WebNovels

Chapter 254 - Chapter 83

Kahit nakahanda ang binatang si Van Grego sa mabilisan at hindi inaasahang pangyayari kung saan tumama ang pangalawang dambuhalang boltahe ng kidlat na iyon ay masasabing nagkaroon ito ng malakas na impact sa binata. Dumaloy pa rin sa katawan nito ang malakas na boltahe ng kuryenteng naglalaman ng Violent energy mula sa natural na hagupit ng kalangitan.

"Arrcckkkkkkk!" Sambit ni Van Grego habang mabilis na nanginig ang kalamnan nito saka napasukang muli ng sariwang dugo. Kahit magkanon man ay hindi pa rin ibinababa ng binatang si Van Grego ang kaniyang sariling kamay upang ayusin ang pinsalang natamo ng Ancient Thunder Absorbing Shield. Likas na nakapangingilabot man ang atakeng iyon ay hindi pa rin maiwan-iwan sa isip ni Van Grego na kailangan niyang maging matatag at saluhin ang maaaring atake ng kalangitan.

"Hindi maaaring maging ganito lamang ang maaaring mangyari sa akin. Kung magiging mahina ako sa ganitong klaseng suliranin ay mauuwi lamang sa wala ang lahat ng aking pinaghirapan." Sambit ni Van Grego hàbang makikita ang bagabag sa mukha nito na ngayon ay halos hindi na makilala ang mukha nito. Bakas rin sa mukha nito ang iba't ibang negatibong emosyon at paghihirap. Hindi rin maitatangging natuyo na ang sariling dugo nito na dumaloy gilid ng labi nito. Nakakaawang pagmasdan ang senaryong ito na hindi lubos maiisip ng iba lalo na ng mga kaibigan niya ang pangyayaring ito. Tama nga ang sabi ng iba, mas mabuting mamatay ka ng agaran kumpara sa magdusa ka at pasakitan ang iyong sarili habang nabubuhay ka ngunit para sa binatang ito ay gagawin niya ang lahat upang mabuhay makamit ang hustisya sa mundong ito. Akala niya ay kaya niya ngunit kalunos-lunos ang sinapit nito. Kahit sino ay hindi maiisip na iba ang prinsipyo nito at adhikain. Nakakalungkot lang isipin na palagi lamang nasasangkot sa iba't ibang klaseng gulo ang binata o yung masasabing lapitin talaga ito ng gulo o kapitin ng malas.

Magkagayon man ay patuloy lamang ang binatang si Van Grego sa pag-ayos ng pinsala ng Ancient Talisman na Ancient Thunder Absorbing Shield. Hindi nito alintana ang malalang kalagayan nito. Mistulang mas tinuon pa ng binata ang kaniyang atensyon sa pagsaayos ng mga nasirang pinsala ng kaniyang pambihirang panangga upang hindi maapektuhan ang pill na kaniyang ginawa.

Ang kaniyang lakas ay halos pasaid na rin. Sa napakadungis na anyo ng binatang si Van Grego sa kasalukuyan ay mistulang maaawa ang sinuman rito ngunit sa napaka-remote place na ito na pinamumugaran ng mga malalakas na Martial Ancestor Realm Beasts ay walang siyang maaaring hingan ng tulong o paggabay sapagkat ang tanging kailangan niyang asahan ay ang kaniyang sarili lamang. Isa pa ay kung meron mang gumagalang nilalang rito ay hindi niya naman kilala ang mga ito or worst ay baka ito pa ang pumaslang sa kaniya. Alinman sa mga choices na naiisip niya ay walang magandang dulot sa kaniya. Tiyak siyang namomroblema din ang Martial Monarch Realm Expert na si Rain sa kung saan man ito napadpad maging ang Martial God Realm Expert na si Princess Nova Celestine. Kahit na isa itong prinsesa ay sa lugar na ito ay hindi siya prinsesa kung maituturing kundi isa lamang ring pataba sa napakaraming malalakas na nilalang na mga Martial Beast na malalakas na mayroong lebel na Martial God Realm Expert pataas. Maaaring mapaslang ang sinuman rito kahit pa ang isang Martial God Realm Expert.

Maaayos na sana ni Van Grego ang huling pinsalang natamo ng Ancient Talisman na Ancient Thunder Absorbing Shield ngunit nagulat na lamang siyang mayroong dalawang naglalakasang boltaheng muli ng kidlat ang biglang tumama sa pambihirang panangga na kaniyang inaayos.

"BAAAANNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!!!!"

"BAAAANNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!!!!"

"Sjjjttttsss...!!!!"

"Sjjjttttsss...!!!!"

Agad na naramdaman ni Van Grego ang pagdaloy ng nakakapanginig laman na bayolenteng enerhiya mula sa boltahe ng kidlat na dumaloy papunta mismo sa kaniyang katawan.

"ARRRGGGGHHHHHHHHH!!!!!!!!"

Malakas na daing ni Van Grego habang mistulang napakuyom pa sana ang kamao nito ngunit pinigilan niya lamang ang kaniyang sariling gawin ito. Napabuka pa ang bibig ng binata habang malakas na sigaw ang binitiwan nito. Lumitaw ang mistulang pool of blood ang bibig nito. Napaluha pa ang binatang si Van Grego habang bakas sa ekspresyon ng mukha nito ang labis na sakit at paghihirap na naramdaman nito. Kalunos-lunos ang sinapit nito sa kasalukuyang atake ng Heavenly Dao Tribulation. Walang pakundangan at walang kasingsakit ang naramdaman nito sa tanang buhay niya.

Naramdaman ni Van Grego ang napakagulong enerhiya sa kaniyang dantian. Hindi niya aakalaing nakapasok na ang mga Violent energy hindi lamang sa kaniyang buong katawan kundi sa pinaka-fragile na area ngunit maituturing na innermost layer ng kaniyang tiyan.

"Ano na ang mangyayari sa akin. Kapag nagpatuloy pa ito ay tuluyan na akong maki-cripple. Hindi maaaring mangyari ito." Sambit ni Van Grego habang makikita ang nahintatakutan ekspresyon nito. Wala na siyang pakialam kung ano man o sinuman ang makakakita ng kaniyang sariling pagmumukha ngayon pero ang kaniyang pangamba ay umabot na sa sukdulan.

Agad na ikinalma ni Van Grego ang kaniyang sarili upang manumbalik ang kaniyang konsentrasyon. Nakita niya ang kaniyang sariling lumubog mismo ang kaniyang sariling paa sa lupa. Talagang malala talaga ang sinapit niya ngayon at masasabi niyang napaka-vulnerable niya ngayon. Halos pasaid na talaga ang mga enerhiya nito. Ang kaniyang Moon Qi at Spiritual Qi ay kaunti lamang ang suplay na napoproduce ng kaniyang dantian dahil hindi naman niya ito natural na enerhiya sa katawan kundi isang transfusion lang dulot ng kinain niyang pambihirang Ancient Pill na Moon Blossom Pill. Ang kaniyang Essence Energies naman ay porket napakarami nito ay halos nagamit niya rin ito sa paggawa ng Ancient Martial Pill na tinatawag na Olfactory Pill o Wolf Pill. Ang kaniyang sariling Astral Energies naman ay halos wala na rin kahit na sabihing pangdepensa o pagpapatibay ng katawan niya ang enerhiyang ito ay halos nasaid na rin na siyang ginawa niyang pangdepensa at pagpapatigas ng kaniyang katawan. Alinman sa mga ito ay nasa verge na ng paghihina at pagkasaid sa enerhiya ang binatang si Van Grego.

Maya-maya pa ay nagulat na lamang si Van Grego nang biglang tumama naman ulit ang limang napakabilis at malalakas na boltahe ng kidlat na direktang tumama sa Ancient Talisman na Ancient Thunder Absorbing Shield.

"BAAAANNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!!!!"

"BAAAANNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!!!!"

"BAAAANNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!!!!"

"BAAAANNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!!!!"

"BAAAAAAAANNNNNNNGGGGGGGGGHGGGGGGG!!!!!!!!"

Napakalakas ng tunog ng pagbangga ng sunod-sunod na boltahe ng kidlat kung saan ay makikitang nagkaroon ng malaking pinsala sa Ancient Thunder Absorbing Shield.

"Sjjjttttsss...!!!!"

Sa unang pagdaloy ng bayolenteng enerhiya sa katawan ng binatang si Van Grego ay mistulang nagkaroon ng napakasakit na sensasyon ang dumaloy sa katawan ng nasabing binata ngunit nakaya pa nitong i-withstand ang sakit habang makikita ang sakit sa mukha nito.

"Sjjjtttttttsssss...!!!!"

Sa pangalawang pagtama at pagdaloy ng bayolenteng enerhiya sa enerhiyang inilalabas ng katawan ng binata sa kamay ay siya rin namang pagdaloy papasok ng enerhiya mula sa katawan ng binatang si Van Grego. Nagkaroon ng pagbakas ng sakit sa mukha nito. Mistulang lumalim ang lupang tintapakan niya.

"Sjjjjjjttttttttsssssss...!!!!"

Sa pangatlong pagtama at pagdaloy ng bayolenteng enerhiya ng boltahe ng kidlat ay mistulang dumaloy ang napakasaganang dugo sa bibig ng binatang si Van Grego habang makikita ang pagkiskisan ng ngipin ng binata habang animo'y nagpipigil. Mas lumalim pa ng ilang dangkal ang pagbaon ng paa nito sa lupa.

"Sjjjjjjjjjjjjjttttttttsssssss...!!!!"

"AHHHHHHHHH!!!!!!

Sa pang-apat na pagtama at pagdaloy ng bayolenteng enerhiya ay mistulang napasigaw na ang binatang si Van Grego sa kaniyang kinaroroonan mismo. Ang buong katawan niya ay mistulang dinaluyan ng bayolenteng enerhiya kung saan ay ang astral energy nito ay mistulang pinuksa nito ang mga enerhiyang nadadaan nito. Makikita rin na halos lumubog hanggang tuhod ng binatang si Van Grego sa kulay abong lupa.

"Ssssssjjjjjjjjjjjjjttttttttttttsssssss...!!!!"

Sa panglima o panghuling kidlat na tumama sa Ancient Talisman na Ancient Thunder Absorbing Shield ay siya namang napakalakas na pagtama at nagpanging sa buong katawan ng binata ng matagal kung saan ay ang kaniyang sariling dantian ay nagmistulang napuno at nagtipon ang mga bayolenteng enerhiya kung saan ay nagmistulang nagwawala ang mga foreign yet violent energies there.

BAAAAANNNNNNGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!

Hindi na nakayanan ng katawan ni Van Grego ang labis na pagtama ng mga enerhiya sa kaniyang katawan kung saan ay nagrepulse ang kaniyang enerhiya at napinsala ang kaniyang dalawang kamay kasabay nito ay ang mabilis niyang pagtilapon sa malayo kung saan ay sumabog rin ang lupang kinalalagyan niya kanina.

Tila namanhid ang buong katawan ni Van Grego habang makikita ang labis na sakit sa kaniyang katawan lalo na sa ekspresyon niya sa kasalukuyan.

Makikitang nakadapa ang binatang si Van Grego matapos siyang mistulang lumipad at tumilapon sa malayo. Napinsala rin ang dalawang kamay nito kung saan ay makikita ang mistualang pamumula nito at pagdugo.

"Kung minamalas nga naman ako. Masyadong malakas ang Heavenly Dao Tribulation na ito kumpara sa mga naunang tribulations na dinanas ko." Sambit ni Van Grego habang makikita ang tila nawawalan nitong pag-asa.

Maya-maya pa ay naramdaman ni Van Grego ang isang kakaibang enerhiyang nasa bandang likod niya lamang.

Akmang babangon pa sana siya paharap ngunit nabigo lamang ang binatang si Van Grego sa kaniyang binabalak.

"Hindi ko aakalaing hanggang ngayon ay isa ka pa ring napakahinang nilalang Van. Nakakaawa ngunit nakakapanghina ang kamangmangan mo, bwiset!!!!" Sambit ni Valc habang makikita ang galit na ekspresyon sa binata. Medyo dumiin ang psgkakadapa ni Van Grego nang maramdaman nito ang pagtapak ng paa ng bagong saltang nilalang sa likod niya.

Nang marinig ni Van Grego kung sino ang nagsalita ay mistulang nagulat pa siya rito ngunit agad ring kumalma ang kaniyag ekspresyon sa mukha.

"Ano'ng ginagawa mo rito Valc?! Paano ka nakapunta sa lugar na ito?!" Gulat na gulat na sambit ni Van Grego. Labis siyang nagtataka kung bakit naririto ang mapagpanggap na kambal niya daw na nagngangalang si Valc Grego na hindi niya sinang-ayunan.

"Kalma Van, ako lang to. Nagulat ka ba sa aking pasurpresang pagdalaw sa iyo. Bakit hindi ka man lang natuwa. Atleast diba ako ay dumadalaw sa iyo pero ikaw ay hindi man lang gugustuhing makita ako?!" Sambit ng binatang si Valc Grego habang makikita at mahihimigan sa boses nito ang animo'y pagkalungkot at pagtatampo.

"Tsk! Talagang nasurpresa ako sa iyong pagdating aking kakambal ngunit sa itsura ko ngayon ay parang wrong timing ka naman ata. Ano gusto mong gawin ko, bisitahin kita habang may ginagawa ako? Parang hindi naman maganda iyon." Sambit ni Van Grego habang mababakasan ng pagiging sarkastiko ang boses. Halatang hindi nito alam kung ano naman ang ipinunta ng kakambal niya daw. Pero ang maaari niyang gawin ay kumalma. Hindi niya alam ang pag-uugali ng nagpapanggap na kakambal niya na in the first place ay wala naman talaga. Ano yun, papaniwalaan niya na kambal. Lumabas sa katawan niya tapos kakambal? Di naman siya siguro siya nagbuntis at nagluwal bigla ng kamukha at kasing edad niya diba?! Kahit saang logical process ay wala sa lahat si Valc Grego. Misteryo pa rin ang katauhan, ugali at ang tunay na kakayahan nito kaya ang maaaring gawin niya ay wag itong galitin. Hahayaan niyang tangayin lamang siya ng agos ng buhay at ng pangyayaring ito kung ano ba talaga ang mangyayari.

"Hahahaha... Tama ka sa iyong sinasabi ngunit tunay ngang bad timing nga ang pagkarating ko rito. Napakadungis mo na at marami ka pang pinsalang natamo. Nakakaawa ang kalagayan mo hehehe..." Sambit ni Valc Grego habang makikita ang palihim nitong pagngisi na siyang nakit ni Van Grego.

"Oo nga eh. Teka nga, ano pala ang ipinunta mo rito?! Bakit parang may hindi ka sinasabi sa akin?! Tsaka pwede bang wag mo kong tapakan parang timang tayo kung mag-usap nito eh" Sambit ni Van Grego na animo'y nagtatampo habang nakatingin sa lupa. Pero ang gusto talagang sabihin ni Van Grego ay " back off... Talagang may gana ka pang magpakita sa akin matapos mo kong pinsalain at pagbantaan. Parang close talaga tayong pontio pilato ka noh?! Talagang nakalimot ka boy?!" ngunit pinigilan niya lamang ang kaniyang sariling sabihin ito. Nasa estado siya na off-guard at ang galitin ang binatang si Valc Grego ay isang maling pamamaraan o wrong move. Sa oras na mag-away sila ay siya ang nasa alanganing sitwasyon na hindi niya maaaring gawin. Sabi nga nila, ang unang mapikon ay talo. Mistulang napaikot na lamang angmga mata ni Van Grego sa pagiging sarcastic at mapagpanggap ng si Valc Grego.

More Chapters