WebNovels

Chapter 117 - Chapter 115: Ilabas mo na, gusto kong makita kung gaano kalakas ang Jing mo.

Sa unang laro, kumuha ang FTT ng shield at healing heroes para protektahan ang kanilang core na si Di Renjie. Masyadong malagkit ang line-up ng HUV at madalas silang umikot sa mapa nang may kasama, hindi nila iniiwan ang isa't isa. Iyon ang nagpahirap sa FTT dahil hindi sila makapag-rotate para kumuha ng advantage sa ibang lane, kulang sila sa mobility kaya lagi silang nahuhuli. Makikita rin sa hero's george na HUV ang laging nagrorotate at umaabante dahil halos kalahati ng map ng FTT ay napuntahan nila.

Sa loob ng 10 minutes, natapos ang match at nanalo ang HUV. Mabilis na lumipas ang oras at nagsimula na ang ban/pick phase ng game 2. Dahil HUV ang nanalo sila ang may karapatan na pumili ng side, hindi na sila nagpalit at nanatiling blue side kaya red side parin ang FTT.

Sumandal si Jacian sa kanyang gaming chair at bahagya itong dinuduyan-duyan, kumukurot siya ng powder na nasa mesa habang nakatingin sa ban spot ng HUV. First ban parin ng HUV si Augran samantalang Liang naman ang first ban nila. Hinihintay nila kung anong hero ang susunod na i-babanned ng HUV dahil wala parin silang napipiling hero na i-babanned hanggang ngayon, siguradong nagtataka ang HUV ngayon kung bakit nila binan si Liang.

"Kapag hindi nila binan si Jing, kunin si Jing." Saad ni Mrs. Sojurn.

"Sigurado ka ba? Maraming pang-counter ang HUV kay Jing." Segunda ni Just.

"Gaano ba kataas ang confident mo?"

"...2 out of 10."

Jacian: "..." Nagulat siya sa sagot ni Just. Gusto niya itong lingain kung seryuso ba ito ngunit nakaharang si Mrs. Sojurn sa pagitan nila kaya bahagya nalang umangat ang dalawa niyang kilay.

"Bakit 2 out of 10?" Seryuso at malamig na tanong ni Mrs. Sojurn, halatang hindi nito nagustuhan ang sagot ni Just. Muntik na sanang matawa si Lucky kanina mabuti nalang at naitikom niya kaagad ang kanyang bibig.

"I'm not ready." Sagot ni Just.

"Kunin si Jing no matter what." Ma-awtoridad na saad ni Mrs. Sojurn.

Napalunok naman ang mga players ng FTT. Hindi pa nagagamit ng kanilang captain si Jing sa tournament dahil nasanay silang puro tanky ang ginagamit nito kaya wala pa silang ideya kung ano ang itsura ng Jing si Just sa tournament. BO3 ang format sa regular season kaya tatlong beses lang maglalaro ang dalawang teams, natalo na sila sa game 1 at kung matatalo pa sila ng isang beses tapos na ang laban.

Nakita naman nila sa game 1 na sobrang lakas ng strategy ng HUV sa puntong kahit si Hou Yi na naka-double ultimate ay hindi ligtas kaya napilitan silang mag Di Renjie. Ngunit natalo parin sila dahilan para mapilitang maglabas ng assasin hero si Mrs. Sojurn.

May tiwala naman sila kay Just dahil sila mismo ang nakakita kung gaano kalakas ang Jing nito ngunit si Just narin ang nagsabi na hindi pa ito handang gamitin si Jing sa tournament. Bilang isang veteran tank/fighter jungler player naiintindihan nilang mahirap magpalit ng hero sa isang kisap lang ng mata. Idagdag pa si Jing na sobrang lakas ng mobility at puro split push, kahit sila ay siguradong mahihirapan ding sumabay.

"Ilabas mo na, gusto kong makita kung gaano kalakas ang Jing mo." Saad ni Jacian.

Matapos niyang sabihin iyon lumabas ang hero sa second ban spot ng HUV at napunta iyon kay Musashi, isang fighter hero na p'wede sa clash lane at jungling ngunit hindi naman gumagamit ng ganitong hero si Blue kaya para kay Just parin ang second ban spot. Iniisip siguro ng HUV na gagamit si Just ng Musashi dahil binan nila si Liang, itong hero din ang ginamit ni Just sa opening match laban sa GOT-G habang si Jacian naman ay gumamit ng Shangguan.

Matapos mag-banned ng apat na hero lumabas ang first pick ng HUV at ni-lock nila iyon kay Arli. Mukhang naramdaman ng HUV na kukuha ang FTT ng assassin hero kaya kinuha nalang nila si Arli para mabuhay ang kanilang marksman.

Commentator Waver: "Arli para sa first pick ng HUV. Mukhang nagulat ang FTT sa pick ng HUV kasi kung babalikan sa mga nagdaang season hindi naman gumagamit ng Arli ang HUV."

Commentator Zia: "Yeah, at makikita natin na seryuso ang mga players ng FTT at si Coach Sojurn, mukhang naghahanap pa sila ng hero na pang-counter dito kay Arli."

Commentator Waver: "Ano kaya ang sagot dito ni Coach Sojurn pero----Wow!" Bulalas ni Commentator Waver nang lumabas ang 2 picks ng FTT. "Jing plus Mai Shiranui!"

Nagulat ang dalawang commentators dahil sa 2 picks ng FTT. Ito ang unang beses na makikita si Jing sa tournament at si God J pa ang maglalaro na isang tank/fighter jungler. Hindi alam ng mga audience kung matutuwa ba sila o hindi dahil hindi pa nagagamit ni Just ang assassin's hero na 'to sa tournament, kahit si Lessen na isang veteran assassins jungler ay hindi sinusubukang gamitin ang hero na 'to. Masyadong ultimate reliant si Jing at sobrang squishy kaya mahirap maghanap ng advantage, idagdag pa na Arli ang marksman ng kabilang team siguradong pagalingan nalang ng habulan ang p'wedeng mangyari dito.

Ngunit makikita sa match area ng FTT na nakangiti si Boss habang kausap nito si Just at si Coach Sojurn. Ngayon naman ay HUV ang nagulat sa 2 picks ng FTT dahil pareho nilang hindi inaasahan ang kanilang nakita, kumuha ng jungler core ang FTT at si Just ang magdadala ng laro. Matagal na simula nung naging core si Just at alam naman nilang kapag si Just ang core kailangan lang nila itong patayin ng paulit-ulit para hindi nito maka-level up. Kung hindi nila mapapatay si Just sa early at hahayaan nilang makuha nito ang mga core items kahit mag-AFK pa ang isa sa teammates niya kayang kaya niyang mambuhat.

Sa match area ng HUV, hindi maiwasang mapalunok ni Kai habang nakatingin sa line-up ng FTT.

"Nervous?" Tanong ni Alone na siyang captain nila.

Napa 'tsk!' naman si Kai. "Tarantadong Just hindi man lang nagsabi nag ji-Jing pala siya." Inis na saad niya.

Tumawa ng bahagya si Alone. "Pakiramdam ko talaga mag-cocombo 'tong Jing at Mai, mag-ingat ka rin kay Boss, napanood ko yung mga gameplay niya noon mahilig siyang pumatay ng jungler kapag assassin ang gamit niya."

Gustong masuka ni Kai ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili, hindi pa man nagsisimula ngunit nararamdaman niya ng siya ang target lock.

"Holy shit! Bigyan niyo nga ako ng jungler na sobrang tanky." Aniya habang naghahanap sa jungling hero. Sa huli pinagamit siya ng kanilang coach ng assassin jungler at Feyd ang kanyang napili.

Nagsimula ang game 2 at makikita ang excitement sa mata ng mga audience dahil parehong jungler core ang hawak ni Just at Kai. Unang beses itong nangyari sa PKL na may kumuha ng Jing at Feyd, parehong hero na mayroong advantage pagdating sa pag-rorate sa mapa dahil parehong may malakas na mobility. Magiging komplikado ang sitwasyon ngayon ng dalawang team dahil sa dalawang jungler core na 'to at mukhang pinaghandaan narin nila dahil kahit ang kanilang marksman ay si Arli at Loong, parehong kayang tumakas. Siniguro narin nilang ligtas ang kanilang marksman.

Plano sana ni Mrs. Sojurn na kunin si Consort Yu para kay Lucky ngunit nag-alanganin siya dahil baka biglang kumuha ng assasin ang HUV, at tama nga ang hinala niya, kinuha nila si Feyd. Kung kukunin nila si Consort Yu para kay Lucky siguradong mahihirapan si Lucky pagdating sa laning dahil posibleng pumunta si Kai sa farm lane kasama si Arli at i-target lock si Lucky hanggang sa ito ang kanilang magiging breakthrough point. Kung kaya't kinuha nalang nila si Loong para mabuhay ito, may burst narin kaagad sila kaya hindi na nila kailangan ng ultimate ng kanilang marksman. Ang magiging trabaho lang ni Lucky dito ay i-CC ang mga players ng HUV at pabagsakin ang mga turrets.

Gamit si Mai Shiranui, dinrag ni Jacian ang icon para pumunta sa mid lane. Si Princess Frost ang kalaban niya sa may mid lane na malakas ang CC ngunit inunahan niya na ito kaya isang beses niyang napabalik sa spawn point, hindi niya ito pinatay at bahagya lang tinaboy para linisin ang minions. Kinuha niya pa ang healing dew sa likod ng tower nito at ginamit ang kanyang skills para lumabas ng tower at bumalik sa sariling jungle.

Mayapa pa ang hero's george dahil parehong nag-fafarm ang dalawang jungler core, kinuha nila lahat ng resources sa sarili nilang jungle hanggang sa maabot nila ang level 4 at magkaroon ng ultimate.

Pagkatapos linisin ang mid lane, pumunta si Jacian sa river at tumago sa nag-iisang damo doon malapit sa azure golem na kasalukuyang kinukuha ni Kai, nasa jungle naman si Just para kunin ang jungle creeps.

"Captain, p'wede natin kunin 'tong azure golem." Saad ni Jacian.

"Okay, maghahanap lang ako ng posisyon."

Pumunta si Just sa may river at ginamit ang skill 2 para ipadala ang isa niyang ilusyon sa azure golem ni Kai, pagkatapos ginamit niya ang skill 1 at ult---

Sa isang kisap ng mata.

First blood!

"Niceeeee!" Sigaw ni Lucky sa kanilang noise-cancelling headphones.

Sabay silang nag-retreat ni Jacian pagkatapos mapatay si Kai at makuha ang azure golem. Parehong nagulat ang dalawang commentators dahil sa bilis ng pangyayari kaya nag-request sila ng replay, makikita sa replay na naka-slow motion pagkatapos gamitin ni Just ang kanyang skill 2, lumabas si Boss sa damo at gumamit ng dash papasok doon sa pwesto ng azure golem, ginamit ni Just ang kanyang skill 1 para pumunta kung nasaan ang isa niyang ilusyon at nilapag ang ultimate. Nakapag-assist pa ang mid laner ng HUV ngunit nahuli ito dahil bago pa nito mailapag ang ult napatay na ni Just si Kai at nakuha ni Jacian ang azure golem. Pagkatapos nun sabay na silang nag-retreat para bumalik sa sarili nilang jungle.

Commentator Waver: "Wow! What a powerful combo mula kay Just at Boss!"

Commentator Zia: "Grabe yung tacit understanding, hindi mo akalain na may ganung plano palang nakatago doon. Wave, si Kai walang kaalam-alam na may masamang binabalak sa kanya."

Tumama si Commentator Waver: "Kaya nga eh, ganda ng pagkuha niya ng golem doon eh. Akala niya makukuha niya pero hindi niya inakala na siya yung makukuha. At ang lala pa nito, siya pa ang first blood."

Sobrang hirap para kay Feyd na mamatay sa early dahil masasabing snowball reliant talaga si Feyd dahil kung hindi maganda ang early niya, mawawalan siya ng silbi pagdating sa ganking at teamfight.

Commentator Zia: "Ito na ba yung sinasabi nilang Honeybam dou?"

Commentator Waver: "Yeah!"

Kai: "........"

Madilim ang mukha ni Kai habang nakatingin din sa madalim na screen ng kanyang gaming phone.

"Ikaw ang target." Saad ni Alone.

"Mm."

"D'yan ka nalang sa taas h'wag ka ng bumaba."

Napabulalas ng tawa si Kai. Si Feyd yung tipo ng hero na katulad ni Ling nakaka-akyat akyat din ito sa mga bato at pader. Anong makukuha niyang farm kung hindi siya bababa.

Sinimulang i-drag ni Kai ang kanyang hero nang mag-respawn na iyon.

Sa loob ng 4 minute mark, nag-spawn ang overlord/tyrant ngunit hindi nakipag-agawan ang FTT nang simulang kunin ng HUV ang tyrant. Kinuha nila ang overlord bilang kapalit habang pinapabagsak ni Lucky ang tower sa clash lane, pagkatapos nun nag-teleport siya para bumalik sa farm lane.

Isa nanaman ang ikinagulat ng HUV dahil matapos kunin ng FTT ang overlord tuloy-tuloy sila sa pagkuha mula sa maliliit na resources hanggang azure golem. Isa nanamang azure golem ang nawala kay Kai.

"Mid, pabantay ng jungle." Ani Kai habang ninanakawan din ng azure golem si Just.

"Okay."

"Kai, retreat! Papunta d'yan ang mga players ng FTT." Command ni Alone.

Nagulat si Kai. Mabilis niyang ginamit ang kanyang skills para tumawid sa kabilang bato ngunit hinabol siya ni Jacian at ginamitan ng skill 2. Tumalon ulit si Kai sa kabilang pader para iwasan ang attack ni Jacian ngunit gumamit ito ng flash para habulin siya.

Kai: "....?"

More Chapters