na 5-0-3."

Commentator Waver: "Si Just ang rich guy at nakakuha siya ng 13,558 gold at lamang siya ng 2 thousand gold kay Crowd. Halos si Just kasi yung umubos ng minions doon sa clash lane at kumuha ng maraming jungle creeps. Iyan yung mahirap kay Li Bai kasi sobrang takaw niya sa gold, kailangan niya kasi yumaman kaagad eh para magkaroon siya ng damage."

Commentator Zia: "Actually, dalawa sila ni Boss noh? Si Sima Yi kailangan niya rin ng gold sa early kaya hindi rin kinukuha ni Just yung minions ni Boss sa mid lane, at nakuha naman ni Boss yung gusto niya dahil sobrang lakas na ng damage niya nung dumating sa mid game. Pang mid game si Sima Yi eh."

Habang ina-analyze ng dalawang commentators ang replay ng match na mapapanood sa big screen, nasa break room naman ang dalawang teams para sa 10 minutes break. Mayroon lamang silang 10 minutes para i-adjust ang kanilang mental state at pag-usapan ang mga plano nila sa susunod na game.

Makalipas ang sampung minuto, bumalik narin sa stage ang dalawang teams para simulan ang game 2. Pumasok na kaagad sa ban/pick phase matapos ang ilang sandaling pag-uusap ng dalawang commentators, at makikita sa ban spot ng FTT na agaran parin nilang binan si Arli. Hindi nila ibibigay si Arli kay Water. Nasa blue side ang FTT at kinuha nila si Musashi para sa kanilang first pick, kinuha naman ng RG si Liu Bang at Hou Yi para sa kanilang 2 picks. Samantalang sinundan iyon ng FTT ng Shangguan at Loong.

Commentator Zia: "WOW!" Gulat na bulalas ni Commentator Zia. "Shangguan para kay Boss!"

Bahagya ring nagulat si Commentator Waver ngunit mas natawa siya sa naging reaksyon ni Commentator Zia: "Bakit parang gulat na gulat ka dun?" Tanong niya.

Tuluyang nang natawa si Commentator Zia: "Ngayon lang natin nakitang ginamit ni Boss si Shangguan pagkatapos ng mababang regular season, at alam mo ba kung kailan natin unang nakita si Shangguan?"

Commentator Waver: "Kailan?"

Commentator Zia: "Nung opening. Si Shangguan yung nilaro ni Boss nung opening laban sa GOT-G at legendary yung ginawa niyang pagpatay kay Shadow sa may spawn point." Namamanghang lintaya ni Commentator Zia. "Hindi ko in-expect na kukunin nila ngayon si Shangguan."

Commentator Waver: "Yeah, at ang mas nakakamangha pa ay si Musashi din yung ginamit ni Just nung opening para makipag dou sa Shangguan ni Boss, at hindi lang yun, nandito din si Loong. Wait, bakit parang binabalik ng FTT yung line-up na ginamit nila nung opening?"

Napagtanto naman iyon ni Commentator Zia at kaagad sumang-ayon. "Oo nga noh? Tapos kunin nila si Dolia at Lu Bu, kapag kinuha din nila 'tong dalawang hero na 'to wala itong pinagkaiba nung opening."

Commentator Waver: "Alam din kasi ng FTT na gagana yung ganitong line-up sa RG, at hindi ata alam ng RG na gagamit ng Shangguan ni Boss ngayon kasi kinuha parin nila si Hou Yi. Parang...ang hirap mag-survive kapag may Shangguan tapos Hou Yi yung marksman."

Commentator Zia: "Yeah."

Natapos ang ban/pick phase at tama nga ang hula ng dalawang commentators na kukunin ng FTT si Lu Bu ngunit hindi si Dolia ang kinuha nila para kay Gem dahil binan iyon ng RG, bagkus kinuha nalang nila si Sakeer para kay Gem. Parang ganito rin yung line-up nila nung opening at si Dolia lang ang nawala dahil napalitan iyon ng Sakeer, ibigsabihin hindi makakapag-double ultimate si Shangguan kaya kailangan i-tressure ni Boss ang kanyang ultimate para magkaroon ng silbi si Shangguan.

Si Shangguan yung hero na nakadepende lang sa ult at kapag wala na siyang ult wala narin siyang silbi. Isa si Shangguan sa mga hero na pinakamahirap gamitin dahil hindi lang micro ang mahirap kay Shangguan kundi yung kontrol sa laro. Hindi siya makapag-clear ng minions sa mabilis na paraan hindi katulad ng ibang mga mages kaya isa iyon sa disadvantage niya, sobrang hirap din maghanap ng timing at kinakailangang may advantage kaagad sa early ang team niyo dahil si Shangguan yung hero na nakadepende lang sa kills. Ang alam lang si Shangguan ay pumatay at humabol ng mga enemies na mababa na ang HP, wala siyang CC kaya wala siyang kakayahang kontrolin ang teamfight at puro damage ang tatlo niyang skills.

Hindi ligtas si Water sa line-up ng FTT kaya huling pumili si Crowd at nagdesisyon ang kanilang coach na kunin si Menki para dagdag shield kay Water.

Commentator Waver: "Hindi hahayaan ng FTT na maging komportable si Water dahil si Shangguan, Musashi, Loong at Lu Bu, p'wedeng magsama-sama ang apat na 'to at i-target si Hou Yi sa early to mid game."

Nababahiran ng pagkaseryuso ang mukha ni Water habang nakatingin siya sa kanyang gaming phone. Siya ang target locked ng FTT at mukhang kailangan niya nanamang mag-tower hug kahit na may Zhang Fei, Liu Bang at Menki sa kanilang side. Alam niya kung gaano kaagresibo ang FTT ngayong season at masasabi niyang sobrang laki ng improvement ng FTT, hindi niya na kayang i-solo kill si Just na madalas niyang gawin noon sa 5v5 ngunit ngayon siya ang na-sosolo kill ni Just. Nakakaramdam ng pressure si Water dahil 1-0 ang score at kung mananalo pa ang FTT ngayong game, hindi alam ni Water kung kaya nilang i-sweep reverse ang series dahil BO5 ang kanilang match at kailangan nilang makakuha ng 3 points.

Samantalang, seryuso din ang mga players sa side ng FTT habang kinakausap sila ni Coach Dang para sa kanilang strategy.

"Sa first wave ng minions, tulungan mo muna si Boss linisin yun bago ka pumunta sa farm lane. Iwan mo si Lucky kapag meron na siyang ult bago sumama ka kay Boss." Saad ni Coach Dang kay Gem, tumango naman si Gem. "Boss, ikaw na ang commander."

"Mm." Sagot ni Jacian.

Binalingan naman ni Coach Dang si Just. "Just, sundin mo kung anong sinasabi ni Boss, h'wag kang padalos-dalos, naiintindihan mo?"

"Mn."

"Okay, Goodluck!" Nakangiting saad ni Coach Dang bago ito naglakad sa gitna ng stage at nakipag-shakehands sa coach ng RG.

Sumandal si Jacian sa kanyang gaming chair at inayos ang suot niyang microphone. "Naririnig niyo ba ako?" Tanong niya sa kanyang mga teammates at kaagad naman silang sumagot, ngunit nanatiling tahimik si Just. "Captain?"

"Mn."

Salubong ang kilay niyang binalingan si Just. "Pakibilisan naman sumagot." Reklamo niya.

Napahinto si Just ng isang segundo. "Tumango ako. Nakalimutan kong gamitin ang microphone." Kalmadong sagot niya.

Lucky: "!!!" Holy shit! Ngayon niya lang nakita ang kanilang captain na tinatrato ng ganito, hindi niya pa nakikita si Just na nagpapa-under kahit kanino noon.

Nagsimula na ang game 2 at parehong pumunta sa mid lane sina Jacian at Gem para linisin ang minions, mabagal mag-clear ng minions si Shangguan kaya kailangan niya ng tulong ni Gem. Hindi naman siya inagawan ni Gem ng minions at binawasan lang nito ang mga HP, pagkatapos nitong tulungan si Jacian dumaan si Gem sa may river para pumunta sa farm lane at i-assist si Lucky. Kalahati na kaagad ang HP ni Lucky dahil kumpara kay Hou Yi na hawak ni Water mas mabilis mag-clear ng minions si Hou Yi kumpara kay Loong at nangunguna si Hou Yi pagdating sa farm.

"Pupunta ako sa farm lane kapag naabot ko na ang level 4." Ani Jacian. Nagawa niyang itaboy ang mid laner ng RG at kasalukuyang kinukuha ang river sprite.

"Jacian, anong gusto mong buff?" Tanong ni Just habang patungo sa mid lane.

Bahagyang natigilan si Jacian dahil sa tanong ni Just. Hindi niya alam ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso niya, nanginig ang kanyang daliri na nakalapag sa screen at aksidenteng napindot ang icon na nasa gilid.

Charge!

Jacian: "???" Fuck!

Tuliro ang mga players ng FTT habang nakatingin sa screen. Nagulanta si Lucky na abala sa pag-farm ng minions. "Susugod tayo Boss?" Nagtatakang tanong ni Lucky, level 3 palang siya at wala pa siyang ult, hindi siya makakatakas kung magigipit siya sa teamfight.

Mariing pumikit si Jacian atsaka umiling. "Hindi, napindot ko lang yung icon."

"Ah, okay."

Tumikhim si Jacian at pinaikot ang kanyang daliri sa screen para tingnan kung nasaan si Just. "Tara sa blue buff." Saad ni Jacian.

"Mn."

Pumunta sila ni Just sa enemy jungle para nakawin yung golem ng RG, nandoon si Crowd para kunin ang sarili niyang golem ngunit nagulat siya nang makitang lumabas si Just at Boss sa damuhan at kinuha iyon. Nakuha ni Jacian ang blue buff nang itaboy ni Just si Crowd, wala namang nagawa si Crowd kundi ang mag-retreat.

"Nakuha yung blue?" Tanong ni Water.

"Nakuha ni Boss, level 4 na siya. Tingin ko papunta na siya sa farm lane ngayon." Saad ni Crowd.

Nag-retreat si Water kasama ang kanilang support pabalik sa tower dahil malakas ang kutob nilang pupunta si Jacian sa farm lane para mang-gank. Hindi natuloy yung plano ng FTT ngunit pabor naman kay Lucky dahil payapa siyang nakapag-clear ng minions at hinatid sa tower ng RG.

Commentator Zia: "Kanina naiipit si Lucky sa pag-clear ng minions, pero nung naabot ni Boss yung level 4 at pumunta sa farm lane para subukang i-gank si Water, nag-retreat si Water kaya nakapag-clear narin ng maayos si Lucky. Sobrang hirap kasing mag-survive ni Hou Yi sa game na 'to kasi yung line-up ng FTT siya talaga yung target."

Kung lalabas si Water sa tower, nand'yan si Just na kayang-kaya siyang puntahan kaagad dahil malakas ang mobility ni Musashi at kahit hindi new year tatalon ka talaga kapag ginamitan ka ng ult, kung makakatakas si Water kay Just, nand'yan si Blue na kayang lumipad gamit ang ult ni Lu Bu, kung yayakap naman sa tower si Lucky kayang-kaya naman siyang i-tower dive ni Boss dahil untargetable si Shangguan kapag ginamit niya ang kanyang ult kaya kahit pumasok siya sa tower hindi siya tatamaan. Kung tatakbo naman si Water papunta sa second turrets, may ultimate si Lucky na kayang-kaya siyang habulin. Kaya hindi alam ni Water kung saan siya lulugar, nakatago lang siya sa likod ng kanilang support na si Zhang Fei kaya siya nakakalabas sa tower.

Ngunit hindi naman hahayaan ng FTT na maging smooth ang early ni Water dahil pagdating sa late game, walang hindi kayang patayin si Hou Yi at maging ang tank hindi makakalapit kaya kailangan nilang patayin ng patayin si Hou Yi para hindi ito magka-item.

Makikita sa big screen na nakatago si Boss sa may damuhan at hindi alam ng RG na nakatago doon si Boss kaya nang lumabas si Water, ginamit ni Boss ang kanyang skills para i-tower dive ito.

More Chapters