WebNovels

Chapter 1 - CHAPTER 1: 10 Years Ago...

ELLAINE'S POV

" Hi Triz, sorry ngayon lang ako nakadalaw ha. Nabusy ako sa pagtapos nang ginagawa ko na time machine. Until now nasasaktan pa rin ako sa pagkawala mo. Sorry, sorry sa mga panahon na wala ako sa tabi mo. Pero I promise na gagawa ako ng paraan para mabago ang nangyari sayo." Nilapag ko ang bulaklak na hawak ko sa puntod ng kaibigan ko.

Sandali ko itong tinignan bago tumalikod at dahan dahang lumakad papalayo.

Kasabay ng pag alis ko ang pagbuhos ng malakas na ulan ng hapon na yon.

Napapaisip ako na kung siguro hindi nangyari yun sa magulang nya, hindi ganon ang sasapitin nya. Naaawa ako sa kaibigan ko dahil sa hirap na dinanas nya, what's worse? Wala ako sa tabi nya. Mag isa nyang hinarap lahat.

Babaguhin ko, babaguhin ko ang nakaraan para man lang makabawi sayo...

Fast Forward....

Konti nalang... Kailangan ko pang subukan ng isang beses kung gagana naba nga ito.

Kinuha ko ang huling metal na kailangan ikabit sa machine bago sinubukan na paandarin ito.

"SA WAKAS! Hhahaha sa wakas gumana na!"

Napapaiyak nalang ako sa tuwa na nararamdaman ko. Dahil alam ko, alam ko na makakabawi na ako sa kaibigan ko.

Isa nalang ang kulang, kailangan ko ng isang tao. Hindi isang simpleng tao kundi isang taong may alam sa mahika. Tama yun nalang ang kulang.

___________________________

A/N's POV

Buong araw naghanap si Ellaine, gumawa pa sya ng wanted poster na kailangan nya ng isang trabahador.

Hindi naman mahirap humanap ng taong may mahika, lalo na at hindi na yun bago pa sa kanilang bansa.

Sa sobrang pagod ay napagdesisyonan ni Ellaine na umuwi nalang muna.

____________________________

MARSHA'S POV

"Haystt.. wala na akong pera.. nagugutom na rin ako. Ako lang siguro ang traveller na walang pera. I need a temporary job. Just for my needs lang ngayon bago ako umalis at maglibot sa ibang lugar ulit."

Umupo si Marsha sa isang park bench para magpahinga muna sana saglit. Sa pag upo nya may napansin syang papel na naipit sa may bandang hita nya.

Eh? "Wanted: Job seeker_high salary_

Naks napaka timing naman! Hindi na ako nagdalawang isip pa ang agad na pinuntahan ang address na nakalagay sa papel.

More Chapters