WebNovels

Chapter 94 - Chapter 92: Jacian, meron kang penalty.

Kalmadong sumandal si Just sa kanyang gaming chair, nakasuksok lamang ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang jacket habang nakatingin sa ibaba. Hindi narin sila nagtanong at tahimik na tinanggap na si Mrs. Sojurn na ang kanilang magiging coach.

"Jacian." Tawag ni Mrs. Sojurn. "Meron kang penalty."

"Mm." Tumango lang si Jacian. Tinrash talk niya ang EXTRA sa ban/pick phase at hindi niya in-expect na pati ang part ng match na 'yun ay ilalabas din. Ang alam niya, mic check lang ng game kung saan merong highlight ang nilalabas ng committee, ngunit marami sigurong nag-request kaya nilabas narin ng PKL.

Ilang sandali ang makalipas nang lumabas narin si Mrs. Sojurn sa training room at sinabihan pa nito si Just na i-add siya sa gc. Si Lucky kaagad ang unang huminga ng malalim at hindi komportableng umupo sa kanyang gaming chair. Hindi naman nagsalita si Just at dinukot lang nito ang kanyang cellphone sa bulsa para buksan ang kanilang gc at i-add si Mrs. Sojurn, pagbukas niya notification kaagad ng system ang bumungad.

[Coach Lan left the group]

Kanina lang sinabi ni Mrs. Sojurn na hindi na si Lan ang magiging coach nila sa regular season ngunit umalis kaagad si Lan sa gc. Halatang hindi ito nagdalawang isip na umalis matapos sermonan ni Mrs. Sojurn, ngunit mas mabuti ngang umalis si Lan dahil kung hindi magiging awkward ang sitwasyon sa pagitan nila ni Just. Wala namang pakialam si Just at hindi niya rin binibigyan ng atensyon ang ganitong klaseng bagay ngunit iniisip niya na baka hindi magiging madali ang career ni Jacian kapag si Lan parin ang magiging coach nila.

Hindi pinansin ni Just ang notification ng system at hinanap ang username ni Mrs. Sojurn sa kanyang friend list at ini-add sa kanilang gc. Maririnig ang pagtunog ng cellphone ni Lucky nang makatanggap ito ng notification. Tiningnan niya iyon at nakita niyang in-add ni Just si Mrs. Sojurn.

Lucky: "..." Holy shit! Hindi na siya makapag-ingay sa gc!

Mahilig pa naman siyang mag-send ng random message para mambwesit ngunit ngayon hindi niya na magagawa, kailangan niyang umiwas muna mag-online at huwag mag-collect ng random post. Kabadong pinatay ni Lucky ang kanyang cellphone at nakipag-Q ulit kay Gem.

Sa kabilang banda, nakatayo si Jacian sa bintana habang nakapatong ang kanyang siko doon at walang ekspresyong nagtitipa sa kanyang cellphone. Nakita niya ang post ng PKL tungkol sa pang-tatrash talk niya sa Team EXTRA at penalty na 5,000 pesos. Meron itong 400k 'haha' react at 67k comments.

Bahagyang umangat ang magkabilang gilid ng labi ni Jacian nang mapagtantong interesado siya sa mga comments. Gusto niya 'to, yung pumapalag sa kanya.

[Grabe unang match series penalty kaagad. Na-speechless ako Boss. [Sigh.jpg]]

[Sinabihan ba namang si Yaria ang ipangtatapat sa Team EXTRA, eh parang sinabi niya narin na nahihinaan siya sa EXTRA eh.]

[LMAO! Gusto ko 'yung pang-tatrash talk ni Boss.]

[Itong apo ko, sigh... don't spout nonsense again in the future.]

[Holy shit! This trash grandson of mine... Itong lolo mo hindi pa nakakatrash online pero ikaw..?!]

[Sorry guys, hindi ko naturuan ng leksyon ang apo ko.]

[Naaawa ako sa EXTRA pero deserve nila 'yung trash talk ni Boss.]

[Hell! Anong deserve ang trash talk ng trash streamer na 'yan?! Kitang kita naman natin na si Boss ang basura hindi ang EXTRA!]

[Hindi nga makapag-Gan&Mo 'yang trash streamer niyo! Gusto ko siyang tawanan sa mukha.] Comment nito at makikitang nag-send pa ng memes, poster iyon ni Jacian at may taong tumatawa na nakatagilid. May 109 'haha' react 'yun at 27 replies...

[Holy shit! Nakakatawa 'yung memes.]

[Nagsisi na siguro 'yung owner ng club. Isipin niyo sobrang laking pera 'yung naubos tapos ganito lang 'yung play. Kahit domestic trophy baka hindi pa nila makuha.]

[H'wag kang magsalita ng tapos, hintayin niyong maka-MVP si Boss sasakit talaga ang mukha niyo sa faceslap!]

[Another memes nanaman ba 'to?]

[Deserve din 'yan ng EXTRA. Akala niyo ba mabait ang EXTRA? Bakit hindi niyo i-check ang post ng Official Page nila?]

[??????]

[Holy shit! Nakita ko ang post ng EXTRA, tinrash din nila si Boss!]

[Hindi lang 'yun, pati sa livestream nila tinrash talk din nila ang apo ko. Banned ang account nila sa streaming platform.]

[Haha watermelon pala ang EXTRA, green sa labas red sa loob. Acting like an angel amputa.]

[Malamang! Gumanti lang din ang EXTRA. Bakit si Boss lang ba ang p'wedeng mang-trash talk?]

[Shut up trash! Ngayon ko lang sinubaybayan ang PKL dahil kay Boss pero 'yung mga post ng EXTRA noon sobrang basura! Tina-trash talk nila ang teams na makakalaban nila para masira ang mental state. Nakita ko ang post nila seconds ago bago ang araw ng match nila sa FTT at hulaan niyo kung anong nakasulat.]

[Anong nakasulat? Curious here!] [+1..+2 +ID numbers..]

[Trash talk para sa FTT. Pero seconds ago dinelete din nila kaagad, nakita siguro ng PKL.]

[Nonsense! May ebidensya ka ba?!]

[Yeah, meron akong screenshot. Dapat ba ipa-billboard ko pa para makita ng ibang region?] Nilapag nito ng screenshot at 1k ang react 'nun.

[Makita ko palang ang EXTRA parang gusto ko ng masuka! Sobrang baho na kasi ng basurang gameplay nila!]

Malakas ang hangin sa labas at tumatama iyon sa mukha ni Jacian, tinatangay ng hangin ang kanyang bangs kaya bahagya niya itong hinawi. Matapos basahin ang nakakadepress na comments gumaan ang pakiramdam ni Jacian at hindi mapigilan ang sarili na hindi tingnan ang screenshot na pinost doon sa comment section. Hindi siya mahilig mag-online not to mention mag-scroll pa sa news feed, hindi niya alam na tinrash talk pala sila ng EXTRA bago ang match ngunit katulad ng sinabi ng nag-screenshot dinelete din kaagad. Kaya siguro hindi rin nakita ni Lucky na laging active sa kahit na anong platform.

Hindi naman masyadong nag-react si Jacian at ini-clean lang ang binuksan niyang mga apps. Pagkatapos, binuksan niya ang kanyang SweetTalk account para bayaran ang multa niya. Mag-se-send na sana siya nang may mag-popped up na notification.

[Just has sent 15,000 pesos.]

Jacian: "?" Umikot siya para hanapin ang kanilang captain sa loob ng training room at nakita niyang palapit ito sa pwesto niya. "Bakit nag-send ka?" Tanong niya nang makalapit ito.

Huminto si Just at marahang sumandal sa bintana. "Binalik ko 'yung 15,000 na sinend mo." Saad ni Just at tumingin sa kanya. "Hindi rin ako nakabayad ng multa nung nakita mo akong naninigarilyo sa labas."

Huminto si Jacian at tinanguan si Just. Nakausap niya na ang manager ng kanilang club at sinabing siya na mismo ang mag-sesend ng multa sa PKL. Kailangan niya ring mai-send ngayon dahil binigyan siya ng limit.

"Ikaw ang mag-sesend ng multa?" Tanong ni Just.

"Mm."

"Hindi mo naman siguro i-tatrash talk ang PKL, no?"

Nagpakawala si Jacian ng mahinang tawa. "Relax, ayoko namang ma-banned ang team natin."

"Mn. Actually, may gusto akong sabihin sa'yo."

Nag-angat na ng tingin si Jacian matapos mag-send ng multa. Pinatay niya ang kanyang cellphone at inihulog sa bulsa ng kanyang pants habang nakatingin kay Just.

_

Sa loob ng meeting room, naka-upo si Coach Dang sa gaming chair sa harap ng mesa ni Lan habang inaayos ni Lan ang kanyang mga gamit. Wala ng importanteng gamit sa taas ng mesa at lahat ng gamit na nakalagay doon ay nasa loob na ng kanyang backpack, nakapatong ito sa taas ng maleta na puno ng kanyang damit. Hindi mabasa ang ekspresyon ni Lan ngunit mababakas ang lungkot at pagkainis sa kanyang ekspresyon, hindi iyon inis at galit kundi heartbroken. Sa paraan ng pagligpit niya ng kanyang gamit para bang aalis siya sa bahay ng kanyang asawa. Hindi maayos ang pagkakalagay ng kanyang salamin at medyo magulo ang kanyang buhok na humaharang sa kanyang mukha. Mukha siyang miserable at kahit na sinong makakakita ay maaawa.

Kalmado naman si Coach Dang habang nakapatong sa magkahiwalay niyang tuhod ang kanyang palad, tumayo siya at hinarap si Lan. "Hindi ko alam na magiging marahas si Mrs. Sojurn. Pero mali 'yung ginawa mo, masyado mong hinigpitan si Jacian at sinabi mo pang dadagdagan mo ng 2 hours ang training niya. Hindi 'to maganda para sa point of view ng mga players... at naging player ka rin kaya alam mo 'yan. Hindi mo rin masisisi si Mrs. Sojurn, alam mo namang nagbayad siya ng 5.5 million para sa signing fee ni Jacian kaya kailangan niyang bawiin 'yung nailabas niya. Entrepreneur ang pamilya ni Mrs. Sojurn kaya kailangan niya ang world championship para maibalik lahat ng nagastos niya."

Sa kalagitnaan ng pagliligpit ni Lan, hindi niya tiningnan si Coach Dang at sinabing, "I know." Humarap siya sa kanyang bag para i-zip iyon.

Former teammate ni Coach Dang si Lan at nang mag-retired siya naging coach na siya ng FTT. Ilang taon na silang magkakilala at alam niya ang temperament ni Lan, mahinhin ito at responsibilidad na isang captain, hindi ito mabilis magalit at masasabing ni Coach Dang na may good temper si Lan. Ngunit hindi niya in-expect na magiging ganito si Lan, kahit hindi sabihin ni Lan alam niyang galit ito na siyang nakakapagtaka para kay Coach Dang. Wala namang dapat ikagalit si Lan dahil may kasalanan din siya at kung si Coach Dang din ang nasa sitwasyon ni Mrs. Sojurn iyon din ang gagawin niya.

Entrepreneur si Mrs. Sojurn at businessman si Mr. Sojurn, sa mata ng mga taong nasa business industry walang ibang mahalaga kundi ang kita. Hindi nila pinapahalagahan ang relasyon at 'yung tinatawag nilang second chance, kung nakikita nilang babagsak ang kanilang negosyo dahil lang sa isang employee hindi sila magdadalawang isip na tanggalin iyon kahit na tinitingala pa ito ng madla. Mga idiot na businessman lang ang magpapatagal sa ganong klaseng employee.

Ito ang dahilan kung bakit takot kay Mrs. Sojurn ang mga players ng club, wala siyang awa at kung alam niyang hindi makukuha ng FTT ang world championship hindi ito magdadalawang isip na kumuha ng import players galing sa malalakas na region para maglaro sa club niya. Hindi lang e-sports ang pinag-uusapan dito, kundi pera. Sa ganung klaseng halaga ng pera hindi valid ang excuse at dahilan ni Lan para maging coach uli ng team. Malaking kawalan kay Mrs. Sojurn kung mangyayari uli ito.

Umalis ng club si Lan nang walang salita, napabuntong-hininga nalang si Coach Dang sa kanyang puso.

_

Nang sabihin ni Just kanina kay Jacian na may gusto siyang sabihin, naglakad sila ni Jacian sa likod ng base kung saan may malapad na garden. Pareho silang umupo sa upuan na kahoy habang nagsasalita si Just.

"May napagkasunduan kami ni Coach Dang nung kinuha niya si Lan bilang coach ng Team." Ani Just. Nakapatong sa magkabila niyang tuhod ang kanyang siko habang deritsong nakatingin. "Alam niyang hindi ako agree na si Lan ang magiging coach ng team pero naka-sign in na si Lan at hindi maganda kung babawiin ni Coach Dang ang usapan nila. Kaya napagkasunduan nalang namin na kapag hindi maganda ang result ng unang match sa regular season, tatanggalin niya si Lan bilang coach. Iyon lang ang paraan para may dahilan siyang paalisin si Lan sa club." Nilinga niya si Jacian na nasa tabi niya. "Maliban sa amin ni Coach Dang wala ng ibang nakakaalam. Hindi sa hindi kita binigyan ng assist para pabilisin ang laban, ginawa ko 'yun para mapaalis si Lan sa club." Bumagal ang tono ng boses ni Just. "So, gusto kong mag-sorry." Iniyuko ni Just ang kanyang ulo dahil sa guilty. Alam niyang dahil sa ginawa niya nasira ang debut ni Jacian as pro player.

Nakakaramdam siya ng galit sa tuwing makikita ang notification ng deaths ni Jacian sa puntong tumaas ng 140+ ang kanyang heart rate ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili na mag-bigay ng assist.

Alam niyang hindi maganda ang intensyon ni Lan sa mga players lalo na kay Jacian kaya inunahan niya na, ayaw niyang may gumugulo sa mental state nila at iniiwasan niyang malagay sila sa awkward na sitwasyon. Nag-confess pa sa kanya si Lan at mas nagbigay pa iyon ng dahilan para paalisin ito sa club.

Hindi nangyari ang result ng plano nila ni Coach Dang ngunit nangyari iyon dahil si Lan narin ang gumawa, at si Mrs. Sojurn ang nagpaalis sa kanya. Sa katunayan, kahit hindi sila nagplano ni Coach Dang mapapaalis parin si Lan sa club, hindi nga lang nila in-expect na masyadong mabilis. Ang akala ni Just mahihirapan pa silang mapaalis si Lan sa club nila.

More Chapters