WebNovels

Chapter 265 - Chapter 94

Agad na nagmaterialize sa kamay ng binatang si Van Grego ang isang malaking nag-aapoy na espada. Isa ito sa napakalakas na armas gamit ang kaniyang natutunang konsepto. Tiwala siyang mapapaslang ang halimaw na ito.

Agad na tumalon paitaas si Van Grego papunta sa halimaw na Black Bladed Maggot. Nakakadiri at nakakatakot ang itsura nito. Kung hindi siya nagkakamali ay malakas ang depensa nito. Yun ang pinakapinoproblema niya.

"Hindi ako naniniwalang wala kang kahinaan halimaw, Hyaahhhhh!!!!" sigaw ng binatang si Van Grego habang nakahanda na ang espada nito at iwinasiwas sa ere papunta sa halimaw.

CLANGGGGG!!!!!!!

Isang malakas na tunog ng animo'y nagbabanggang bagay sa lokasyon mismo ng binatang si Van Grego at ng halimaw na Black Bladed Maggot.

Mistulang nagulat ang binatang si Van Grego sa kaniyang nasaksihan.

Whooosh! Whooosh! Whooosh!

Agad na napa-back flip ng tatlong beses ang binatang si Van Grego ng paatras.

Agad na naramdaman ni Van Grego na mistulang namanhid ang kamay niya. Nanginginig pa ito na animo'y nagkaroon ng problema ang pagdaloy ng kaniyang enerhiya rito.

"Buwiset, hindi ko aakalaing kahit ang sariling konsepto ng Tubig at Apoy ay hindi ko natalo ang halimaw na ito." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang sarili habang makikita na nahihirapan siyang patumbahin ang halimaw na ito. Mistulang invincible ito sa kaniyang depensa sa katawan na kahit na siya ay hindi man lang mabutas-butas ang katawan nito.

Hindi makakapayag ang binatang si Van Grego na hindi siya makakaalis sa lugar na ito.

Agad na nagliwanag ang mukha ni Van Grego nang maisip ang kaniyang ideyang naiisip sa oras na ito.

"Kung hindi kita mapapaslang ngayon ay maaari naman kitang hulihin hehehe..." Sambit ng binatang si Van Grego habang nakangisi.

Gamit ang kaniyang Interstellar Dimension ay mabilis na pinagana ni Van Grego ang parehabang singsing niya. Mistulang namamang pa rin ang binatang si Van Grego dahil sa bagay na ito. napakalawak din ng dimensyong ito at sigurado siyang mahina ang attack power ng halimaw ngunit ang depensa nito ay talaga namang nakakamangha. Maaari niyang gamitin ang halimaw na ito sa ibang mga bagay lalo na bilang cannon fodder. Naaalala niyang maikukumpara niya rin ito sa Black Beetle Beasts ngunit magkaiba ang kanilang functionality sapagkat ang uri ng Black Beetle Beasts niya ay para lamang yun sa Auxiliary purposes at hindi pwedeng panlaban. Hindi niya nais ipakita iyon sa ibang mga martial artists lalo na sa mga matataas ang kaalaman sa mga pambihirang bagay. Magdudulot lamang iyon sa kaniya ng sakuna. Magagamit niya ang halimaw na ito sa pagsangga sa mga atake.

Walang sinayang na oras si Van Grego at mabilis niyang pinagana ang sariling suction force ng nasabing Interstellar Dimension.

"Whooo... Whooo... Whooo... "

Dito ay animo'y hinihigop ng Interstellar Dimension ang nasabing halimaw kung saan ay nasa itaas lamang ito ng uluhan ng halimaw na Black Bladed Maggot.

"Uwwuuuhhh... Uwwwuuhhhh... Uwwwuuuhhh..."

Nagmistulang nagpakawala ng tunog ang Black Bladed Maggot ng napakalakas kung saan ay parang ramdam ni Van Grego na napakalayo nang narating ng sound wave nito sa hangin.

"Masama ito, parang magtatawag pa ata ito ng mga kakampi o kasamahan nito. Kailangan kong makulong ang halimaw na ito at makaalis sa lugar na ito sa lalong madaling panahon!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang pangamba sa boses nito. Alam niyang hindi lamang ang kasamahan nito ang maaatract nito kundi ang iba pang mga malalakas na mga Martial Beasts sa kapaligiran.

Agad na tinodo ni Van Grego ang kaniyang pagkontrol sa suction force ng Interstellar Dimension habang makikitang unti-unting umaangat sa lupa ang halimaw. Maging ang mga naglalakihang tipak ng mga bato at mga kulay abong mga piraso ng lupa ay nangadala sa loob nito.

Maya-maya pa ay tuluyan na ngang umangat sa lupa ang Black Bladed Maggot habang makikitang ayaw nitong mapunta sa nakakatakot na itim na dimensyon na walang iba kundi ang Interstellar Dimension.

"Uwwuuuhhh... Uwwwuuhhhh... Uwwwuuuhhh..." Tanging ang tunog na lamang ito ang huling maririnig sa halimaw bago ito pumasok ng sapilitan sa loob ng Interstellar Dimension dahil sa napakalakas at tindi ng suction force ng nasabing kakaibang Dimension. Tiwala si Van Grego na hindi matatalo ang halimaw na ito sapagkat maraming mga Cultivation resources doon.

Nang tuluyan ng makapasok ang nasabing halimaw na Black Bladed Maggot sa loob ng Interstellar Dimension ay saka lamang napahinga ng maluwag si Van Grego.

Agad na pinalitaw ni Van Grego ang Book Artifact sa kaniyang harapan.

"Saan bang direksyon nakatira ang mahihinang Martial Ancestor Realm Beasts dito?!" Sambit ni Van Grego habang makikitang kinakabahan siya. Kaunting oras na lamang ang nalalabi sa kaniya. Kung hindi pa siya aalis ay siguradong malaking problema ang kakaharapin niya.

"Scanning... Data Analyzing... Complete. There are no weaker Martial Ancestor Realm Beast but based on the thickness of heaven and Earth Qi, the weaker natural energy is on that area. " sambit ng Book Artifact sa mechanical voice nito habang nakatingin ito sa isang lugar.

"Salamat naman." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang nakatingin sa direksyon nakaturo ang Book Artifact. 

Gamit ang kaniyang sariling paningin ay hindi makita ni Van Grego ang totoong kabuuan ng nasabing lugar pero alam niyang medyo mahina nga ang enerhiyang naroroon sa lugar na iyon.

Nagpapasalamat ng malaki si Van Grego sa tulong ng Book Artifact na ito. Hindi man ito ganoon kalakas o mayroong pambihirang bagay kagaya ng ibang mga Book Artifact pero ang talino at talento nito sa pagsuri ng paligid at bagay -bagay ay nakakamanghang tunay.

WHOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH! ...!

Agad na nilisan ni Van Grego ang lugar na ito sa pamamagitan ng pamamagitan ng pag-activate ng kaniyang Fiery Hawk Movement Technique.

Nilakbay ni Van Grego ang direksyong itinuro ng nasabing Book Artifact na ngayon ay nasa kaniyang wrist na. Hindi niya maaaring baliwalain ang panganib sa paligid ngayon pang sigurado na siyang hindi lamang Martial Beasts ang naririto at gumagala kundi mayroon pang ibang mga nilalang na nakatira sa mga pook na ito.

Hindi maipagkakaila ng binatang si Van Grego na naalarma siyang matuklasan na mayroong mga mas mataas na Cultivation Level ang mga Martial Artists na naririto sa lugar na ito na tinatawag na Tombstone Battlefield. Hindi dapat balewalain ang mga factors na ito sapagkat baka ito pa ang maglalagay sa kaniya sa ibayong panganib. Ang naiisip niya ngayon ay pumunta sa lugar na maaari o masasabi niyang malaki ang tsansang makaligtas siya sa panganib ngayon at maging pansamantalang lugar pahingahan niya para balaking mas magpalakas pa lalo. Ang prioridad niya ngayon ay palakasin ang kaniyang Essence Gathering System at ang Body Transformation System niya.

...

Ilang oras din ang naging paglalakbay ni Van Grego kung saan ay nakita niya lamang ang kaniyang sarili na nasa isang lugar na hindi masyadong malakas ang daloy ng Heaven and Earth Qi rito ngunit alam niyang mas marami at makapal ang Heaven and Earth Qi sa lugar na ito kung saan ay hindi rin dapat balewalain dahil isa pa rin itong Tombstone Battlefield na siyang ang bawat bagay at lugar ay lubhang delikado kung saan ang mga pook na maaaring mapuntahan ng isang nilalang ay pinamumugaran ng panganib.

Dahil sa talas ng amoy at paningin ng binatang si Van Grego ay masasabi niyang napakadelikado pa rin ng lugar na ito.

Whooo... Whooo... Whooo...

Ang hangin ay medyo magulo pa rin at masasabi niyang dense din ang natural na paligid. Napakaganda ng lugar na ito ngunit masukal pa rin. Parang masukal na kagubatan ngunit mayroon din parte na medyo maaaliwalas at walang ganoong mga nagtataasang puno.

Pansin rin ng binatang si Van Grego na masyadong marahas ang hampas ng hangin at makikita niyang mayroong mga kakaibang magkakaibang mga estraktura ng daan na parang tunnel na mayroong hindi pantay-pantay na malalaking butas. Parang isang malaking anyong lupang nagsisilbing separate place sa tatlong butas na ito.

"Hindi ko aakalaing mayroong ganitong klaseng pormasyon ng anyong lupa rito. Ano kaya ang pipiliin ko sa tatlong tunnel hole na ito?!" Sambit ng binatang si Van Grego sapagkat nakikita ni Van Grego na masyadong kakaiba at sigurado siyang iba-iba ang patutunguhan ng bawat butas ng tunnel na ito. Sa unang butas kasi ay may malaking butas at makikitang mayroong bitak-bitak pa ang mga ito. Mistulang konting galaw lamang ng butas na ito ay baka magiba pa at magbabagsakan ang mga lupa. Masasabi ni Van Grego na mayroong malaking nilalang na dumadaan rito at mistulang malakas rin ito.

Sa pangalawang butas na tunnel naman ay mas malaki ang butas na naririto kumpara sa unang tunnel hole. Makikita na mas dambuhala ang mga dumadaan o lumulusot na mga Martial Beast o kung anumang nilalang na naririto. Mistulang nakakabalahala ang pagkaguho o pagbabagsakan ng mga tipak ng lupa rito. Hindi rin maipagkakailang hindi usual ang tunnel hole na ito na gawa sa lupa lamang. Kung anuman man ang dumaraan o lumalabas at pumapasok na nilalang rito ay siguradong mga dambuhala o higante ang mga bulto nito.

Sa pangatlong tunnel hole naman ay halos parehas lamang ang butas o hole ng naunang tunnel hole na inobserbahan ng binatang si Van Grego. Makikita rin na medyo hindi rin nilulumot din ito na siyang masaaabing madalang lamang ang dumaraan dito. May maliliit na halaman din tumutubo sa tunnel na ito.

Agad na nag-isip si Van Grego ng maigi kung saan siya papasok upang lakbayin ang lugar na ito. Ginagamit niya lamang ang kaniyang obserbasyon at intuition sa pag-iisip sapagkat parang may kung anong misteryosong enerhiyang pumipigil sa kaniyang divine sense upang suriin ang looban ng nasabing tunnel hole.

"Ang unang tunnel ay masasabi kong dinadaan palagi ng mga martial beasts o ng mga nilalang maging ang pangalawang tunnel hole ay ganoon rin ngunit ang pangatlo ay madalang o hindi dinadaanan palagi ng sinumang nilalang. Base rin sa mga tunnel ay halos pareho lamang laki ng butas ng tunnel hole ng unang tunnel hole at ang pangatlong tunnel hole na masasabing avarege lamang ang laki ng mga nilalang na dumadaan dito ngunit ang pangalawa tunnel ay siguradong mayroong dambuhalang mga halimaw na pumapasok rito.

Sa tatlong tunnel na ito ay mayroong lumalabas na mga Heaven and Earth Qi at masasabing ang pangalawang tunnel at pangatlo ang pinakamaraming lumalabas na Heaven and Earth Qi habang ang una ay mumunting natural na enerhiya lamang hmmm..." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang inaanalisa ang mga bagay-bagay na naobserbahan niya o kaya ay napansin niya. Hindi kasi maaaring magpadalos-dalos siya ng desisyon patungkol rito dahil baka magkamali siya ng tantiya ng sitwasyon at mali ang mapasukan niyang tunnel hole kung saan ay baka malagay ang kaniyang sarili sa mas delikadong sitwasyon na hindi niya gugustuhing mangyari.

"Hindi ako maaaring magtagal sa labas ng tatlong tunnel hole na ito. Kailangan kong mamili sa tatlo sa madaling panahon dahil baka may lumabas pang nakakatakot at nakapangingilabot na halimaw o nilalang sa lugar na ito." Sambit muli ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang makikita ang pangamba sa kaniyang pagmumukha. Tiyak na mas malaki ang magiging problema niya kapag mangyayari ito. Kailangan niyang ikonsiderang nasa tatlo siyang magkakaibang tunnel na iba ang kalalabasan o patutunguhan nito. Once na mamili siya ay baka doon na siya ma-stock o manatili lamang kung saan siya dadalhin nito.

"Wala rin mawawala kung sa unang tunnel ako pupunta. Palagay ko ay 60% - 80% ang survival rate ko dito." Sambit ng binatang si Van Grego habang matapos niyang maanalisa ang mga bagay-bagay. Ang unang tunnel lang kasi ang naiisip niyang nasa Average ang lahat ng bagay-bagay kumpara sa dalawa pang mga tunnel hole. Ang pangalawa kasing tunnel hole kasi ay mayroong dambuhalang butas kung saan ay masasabing dambuhala ang mga nilalang na posibleng dumaraan dito at malaki ang tsansang mayroong mga dumaraang malalakas at dambuhalang halimaw o nilalang rito.

More Chapters