Nakasimangot akong naglalakad sa hallway papuntang canteen ngayon. Kasi naman, di pa rin ako pinapansin ni Kuya Sky.
Haysss. . . .
Sana di ko na lang ipinagpilitan na pupunta ako sa Japan. Ayan tuloy!!
Nang makarating ako sa canteen, humanap na lang ako kaagad ng bakanteng upuan at umupo sa lamesa na bakante habang nakabusangot.
Ano ba yan!! Wala akong ganang kumain!! First time tong nangyari sa akin. Kaya naman ay itinukod ko na lang ang mga kamay ko sa ilalim ng baba ko habang napatulala na lang doon.
Maya-maya lang ay may biglang tumapig sa braso kong nakatukod, kaya muntik nang tumama ang handsome and cute fez ko sa lamesa.
Putcha!!
Handa na sana akong sugurin ang tumabig sa kamay ko, pero natigilan ako nang makita kong si Kuya Sky ko pala 'yon.
Nalungkot na naman tuloy ako noong makita ko siya. Dahan-dahan akong bumalik sa pagkaka-upo.
Nabigla ako nang naglapag siya ng dalawang pizza slices sa harap ko at Coke in a can, kaya napatingin ako sa kanya nang nagtataka.
"Kumain ka na." sabi niya sa akin at umupo siya sa harap ko. Pero di ko man lang ginalaw yun. Ni hindi ko siya sinunod.
"Didn't you hear what I've said? I said eat it." narinig kong ulit ni Kuya Sky na medyo may halong diin.
Ayan na naman, galit na naman siya. This time, sinunod ko na lang siya para hindi na siya magalit nang tuluyan. Maya-maya lang, hindi na ako nakatiis, bigla akong tumayo at lumapit sa katabi niyang upuan at yinakap ko siya nang mahigpit.
"Kuya! Sorry na! Sige! Di na ako pupunta sa Japan basta't huwag ka lang magalit sa akin huhuhu." sabi ko sa kanya, habang hindi ko namalayan, may tumulo na pa lang mga butil ng luha sa aking pisngi.
Bahagya niya akong inilayo sa kanya while I was still pouting.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Then I feel him tilting my head towards him using his fore and middle finger.
In between tears, nakita ko ang gwapo niyang mukhang sa wakas ay ngumiti sa akin.
"Rain. Hush! I'm not angry, okay. So stop crying. "Masuyo niyang sabi sa akin while he uses his fingers to wipe my tears away.
Wala na akong pakialam sa mga tao dito. Wala na akong pakialam kong makita pa nila ang ginawa ko, as we were supposed to be strangers. Wala na talaga akong pakialam basta't magkaayos lang kami ni Kuya Sky ko.
"H-hindi ka galit? Bati na tayo?" parang batang tanong ko sa kanya.
"Yes."
"Yey!" I exclaimed happily, na dahilan upang tumawa siya nang bahagya.
"Parang bata." tukso niya sa kin.
Then he hugged me.
"AYOS!! Ayos na sila!!" masayang sabi ng mga boses, interrupting our sweet moment.
Humiwalay ako kay Kuya Sky at tiningnan kong kanino ang mga boses na iyon.
Ang mga miyembro ng Steel pala.
"Buti na man at ayos na kayo." Narinig kong sabi ni Kuya Maximus habang umupo sa tabi ko.
"Oo nga eh." sang-ayon nong tatlo.
Ngumiti lang ako sa kanila. Sumalo na sila sa amin at nabigla ako ng magbaba sila sa lamesa ng maraming pagkain.
'Loko tong mga to. Pero wow, ang daming pagkain!!' Busangot na anas ko ng mahina, which I think my brother heard as he laughed slightly. Kinurot ko nga siya sa tagiliran.
"Ehhh?? Ang dami naman niyan. Bibitayin na ba tayo?" tanong ko sa kanila, baka sakaling makabawi.
Biglang tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom. Ngayon na di ko na pinoproblema ang away namin ni Kuya Sky, naramdaman ko na gutom na ako. Saklap na man. Pero ayaw kong sabihin sa kanila kasi paniguradong, tutuksuhin na naman nila ako.
"Wag ka ngang ANO dyan. Rinamihan talaga na min at may makain rin kami." Buska sa akin si Kuya Dennis habang binatukan ako nang mahina.
I glared at him, which in the eyes of these people, I look like I pouted.
"Grabe!! Ganun ba ako katakaw?" reklamo ko sa kanila agad.
"OO!!!" sagot nilang lahat, sabay tawa.
Sabi ko nga. Nagtanong pa kasi ako, eh.
Tsk.
"And also. . despedida mo rin yan." sambit ni Kuya Arvin.
"Despedida?" nagtatakang tanong ko sa kanila.
Halah! Aalis ba ako? Bakit di ko alam? Di naman nila ako ininform na aalis pala ako.
"Yes. " matter-of-fact na sagot ni Kuya John.
"Why? " Tanong ko sa kanila.
"Because you're going to Japan as you wish. " sabat ni Kuya Sky.
Totoo? Waahhhhhh!! Yessss!!!
