WebNovels

Chapter 113 - Chapter 111: FTT vs. RG - BO3 series

Makalipas ang ilang sandaling sayawan sa overlord pit makikitang kalahati nalang ang buhay ng overlord, dikitan na ang dalawang junglers at naghihintay nalang sila na gamitin ang kanilang smite. Ngunit habang kinukuha nila ang overlord, nag-initiate ng teamfight ang FTT kaya bahagyang napaatras ang mga players ng RG, masyadong malagkit ang line-up ng FTT dahil sobrang lakas ng CC at kapag pinilit pa nilang lumaban baka tuluyan na silang hindi makagalaw at makakuha ng free kill ang FTT.

Para sa side ng RG, wala silang ibang paraan kundi ang umatras muna at hayaang mawala ang effects ng CC ng FTT.

"Retreat muna pre! Retreat muna!" Command ni Water sa kayang teammates. Siya ang commander ng Team at halos 50% ng kanyang atensyon ay nasa mapa makita lang ang posisyon ng mga teammates niya.

Umatras ang RG sa overlord pit at para sa FTT ito na ang opportunity para ma-secured ang overlord. Na-reset ang overlord kanina nang mag-initiate sila ng teamfight kaya nandun silang lima para kunin ito, nag-recall na ang ibang players ng RG at hinayaang kunin ng FTT ang pinakamahalagang objective.

Ngunit maya-maya lang habang kinukuha iyon ng FTT, makikita si Sun Ce na umikot gamit ang kanyang set sail at sinakay nito si Water nang madaan nito iyon sa may mid lane, sakay ng barko pumunta silang dalawa sa overlord pit at ginamit ni Water ang kanyang roaming gun sa overlord habang nakasakay sa barko ni Sun Ce.

Sa isang kisap ng mata, nagawa niyang manakaw ang overlord ng ganun lang!

(RG.Water) Defeated (Overlord)

Pagkatapos nun dumaan sila sa river at pumunta sa clash lane sakay ng barko para linisin ang minions.

Napasigaw ang dalawang commentators dahil ganda ng pagnakaw ni Water sa kamay ng FTT. Maging ang mga audience ay kinikilig at halos mawalan na ng hininga kakasigaw.

Commentator Zia: "Grabe! Nakuha pa!" Hindi makapaniwalang komento niya. "Ang ganda ng timing ng RG sa pagkuha ng overlord, hawak na ng FTT 'yun eh! Parang kunting pitik nalang sakanila na, naagaw pa pre."

Commentator Waver: "Akala nga rin ng FTT secured na nila kasi nag-retreat na ang mga players ng RG kasama si Water pero yun pala nakapindot yung set sail at sinama si Water para kunin ang overlord."

Commentator Zia: "Iba ang pinapakita ng RG, ninakawan sa mukha eh. Harap-harapan."

Tumawa si Commentator Waver.

Tumagal ng 15 minutes ang match at makikitang nasa high ground na ng FTT ang mga players ng RG. Sobrang lakas na ng damage ni Marco Polo at halos tatlong bala nalang ang mga HP ng FTT, si Water na ang may hawak ng gold lead matapos niyang mapatay si Lucky ng dalawang beses. Solo destroyer din siya sa tatlong tower ng FTT para butasin ang high ground, ang kailangan lang gawin ngayon ng FTT ay mag-defend.

Nang magkaroon ng minion wave, hindi na hinintay pa ng RG na makahanap ng magandang posisyon ang FTT at pinasok kaagad nila si Lucky na tumatango sa likuran.

(RG.Crowd) Defeated (FTT.Lucky)

Nanginig ang mga fans ng FTT nang makitang unang namatay si Lucky, ang damage dealer ng FTT ay namatay nang ganun kabilis! Paano pa makakalaban ang FTT kung wala na silang damage dealer? Paano makakapag-defend ang line-up na puro CC at shield.

Sunod-sunod ang naging kills ng RG hanggang sa ma-ACED ang FTT.

(RG.Water) Defeated (FTT.Gem)

(RG.Water) DOUBLE KILL! (FTT.Boss)

(RG.Water) TRIPLE KILL! (FTT.Just)

(RG.Water) QUADRAKILL! (FTT.Blue)

ACED!

Naubos ang buhay ng crystal ng FTT at makikitang umilaw iyon at sumabog. Nakuha ng RG ang game number 1 at tinanggal ang kanilang noise-cancelling headphones para tumayo at pumunta sa backstage.

Pagbalik ng FTT sa break room, umupo sila sa sofa at kumuha ng bottled water para uminom ng tubig. Tinanggal naman ni Jacian ang kanyang jacket at nilapag iyon sa sofa, hindi naman mabigat ang ekspresyon ng FTT at halatang in-expect na nila ang result. Nag-effort sila ngunit kulang pa iyon para ma-shutdown si Water. Isang top-tier marksman si Water at walang hero ang nakakapatay sa kanya maliban sa assasins jungler, hindi naman gumamit ng assasin si Just dahil si Lucky parin ang kanilang core ayun sa kanilang plano.

Katulad nila, in-expect narin ni Mrs. Sojurn ang result. Hawak ang record book umupo siya sa sofa at tiningnan ang mga players ng FTT. Sinabihan niyang i-adjust ang kanilang mental state at mag-focus sa susunod na match.

Hindi naman nagsalita ang mga players ng FTT at tahimik lang na umupo sa sofa. Samantalang, kanina pa sinisilip ni Lucky si Jacian sa kanyang peripheral vision na ngayon ay nakayuko habang nag-i-scroll sa kanyang cellphone. Naka-dekwatro si Jacian at ang sleeve ng kanyang t-shirt ay nakatupi pataas, basa ang magulo niyang buhok at makikita ang manipis na pawis sa kanyang noo. Kanina pa naghihintay ng trash talk si Lucky ngunit base sa itsura ni Jacian halatang nakalimutan na nito ang basura niyang gameplay. Nakahinga naman ng maluwag si Lucky, siguro, dahil si Jacian din ang nag-command.

Makalipas ang 10 minutes break kumatok ang staff sa kanilang break room at sinabing pumunta na sila sa stage. Hindi na sinuot ni Jacian ang kanyang team jacket dahil nakakaramdam siya ng init, naka-t-shirt lang siya ng pale gold and black at ang kanilang logo ay nasa kaliwang dibdib.

Umakyat na sila sa stage para sa game number 2. Mabilis na natapos ang ban/pick phase dahil halos pareho lang ang kanilang draft sa game 1. Hindi nagbago ang hero na nakalagay sa kanilang ban spot ngunit may kaunting pagbabago sa pick ng RG. Hindi na si Marco Polo ang ginamit nila ngayon kundi si Di Renjie at Sakeer.

Samantala, ganun parin ang picks ng FTT. Si Lucky parin ang ginawa nilang core. Matapos ang ban/pick phase nag-shakehands ang dalawang coach sa gitna ng stage bago pumunta sa bench area.

Nanatiling nasa blue side ang RG at red side naman ang FTT. Medyo malagkit ang line-up ng RG dahil nakuha si Di Renjie para kay Water at Sakeer para sa support, malakas ang healing skills ni Sakeer na siyang compatible kay Di Renjie dahil kahit patay na siya maheheal niya parin ang kanyang mga teammates na malapit sa kanya. Isa rin si Sakeer sa pinapang-counter kay Shangguan ngunit madali lang itong hulihin gamit ang combo ni Shi at Hou Yi. Ngunit hindi nagbago ang picks ng FTT kaya nanatiling naka Princess Frost parin si Jacian.

Ganun parin ang play ng FTT, pinadala parin nila si Blue sa bawat sulok ng mapa ngunit mas maingat na sila ngayon. Bilang commander ng Team, alam ni Jacian kung saan sila nagkamali. Sa katunayan, kaya naman nilang i-punish kaagad ang RG ngunit naghahanap pa siya ng ibang paraan para hindi kaagad ma-reveal ang kanilang strategy. Inaalam niya pa ang playstyle ng RG para makahanap siya ng mas madaling paraan na ipangtatapat niya sa RG, kung ilalabas nila ang kanilang strategy baka mabasa na ng ibang teams ang playstyle nila at wala na silang magamit sa playoffs.

Gusto ni Mrs. Sojurn kanina na mag-doubles sila ni Just gamit ang assassin's mid/jungle hero ngunit nag-alanganin sila. Pareho nilang sinabi ni Just na hindi pa naman kailangan at kaya pa nilang i-drag ang series hanggang game 3. Pumayag naman si Mrs. Sojurn kaya nanatiling si Lucky ang kanilang core.

Sa loob ng 4 minute mark, nag-spawn ang overlord/tyrant. Makikita sa mini map na nasa taas pa ng mapa ang mga players ng FTT samantalang nasa baba na ang RG para kunin ang tyrant, nang makita iyon ng mga viewers sa official live broadcast ng PKL hindi nila mapigilan ang hindi madismaya.

[Anong klaseng gameplay ang ginagawa ng FTT?]

[Wala ata silang balak makipag-agawan, imagine tyrant ibibigay ng libre sa RG.]

[Hindi pa talaga sila nagbago ng line-up.]

[Hoy FTT! Durog na durog na kayo, anong balak niyo?!]

[Grabe game 1 palang naka-quadra na si Water, anong klaseng team to? Team Feeder dapat ang team name nito eh.]

[HAHA si Blue lang yung umiikot oh, si Blue lang yung nakahawak sa tyrant.]

[H'wag niyo muna kasing unahan. Hindi naman pupunta ang FTT d'yan kung wala silang plano. Basta ako sa FTT ako, sa galaw palang kasi ng hero alam mo na kung may plano sila o wala.]

[Rotation kasi ang ginagawa ng FTT eh, tingnan mo 'yung tyrant oh 30% nalang yung buhay pero sila mas priority nila 'yung tower.]

Habang kinukuha ng RG ang tyrant sa baba, makikitang gumamit si Lucky ng ult ni Hou Yi mula sa clash lane at lumipad iyon patungo sa baba kung nasaan ang pwesto ng tyrant. Sa isang kisap ng mata---

(FTT.Lucky) Defeated (Tyrant)

Nakuha ni Lucky ang tyrant gamit ang ultimate ni Hou Yi! Isa sa mga hindi inaasahan ng RG. Malakas ang sigawan sa audience area lalo na sa side ng FTT at maging ang dalawang commentators ay napasigaw narin dahil sa ginawa ni Lucky. Kahit sina Zia at Waver ay hindi rin inaasahan na may ganung panggugulat palang gagawin ang FTT.

Makikita ang scrolling comments sa live chat ng PKL at halos lahat ay sumisigaw sa FTT.

[Holy shit! Ang gwapo ni Lucky!]

[Fuck! Fuck! Fuck! How did you do that?!]

[Sinasabi ko na nga ba eh, may panggugulat talagang gagawin ang FTT!]

[Labas yung mga antis d'yan! Sumakit ba ang mukha niyo sa faceslap?!]

[HAHA LMAO!]

[Doon palang sa ginawang pag-akyat ng FTT sa clash lane at ipadala si Blue sa baba may duda na akong may binabalak silang iba. Hindi naman nila gagawin yan kung walang plano.]

[Si Blue talaga yung pinadala nila para makita nila yung mga members ng RG. Hirap din kasi i-CC ni Mayene eh meron siyang CC immune.]

[Sheesh! Ang galing! Ano kayo ngayon? Ngayon niyo sabihing si Water ang Filipino shooter, hindi pa nagagawa ni Water yan.]

[Biglang pumogi si Lucky.]

[P'wede pala yun? P'wedeng makuha ang tyrant gamit ang ult ni Hou Yi?]

[Oo, basta calcu mo yung HP.]

[Kahit overlord guys p'wede. Pero dapat nasa timing.]

[Grabe! Shocking malala! Sobrang nagulat na nga kami 'don sa ginawa ng RG na pagnakaw sa overlord habang sakay si Water sa ult ni Sun Ce tapos ngayon may mas nakakagulat pa pala.]

[Sending love para kay Lucky! Lakas mo!]

[Lucky anakan mo'ko!]

[..huh?]

Matapos makuha ang objective ng walang kahirap-hirap, nabasag pa ng FTT ang tower ng RG, hindi nag-recall o nag-retreat ang FTT at tuloy-tuloy lang sa pag-push. Nag-push din ang RG sa mid lane at binasag ang turret ng FTT ngunit nang mapansing tuloy-tuloy ang pag-push ng FTT hanggang high ground at halatang walang balak tumigil wala silang choice kundi ang umuwi. Kung makikipag kompitensya sila sa pushing hindi sila mananalo dahil nasa second turret palang sila ng FTT samantalang nasa high ground na ang FTT.

Mabilis na nabasag ng FTT ang high ground ng RG at saktong hinatid ang minions sa crystal nang magsilabasan sa spawn point ang mga players ng RG. Ginamit kaagad ni Just ang kanyang ultimate para i-stunned ang tatlong players ng RG at sinabayan iyon ni Jacian ng ultimate ni Princess Frost, nilabas narin ni Lucky ang kanyang ultimate at ginamit ni Gem ang kanyang ultimate para sa double ultimate ni Lucky.

Sa dami ng CC ng FTT, nahihirapang gumalaw ang mga players ng RG at nauna pang mamatay ang kanilang support na si Sakeer.

Nagulat ang dalawang commentators. "Hala! Mukhang gusto nang i-end ng FTT ang laban!"

(FTT.Lucky) Defeated (RG.Crowd)

(FTT.Lucky) DOUBLE KILL! (RG.Water)

Commentator Zia: "7 minutes in match! Makakapag-defend pa ba ang RG?!"

Commentator Waver: "Hindi na, naku nag-tower lock na si Lucky!"

Matapos patayin ang dalawang top-tier ng RG hindi na pinansin ng FTT ang dalawang player na natira at nag-tower lock na.

VICTORY!

Naipanalo nila ang game number 2.

Commentator Waver: "Hindi papayag ang FTT na maging 2-0 ang laban dahil ii-extend nila ang laban na ito!"

Habang nagsasalita ang dalawang commentators tinanggal ng mga players ang kanilang noise-cancelling headphones at bumaba sa stage.

Naka-play sa big screen and highlights ng match para i-analyze ang dahilan ng result. Hindi naman nakakapagtaka na si Lucky ang MVP at meron siyang KDA na 4-0-2.

_

*Hindi ako nagsusulat ng nonsense dito. Kayang kunin ng ult ni Hou Yi ang dalawang objectives.* (Nasa We Are The Champion on WeTV ang evidence.)

*Focus na sa match yung mga susunod na chapter kaya tiis tiis lang muna sa slow burn.>⁠.⁠<*

More Chapters