WebNovels

Chapter 98 - Chapter 96: Anong nangyari kay Captain?

Magsasalita na sana si Lucky para i-kwento kay Jacian ang nakalap niyang marites ngunit napahinto siya nang magsalita ito.

"Sinabi sa akin ni Coach Sojurn na hindi si Captain ang magiging jungler natin pero hindi niya sinabi ang dahilan, anong nangyari kay Captain?" Tanong niya habang nakakunot-noo ngunit nang tingnan niya si Lucky hindi naman nagbago ang ekspresyon nito at halatang hindi nabigla sa sinabi niya.

"Ah, pupunta siya sa hospital para magpacheck-up." Kalmadong saad ni Lucky. Nang makita niya ang pagtataka sa mukha ni Jacian nagsimula siyang magpaliwanag. "Lagi namang nagpapa-check-up si Cap Tin. Hindi naman injured ang kamay niya pero sinabihan siya ng physiotherapist niya na h'wag mag-practice ng 8 hours per day, hindi siya injured pero parang papunta narin 'dun." Paliwanag ni Lucky.

Hindi nagsalita si Jacian, hindi niya alam kung paano mag-react.

Nagpatuloy si Luck, "nagsimula 'yun nung si Savage na ang mid laner namin, laging nagpapractice si Cap Tin ng 10 hours per day kaya minsan hindi niya magalaw ang kamay niya. Pero maayos narin naman kasi naagapan kaagad, actually may sariling physiotherapist ang club, pero sa playoffs pa 'yun pupunta dito." Lintaya ni Lucky. "Ang alam ko recovery narin si Cap Tin, huling check-up niya ang sabi ng physiotherapist p'wede nang i-extend ang oras niya mag-training. Baka huling check-up narin 'to ni Cap Tin, h'wag kang mag-alala isang beses ka lang bubuhat." Saad ni Lucky at kinindatan pa siya.

Nang makita ni Jacian na hindi naman seryuso si Lucky, binawi niya ang kanyang paningin. Normal naman sa mga pro players ang magkaroon ng injury dahil kahit si Chase ay may injury din sa likod noon ngunit naka-recover din kaagad. Mataas na ang 6 or 7 years na career sa professional arena dahil karamihan ay hanggang 5 years lang, hindi kinaya ang puyat, stress at mahabang training kaya maaga silang mag-retired. Alam 'to ni Jacian kaya hindi na siya magugulat kung mag-reretired si Just next year.

Nang makita niya ang kakaibang ekspresyon ni Lucky, bahagyang nagsalubong ang kilay niya. Bahagya pang lumapit si Lucky, handa nang i-kwento ang baon niyang chismis.

"Na-open mo ba ang Melon account mo?"

Umiling si Jacian.

"Trending ang post ni Cap Tin kagabi."

"Post? Anong post?"

Dismayadong binuksan ni Lucky ang kanyang cellphone para ipakita kay Jacian, such an important gossip, pero walang ideya si Jacian.

[FTT.Just: Kahit 100x pa kayong mag-1v1 ni Boss, hindi ka mananalo. Trash.] Sa baba ng caption ni Just ay picture ng 42 deaths ni Lan.

Sobrang straight forward ng caption para isiping si Just ang nag-post nun, kahit si Jacian ay hindi makapaniwala. Napakurap siya at nilinga si Lucky.

"Alam ko namang hindi ka makapaniwala, may sasabihin ako sa'yong secret ah..." Saad ni Lucky at nilibot ang kanyang paningin bago dinikitan si Jacian. "Kilala mo si Ms. Phara diba? Yung host ng PKL?" Tanong ni Lucky na kaagad tinanguan ni Jacian. "May gusto 'yan kay Cap Tin. Actually, marami namang nagkakagusto kay Captain. Syempre gwapo, malakas, mayaman, 190 cm, cold, tahimik, lalo na single. Marami talagang babaeng naghahabol sa kanya at isa na doon si Ms. Phara, mabait si Cap Tin tapos malumanay pa magsalita kahit kami hindi rin namin in-expect na masasagad ni Ms. Phara 'yung pasensya niya. Sa sobrang kakadikit ni Ms. Phara kay Cap Tin sinabihan niya si Ms. Phara na malandi."

Na-stunned si Jacian: "..."

"Pagkatapos nun hindi na sila nagpansinan ni Ms. Phara." Saad ni Lucky at inilapag ang kanyang cellphone sa mesa. "Alam mo kasi, mabait naman si Cap Tin h'wag ka lang talagang abuso, muntikan na nga ring makatikim ng masakit na salita si Savage sa kanya mabuti nalang binigyan namin ng warning si Savage. Madali lang naman mapansin na naiinis si Cap Tin, kasi kapag hindi niya nagustuhan ang sinasabi mo mag-wawalk out lang 'yan. Pero ngayon, mukhang nainis na talaga siya kay Lan, ito ang unang beses mang trash talk ni Cap Tin sa social media." Mahabang lintaya ni Lucky.

Hindi naman nagsalita si Jacian at binawi lang uli ang kanyang paningin. Alam niyang hindi gusto ni Just ang presensya ni Lan dahil maliban doon sa pinilit siya nitong baguhin ang playstyle, maling attitude din ang ginamit ni Lan para mag-confess. Ngunit wala namang kinalaman sa kanya ang sitwasyon ng dalawa kaya nakinig lang siya sa marites ni Lucky.

"Ang tahimik mo naman?" Hindi mapigilang komento ni Lucky. Si Jacian ang dahilan kung bakit nang-trash talk si Just sa social media ngunit ang tao na naging 'dahilan' nang trash talk ni Just ay nanatiling walang kibo.

"Ano bang sasabihin ko?" Tanong ni Jacian.

"Edi gatongan mo 'yung post ni Cap Tin, diba magaling kang mang-trash talk? Bakit ka pa naging trash talk king kung hindi ka pumapatol gamit ang social media account? Once a blue moon ka lang din mag-online, kakaiba ka."

"Binayaran ako ng owner para maging pro player, kung walang kinalaman sa tournament wala ring kinalaman sa akin. Mangtatrash talk ako depende sa mood. Sa ngayon, puro tournament lang ang nasa isip ko. Malapit na ang match natin sa Fantastic Era at ayokong madismaya uli si Mrs. Sojurn, kung hindi ibabalik ko ang kalahati ng singing fee." Saad ni Jacian at isinuot ang kanyang headphones. Binuksan niya ang gaming phone para mag-solo Q sa Chinese server.

7 p.m

Nasa training room sila ng second floor para sa isang practice match laban sa Fantastic Era. Katulad nang inaasahan ni Jacian, si White ang naka-upo sa upuan ni Just bilang substitute jungler. Nang pumasok sila sa training room, naka-upo si Just sa sofa habang nakayuko, magkahiwalay ang kanyang tuhod habang nakapatong doon ang kanyang siko, hindi malaman kung ano ang kanyang ginagawa ngunit abala siya sa kung ano at saka lang nag-angat nang tingin nang makarinig ng ingay sa pinto.

Tiningnan ni Just ang mga teammates niya na isa-isang pumasok sa training room habang nagkukwentuhan at nahinto ang kanyang mga mata nang pumasok si Jacian. Deritso lang ang tingin ni Jacian at nababahiran ng seryoso ang kanyang ekspresyon. Nang pumasok ito sa pinto, nilihis nito ang kanyang ulo para tingnan si Just. Napako ang tingin ni Just sa mga mata ni Jacian at nakaramdam siya ng paninibago, malamig ang mga mata ni Jacian at hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito nang tingnan siya. Matapos nitong tingnan si Just nang ilang segundo nagbawi siya ng tingin at deritsong naglakad patungo sa kanyang gaming chair, saglit itong kinausap ni White bago isinuot ang noise-cancelling headphones.

Tahimik lamang na iniyuko ni Just ang kanyang ulo hanggang sa magsalita si Mrs. Sojurn para simulan ang practice match.

Hindi kasing lakas ni White si Just ngunit kung cooperation lang ang pag-uusapan, kayang kaya rin sabayan ni White ang rhythm ng FTT. Malakas ang cooperation ni White sa FTT dahil madalas siyang naglalaro sa regular season kapag wala si Just at mayroon din silang tacit understanding ni Jacian. Isa rin ang Fantastic Era sa mga teams na hindi nakakasama sa playoffs at ilang beses narin itong nakalaban ng FTT na si White ang jungler, pamilyar si White sa strategy ng Fantastic Era at walang kahirap-hirap nilang napanalo ang practice match nang walang pressure.

Sa susunod na araw na ang kanilang match sa Fantastic Era kaya sinabihan ni Mrs. Sojurn si Jacian at White na mag-doubles dahil tatlong games na si White ang magiging jungler nila dahil BO3 ang format ng tournament. Lumabas na ng training room ang mga players ng FTT at naiwan naman si Mrs. Sojurn para i-review ang match.

Lumabas si Jacian sa kanyang dorm pagkatapos niyang maligo at pumunta sa kabilang pasilyo kung nasaan ang break room ng second floor. Nakasara ang pinto ng break room ngunit hindi iyon naka-lock dahil lang nakasabit sa doorknob ang susi, bahagya lang tinulak ni Jacian ang pinto at sumalubong sa kanya ang instrument na nagmumula sa malaking sound.

Pagkatapos ng practice match nila kanina, nilinga niya ang sofa kung saan naka-upo si Just ngunit nakita niyang wala na ito doon. Maliban sa dorm at training room, break room lang ng second floor ang madalas tambayan ni Just dahil mayroong videoke. Hindi siya p'wedeng mag-training ngayon at 10 p.m palang at alam niyang hindi pa tulog ang kanilang captain kaya pumunta siya sa break room para tingnan kung nandoon ito at hindi nga siya nagkamali.

Naka-on ang flat screen TV kung saan dumadaan ang lyrics at naka-upo si Just sa single sofa habang nakatingin doon, madilim at maingay sa loob ng break room at tanging liwanag lang na nanggagaling sa flat screen TV at iba-ibang kulay ng ilaw na nanggagaling sa sounds ang nagbibigay liwanag sa loob ng break room.

Sinara ni Jacian ang pinto at naglakad patungo sa pwesto ni Just, hindi narinig ni Just ang yabag ni Jacian hanggang sa natapos ang kanta at nag-popped up ang 100% sa flat screen TV.

Na-amaze si Jacian at hindi maiwasang mapa-wow. Naagaw niya ang atensyon ni Just kaya nilinga siya nito, pinatay ni Just ang maingay na sound pati narin ang microphone atsaka inilapag sa mesa. Tahimik namang naglakad si Jacian at umupo sa katabing sofa.

Nang maka-upo siya roon, bahagya niyang tinuro ang kamay ni Just. "Kamusta kamay mo?" Seryusong tanong niya.

Malamig ang mukha ni Just habang nakasandal sa sofa, nang marinig niya ang tanong ni Jacian nilinga niya ang kanyang kamay. "Ayos lang."

Tumango si Jacian. "Saang kamay mo ang masakit?"

"Kanan." Sagot ni Just at nang lingain niya si Jacian nakita niyang may kinuha ito sa bulsa at tinutuklap.

Matapos tuklapin nilahad ni Jacian ang kanyang kamay at tiningnan si Just. "Akina ang kamay mo, lalagyan ko ng patch." Aniya.

Tinitigan siya ni Just nang ilang segundo bago nito iniunat ang kanang kamay. Dinikitan iyon ni Jacian ng dalawang patch at hinimas para siguradong dumikit ng maayos, pagkatapos idikit kinuha ni Jacian ang balat ng patch na tinuklap niya atsaka kinuyomos para itapon sa trash can.

Tinitigan niya si Just na deritsong nakatingin. "Uminom ka?" Tanong ni Jacian. Nakita niya ang ilang can ng beer sa trash can at halatang bagong lalagyan 'yun, basa pa ang can dahil sa lamig.

Kumurap si Just ng dalawang beses at namumungay ang mga matang nilinga si Jacian. "Mn." Sagot niya. Hindi naman lasing si Just dahil tatlong beer lang ang nainom nito, hindi rin namumula ang mukha nito at halatang may mataas na tolerance ito sa alak. Sure enough... "Hindi ako lasing." Paniniguro ni Just. Nakita niyang nagbago na ang ekspresyon ni Jacian, nang tingnan siya kanina ni Jacian gamit ang malamig na tingin, hindi maiwasan ni Just ang hindi makaramdam ng paninibago. Sa paraan nang pagtingin sa kanya ni Jacian nung pumasok ito sa training room para bang isa siyang stranger. May kung anong bigat ang bumalot sa dibdib ni Just dahilan para magdesisyon siyang pumunta sa break room at uminom ng ilang beers.

"Hindi naman mahirap kunin ang victory sa Fantastic Era. H'wag kang mag-alala, makukuha namin ang victory." Pagcocomfort ni Jacian sa kanilang captain nang makitang madilim ang mukha nito.

Hindi nagsalita si Just. Nakasandal lang siya sa sofa habang naka-ekis ang kanyang hita, malamig ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Jacian. Mula sa kanyang pwesto, kitang kita niya ang side profile ni Jacian at ang nunal sa baba ng labi nito, binawi ni Just ang kanyang mga tingin at isinandal ang kanyang ulo.

More Chapters