WebNovels

Chapter 111 - Chapter 109: Wow, ang pogi naman that guy.

Pagbukas ni Jacian ng pinto ng kanyang dorm, sakto din namang bumukas ang pinto ng dorm ni Gem at lumabas si Lucky. Magkatapat lang ang dorm nila ni Gem samantalang nasa kabilang corridor ang dorm ni Just, Lucky at Blue. Magulo ang buhok ni Lucky at halatang kagigising lang nito, hawak nito ang gaming phone habang ginugulo ang kanyang buhok kasabay ng mahabang hikab.

Sinara ni Jacian ang pinto at tiningnan si Lucky. "D'yan ka ba natulog?" Tanong niya.

Inaantok naman siyang nilinga ni Lucky at nagpakawala ng mahinang 'mmm...' Sinilip ni Jacian ang loob ng kwarto ni Gem ngunit nakapatay ang ilaw kaya wala siyang maaninag. Nakita ni Lucky ang ginawa niya kaya tiningnan siya nito nang may pagtataka at sinilip din ang loob ng kwarto ni Gem.

"Anong tinitingnan mo?" Tanong ni Lucky.

"D'yan ka talaga natulog?" Tanong niya ulit.

Tuluyan nang kumunot ang noo ni Lucky. "Mmm, bakit may problema ba?"

Umiling si Jacian. "Anong ginawa niyo?"

"Nag-doubles kami. H'wag mong kakalimutang RG ang unang team na makakalaban natin, malakas ang farm lane dou nila kaya kailangan namin ni Gem ng malakas na tacit understanding. Ah...inaantok pa ako." Reklamo ni Lucky at napakamot sa kanyang ulo. Maya-maya lang tiningnan niya si Jacian nang may pagdududa. "Bakit tinatanong mo?"

"...wala."

Maaga silang nagising ngayon dahil nag-message si Mrs. Sojurn sa kanilang gc na may training sila ng 8 a.m. Madaling araw narin silang nakatulog kaya makikita na ang eyebags ni Lucky. Nagsimula ang kanilang training ng 8 a.m at natapos iyon ng 2 p.m. Pagdating ng gabi, nag-doubles si Jacian at Just, at nag-doubles din si Lucky at Gem, samantala nag-solo Q naman si Blue.

Dalawang araw bago ang match nila sa Team RG, nagkaroon ng meeting ang FTT tungkol sa magiging line-up nila kung sakaling hindi nila matalo ang RG sa unang match gamit ang napagdesisyonan nilang core-system sa regular season. Sinabi ni Mrs. Sojurn na magkakaroon ng pagbabago sa kanilang line-up sakaling hindi nila matalo ang RG.

1 a.m na ngunit makikitang nasa training room parin sina Jacian, Just, Lucky at Gem. Si Blue ay maagang bumalik sa kanyang dorm para doon ipagpatuloy ang kanyang solo Q, clash laner si Blue at isa rin siyang top-tier clash laner sa global kaya kaunti lang ang oras ng training niya at pinapayagan naman siya ni Mrs. Sojurn, kung laning lang ang uusapan walang makakatalo kay Blue. Bumalik narin sa dorm sina Lucky at Gem matapos gamitin lahat ng line-up na binigay sa kanila ni Mrs. Sojurn, tanging sina Jacian at Just nalang ang naiwan sa training room at may isang line-up pa silang kailangan i-training.

Nakalapag sa mesa ang noise-cancelling headphones ni Just dahil tinanggal niya iyon kanina pagkatapos nilang mag-Q'ng lima. Nakayuko siya at seryusong nakatingin sa gaming phone habang nasa kalagitnaan ng teamfight, nakaharang ang ibang hibla ng kanyang buhok sa gilid ng kanyang mukha at bahagyang naka-pout ang kanyang labi habang magkasalubong ang kanyang kilay na animo'y naguguluhan.

Dalawang daliri lang ang nakapatong sa gaming phone ni Just at inikot niya sa screen ang kanyang right thumb para tingnan ang hero ni Jacian. Gumamit ng skills combo si Jacian kanina sa gitna ng river kahit na wala namang kalaban, kitang kita ni Just kung paano lumipad si Sima Yi sa hindi inaasahang oras kaya bahagyang kumunot ang kanyang noo dahil bigla siyang nagulat. Sinundan niya ang hero ni Jacian ngunit nakita niyang kinukuha nito ang blue buff ng kalaban.

Nagkaroon uli ng teamfight sa may mid lane malapit sa high ground ng kalaban, pumasok si Just sa tower gamit ang kanyang 1-1 combo at ultimate ni Li Bai para i-execute ang marksman ngunit nagulat siya nang mag-popped up ang notification ng system.

(Arli) Defeated (Sima Yi)

Just: "?"

Si Jacian ang unang namatay. Napansin niyang gumalaw si Jacian na naka-upo sa kanyang tabi at mabigat nitong binaba ang gaming phone sa kanyang kandungan, binalingan ito ni Just para itanong kung anong nangyari ngunit pagtingin niya nakita niyang nakasayad na ang ulo nito sa sarili nitong balikat at nakadausdos ang katawan sa gaming chair na animo'y walang buto.

Just: "."

Nakapikit ang mga mata ni Jacian at naka-pout ang kanyang labi, ang noise-cancelling headphones ay nanatiling nakapatong sa kanyang ulo ngunit tumabingi na iyon at napunta sa gilid ng kanyang pisngi dahilan para lumubo ang malambot niyang pisngi. Nakahawak parin sa gaming phone ang dalawa niyang kamay at nanatiling nakapatong sa screen ang apat niyang daliri. Tahimik itong natutulog habang nasa ganung posisyon, kaya pala biglang nag-AFK sa match, nakatulog na pala.

Napahinto si Just at napatitig sa payapang mukha ni Jacian, unti-unti siyang lumapit para titigan ng maayos ang mukha nito. Hindi niya pa natitigan ng malapitan ang mukha ni Jacian at ngayon niya lang napansin na mas lalo itong naging cute kapag tulog. Maputi si Jacian at makinis ang kanyang balat, para siyang maraming collagen sa katawan dahil wala man lang wrinkles at tigyawat sa mukha kahit na laging nagpupuyat, nagkaroon narin siya ng baby fat kaya gumuguhit na ang kanyang pisngi dahil sa posisyon ng headphones.

Hindi maiwasan ni Just ang hindi mapangiti, inunat niya ang kanyang kamay at inalalayan ang ulo ni Jacian para tanggalin ang headphones. Maingat niya itong tinanggal at nilapag sa mesa pati narin ang gaming phone na hawak nito, bahagya pang gumalaw ang kamay ni Jacian nang kunin niya ang gaming phone animo'y ayaw pa nitong ibigay. Pinatong niya ang ulo ni Jacian sa kanyang kaliwang palad at marahan namang kiniskis ni Jacian ang kanyang kanang pisngi sa palad ni Just nang makaramdam ng komportable. Naka-pout pa ang kanyang labi kaya makikita ang maliit na nunal sa ilalim nun. Dahil sa cute na itsura ni Jacian sa kanyang palad, hindi mapigilan ni Just ang hindi iangat ang isa niyang kamay at pisilin ang magkabilang pisngi nito gamit ang kanyang daliri. Lalong nag-pout ang kulay peach na labi ni Jacian dahil sa ginawa niya.

Ngumiti si Just. Hindi niya alam kung anong oras natutulog si Jacian dahil nitong mga nakaraang araw madalas tuwing alas tres o alas kwatro na ito ng madaling araw nagrereply sa mga messages niya, nagtataka siya dahil madaling araw na ito nag-rereply kahit na hindi naman inaabot ng hating gabi ang mga training nila nakaraan. Anong ginagawa ni Jacian para abutin ito ng madaling araw? Alam niyang sanay sa puyatan si Jacian ngunit ngayon niya lang ito nakitang inantok sa puntong nakatulog ito habang nasa match.

Tiningnan niya ang noo ni Jacian nang makitang nagsalubong ang kilay nito at makikita ang tensyon sa kanyang ekspresyon, hinilot ni Just ang pagitan ng kilay nito gamit ang kanyang thumb at unti-unti namang nag-relax ang noo ni Jacian.

Inayos niya ang posisyon ni Jacian para ipatong ang mga binti nito sa braso niya at buhatin patungo sa dorm nito. Nilapag niya si Jacian sa kama at inayos ang kumot, bago siya umalis yumuko siya at hinalikan ito sa noo.

Kinabukasan, tanghali na nang magising si Jacian. Unti-unti niyang dinilat ang kanyang mga mata sa pag-aakalang tatama sa kanyang mukha ang sikat ng araw ngunit napansin niyang madilim sa loob ng kanyang dorm, tuluyan niya nang binuksan ang kanyang mga mata at napatitig sa kisame. Nilinga niya ang kanyang bintana at nakita niyang nakababa ang makapal na kurtina sa bintana ng kwarto niya. Naningkit ang mga mata ni Jacian, hindi niya hinaharangan ang kanyang bintana dahil alarm clock niya ang sikat ng araw, ngunit ngayon, nakasara ang kanyang kurtina sa puntong mahirap alamin kung mataas na ba ang sikat ng araw sa labas.

Napakamot siya sa kanyang batok. Naalala niyang nakatulog siya kagabi sa training room habang nakikipag-dou kay Just ngunit hindi niya maalala kung paano siya nakabalik sa kanyang dorm. Pumikit si Jacian at ginulo ang kanyang buhok, siguradong si Just nanaman ang naghatid sa kanya sa dorm. Sinara pa nito ang kurtina katulad nang ginawa nito noon.

Pumasok siya sa CR at humarap sa salamin para maghilamos, maririnig ang agos ng tubig sa lababo nang buksan niya iyon at magsahod ng tubig para mag-toothbrush. Nagmumog siya at dinura ang bula bago tumungo sa kanyang closet para maghanap ng damit.

Ngayong araw ang match nila sa Team RG at magsisimula ito ng 4 p.m. Nagising siya ng 10 a.m kaya mabilis siyang naligo at kinuha ang kanyang bag bago bumaba. Nasa living room na ang ibang teammates niya kasama ang kanilang lead coordinator habang may katawag ito sa cellphone. Paglabas niya ng base nakahinto ang team van sa harap ng gate at makikitang naka-upo si Just sa loob habang nakasandal sa upuan, naka-ekis ang kanyang hita at nakalapag doon ang itim na laptop.

Tiningnan ni Just si Jacian at bahagya niyang iniwas ang kanyang mahabang legs nang pumasok si Jacian at umupo sa tabi niya. Seryuso niyang tiningnan si Jacian ngunit yumuko lamang ito at kinuha ang cellphone sa kanyang bag. Binawi ni Just ang kanyang paningin at itinuon sa laptop.

"Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Mm." Sagot ni Jacian habang hinihintay na bumukas ang kanyang cellphone. "Next time, hindi mo na ako kailangang dalhin sa dorm."

Seryuso si Just habang nakatingin sa laptop. "Bakit?" Tanong niya nang hindi nililingon si Jacian.

"Diba bawal kang bumuhat ng mabibigat?"

"Hindi ka naman mabigat." Malamig na tugon niya.

Kumurap si Jacian.

Ilang sandali ang makalipas nang magsipasukan ang kanilang mga teammates kasama si White kaya biglang umingay sa loob ng van. Hindi narin nagsalita si Jacian at Just at parehong inabala ang kanilang sarili habang nasa byahe.

Ilang oras ang makalipas nang marating nila ang venue at dumeritso na sila sa break room. Kakatapos lang ng match ng GOT-G at HUV at nanalo ang GOT-G sa score na 2-1, puno ang audience area habang naka-flash sa big screen ang replay ng match ng GOT-G at HUV. Bumaba na ang mga players ng magkabilang team at tumungo sa backstage para pumunta sa kani-kanilang break room, nang lumabas ang mga players ng FTT sa kanilang break room nakasalubong nila ang GOT-G sa corridor.

Makikita ang malapad na ngiti ni Lessen habang nakatingin kay Just, katabi nito si Shadow na kasalukuyang kinakausap ng coach, nang makita nila ang mga players ng FTT binigyan kaagad nila ito ng ngiti.

"Wow, ang pogi naman that guy. Naka-make up." Pang-aasar ni Lessen habang nakatingin kay Just.

"Stop spouting nonsense." Sagot ni Just, nag-shakehands sila at nagbanggaan ng balikat.

"Goodluck sa match niyo ng RG!"

"Mn. Congrats."

Tumawa si Lessen. "Haha! Syempre, walang makakatalo sa'min ng isang series." Malakas na saad nito kaya bahagyang umecho sa corridor. Sa kanilang limang magkakaibigan, si Lessen ang pinaka-hype at mataas ang tingin sa sarili, boses niya palang malalaman na kaagad kung gaano siya ka-proud sa kanyang sarili.

Makalipas ang ilang sandali ang kaninang tahimik na si Jacian ay biglang nagsalita. "Di mo sure."

Lessen: "???"

Shadow: "......"

"Hindi pa tayo nagkakaharap." Dagdag pa ni Jacian. "Wrong, nagkaharap na pala tayo at natalo kayo. Napatay ko pa nga mid laner niyo sa spawn point, yun na yun? Ang domestic champion ng PKL? How trash."

Lessen: "!!!!" Nanginig ang kanyang mukha.

Yung coach ng GOT-G: "......."

Si Lucky na immune na sa mga trash talk ni Boss ay inakbayan ito habang nagce-cellphone. Dumating ang staff at sinabihan silang umakyat na sa stage. Nagpakawala naman si Just ng mahinang tawa at tinapik ang balikat ni Lessen.

Lessen: "What the fuck!"

Narinig niya pang mura ni Lessen at sumunod sa mga teammates niya. Tiningnan niya si Jacian na ngayon ay kaakbay ni Lucky.

"Ang galing mo talaga manira ng mental state no?" Ani Just.

Hindi siya tiningnan ni Jacian at tahimik lang itong nagpakawala ng mahinang 'mm' Tumawa si Lucky.

Umakyat narin sa stage ang mga players ng RG at nakita nilang pinagbabaril sila ni Water nang tawagin ito ni Ms. Phara. Malakas na sigawan ang maririnig sa audience area hanggang sa matapos ang countdown sa big screen.

_

*Yung tinulugan ka ng ka-dou mo.

Jacian: "....Zzzz..."

Just: "." I'm okay.

(Yan yung ayaw ko, yung yayain ka maglaro tapos AFK. =⁠_⁠=. Kung tumatagos lang talaga ang kamao sa screen. =⁠_⁠=)

More Chapters