WebNovels

Chapter 132 - Chapter 130: Diba sabi mo minor palang ako.

Ini-switch ni Jacian ang camera para camerahan si Spree nang tanungin ni Just kung nasaan ang aso niya. Nasa kabilang kalsada na ito at nakikipag-away sa mga malalaking aso sa labas.

"Hindi mo ba tinatalian ang aso mo kapag pinapalakad mo?"

"Hindi, sumusunod naman siya sa akin." Sagot ni Jacian at pumitas ng dahon, tumayo muna siya sa gilid para hintayin si Spree na patungo na ngayon sa pwesto niya. Tinatalian niya ito kapag si Lacey ang ang nagpapalakad pero tinanggal niya kanina dahil sumusunod naman si Spree sa kanya.

Luminga si Just sa kabilang gilid at tinakpan ang kanyang bibig para humikab.

"Bakit tumawag ka ngayon? Ang aga pa." Saad ni Jacian at nagpatuloy na sa paglalakad nang marating ni Spree ang kanyang pwesto.

"Gusto lang kitang makita." Sagot ni Just at umayos ng higa. "Hindi ako nakatawag kahapon kasi madaling araw na ako nakauwi." Aniya at inayos ang kumot.

Tumango si Jacian at tinitigan ang mukha ni Just ng ilang segundo ngunit bahagyang kumunot ang kanyang noo nang makitang lumubog ang unan na katabi ni Just.

"May katabi ka ba?" Tanong niya.

"Yeah." Bahagyang inilayo ni Just ang kanyang camera para makita ang gilid niya at makikitang natutulog ang isang golden retriever sa tabi niya. Nakaunan ito at nakakumot din ng kumot ni Just. "Aso ko, si Golden." Sagot ni Just.

Bahagyang ngumiti si Jacian at sinabing isama niya kapag bumalik siya. Nagkwentuhan sila hanggang sa malowbat ang cellphone ni Jacian at pinatay niya ang tawag.

Kinagabihan, kumuha lang si Jacian ng cup noodles sa break room at naglaga ng itlog para sa kanyang hapunan. Pagkatapos niyang kumain, pinakain niya naman si Spree at tinupi ang sapin bago iyon inilatag sa sofa. Nilapag niya doon si Spree at hinintay na makatulog bago siya pumasok sa loob ng kanyang kwarto.

Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Jacian at nagising siya sa tahol ni Spree, bumangon siya para buksan ang pinto at bumalik ulit sa loob ng kanyang kwarto bago natulog. Tinatamad na siyang samahan si Spree sa labas kaya hinayaan niya nalang ito. Humikab siya at natulog ulit.

Nang magising si Jacian nakita niya kaagad ang chat ni Chase at niyayaya siya nitong gumala, wala namang gana si Jacian lumabas at maging ang samahan si Spree sa labas ay kinatamaran niya narin ngayon. Hindi niya alam pero gusto niya nalang matulog ngayon hanggang sa mga susunod na araw hanggang sa tuluyan ng bumalik ang energy niya. Dahil siguro 'to sa ilang buwan nilang training at halos walang tulog dahil madaling araw na natatapos ang kanilang review.

Maging ang kanilang gc ay tahimik din at nanatiling puro seen lang ang chat ni Coach Dang sa kanilang gc nang tanungin nito kung kamusta ang kanilang rest day. Tahimik ang gc ng mga pro players at puro congrats parin sa mga top teams ang makikitang chat doon, nakaraan pa 'yon at nanatiling wala ng bagong chat. Literal na rest ang ginawa nila at animo'y na-slain silang lahat.

Mga official page lang nila ang laging online at manager ng kanilang team ang humahawak sa kanilang account para i-share yung mga kailangan nilang i-share.

Alas dos na nang hapon nang magising si Jacian nang maramdamang hindi na siya dinadalaw ng antok. Naligo siya at nag-toothbrush bago lumabas sa dorm para pumunta sa kusina, may panibagong chat nanaman si Chase at niyayaya nanaman siya nitong gumala. Wala naman siya sa mood gumala ngayon at sinabing next time nalang, kasama ni Chase ang isa sa mga teammates niya kaya ayos lang kung hindi siya sasama.

Lumabas si Jacian sa kusina para umakyat sa second floor ngunit patungo palang siya sa hagdan nang makarinig siya ng doorbell. Naglakad siya patungo sa pinto at binuksan iyon, hindi na siya nagulat nang makitang nakatayo si Just sa labas. Binuksan niya ng malaki ang pinto at pumasok si Just sa loob.

"Kamusta ka dito?" Tanong nito at sinara ang pinto.

"Kagigising ko lang."

Inangat ni Just ang hawak niyang plastic. "May dala akong donut."

Kumislap ang mga mata ni Jacian at tiningnan ang plastic na hawak niya. Kinuha niya iyon nang iabot ni Just kaya naglakad siya patungo sa sofa at nilapag iyon sa mesa, pumunta naman si Just sa kusina.

Kumagat si Jacian at sinipsip ang palaman. Nilibot niya ang kanyang paningin ngunit hindi niya makita ang golden retriever ni Just, baka hindi sinama ni Just.

"Nasaan ang aso mo?" Tanong niya nang lumabas si Just sa kusina.

"Oh, nasa labas, tumakbo siya kanina sa likod ng base." Nilapag ni Just ang grapes sa mesa at umupo sa tabi ni Jacian. Niyakap niya si Jacian at hinalikan sa mukha.

"Oyy." Bahagyang umiwas si Jacian.

"Bakit?"

Nilunok muna ni Jacian ang kanyang kinakain bago nilinga si Just. "Diba sabi mo minor palang ako." Saad niya.

Hindi naman nagbago ang ekspresyon ni Just at seryuso paring nakatingin sa kanya.

"Mn."

Jacian: "..."

"Next week na pala ang birthday mo." Saad ni Just at hinawakan si Jacian sa ulo para guluhin ang buhok nito. "Anong gusto mong regalo?"

Bahagyang natigilan si Jacian. Ito ang unang beses na tanungin siya kung anong gusto niyang regalo dahil hindi naman siya nagcecelebrate ng birthday niya at halos nakalimutan niya ng kailangan pang regaluhan kapag may birthday. Nakaramdam si Jacian ng kakaibang emosyon na bumugso sa kanyang dibdib at bahagyang inilingan si Just.

Ngumiti si Just at hinawakan siya sa ulo. "Okay, mag-oorder nalang ako ng cake."

Dahil wala silang gagawin, nagdesisyon silang maglakad-lakad bukas. Sinara ni Just ang gate bago sila umalis. Pinag-usapan nila ang tungkol sa bagong team sa KPL na top 1 sa regular season, napanood din ito ni Just at maging siya ay nagulat dahil sa lakas ng mga players. Bagong team sa KPL ang MPG ngunit makikitang malakas kaagad sila at malalim ang kanilang tacit understanding, nagawa pa nilang talunin ang WH na ilang taon na sa e-sports circle at ang Chongqing Prince na apat na beses ng naging world champion.

Sinubukan pang magresearch ni Jacian tungkol sa MPG at nalamang si LittlePrince ang kanilang captain na marksman ng team. Ni-research ni Jacian ang limang players sa Rednote kung saan nag-lalivestream ang mga Chinese streamer ngunit hindi niya makita ang kanilang mga account, sinubukan niya ring hanapin sa secondary league at sa youth training camp ngunit hindi niya nakita ang mga list ng IGN nila sa mga top rookies. Hindi nila maiwasan ni Just ang hindi magtaka. Imposible namang kumuha ang isang club ng mga passerbys at gumawa ng team na isasabak sa tournament, at kung gagawin nga iyon ng club imposible namang ganon kaagad sila kalakas at mayroong tacit understanding, not to mention na natalo pa nila ang Chongqing Prince na apat na beses naging world champion at lumamang pa sila ng 6 points.

Sobrang hirap paniwalaan, ano yun may magic? Maliban pa doon, sobrang lakas ng awra ng kanilang mga IGN. Si LittlePrince na kanilang captain, si Goddess na mid laner, si King na jungler, si Soldier na clash laner at si Hero na support.

Mga players naman ang magdedesisyon kung ano ang kanilang IGN ngunit kung titingnan ang kanilang limang IGN, para bang pinag-usapan. MPG ang pangalan ng kanilang team na ang ibigsabihin ay Most Powerful Gamers at kung isasama ang kanilang mga in-game name mapapansin na kaagad kung gaano kapowerful ang kanilang team. Bagong team ito ngunit ganito na kaagad ang impact nila sa KPL?

"Naisip ko nga na baka magkakaibigan sila." Saad ni Just.

"Magkakaibigan na bumuo ng team?" Tanong ni Jacian na tinanguan ni Just. "Ibigsabihin sila din ang may-ari ng club?"

Kung magkakaibigan ang mga players ng MPG posible ngang mayroon silang ganito kalalim na tacit understanding. Pero chineck na lahat ni Jacian sa mga apps na ginagamit ng mga Chinese kung mga streamer sila ngunit hindi niya makita, kaya siya nagtataka. Hindi nakasama sa secondary league, hindi streamer, hindi rin rookie sa youth training camp, saan sila nanggaling kung ganun? Maliban nalang kung matagal na silang magkakaibigan at plano nilang pumasok sa e-sports para talunin ang Chongqing Prince.

Ngunit kahit anong dahilan pa ang isipin ni Jacian hindi parin siya nakumbinsi. Anong trip yun? Ganun ba sila kaburyong sa buhay?

"Napanood mo ba ang interview nila?" Tanong ni Just.

Tumango si Jacian. "Napanood ko, pero tungkol lang naman sa match lahat ng interview nila. Parang ayaw nilang tumanggap ng tanong tungkol sa background ng kanilang team." Sagot ni Jacian at napakamot sa kanyang ulo.

"Kung wala silang background sa e-sports noon, baka top 1 sila sa leaderboard---" Hindi na natapos ni Just ang kanyang sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone ni Jacian.

"Si Chase nanaman 'to." Saad niya at binuksan ang kanyang cellphone para pindutin ang voice message. Ngunit pareho silang napahinto ni Just nang marinig iyon.

"Miss me?"

Jacian: "..."

Iyon lang ang voice message dahilan para kumunot ang noo ni Jacian habang nakatingin sa username para tingnan kung sino 'yon. Hindi iyon boses ni Chase.

"Oh." Aniya. "Si Xiaowang."

Tumunog nanaman ang cellphone niya at makikita ang tawag galing sa SweetTalk ngunit bahagyang nabitin ang kamay niya nang makita ang username ni Xiaowang.

"Bakit hindi mo sagutin?" Tanong ni Just habang nakatingin sa kanya. "Hindi ba yan yung big spender sa livestream room mo?"

Tumango si Jacian. Kumunot ang kanyang noo bago iyon sinagot. Nagtataka siya dahil hindi naman tumatawag sa kanya noon si Xiaowang.

Tahimik lang si Just habang kausap ni Jacian ang kanyang big spender, mabagal lang silang naglalakad hanggang sa matapos ang tawag at binaba ni Jacian ang kanyang cellphone nang salubong ang kilay.

Tiningnan siya ni Just. Nawala lang ang salubong niyang kilay nang balingan niya si Just.

"Gusto niyang makipag-Q ngayon." Ani Jacian. Nababahiran ng pagkainis ang kanyang mukha dahil sinabi niya kay Xiaowang na nasa labas siya ngayon pero nagpumilit si Xiaowang. Gusto nitong makipag-Q 'ngayon'

Bumili si Xiaowang ng 1000 games at may 475 games pa na natitira, sinabi niya kay Xiaowang na ibalik niya nalang ang pera nito dahil magiging busy siya next month ngunit ayaw tanggapin ni Xiaowang. Ayaw nitong tanggapin ang pera niya at gusto nitong makipag-Q ngayon, dahilan para magsalubong ang mga kilay ni Jacian.

Huminto sila ni Just at pinadaan muna ang mga sasakyang dumadaan bago sila tumawid para pumunta sa kabilang gilid, may waiting shed doon at nagdesisyon muna silang umupo.

Binuksan ni Jacian ang kanyang alt account kung saan friend niya si Xiaowang at i-ninvite ito sa lobby.

Nang magsimula ang laro, nagsimulang magsalita si Xiaowang. "It's been a long time." Saad nito. "Nagulat ako nung nalamang pro player ka na. Akala ko wala kang planong pumasok sa e-sports."

"Mm. Akala ko rin." Sagot niya habang kinukuha ang river sprite.

"Oh, kamusta sa team niyo?"

Nagtaka si Jacian kung bakit ito nagtatanong tungkol sa team nila kaysa mag-communicate sila sa match, hindi niya nalang pinansin at sinagot lang ang tanong ni Xiaowang.

"Kamusta naman ang mga teammates mo, mababait ba sila sa'yo?"

"Mm." Tanging sagot lang ni Jacian. Hindi siya mahilig makipag-usap tungkol sa pang personal na bagay kaya hindi niya na pinapahaba ang kanyang sagot, gusto niya ng putulin ang usapan at mag-focus sa match.

"Jacian, bibili lang ako ng tubig."

Tumingala siya para tingnan si Just. "Mm." Itinuon niya na ang kanyang atensyon sa kanyang cellphone, ngunit maya-maya lang nagsalita nanaman si Xiaowang.

"Sinong kasama mo? Si God J ba 'yon?"

"Mm." Sagot ni Jacian at pinabagsak ang second turrets.

"Kayong dalawa lang? Nasa labas ba kayo ngayon? Nakita ko tapos na ang regular season ng PKL."

"Mm, nasa labas kami ngayon." Sagot niya.

"Mukhang close kayo ni God J."

Hindi na sumagot si Jacian at pinabagsak ang high ground tower, nag-push na siya hanggang sa sumabog ang crystal. Sa sumunod nilang match sinabihan siya ni Xiaowang na piliin niya si Yaria, isang malambot na support. Gamit ni Xiaowang si Marco Polo at pareho silang nasa farm lane.

More Chapters