WebNovels

Chapter 137 - Chapter 135: Next time, h'wag kang mag-build ng trash.

Humarap naman si Ms. Phara kay Jacian para ito nanaman ang tanungin. "Boss, paano mo naman masisiguro na hindi makakabawi ang Team EPG, ano ang palag mo?"

"Next time, h'wag kang mag-build ng trash."

Mas lumakas ang sigawan ng mga audience sa side ng FTT at huminto lang iyon nang mag-fist bump ang dalawang player. Pumunta na sila sa kani-kanilang match area para simulan ang game 1.

"Kapag hindi nila binan si Da Qiao kunin natin si Da Qiao, alright?" Saad ni Coach Dang sa kanilang noise-cancelling headphones.

Tumango sila at nang makitang wala sa dalawang ban spot ng EPG si Da Qiao, kinuha nila si Da Qiao para kay Jacian. Kinuha naman ng EPG si Yuhuan dahil pinakawalan iyon ng FTT sa ban spot pati narin si Dolia kaya may double ultimate nanaman si Kirsty. Binan ng EPG si Li Bai kaya hindi magagawa ni Jacian ang kanyang hatid sabay sundo kay Just para mabilis niya itong maipadala sa kabilang lane at makapag-clear ng minions. Ngunit kinuha naman ng FTT si Yao na isang assassin's jungler para kay Just. Nang lumabas ang Yao pick ng FTT, hindi lang commentators ang nagulat kundi pati narin ang mga audience at coach.

Ayun sa history ng PKL, isang beses palang ginamit si Yao sa PKL at season 1 pa ito huling ginamit sa kamay ni Sin nung laban ng TK at GOT-G sa semi-finals, ngunit natalo ang TK kaya zero win rate pa ang record ni Yao sa PKL. Isa siyang assassins jungler na malakas ang mobility ngunit kailangan niya ng mataas na gold sa puntong kinakailangan niya pang pumunta sa enemy jungle para kumuha ng advantage. Hindi nila inaasahan ang kinuhang jungler ng FTT kaya mas lalong lumakas ang sigawan. Malakas si Yao ngunit masyado siyang squishy kaya kailangan ng magandang posisyon sa kanya at tamang timing, hindi ito madalas ginagamit sa mga tournament dahil mahirap kumuha ng advantage at kunin ang kontrol sa laro. Kumpara sa mga assassins at tank, mas komportable ang mga players na kumuha ng tank sa tournament at hayaang marksman ang mag-deal ng damage sa late game.

Samantalang, habang maingay sa audience area, tuliro naman ang mga teammates ni Just habang nakatingin sa hero niya. Hindi lang commentators at mga audience ang nagulat sa hero ni Just kundi pati narin sa ang mga teammates niya at maging si Coach Dang.

Coach Dang: "...."

Ang sabi niya kanina p'wede si Yao sa kanilang line-up dahil malakas ang mobility ni Yao at mabilis siyang makakapag-travel sa mapa at kung makakasalubong niya ang mga players ng EPG p'wede siyang mag-teleport gamit ang ult ni Da Qiao na hawak ni Jacian. Maganda naman ang plano ni Coach Dang ngunit hindi niya inaasahan na biglang kinuha kaagad ni Just si Yao. To hell! Nag-iisip palang siya kung anong kukuning hero!

Alam nilang mahirap kumuha ng advantage sa isang Yao ngunit mabuti nalang at binan nila si Princess Frost at Liang, dalawang hero na malakas ang CC at magaling pumigil sa mga assassins hero na malakas sa meta ngayon.

Hindi maiwasan ni Coach Dang ang hindi matulala samantalang kalmado naman si Just habang inaayos ang mga build.

"Sigurado ka ba? Hindi ka na gumagamit ng assassins simula nung binago mo ang gameplay mo. Kailan mo pinractice si Yao?" Nagtatakang tanong ni Coach Dang. Lagi niyang kasama si Just noon sa training room dahil nung mag-retired siya nag-sign in si Just sa kanilang club bilang bagong jungler ng FTT. Nag-1v1 sila noon at naaalala ni Coach Dang na hindi siya nanalo kahit isang beses, at assassin's jungler ang hawak ni Just nung time na 'yun. Gamay na gamay ni Just ang mga assassins jungler ngunit matagal na simula nung gumamit ito ng assassin at maging si Coach Dang ay hindi sigurado kung kaya bang sumabay ng kanyang mga teammates.

"Of course." Sagot ni Just sa tanong niya. "Don't worry, Coach. Victory is ours." Saad ni Just.

Malakas namang inikot ni Coach Dang ang kanyang mga mata at binalingan ang ibang teammates para tanungin kung magagawa nilang makasabay. Tumango si Lucky at nag-thumbs up. Tatanungin sana ni Coach Dang si Jacian kung kaya nitong makasabay sa rhythm ni Just ngunit naalala ni Coach Dang na ang mid laner nga pala nila ang nagturo kay Just gumamit ng jungler hero.

Nilunok niya na lamang ang kanyang sasabihin at tinanguan si Jacian ngunit natigilan siya nang bigyan siya nito ng kindat.

Coach Dang: "???" Anong kinikindat-kindat mo?

Makalipas ang limang minuto at natapos ang ban/pick phase kaya sinara na ni Coach Dang ang kanyang clear book.

"H'wag masyadong aggressive, Just. Gem, hintayin mo munang mag-level 4 si Lucky bago ka mag-rotate, pagkatapos p'wede mo ng samahan si Just mag-invade at kunin ang objectives."

"Got it, Coach."

Naglakad na si Coach Dang patungo sa gitna ng stage para makipag-shake hands sa coach ng EPG at bumaba para pumunta sa bench area. Suot ng coach ang kanilang noise-cancelling headphones ngunit naririnig lang nila ang sinasabi ng mga players at hindi naririnig ng mga players ang sinasabi ng coach.

Nagsimula ang game 1 at makikita kaagad sa big screen ang ginagawang pag-invade ng FTT sa jungle ng EPG. Kinunan nila ng blue buff si Kirsty kaya nauna ng isang level si Just kumpara sa kanilang lahat, pagkatapos kunin ang blue buff pumunta si Just sa red buff ng EPG nang makitang pumunta rin doon ang jungler ng EPG para kunin iyon, ginamit ni Just ang kanyang skill 1, smite at skill 2 at nagawang ma-snatch ang red buff sa kamay ng enemy jungler. Hindi narin nanggulo si Just at bumalik sa sariling jungle para kunin ang mga iniwan niyang resources, ngunit ang nakakamangha nakuha ni Just ang apat na buff.

Mabilis lang nilang napabagsak ang mid lane turret at nandun nanaman si Just sa ginagawa niyang pag-invade nang mag-spawned ang mga buff sa jungle ng EPG. Sa loob ng 4 minutes nag-spawn ang overlord/tyrant at hindi narin nakipag-agawan ang EPG at libreng ibinigay sa FTT. Kung makikipag-agawan sila baka ma-ACED sila dahil sa lakas ng damage ng FTT, kailangan nilang i-drag ang match hanggang late game para magkaroon ng damage si Yuhuan na hawak ni Kirsty.

Sa bench area, hindi maiwasang mamangha ni White dahil sa nakikita niyang gameplay ni Just. Role model niya si Just kaya siya pumasok sa FTT club at gusto niyang maging rookie ngunit hindi niya in-expect na i-recommend siya ni Just bilang substitute jungler.

Hindi maiwasan ni White ang pumalakpak. "Ang galing ni Senior Captain." Ani White.

"Nakalimutan mo yatang Great Demon King siya ng global." Saad naman ni Coach Dang at inayos ang kanyang noise-cancelling headphones.

Tumango si White. "Mm, hindi ko kaya yan. Hindi ko kayang pumunta sa enemy jungle nang hindi patay ang jungler at walang assist. Nung laban namin nakaraan, kailangan ko pa ng assist ni Boss para makapasok sa enemy jungle." Natatawang ani White.

Napailing naman si Coach Dang, substitute jungler si White ngunit minsan lang siya maglaro sa tournament dahil kaya pa namang maglaro ni Just ng isang series. Kinuha lang talaga nila si White nung sunod-sunod ang pagbalik ni Just sa hospital para sa recovery ng kanyang injury. Ngunit naka-recover na ang injury ni Just kaya malabong makakapaglaro si White ngayong season.

Umabot ng 10 minutes ang match ngunit saktong nag-spawn ang enhance overlord/tyrant hindi na pinatagal pa ng FTT ang laban at hindi hinayaang buksan ang shadow overlord/tyrant sa EPG at tinapos ang laban sa loob lang ng 10 minutes. Hindi nagawang ma-execute ng EPG si Just nung early kaya napakaganda ng early ni Just at nakuha niya kaagad ang kanyang mga core items. Mabilis ang naging pag-rorate ni Just dahil sa lakas ng kanyang mobility kaya nakapag-clear siya ng minions, sinubukan ding i-ambush ng EPG si Just ngunit katulad ng naging plano ni Coach Dang, ginamit lang ni Jacian ang kanyang ult para makapag-teleport si Just papunta sa kanya. Isa iyon sa nagpasakit sa ulo ng mga players ng EPG at naging dahilan para masira ang kanilang rhythm. Nagulo ang kanilang plano at hindi nila alam kung anong tower ang i-dedefend dahil sa kapal ng minion wave. Sa huling teamfight sa high ground ng EPG, na-ACED sila kaya nag-push na ang FTT patungo sa kanilang crystal at pinasabog iyon.

Kasalukuyang 1-0 ang score at lumipat sa red side ang FTT. Hindi na nila magagawa ang magic na ginawa nila kanina dahil hindi na nila p'wedeng gamitin ang mga hero na ginamit nila nung game 1, hindi narin iyon binan ng EPG at nagdesisyong ilagay sa ban spot si Augran at Pei. Ngunit hindi narin p'wedeng gamitin ng EPG si Yuhuan at Dolia dahil ginamit na nila ito at makikita ang malaking panghihinayang sa mata ng kanilang mga fans. Ang Yuhuan at Dolia combo ang pinakamalakas na combo ng EPG ngunit natalo sila gamit ang kanilang best comp kaya malaking kawalan ito para sa EPG.

Binan ng FTT si Arli at Dyadia at kinuha naman ng EPG si Gan&Mo para kay Kirsty. Ngunit isang hero nanaman ang ikinagulat ng mga audience dahil isa nanamang hero ang nilabas ng FTT, ngunit ngayon ay hindi na jungler hero kundi mid lane hero. Nilabas ni Jacian si Shi. Isang mage hero na magaling mag-control ng teamfight. Kaya niyang hilahin ang enemy kahit saan niya gusto gamit ang kanyang skill 1. Kinuha rin ng FTT si Hou Yi para kay Lucky at kung titingnan hindi magiging maganda ang laro dito ng support ng EPG dahil ginamit nito si Sakeer, kahinaan ni Sakeer ang combo ni Shi at Hou Yi.

Commentator Zia: "Wow, parang nakakagulat yung Shi ni Boss noh? Parang ang tagal kong hindi nakita 'tong hero na 'to. Nasanay tayo na laging Princess Frost, Lady Zhen, Mai Shiranui, hindi natin nakikita yung ibang mid lane hero sa tournament."

Commentator Waver: "Oo, tsaka madali lang kasi paganahin yung mga hero katulad nila Lady Zhen, may damage kaagad tsaka hindi ka kabahan kasi meron kang proteksyon. Pero si Shi..."

Commentator Zia: "Ewan ko ba, yung mga hero na nilalabas ng FTT laging may masalimuot na strategy. Gusto nila yung papaisipin pa nila yung mga manonood kung paano ba papaganahin 'to? Anong play nanaman ang makikita natin? Tuwing FTT yung maglalaro parang ang sakit sa ulo."

Commentator Waver: "Oo, ban/pick phase palang eh gugulatin ka na. Halos iba-ibang hero yung nilalabas ng FTT ngayong season, at hindi natin inaasahan na makikita natin si Yao at si Shi ngayong series."

Commentator Zia: "Yeah, regular season palang nabibigla na tayo. Hindi natin inaasahan na makikita yung mga hero katulad nila, Dr Bian, Da Qiao, Jing, tsaka nilabas din nila si Li Bai. Sobrang dami."

Tumawa si Commentator Waver: "Iba ang pinapakita ng FTT ngayon, may gusto silang patunayan."

Commentator Zia: "Mm, pero parang ayaw ata nila paglaruin dito si Sakeer kasi, Shi at Hou Yi yung FTT eh, mukhang si Sakeer yung target."

Commentator Waver: "Hindi na natin patatagalin pa at day 3 na po tayo ng playoffs. EPG laban sa FTT, pasok na tayo sa ating game number 2."

Nang magsimula ang match, tanging panggugulo lang ang ginagawa ni Just gamit ang kanyang hero na si Han Xin, isang tank jungler na maraming dash. Samantala, maingat naman si Jacian sa pag-clear ng minions dahil masyadong squishy si Shi at kailangan niya si Just sa unahan para lang hindi siya mamatay. Maagang nagkaroon ng teamfight sa mid lane nang sinubukang i-gank ng enemy jungler si Jacian at bumaba sa kalahati ang kanyang HP ngunit tamang tama lang ang dating ni Just at nakapagtago pa siya sa likuran ni Just, tumama kay Just ang huling damage ng jungler ng EPG pero dahil tanky si Just kunti lang ang nabawas sa HP niya.

Sinubukang tumakas ng jungler ng EPG ngunit ginamit ni Jacian ang kanyang skill 1 at hinila ito pabalik.

First blood!

More Chapters