Naka-upo si Jacian sa sofa habang kumakain ng cake, nakalapag sa mesa ang tatlong patong na cake na may bawas na sa itaas. Pumasok si Just matapos nitong ipahatid ang cake sa bahay ampunan, ang kanilang driver ang naghatid nun dahil pinabalik kaagad ito ni Mrs. Sojurn nang malamang nasa base si Jacian.
Naglakad si Just patungo sa sofa at umupo sa tabi ni Jacian, uminom si Jacian ng tubig at sumandok ulit sa hawak niyang cake ngunit tiningnan niya si Just nang makitang may iniaabot ito sa kanya na paper bag.
"Hindi p'wedeng wala kang regalo."
Jacian: "..."
Nilapag niya ang cake sa mesa at kinuha ang paper bag sa kamay ni Just. Hindi niya alam kung kailan ito plinano ni Just dahil sinabi niyang hindi naman siya nag-cecelebrate ng kanyang birthday, sa dami ng ginawa ni Just hindi niya alam kung paano ito gagantihan.
Nagpakawala si Jacian ng awkward na 'thanks' bago niya tinanong si Just kung p'wede niya ng buksan, tinanguan naman siya ni Just kaya binuksan niya na iyon. Kinuha niya ang box sa loob ng paper bag at napagtantong isa itong cellphone.
"Napansin ko na luma na ang model ng cellphone mo kaya naisip kong ibili ka ng bago." Saad ni Just. Lumapit siya sa mesa at ginamit ang kutsara ni Jacian para sumandok sa cake.
Lumang luma na nga ang model ng cellphone niya at nagloloko narin dahil binigay lang naman sa kanya iyon ni Chase nung mahulog ang cellphone niya sa tulay. Balak niya ring bumili ng bago pero nanghihinayang siya kaya hinihintay niya pa itong masira.
"Thanks, Captain." Aniya at bahagyang kinaway ang cellphone. Ngunit napansin ni Jacian na kulang pa iyon kaya lumapit siya kay Just para yakapin ito at hinalikan sa labi.
Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ni Just dahil sa ginawa ni Jacian, hindi naging ganito kabilis ang tibok ng puso niya kahit na agawin pa sa kanya ang overlord sa match. Niligpit nila ang kalat sa base at binigay kay Golden at Spree ang natirang cake bago sila bumalik sa dorm.
Samantala, trending si Jacian sa e-sports category at maingay nanaman sa social media ang kanilang mga fans.
[Hindi parin bumati si God J, 11:30 na guys.]
[Sino ba kasing nagsabi na babatiin siya ni Just?]
[Asang asa nanaman yung mga fans ng Honeybam dou d'yan.]
[Hindi kasi makaintindi ng fanservice.]
[Binati lahat si Boss ng kanyang teammates at pati si Lucky na pinakauna niyang tinrash talk. Sa lahat ng alam kong malapit kay Boss si God J lang ang hindi bumati.]
[Hindi nga lang comment sa PKL ang ginawa ni Linus eh, shinare pa. Mas layag ata 'to guys.]
[Oo, pero h'wag mo sanang kakalimutan na nagpost din si Chase para batiin si Boss.]
[???]
[Wala na guys 11:50 na, hindi totoo ang Honeybam dou.]
[Baka sa personal bumati si God J.]
[Hindi eh, may story nakaraan umuwi siya sa bahay nila kasama niya pa yung aso niya. Tapos si Boss nasa base lang kasi sabi ni Lucky sa comment 'mag-enjoy ka d'yan sa base' kaya imposibleng binati siya ni Just sa personal.]
[Parang hindi niyo naman kilala si Just, mas malamig pa yun sa pinakamalamig, alam naman natin na walang pakialam si God J sa mga ganitong klase ng bagay. Tingin niyo bubukas si God J ng kanyang account at pupunta sa post ng PKL para mag-comment ng happy birthday? Hindi niya nga ginanti si Boss nung i-trash talk ni Lessen si Boss sa trash talk segment.]
[Minulat niyo ako guys, hindi nga totoo ang Honeybam.]
Hating gabi nang marinig ni Jacian na tumunog ang kanyang cellphone, kakatapos niya palang maligo at lumapit sa mesa para tingnan ang kanyang cellphone, inihagis niya sa basket ang towel na ginamit niya pampunas sa kanyang buhok at binasa ang chat ni Lucky.
[Lucky: Bakit hindi ka pa binabati ni Just? Sabihin mo kay Just na batiin ka bago mag 12:00 dahil maraming fans ang naghihintay, magfanservice kayo. Andami niyong shippers pero binabalewala niyo, kapag sinunod niyo ang gusto nila dadami pa ang fans niyo at ng buong FTT.]
May mga sinend pa na screenshot si Lucky at comments iyon ng mga fans sa post ng PKL. Kung nandito lang si Blue siguradong nabatukan na nito si Lucky, binasa lang iyon ni Jacian bago nagtipa ng isasagot.
[Just Call Me Boss: Kaya hindi ka lumalakas kasi inaasa mo sa fanservice para makakuha ng fans.]
[Lucky: Tingin mo hindi pa ako malakas?! Naka-pentakill ako sa TK!]
[Just Call Me Boss: Malamang, ikaw lang ang may damage sa amin.]
[Lucky: đź–•]
Hindi niya na pinansin si Lucky at humiga sa kanyang kama. Pareho silang pro player ni Just at makukuha nila ang atensyon ng mga audience ayun sa kanilang laro at hindi sa kung anong dahilan na walang kinalaman sa e-sports.
Mabilis na lumipas ang araw at sa sumunod na linggo, bumalik na sa base ang kanilang mga staff dahil sinabi ni Coach Dang na i-assemble na ang mga equipment dahil darating siya sa susunod na araw. Bumalik narin sa kanilang base ang kanilang lead coordinator kasama ang kanilang manager. Nag-post ang PKL ng announcement dahil open na sa registration ang tournament para sa playoffs, kung sino ang top 8 teams na nakakuha ng mataas na points sa regular season sila ang maglalaro sa playoffs. Ngunit kailangan parin nilang magpa-register para malaman ng committee kung sasali ang kanilang team sa playoffs, p'wede kasing hindi maglaro sa playoffs ang isang team kahit na pasok sila sa top 8 ng regular season at iyon ay kung ipapabenta nila ang kanilang slot.
Sinabi rin sa post ng PKL na walang magaganap na individual competition ngayong playoffs, at maging ang ibang region ay wala rin at mukhang ilalagay nila iyon sa global competition. Nanghinayang ang mga fans ngunit na-excite sila sa darating na global competition.
Bumalik narin ang iba nilang teammates ngunit nahuli si Lucky, hila-hila niya ang kanyang maleta nang pumasok siya sa base habang nakasunglasses, tinanggal niya iyon at nakangiting naglakad patungo sa living room. Binitawan niya ang kanyang maleta at inakbayan si Gem.
"Na-miss kita babe." Walang hiyang saad ni Lucky habang naka-dekwatro.
Tinanggal ni Gem ang kamay ni Lucky na nakaakbay sa kanya ngunit inakbayan ulit siya ni Lucky kaya kinuha niya nalang ang kanyang cellphone at inabala ang sarili.
"Kaninong aso yung golden retriever sa labas? Sobrang bait." Lintaya ni Lucky habang pinapagpagan ang kanyang balikat. Maya-maya lang nilinga niya ulit ang kanyang mga teammates. "Nakita niyo ba yung mga sinend kong pictures sa gc? Kapag may natipuhan kayo sabihin niyo lang sa akin, ako ang bahala mag-contact." Nakangiting ani Lucky at kumindat.
"Kapag nag-send ka ulit ng mga picture ng mga babae sa gc ipapakick out kita." Ani Blue.
Sumama naman ang mukha ni Lucky at dinukot ang kanyang cellphone. "Hindi naman para sa'yo yun, para kay Cap Tin yun." Binuksan ni Lucky ang kanyang cellphone at binalingan si Just. "May isa pa akong irereto sa'yo Cap, pang miss universe ang dating. Tiningnan ko narin ang background niya at galing siya sa mayamang pamilya, sigurado akong matitipuhan mo 'to." Ani Lucky at iniharap kay Just ang kanyang cellphone.
Nakasandal si Just sa sofa habang nanonood ng match sa cellphone ni Jacian at bahagya silang nag-uusap ngunit nag-angat si Just ng tingin nang marinig niyang tinawag siya ni Lucky.
"Mn?"
Nanatili namang nanood si Jacian sa cellphone at hindi pinansin ang kanyang mga katabi.
"Ano sa tingin mo, Cap Tin?" Tanong ni Lucky matapos ipakita kay Just ang picture.
"Hindi ako interesado." Sagot ni Just.
Kumunot naman ang noo ni Lucky. Tinawanan siya ni Blue at binato ng unan, nasalo naman iyon ni Lucky at inilagay sa kanyang likod. Iniharap niya sa kanyang mukha ang kanyang cellphone para tingnan ang magandang babae sa picture habang nakakunot-noo, hinahanap niya kung saan ang mali.
"Hindi ka interesado dito? Pero napaka-perfect na 'to kumpara sa mga pictures na sinend ko sa gc." Lintaya ni Lucky at iniharap iyon kay Gem. Ngunit iniwas ni Gem ang kanyang mukha at tinulak palayo ang kamay ni Lucky. "Tsk! Dapat hindi niyo sinasayang yung mga mukha niyo, bihira ang gwapong pro players alam niyo yan."
Third week na ng August at malapit na ang playoffs, nang magising sila sa sumunod na araw nakarinig sila ng katok sa labas ng base at nakita nilang nasa labas si Coach Dang bitbit ang baby nito. Sinabi nila nakaraan na kapag bumalik siya isama niya ang anak niya para makita nila. Maraming dalang gamit si Coach Dang at pinagtulungan nila itong ipasok sa loob.
Lalaki ang anak ni Coach Dang at natutulog iyon sa kanyang balikat pero dahil sa ingay ni Lucky at pagpisil niya sa pisngi nito nagising ang baby at tumingin sa kanila.
"Wow, hawig mo Coach. Parang ikaw lang na maliit." Ani Lucky.
"Malamang, anak ko 'to." Saad naman ni Coach Dang.
"Nasaan ang mama nito?" Tanong ni Just nang lumapit siya, inangat niya ang dalawa niyang kamay para kargahin ang baby. Nang buhatin ito ni Just kaagad itong kumapit sa balikat niya at isinandal ang maliit niyang ulo sa malapad na balikat ni Just.
Nagulat naman si Coach Dang. "Biglang natakot yung anak ko, akala niya nasa tuktok na siya ng building."
Tumawa si Lucky. "Ang tangkad ba naman, ang higpit ng pagkakakapit oh." Ani Lucky at hinawakan ang maliit na kamay ng anak ni Coach Dang na kapit na kapit sa sleeve ng t-shirt ni Just.
Pagbaba ni Jacian sa hagdan pumunta siya sa living room at nginitian si Coach Dang habang sumasahod ng tubig sa water dispenser. Lumapit siya sa sofa at umupo doon.
"Start na ba ang training ngayon, Coach?" Tanong ni Jacian.
"Hindi pa, bumalik lang ako ng maaga kasi gusto makita ni Just ang anak ko. Sa last week pa ng buwan ang unang training natin, h'wag kayong mag-alala p'wede pa kayong gumala." Sagot ni Coach Dang.
"Madali lang matatapos ang playoffs ngayon kasi walang individual competition." Ani Blue.
"H'wag na kayong mag-training malalakas narin kayo." Ani Coach Dang na tinawanan nilang apat.
"Nasaan na pala ang baby mo, Coach?" Tanong ni Jacian at hinulog sa trash can ang ginamit niyang cup.
"Kinuha sa akin ni Just kanina, 'di ko alam kung saan siya pumunta."
"Mm."
Tumayo si Jacian at lumabas ng base para hanapin kung nasaan si Just at ang anak ni Coach Dang. Naglakad siya patungo sa gate at nakita niyang nakatayo doon si Just malapit sa bougainvillea karga ang baby na nakahawak sa kanyang leeg. Pinagpatuloy ni Jacian ang kanyang paglalakad hanggang sa makalapit siya, binalingan naman siya ni Just nang maramdaman nito ang presensya niya.
Tiningnan niya si Just bago inilipat ang kanyang paningin sa baby. Nakatingin ito sa kanya nang humarap si Just kaya inunat ni Jacian ang kanyang kamay at hawakan ang mukha nito, nagpakawala naman ng mahinang tunog ang baby bago ito ngumiti.
Napangiti si Jacian. "Ang cute ng anak ni Coach."
"Mn."
Kumuha si Jacian ng bulaklak ng bougainvillea at nilapit iyon sa mukha ng baby, kumawag kawag ang dalawang kamay nito na animo'y gusto nitong kunin pero hindi nito magawa.
"Anong sabi ni Coach Dang?" Tanong ni Just.
"Sabi niya sa last week pa ng month magsisimula ang training natin." Sagot ni Jacian at tinapon ang kulay pink na bulaklak ng bougainvillea. Nilabas ni Jacian ang kanyang cellphone at kinuhanan ng picture ang baby, sinabi naman ni Just na isama siya kaya bahagya siyang lumayo para kunan sila ng picture. Pinatay na ni Jacian ang kanyang cellphone matapos niyang tingnan ang mga kinuha niyang litrato.
Hinawakan niya ang braso ni Just at nilapit ang kanyang mukha at hinalikan sa pisngi ang baby.
"Ang cute cute mo." Nanggigigil na sambit ni Jacian at kinurot ang pisngi nito. Maya-maya lang bahagya siyang huminto at tiningnan si Just, ngunit ibinalik niya rin ang kanyang paningin sa baby para laruin ito.
"Captain."
"Mn?"
"Hindi ka magkakaroon ng baby kapag ako ang kasama mo."
