WebNovels

Chapter 108 - Chapter 106: Captain, anong ideal girl mo?

Sa loob ng arena, makikita ang malalaking banners, chibi at mga pictures ng mga players na winawagayway ng mga fans sa audience area. Nasa right side ang mga fans ng FTT at nasa left side naman ang mga fans ng TK.

Nasa break room pa ang dalawang teams at may 20 minutes pa bago magsimula ang match. Suot ang team uniform, nakaupo sa sofa ang mga players ng FTT kasama ang kanilang substitute jungler na si White, kanina pa nanlalamig ang kamay ni Lucky sa kaba at hinawakan niya pa ang kamay ni Gem para isukat ang kanyang temperature. Buryong naman siyang tiningnan ni Gem bago ito sumandal sa sofa at pumikit.

Nilapag ni Jacian ang kanyang cellphone sa sofa at nagpaalam na pupunta sa CR, tumayo rin si Just at pumunta sa CR. Isinuksok ni Jacian ang hook ng kanyang hoodie at zinip iyon hanggang sa kanyang dibdib habang naglalakad sila ni Just sa corridor.

Tinitingnan sila ng mga staff na nakakasalubong nila at bahagya pang umiiwas ang ilan na nakaharang sa daan, maging ang host stage na si Ms. Phara ay nakasalubong din nila. Naka-dress ito ng blue at 6 inches heels na kulay puti, hanggang bewang ang buhok nito na kulay brown at kulot sa dulo. Maputi si Ms. Phara at maganda ang kanyang mukha, bukod sa maganda ang kanyang physical appearance magaling din siyang makisama kaya hindi nakakaramdam ng awkward ang mga pro players kahit kausapin niya sa taas ng stage.

Nang magtama ang kanilang paningin, nginitian siya ni Ms. Phara kaya ngumiti rin siya pabalik at binigyan ito ng maliit na tango. Pagkatapos nun, nagpatuloy na ito sa paglalakad. Hindi nito nginitian si Just at hindi rin ito tiningnan ni Just, deritso lang ang lakad nito hanggang sa marating nila ang CR.

Napakurap si Jacian. Naalala niya yung sinabi ni Lucky tungkol kay Just at kay Ms. Phara, sinabi ni Lucky na gusto ni Ms. Phara ang kanilang captain ngunit simula nung sinabihan ito ni Just na malandi hindi na sila nagpapansinan. Kaya pala hindi nila tiningnan ang isa't isa, kahit na nagkasalubong sila parang wala lang silang nakita. Ngunit kung titingnan, mabait si Ms. Phara sa puntong napapa-isip si Jacian kung totoo ba ang sinasabi ni Lucky, ngunit base sa nakita niya kanina sigurado ngang nagsasabi ng totoo si Lucky.

Iniangat niya ang sleeve ng kanyang jacket hanggang braso at binuksan ang gripo para maghugas, naghilamos din siya bago kumuha ng tissue. Nakita niyang lumabas si Just sa cubicle mula sa salamin at lumapit ito sa lababo para maghugas din ng kamay.

Tiningnan niya si Just ngunit nakita niyang seryuso ito habang nakayuko, mula sa pwesto ni Jacian makikita ang maganda nitong side profile pati narin ang dalawa nitong nunal sa kaliwang pisngi. Hindi talaga maitatanggi na maganda ang mukha ng kanilang captain, sobrang rare sa e-sports circle na magkaroon ng gwapong players dahil ang sabi nga nila, puro mga matataba at pangit ang mga tao sa e-sports. Ngunit sinong mag-aakalang may isang Justin Sojurn na papasok sa e-sports circle. Sapat na ang mukha ni Just para habulin ito ng mga babae idagdag pa ang height nito na 190 cm, mayaman, wala rin itong girlfriend at single na single kaya wala ng dahilan para hindi siya habulin ng mga babae.

Kung magiging sila ni Ms. Phara sobrang perfect nila para sa isa't isa ngunit hindi ang katulad ni Ms. Phara ang ideal girl ng kanilang captain, sa katunayan sobrang ganda na ni Ms. Phara at maraming pro players ang nagkakagusto sa kanya, ngunit may dahilan din naman si Just para i-reject ito. Ngunit hindi talaga maiwasan ni Jacian ang hindi makaramdam ng panghihinayang, na-curios tuloy siya kung ano ang ideal girl ng kanilang captain. Wala ring nababanggit si Lucky kung may ex-girlfriend ito.

Hindi na namalayan ni Jacian na nakatulala na siya sa salamin habang nakatitig kay Just, bahagya tuloy siyang nagulat nang magsalita ito.

"May sasabihin ka ba? Tanong ni Just habang pinupunasan ng tissue ang kanyang kamay. Malamig ang kanyang mga mata habang seryusong nakatingin kay Jacian.

Kumurap si Jacian. Bahagya siyang umubo dahil sa awkward, bakit nga ba hindi niya namalayang nakatingin siya kay Just? Siguradong natakot niya si Just. Napapikit siya sa kanyang isipan, gusto niyang pigilan ang kanyang sarili ngunit mas nilamon siya ng kuryusidad.

"Captain..." Tawag niya kaya nilinga siya ni Just. "Anong ideal girl mo?" Kalmadong tanong niya habang nakatingin kay Just.

Bahagyang kumunot ang noo ni Just ngunit kaagad ding nawala, halatang nagtaka ito sa tanong ni Jacian. "Bakit mo natanong?"

"Ah... nabanggit sa akin ni Lucky ang tungkol sa inyo ni Ms. Phara." Pagsasabi niya ng totoo. Tiningnan niya ang ekspresyon ni Just ngunit nakita niyang hindi naman nagbago ang ekspresyon nito nang marinig nito ang pangalan ni Ms. Phara.

Yumuko si Just at nag-angat ng tingin para tingnan siya, malalim siyang tiningnan ni Just kaya hindi maiwasan ni Jacian ang hindi pagkunutan ng noo. Maya-maya lang makikita ang maliit na ngiti sa labi ni Just.

"Gusto mong malaman ang ideal type ko?" Tanong ni Just. Napa 'mm' naman si Jacian habang naghihintay ng sagot. Humakbang si Just palapit sa kanya at yumuko para bulungan siya sa tenga. "Tumingin ka sa salamin." Ani Just.

Jacian: "..."

Napako si Jacian sa kanyang kinatatayuan. Ilang sandali ang makalipas nang tingnan niya si Just ngunit tanging pagsara nalang ng pinto ang nakita niya.

Jacian: "???"

Hindi pa nagsisimula ang match at nakasuot palang sila ng noise-cancelling headphones para sa mic test. Nag-uusap si Lucky at Gem sa tabi niya habang tahimik namang naka-upo si Just at Blue sa kanyang kanan, habang nasa ganun silang sitwasyon narinig niya ang boses ni Just sa noise-cancelling headphones.

"Alam mo na ba ang ideal type ko?" Tanong ni Just.

Hindi naman sumagot si Jacian at nakatitig lang kay Just. Makikita ang maliit na ngiti sa labi ni Just dahil sa naguguluhang ekspresyon ni Jacian.

"Idiot." Bulong ni Just at umayos na ng upo.

Jacian: "!" Nagsalubong ang kanyang kilay at binigyan si Just ng suntok sa tagiliran. "Tina-trash talk mo ba ako?"

Hindi naman siya pinatulan ni Just at umiling lang ito kaya tumigil narin siya, sakto naman dahil narinig nila ang boses ng referee sa noise-cancelling headphones na magsisimula na silang mag-record.

Referee: "???" Tiningnan niya si Just at Jacian at naputol lang iyon nang magsimula ang countdown sa big screen.

Ngayon ang huling laban ng FTT sa group B. Hindi pa sila natatalo ng isang series at kapag natalo nila ang TK ngayon, ma-popromote sila sa group A at mahihirapan na ang mga ibang teams na pabagsakin sila sa group B. Ngunit, sinabi ni Mrs. Sojurn na hindi sila p'wedeng maging kampante kaya makikita sa match area ng FTT na seryuso sila habang nakatingin sa gaming phone.

Matapos ang ban/pick phase, kumuha ang FTT ng mga hero na malakas ang shield at tanky para protektahan si Lucky, kinuha naman ni Lucky ang kanyang signature hero na si Hou Yi at may 90% win rate na ito sa PKL kahit na 5 lang ang kanyang history matches.

Na-shock ang dalawang commentators dahil sa taas ng win rate ng Hou Yi ni Lucky at hindi naman nakakapagtaka dahil naka-pentakill siya nakaraan at sunod-sunod na MVP. 

Ngunit makikita sa match area na seryuso ang mga players ng FTT, kahit nang lumabas ang 90% win rate ni Lucky hindi man lang ngumiti si Lucky gayong alam naman nila na sa tuwing makakapatay si Lucky ay nakangiti kaagad ito ngunit nang lumabas ang 90% win rate hindi man lang ito nag-react. Hindi maiwasan ng mga fans sa audience area at mga viewers sa official live broadcast ng PKL ang hindi magtaka. Ngunit patuloy parin ang pagwagayway nila ng kanilang mga banners.

Tiniklop ni Mrs. Sojurn ang kanyang clear book at nakipag-fist bump kay Jacian. "Boss, the command is yours." Ani Mrs. Sojurn.

Ngumiti si Jacian. "No problem." Aniya at humarap na sa kanyang gaming phone.

Nag-shakehands ang dalawang coach sa gitna ng stage bago pumunta sa bench area.

Nilapag ni Jacian ang apat niyang daliri sa screen at nagsimulang i-drag ang kanyang hero. Nag-clear muna sila ng minion wave at sinusubukang mag-defend dahil masyadong malikot ang mga hero ng TK, mahilig silang gumamit ng assasins kaya kinailangan pa nilang tumago sa tower habang naglilinis ng minions.

Habang nasa mid lane si Jacian gamit ang kanyang hero na si Lady Zhen, dumaan si Just sa kanyang tower para kunin ang healing dew at binato pa siya nito ng bubbles ni Menki.

Jacian: "?"

Pinaikot niya ang kanyang daliri sa screen para sundan ng tingin ang hero ni Just ngunit nakita niyang kumuha lang ito ng blue buff.

Commentator Zia: "Wow."

Commentator Waver: "Bakit?"

Commentator Zia: "Nakita mo ba 'yung ginawa ni Just? Binato ng bubbles si Boss, binati eh."

Tumawa si Commentator Waver: "Honeybam tacit understanding 'yun." Tumawa silang dalawa.

Nang mag-spawned ang overlord/tyrant, inutusan niya si Just na pumunta sa clash lane para i-clear ang minions. Limang players ng TK ang sumasayaw sa tyrant samantalang apat na members lang ng FTT.

Hindi mahilig tumago sa damuhan ang mga players ng TK kaya hindi naging mahirap kay Jacian na hulaan ang kanilang posisyon. Tiningnan niya si Lucky na unti-unti ring kinukuha ang tyrant.

"MM clear minions." Command ni Jacian, nagulat naman si Lucky.

"Wait, Boss. Kaya niyo bang makipag-3v5?" Mabilis na singit ni Lucky.

"Kukunin lang namin ang tyrant, hindi kami makikipag-teamfight." Sagot ni Jacian.

Sa katunayan, mas malaki ang advantage sa teamfight kapag nakuha ang tyrant dahil meron silang extra damage, ngunit walang balak si Jacian na makipag-teamfight kahit makuha man nila ang tyrant dahil ang plano niya ay h'wag bibigyan ng objectives ang TK. Malakas ang damage ng TK ngunit kung wala silang makukuhang objectives at nahuhuli sila sa gold, wala ring silbi ang kanilang skills.

Alam ng TK na hindi kompleto ang FTT sa tyrant pit kaya mabilis nila itong kinuha. Si Blue at Gem lang ang nakahawak sa tyrant habang si Jacian ay nanatiling nakatago sa damuhan, nasa tyrant pit ang screen ng kanyang gaming phone habang kina-calcu ang HP ng tyrant. Nang makitang tatlong bar nalang ang HP ng tyrant, ginamit niya ang flash para lumapit at skill 2 kay Sin dahilan para mapatalon ito kahit hindi new year, nilagyan niya rin ng ultimate sa gitna para itaboy ang mga players ng TK at makalapit si Gem gamit ang hero nitong si Zhang Fei sabay pindot ng smite.

(FTT.Gem) Defeated (Tyrant)

Ginamit ni Blue ang ultimate ni Sun Ce para isakay si Jacian nang makitang nilapitan ito ng innocent dou at nakatakas sila nang ganun lang. Nangyari iyon sa loob ng ilang segundo ngunit sapat na ang palitan nila ng skills para hingalin ang commentators sa kakasalita.

Mabilis namang nag-react ang TK at pumunta sa farm lane para habulin si Gem kasama si Lucky, hinahabol si Gem ng limang players ng TK patungo sa tower kung nasaan si Lucky. Bagaman, sobrang tanky si Zhang Fei at malakas ang kanyang shield ngunit wala siyang flash dahil naka-smite si Gem at kalahati nalang din ang buhay niya, maaabot na siya ni Sin nang gamitin ni Lucky ang kanyang ultimate para i-stunned si Sin ng ilang segundo.

Kompleto na ang tatlong core items ni Lucky at naka-enhance basic attack narin siya kaya masakit narin ang kanyang damage. Ginamit niya pa ang skill 2 sa likuran ni Gem dahil baka may sumulpot kaya nahinto ang pag-skills combo ni Sin at nagawang makapasok ni Gem sa tower para kunin ang healing dew. Binigyan niya kaagad ng shield si Lucky habang gumagamit na ito ng basic attack para bawasan ang HP ng TK kung balak man nilang palubutan sila sa baba ng tower.

"Mamamatay na kami dito, Boss." Saad ni Lucky sa kanilang noise-cancelling headphones.

"Jungler, mag-teleport ka sa farm." Command ni Jacian.

"Mn."

Nag-teleport si Just para sagipin ang kanilang farm lane dou. Ginamit niya ang kaagad ang kanyang ult para i-CC ang apat na players ng TK habang ginagamit ni Lucky ang kanyang basic attack sa likuran.

Walang napatay ang TK ngunit nagawa naman nilang tabuyin ang FTT at basagin ang tower. Ngunit napabayaan ng TK ang kanilang clash lane at mid lane, tinrabaho lang ng minions ang kanilang high ground tower sa clash lane.

More Chapters