Hindi maaaring maging pabaya lamang siya sa kasalukuyan isa pa ay isa rin siyang magaling na Màrtial Chef at marami siyang napreserbang pagkain sa loob ng isa sa kaniyang Interstellar Dimension na punong-puno ng mga pagkain as in literal na puno yung tipong nag-uumapaw ang laman niyon na para lamang sa mga masaaarap na mga pagkain.
Hindi namamalayan ng binatang si Van Grego na lumipas na ang dalawang buwan. Maging ang kaniyang kaarawan ay nalimutan niya na dulot ng masigasig niyang training isa pa ay nakaligtaan niya na ang oras at panahon kaya natural lamang ang kaniyang pag-uugaling ito. Para sa martial artists o Cultivators ay hindi mahalaga ang mga kaarawan o espesyal na okasyon sapagkat isa silang mga tao o nilalang na naghahanap at nangangarap na lakaran ang larangan ng imortalidad at hindi ng ordinaryong nilalang o tao.
Dahil sa puspusang training nito nakaligtaan na ng binatang si Van Grego ang paparating na mga panganib sa kaniyang buhay kung saan ay malapit niya ng makaharap at danasin.
...
Kasalukuyang nag-eensayo si Van Grego lung saan ay nakaramdam siya ng ibayong panganib sa paligid. Nakita niya ang mabibilis na galaw ng mga nilalang na papalapit sa teritoryo niya na lokasyon niya mismo.
Agad namang pumunta si Van Grego sa direksyong nararamdaman niya ang panganib ngunit buong pag-iingatang ginawang ito ni Van Grego. Sa loob ng mahigit dalawang buwang pag-eensayo niya ng Pisikalan at sa larangan ng pagpapalakas ng kaniyang Essence Energies maging ng kaniyang mga natutunang konsepto ay mas naging maayos ang kaniyang kalagayan sa lugar na ito.
Ginamit niya ang natural na kakayahan ng konsepto ng Space upang maikubli ang kaniyang sarili sa lugar na gusto niyang puntahan. Hindi niya naman kailangang gumamit ng mga skills dahil hanggang ngayon ay doble consumptions pa rin o triple consumptions pa rin ngunit mabuti na lamang ay hindi ganoon galaki kumpara noong gumagamit siya ng skills. Sigurado siyang kailangan niyang manatili sa lugar na ito kung saan ay dapat niyang matutunang gamitin ang mga natural na kakayahan niya maging ang dapat niyang matutunan para mas maging convenient ang lahat ng bagay sa kaniyang sa lugar na ito.
"Kailan kaya uunlad ang aking kakayahan. Dalawang buwan na ang training ko ngunit malayo pa ako sa tinatawag na Complete adapation ng sobrang harsh environment ng Tombstone Battlefield na ito." Sambit ni Van Grego habang makikita ang frustrations nito. Nasa loob siya ng closed space kaya di siya nangangamba na mahuli siya rito. Isa pa ay kailangan njyang maging handa sa lahat ng oras. Pakiramdam ni Van Grego ay kailangan niyang makaalis sa lugar na ito sa madaling panahon. Hindi siya makakampante sa lugar na ito. Ipinapangako niyang kapag natapos na ang kaniyang pag-eensayo at pag-adjust sa lugar na ito ay kailangan niya ng umalis rito.
Ngunit ang sinabi ni Van Grego ay siguradong uusigin ng mga Martial Artists na nakapunta na sa lugar na ito. Dahil sa harsh environment ng lugar na ito ay masasabing kahit manatili sila sa lugar na ito na isa sa mga napakadelikadong Battlefield ay siguradong malalaglag ang panga ng mga ito sa sinabi ng binatang si Van Grego. Siguradong manlalaki ang kanilang mata at uusok ang ilong nila sa sinasabi nito. Maikukumpara kasi na 10% adjusted na si Van Grego sa pag-adapt ng lugar na ito ngunit sila ay baka abutin ng taon para makamit lamang ang sampong porsyento ng uri ng adaptasyon ng lugar na ito.
Maya-maya pa ay naramdaman ng binatang si Van Grego ang presensya ng isang nilalang na ilang metro lamang ang layo sa kaniya. Parang nakadikit lamang ang binatang si Van Grego sa lugar habang ang nilalang na nasa harapan niya ay halos sumikip ang dibdib ng binata sa kaniyang nakita at base sa lebel ng Cultivation nito. Hindi maipagkakailang isa itong Martial Dominator Realm Expert.
Ngunit hindi lamang ito ang nagpakaba at nagpakilabot sa binatang si Van Grego kundi ang kaanyuan ng nilalang na ito at masasabi niyang isa itong babaeng may lahing ahas. Kung paano niya ito nahalata ay dahil sa buntot nito na kulay berde na nasa likuran niya ngunit paa ito at kamay. Hindi maipagkakaila ng biantang si Van Grego na hindi lamang ito simpleng taong ahas lamang kundi isang malakas at talentadong Màrtial Artist.
Nakakaba at nakakapangilabot ang sitwasyon ni Van Grego sapagkat mistulang suminghot-singhot pa ito sa hangin na animo'y kay hinahanap na kung naong bagay o nilalang.
"Paano'ng nangyari ito?! Hindi ko aakalaing naamoy pa ako ng babaeng ahas na ito at gusto pa akong gawing hapunan. Kung minamalas ka nga naman." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang. Hindi nito lubos aakalaing napakatalas ng pang-amoy ng dalagang ahas na kaedaran niya lamang. Base sa pagsinghot at pag-amoy nito ay hindi na maganda ang kutob niya rito na siyang ikinabahala niya. Sigurado siyang mga higit kumulang limangpong kilometro ang layo ng babaeng berdeng ahas na ito sa kaniya. Imposible namang nagkataon lamang ito ng swerte o kaya ay normal na insidente lamang.
Agad na pinalabas ng binatang si Van Grego ang kaniyang Book Artifact.
"Ano bang klaseng nilalang iyan ha?! Ano'ng uri ito ng ahas?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang puno pa rin ng kuryusidad sa pananalita nito. Halatang hindi nito aakalaing may ganitong nilalang rito na pagala-gala. Kung napakarami nitong lahi rito ay malamang sa malamang ay mamamatay siya rito. Napakataas ng Cultivation Level nito na kayang pulbusin ang isang hamak na Martial Ancestor Realm Expert na katulad niya.
"This species having such characteristics is called Green Snake. It almost one to be considered as a venomous tribe in Tombstone Battlefield. You're current Cultivation Level and abilities are nothing compared to her." Sambit ng Book Artifact sa mechanical voice nito habang umilaw-ilaw pa ang gitnang bahagi ng pambihirang libro.
"Kung ganon pala na napakadelikado pala ng lugar na ito. Hindi ko aakalaing ------" hindi na naituloy ng binatang si Van Grego ang kaniyang sinasabi nang biglang pumunta sa tapat niya mismo at bumungad ang nakakatakot na mukha ng dalagang ahas habang animo'y natatakam pa itong sinisinghutan ang kaniyang paligid habang animo'y may hinahanap.
