Mabilis na lumipas ang araw at sa isang kisap ng mata, second week na ng month. Hindi naman kakikitaan ng pressure ang FTT dahil katulad ng sinabi ni Mrs. Sojurn, hindi pa sila natalo ng All-round PH sa kanilang practice match. Nakasuot si Mrs. Sojurn ng team uniform na black and gold at makikita ang logo sa kaliwang dibdib.
Hawak ang clear book sumandal siya sa gaming chair ni Just. Katulad ng napagkasunduan nila si Lucky ang magiging core. Hindi naman nag-ban ng marksman hero ang All-round PH dahil nahihinaan sila kay Lucky, medyo nalungkot si Lucky ngunit naging pabor iyon sa kanya para pumili ng paborito niyang hero. Naging smooth ang laban nila at naka-quadrakill si Lucky gamit ang kanyang signature hero na si Hou Yi. Isang teamfight lang ang ginawa ng FTT dahil nag-tower lock na kaagad sila para tapusin ang match. Nakakuha ng clean wins ang FTT sa All-round PH kaya matapos ang dalawang laro bumalik na sila sa base.
Wala silang training ngayon dahil kakatapos lang ng match nila kahapon at umalis ng base si Mrs. Sojurn kasama ang kanilang manager. Nag-send lang ng message sa gc ang kanilang manager at pinapasabi ni Mrs. Sojurn na wala silang training ngayon.
Hindi lumabas ng dorm si Jacian at tanghali na nang magising siya, kumuha siya ng mainit na tubig sa water dispenser para lagyan ang cup noodles na kinuha niya sa break room nakaraang gabi. Nakasuot siya ng oversized shirt na puti at pajama na brown, magulo ang kanyang buhok at nababakasan ng pagkaantok ang kanyang mukha habang sinasahod ang cup noodles sa water dispenser.
Maya-maya lang, tumunog ang cellphone niya na nakalapag sa gilid at makikita ang caller ID ni Chase. Tiniklop ni Jacian ang takip ng cup noodles at pinatungan iyon ng kutsara bago niya pinindot ang green button para sagutin ang tawag ni Chase. Naka-video call iyon ngunit hindi niya kinuha ang kanyang cellphone at hinayaan lang na nakalapag sa mesa. Nang mag-connect ang kanilang linya, kumunot ang noo ni Chase nang bumungad sa kanya ang kisame.
"Ay, kisame ang kausap ko dito?" Sarkastikong saad ni Chase sa kabilang linya. Nakasuot siya ng team uniform at makikita ang puting pader sa kanyang likuran.
Kinuha ni Jacian ang mga plastic na nakakalat sa ibabaw ng mesa at tinapon iyon sa trash can, pinagpag niya ang kanyang palad at kinuha ang kanyang cellphone, sumandal siya sa mesa at ini-ekis sa kanyang tiyan ang kaliwa niyang kamay para suportahan ang kanang siko na nakapatong doon. Nakita niyang naglakad si Chase at umupo sa sofa.
"Grand finals ngayon, hindi ka pupunta?" Tanong nito.
"Wala akong ticket, tanghali na ako nagising at sold out na pagtingin ko." Saad ni Jacian at tinakpan ang kanyang bibig para humikab. "Ililibre nalang kita pagkatapos ng match niyo." Suhestiyon niya.
Dinuro naman siya ni Chase sa screen. "Sabi mo 'yan, hihintayin kita sa parking lot."
Nagpakawala si Jacian ng 'Mm' bago niya pinatay ang tawag. Nilapag niya sa mesa ang kanyang cellphone at umupo para kainin ang cup noodles.
_
Lumabas si Just sa kanyang dorm para pumunta sa kusina, pagbaba niya ng hagdan nakita niyang nasa living room sina Blue at Gem habang kumakain ng prutas. Naglakad siya patungo sa kusina at nakita niya si Lucky na nakaharap sa lababo habang naghuhugas ng mga prutas, basa na ang puwetan nito kakapunas sa basa nitong kamay.
Dumeritso si Just at binuksan ang fridge, pinasadahan niya ng tingin ang laman ng fridge ngunit napahinto nang may maalala.
"Nasa'n si Jacian?" Tanong niya. Hindi niya nakita si Jacian kaninang umaga at alas singko na ngunit hindi niya pa rin ito nakikita sa loob ng base, imposible namang hindi ito lumabas ng dorm buong araw.
"Si Boss? Sabi niya kanina may pupuntahan siya, hindi ko na natanong kung saan kasi umalis siya kaagad." Sagot ni Lucky.
"Mn."
Nilagay ni Lucky sa mangkok ang hinugasan niyang mga prutas at lumabas ng kusina para dalhin ito sa living room.
Kumuha si Just ng ice cream at sinara ang fridge, sakto namang tumunog ang kanyang cellphone kaya dinukot niya ito sa kanyang bulsa para tingnan. Nag-popped up ang account ni Jacian at makikita ang bagong post nito.
Pinindot ni Just ang tatlong pictures na kaka-post lang sa account nito. Picture iyon ni Chase na may hawak ng trophy at nakangiti ito habang naka-peace sign, ang pangalawang picture ay puro pagkain na nakalapag sa bilog na mesa at may cake sa gitna, ang pinakahuli ay selfie ni Jacian at Chase. Si Jacian ang humahawak ng camera habang nakaakbay sa kanyang balikat ang kamay ni Chase, pareho silang nakangiti habang makikita ang napakaraming pagkain at cake sa kanilang background.
Sa pagkakatanda ni Just, hindi mahilig mag picture si Jacian, hindi rin ito nagpopost ng mga pictures sa social media ngunit ngayon, nagpost ito ng tatlong pictures. Nakasuot lang si Jacian ng gray denim jacket at t-shirt sa loob, si Chase naman ay suot pa ang team uniform. Nakapa-simple lang ng picture ngunit napaka-perfect na iyon sa paningin ni Just at sapat na iyon para magsalubong ang makakapal niyang kilay.
Nag-scroll siya sa page ng MPL para tumingin ng update at bumungad kaagad sa kanya ang nanalo sa Grand finals ng MPL. Team GG ulit ang domestic champion at mukhang sinamahan ni Jacian si Chase para i-celebrate pagkapanalo ng team nila.
Pinatay ni Just ang kanyang cellphone at inihulog iyon sa kanyang bulsa. Pumunta siya sa living room bitbit ang isang tupperware na ice cream at sinimulan itong kainin. Sina Lucky, Gem at Blue na kanina pa nagkukwentuhan ay napalinga sa kanya dahil sa bilis niyang kumain, huminto ang pagnguya nila sa kinakain nilang prutas.
Napatingin si Lucky sa isang kutsarang ice cream na sinubo ni Just at hindi maiwasang hindi mapamura sa kanyang isipan.
Holy shit! Ang lamig nun.
_
Nakabalik na sa base si Mrs. Sojurn kasama ang kanilang manager kaya nagkaroon sila ng training sa sumunod na araw. Pagpasok ni Jacian sa training room naroon na ang kanyang teammates ngunit wala pa si Mrs. Sojurn, pagbukas niya sa pinto kumunot ang kanyang noo nang makitang nakaupo sa gaming chair ang kanilang captain habang nakayuko ito sa mesa, ang mga braso nito ang nagsilbing unan habang nakapatong ang jacket sa kanyang balikat.
Mabagal ang ginawang paghakbang ni Jacian hanggang sa makalapit sa kanyang pwesto, hinila niya ang kanyang gaming chair at tahimik na umupo roon. Binalingan niya si Lucky na nasa kanyang kaliwa.
"Anong nangyari kay Captain?" Mahinang tanong niya.
"Sinisipon, binanatan ba naman ang ice cream kagabi." Sagot sa kanya ni Lucky.
Jacian: "???" Hindi na siya nagsalita at binalingan si Just. Hindi niya alam kung tulog ba si Just o nakayuko lang, iniunat niya ang kanyang kamay para damhin kung mainit ito ngunit binawi niya rin dahil baka natutulog ito at magising niya.
Ilang sandali ang makalipas nang bumukas ang pinto at pumasok si Mrs. Sojurn, sakto namang nag-angat ng mukha si Just at umayos ng upo. Itinuon narin ni Jacian sa gaming phone ang kanyang atensyon habang hinihintay ang sasabihin ni Mrs. Sojurn, ngunit ilang sandali ang makalipas nang maramdaman niyang nakatingin sa kanya ang kanilang captain kaya tiningnan niya rin ito pabalik.
Malamlam ang mga mata ni Just at mapula ang tongki ng ilong nito, magulo ang kanyang buhok dahil sa pagkakayuko niya at sa isang tingin palang halatang hindi lang siya sisipinon kundi lalagnatin din. Sobrang bilis kapitan ni Just ng sakit at ang unang pagkikita nila ni Just ay may sakit din ito.
Pareho silang tumingin kay Mrs. Sojurn nang magsalita ito. Nag-send ito ng alt account sa kanilang gc at binuksan nila iyon para gamitin mag-training, sinabi ni Mrs. Sojurn na magkakaroon sila ng practice match ngayon sa TK dahil hindi sila nakapag-training kahapon.
Handa naman ang FTT kaya matapos i-inform ang coach ng Team TK, nagsimula na ang kanilang practice match. BO3 ang kanilang laban at sa loob ng 1 hour naka-ilang bahing si Just sa puntong hirap siyang mag-focus. Lumuluha ang kanyang mga mata at naniningkit dahil sa liwanag ng gaming phone. Si Lucky parin ang kanilang core at tatlong beses silang inabot ng late game dahil dinrag ng FTT hanggang late game ang match.
Naka-flash sa TV screen ang salitang VICTORY pagkatapos ng kanilang practice match. Nagpaalam narin si Mrs. Sojurn sa coach ng TK at pinatay ang tawag, pagkatapos nun nilapag nito ang remote sa mesa at seryusong tiningnan si Just.
"Anong nangyari sa'yo?" Malamig na tanong ni Mrs. Sojurn habang tinutoktok ang ballpoint pen sa mesa.
Tumahimik sa loob ng training room dahil sa boses ni Mrs. Sojurn at pasimple silang napayuko.
"Kumain ako ng ice cream ng kagabi." Sagot ni Just.
Pinagpatong ni Mrs. Sojurn ang kanyang clear book at inayos ang gamit sa kanyang mesa. "Kapag hindi pa 'yan gumaling sa susunod na araw si White ang maglalaro next match. Alright, p'wede na kayong mag-training." Aniya at lumabas ng training room.
Binuksan nila ang kanilang gaming phone at sinuot ang noise cancelling headphones, samantalang parehong lumabas ng training room sina Jacian at Just.
Pumasok si Jacian sa break room ng first floor na katabi lang ng kanilang training room, lumapit siya sa coffee maker at kumuha ng baso para magtimpla ng kape. Habang ginagawa iyon, bumukas ang pinto ng break room at pumasok si Just. Sinara nito ang pinto at naglakad patungo sa kabinet na nasa tabi ni Jacian.
Hinipan ni Jacian ang kanyang kape at humigop doon pagkatapos tiningnan niya si Just na binubuksan ang mga kabinet para maghanap ng gamot. Kinuha nito ang isang pad at gumupit ng dalawang capsule.
Nilapag ni Jacian ang kanyang baso. "Kailangan mo ba ng tubig?" Tanong niya habang nakatingin kay Just.
Nakayuko si Just habang ginugupit ang capsule, nakaharang sa kanyang mukha ang kanyang buhok at nagpakawala lang siya ng mahinang 'Mn' para sagutin ang tanong ni Jacian.
Kumuha naman si Jacian ng baso at sinahod iyon sa water dispenser.
Ilang sandali ang makalipas nang mag-angat si Just ng mukha. "Nanood ka ba kapahon ng Grand finals ng MPL?" Tanong niya gamit ang paos na boses.
Nilinga naman siya ni Jacian atsaka umiling. "Hindi ako nakakuha ng ticket kaya niyaya ko nalang si Chase na kumain sa labas." Sagot niya at pinatay ang water dispenser, naglakad siya palapit sa mesa at nilapag ang baso.
"Mn. Nakita ko sa post mo." Ani Just. "In-order mo ba lahat ng pagkain na nasa picture? Ang mahal nun."
Humigop si Jacian sa kanyang kape atsaka umiling ulit. "Kalahati lang 'yung binayaran ko, fan ng GG 'yung owner kaya nilibre niya sa'min yung ibang pagkain."
"Mn." Tipid na sagot ni Just at ininom ang gamot.
Nilapag naman ni Jacian ang baso at tiningnan si Just. "Ikaw? Bakit kumain ka ng ice cream kagabi?" Tanong niya.
"Gusto ko lang." Malamig na sagot ni Just.
Mapang-asar namang tumango si Jacian. "Akala ko na-broken ka na." Matapos sabihin iyon iniangat uli ni Jacian ang kanyang baso at humigop sa kanyang kape. "Mauna na ako sa training room."
"Mn."
