Ba-baguhin ang mundong ito?! Kung gayon ay totoo ang sinabi ng isang masamang orakulo noon, ang pagkawasak ng mundong ito noon dahil sa digmaan ay mangyayaring muli pero sa oras na mangyari ito ay mas malala at mas malawak. Mayroong dalawang nilalang ang lilitaw, ang isa'y katiwasayan, ang isang kawakasan. Isa laban sa sarili nito. Isa ang mananalo at isa ang matatalo. Hindi kaya ikaw ang tinutukoy niyon Lord Valc?!" Sambit ni Veno habang makikita ang labis na gulat at mangha sa kanyang mukha.
"Hmmm... Hindi ko aakalaing mayroong masamang orakulo sa mundong ito ang nakaligtas sa digmaan. Ayon sa binasa ko noong nakaraan ay wala ng masamang orakulo ang natira upang ipagpatuloy ang pagpractice ng evil divinity. Kung gayon ay may nakaligtas sa naunang propesiya." Sambit ni Valc habang makikita ang sobrang pagkagulat at pagkamangha. Hindi niya aakalaing mayroong gustong tuklasin ang mangyayari sa hinaharap. Kung gayon ay isa itong nakakamanghang pangyayari. Isa pa namang taboo at ipinagbabawal ng kalangitan ang sinumang nagpa-practice ng Black Magic upang alamin ang hinaharap na mangyayari.
"Hahaha... Siya ang pinakabihasa at pinakatusong Orakulo sa mundong ito. Pinaniniwalaang malapit niya ng makamit ang isang World Truth sa mundong ito." Sambit ni Veno habang makikita ang sobrang paghanga sa nasabing masamang orakulo. Hindi niya aakalaing mayroong nasa panig nila ang patuloy na sinasalungat ang kagustuhan ng kalangitan.
"Ngunit hindi rin magtatagal ang buhay nito. Pero pwede ko siyang maging kakampi hehehe... Ngayon ay ipapadala ko ang Darkness Fruit of Will sa kaloob-looban ng iyomg dantian. Humanda kang indahin ang nakakapasong init mula sa prutas." Sambit ni Valc habang makikita ang kakaibang paggalaw ng kaniyang kamay habang animo'y unti-unting nabalutan ng napakaitim na enerhiya ang katawan ni Veno.
"Ano ito?! Bakit ganito? Napakainit!" Daing ni Veno ng maramdaman niya ang biglang pag-init na animo'y nililiyaban àng kaniyang sariling katawan ng nagbabagang enerhiya mula sa loob ng kaniyang dantian. Ramdam niya ang animo'y bumubulusok na bagay na tatama mismo sa kaniyang dantian.
"Tiisin mo aking alipin. Kung gusto mong mas lumakas pang lalo!" Sambit ni Valc habang animo'y natutuwa pang nakikitang nahihirapan si Veno mula sa hagupit ng paghanap ng lugar ng Darkness Fruit of Will sa loob ng dantian nito.
"AHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!" Sigaw sa sakit ni Veno dahil sa hagupit ng kakaibang init mula sa nasabing Darkness Fruit of Will. Hindi nito lubos maisip na napakainit pala ng nasabing prutas na ito.
Napuno ng sigaw ang buong kweba ngunit ilang minuto lamang ang nakakalipas ay biglang nagbago ang buong kulay ng Mutated Giant Black Bear sa napakaitim na balahibo nito na mayroong itim na enerhiyang nakapalibot rito. Ang mata ng nasabing halimaw na si Veno ay naging purong itim katulad ng gabi habang nababalot ng mga hindi mabilang na mga ugat.
"Sa wakas ay lumitaw ka na Dark 1 hehehe..." Sambit ni Valc habang makikita ang sobrang galak ng makita ang bagong katauhan na meron ito.
"Hmmmp! Sino ka?! Hindi ko aakalaing napakaswerte ko sa iyong piniling linlangin at napakswerte ko rin dahil magiging permanenteng katawan ko na ito hehehe..." Sambit ng nilalang na nasa katawan na ni Veno na si Dark 1.
"Ako si Lord Valc, ang tagahatid ng kawakasan sa mundong ito na tinatawag na Valoria. Iyong-iyo na iyang katawan na iyan bilang iyong pansamantalang katawan. Hindi ko aakalaing mayroong nilalang na maswerteng nakaencounter ng pambihirang Blue Luan. Ikaw ang nilagay ko diyan upang tulungan akong sakupin ang mundong ito. Ikaw ng unang binuhay ko sapagkat ikaw lamang ang makakatulong sa akin upang buhayin at bigyan ng pansamantalang katawan ang labing-isang kapwa mo Dark Lords. Ang labindalawang Dark Lords ay sisiguraduhin kong magiging pinakamalakas na nilalang sa mundong ito. Ang limang natitirang Region Emperors kasama ng natitirang walong Guardian Beast ay sisiguraduhin kong mamamatay na sa oras na mangyari ang malawakang digmaan sa mundong ito hehehe...!" Malademonyong sambit ni Valc habang makikita ang labis na kasiyahan sa kaniyang mukha.
"Mabuti nga nasa akin na at pagmamay-ari ko na ang katawang ito dahil alam ko ang sikreto sa likod ng bloodline ng Blue Luan dahil isa akong Blue Luan kung tutuusin hehehe..." Sambit ni Dark 1 habang nakangisi. Kung hindi sana nawasak ang kaniyang sariling katawan ay madali na sana niyang mapapatay o mapapaslang ang mga kalaban niyang dating pumaslang sa kanila ngunit hindi sila nagtagumpay na mapaslang sila. Sa halip ay nangamatay ang mga ito habang sila ay mayroong natirang consciousness na walang iba kundi ang Darkness Fruit of Will o mas kilala sa tawag na Dark Fruit ng Dark Tree. Kinakailangan ng ilang daang taon para makumpleto at mahinog ang bunga ng masamang punong ito. Sa kaniyang pagbuo muli ng kaniyang katawan ay madali na lamang iyon kapag naging Martial God Realm Expert na siya. Sa oras na maging Martial Stardust Realm Expert siyang muli ay sisiguraduhin niyang mananalo na siya sa oras na mangyari ang malawakang digmaan sa mundong ito. Hindi niya hahayaang mangyaring mabigong muli sila sa kanilang binabalaka na pagsakop sa mundong ito at pamunuang muli sa kaniyang pansariling pamamalakad at batas na ipapatupad.
"Kaya nga eh... Pero alam mong buhay pa ang iyong mortal na kalaban na si Veronica na isang pambihirang Saint Beast na isang Vermillion Bird na kabilang sa mga natirang Guardian Beasts ng mundong ito tama ba ko?!" Nang-aasar na sambit ni Valc Grego habang makikita ang kakaibang ngisi na nakapaskil sa bibig nito.
Maya-maya pa ay nagpakita si Valc Grego sa pamamagitan ng paglakad papalapit sa kinaroroonan ni Dark 1 na siyang nagmamay-ari na ng katawan ni Veno noon. Nakamaskara ito at balot ng purong itim na kasuotan ang buong katawan nito.
"Hmmmp! Nanalo lamang siya sa akin dahil sa pesteng kasintahan nitong si Arcon na kasinatahan nitong isang pesteng Five-Striped Golden Lion. Kung hindi dahil sa pinagtulungan nila ako ay napaslang ko na ang babaeng ibon na iyon!" Galit na pagkakasabi ni Dark 1. Hindi niya makakalimutan ang pangyayaring iyon sa tanang buhay niya.
"Teka nga, paano mo nalaman ang pangyayari na iyon at paano mo kami nahanap?! Nasaan ang labing-isang kapwa ko Dark Lords?!" Sambit muli ni Dark 1 habang makikita ang pagtataka sa binatang nakamaskara na kaharap niya. Hindi niya ito kilala at malabong nakita niya na ito noon pa man. Wala siyang alaalang nag-uugnay sa binatang ito. Ngayon niya lamang kasi nakita ito at sigurado siya sa sinasabi ng kaniyang sariling alaala.
"Hahahaha... Hindi niyo man ako kasama noon pero dahil mayroon tayo ng layunin sa mundong ito ay kailangan nating magtulungan. Hindi na mahalaga pa kung paano ko kayo nahanap o kung paano ko nalaman ang pangyayari noon. Ayaw mo bang magpalabas ng galit sa mundong ito at bawiin ang nararapat sa inyong mga Dark Lords?! Kung gusto niyong mapasainyo ang mundong ito ay kailangan niyong makipagtulungan sa akindahil tutulungan ko kayo sa inyong layunin." Kalmadong sambit ni Valc Grego habang makikita ang sinseridad sa boses nito. Sa totoo lang ay aksidente niya lamang nahanap ito sa isang lugar kung saan ay tinatawag na Dark Swamp na siyang makakatulong sa kaniya ng malaki upang tumaas ng di hamak ang kapangyarihan niyang Dark Element. Ngunit ang nakakamangha lamang rito ay naramdaman niya ang labindalawang buhay na mahimbing na natutulog sa ilalim ng Dark Swamp. Alam niyang hindi ito ordinaryo sapagkat karamihan sa mga nilalang na naliligo o nagcu-cultivate sa swamp na ito ay mabilis na umaahon sapagkat napakalakas at napakarahas ng Dark energies rito. Kung hindi makakaya ng iba ang enerhiyang mula rito ay sasabog ang katawan nila o di kaya ay magkakaroon ng Qi Deviation ang sinuman. Kaya nga karamihan sa nakapaligid rito na mga malalakas na mga Martial Beasts ay mararahas o di kaya ay wala na sariling tamang pag-iisip.
"Walang dudang natagpuan mo kami sa pinakailalim o pinakapusod ng Dark Swamp kung saan kami ay mahimbing na natutulog upang i-repair ang aming sarili sa pamamagitan ng pag-attach sa prutas ng Dark Tree. Kung ganon ay parang mayroon kang hinihinging kapalit dahil sa mga malalaking tulong o pabor na ginawa mo sa amin, tama ba ako Lord Valc?!" Nakangising sambit ni Dark 1 habang makikita ang kakaibang tingin nito kay Valc Grego.
"Tama ang iyong sinasabi. Kung hindi ako nagkakamali ay malaki ang potensyal na sasali ang isang binata sa malawakang digmaan na inyong kakaharapin. Kung ako sa inyo ay seryosuhin niyong mabuti ang labanang ito at ako ang bahala sa pesteng binatang iyon!" Babala ni Valc Grego kay Dark 1 lalo na sa mga kasamahan nitong kapwa din mga Dark Lords. Alam niyang malaking threat ang binatang si Van Grego sa magaganap pa lamang na Malawakang digmaan.
"Paano kaya kong patayin ko siya ngayon din. Sa aking palagay ay mapapatay ko ito sa pamamagitan ng lakas ko ngayon hehehe..." Sambit ni Dark 1 habang makikita ang labis na kagalakan na masubukan ang lakas niya sa bagong katawan nito.
"Yan ang hindi mo pwedeng gawin. Maliwanag kong sinabi sa'yo na ako na ang bahala sa binatang iyon. Ako ang pipigil sa kaniyang makisali o makisawsaw sa malawakang digmaang magaganap. Wala kayong maaaring gawin sa kaniya sapagkat ako lamang ang maaaring pumatay sa kaniya. Nagkakaintindihan ba tayo?! Sabihin mo rin iyan sa iba pang mga Dark Lords" Pagbabanta ni Valc Grego kay Dark 1 habang makikita na hindi ito nasiyahan sa sinabi ni Dark 1. Tiningnan niya ng matalim si Dark 1
"Hahahahaha! Pasalamat ang binatang iyon dahil hindi ko siya maaaring paslangin. Naiintindihan ko ang iyong hiling at siguraduhin mo lamang na hindi iyon makikisali pero kung makikisawsaw man siya ay wala kaming pagpipilian kundi ang paslangin rin ito kasama ng iba pang tutulong sa kabilang panig lalo na ang lalaban sa amin ng harapan." Pagmamayabang na sambit ni Dark 1 habang makikitang nilalabanan nito ang talim ng pagkakatingin sa kaniya ng nakamaskarang nilalang na nagngangalang Lord Valc.
"Kailan lang ba ako pumalpak? At talagang ako pa ang sinabihan mo ng ganon?! Isipin mo muna kung paano nating bubuhaying muli at humanap ng panibagong katawan ang iyong mga kapatid upang lumakas at manumbalik agad ang kanilang lakas sa madaling panahon bago mo pag-isipang lumaban at makipagdigma sa natitirang Guardian Beast at ang nakakulong na mga Region Emperors dahil sa kasalukuyan mong lakas at kahit mabuhay pa natin ang labing-isang kapwa mo Dark Lords ay siguradong wala kayong binatbat sa walong Guardian Beasts na matagal ng namumuhay rito at ang kanilang kabuuang lakas na kinakatakot ko ay nasa limitasyon na ng Lower Realm na ito, Ang Peak Level Martial Stardust Realm. Kung gagawa ako ng gulo o ikaw ay siguradong hindi magtatagal ay mabibisto tayo ng mga kalaban niyo. Hindi mo o ninyo gugustuhing mangyari yun hindi ba?!" Sambit ni Valc Grego habang makikita ang labis na pagkabahala sa boses nito. Himdi siya takot na gumawa mg malaking ruckus pero ang ikinakatakot niya lamang ay ang mga natitirang mga makapangyarihang Guardian Beasts sa mundong ito na walang eksaktong lokasyon ito matatagpuan. Matagal ng panahon ang mga itong nabuhay at ang malaman ang eksaktong lokasyong kinaroroonan ng mga ito ay napakaimposible. Hindi lamang pasikreto ang identity o pagkakakinlanlan ng mga ito kundi maging ang kanilang titulo ay malabong malaman ng sinuman kahit na ang malalapit sa mga ito. Kasabay ng pagtatapos ng Great War sa mundong ito na tinatawag na Valoria ay siyang pagkawala rin ng mga pambihirang Guardian Beasts. Sa oras matunugan sila ng kahit isang Guardian Beasts ay siguradong katapusan rin nila. ng isang maalamat na Peak Level Martial Stardust Realm ay kaya silang pulbusin sa isang pitik lamang ng kamay ng mga ito. Kung hindi siya nagkakamali ay mayroon silang basbas ng kalangitan na siyang nagsisimbolo na nasa mabuti silang panig. Hindi katulad nila na kapag nakita sila ng kalangitan na gumagawa ng kasamaan lalo na ang gawain ng masamang Orakulo ay magpapadala ang kalangitan ng Heavenly Thunder mula sa kaulapan papunta sa kalupaang ito. Ang anumang paglabag sa Heavenly Dao Laws kagaya ng pagiging Perpekto lalo na sa Cultivation Level ay isang taboo at ang pag-aalsa laban sa utos ng kalangitan ay ipinagbabawal rin at kamatayan ang hatol sa mga ito.
"May punto ka sa iyong sinasabi Lord Valc. Sa oras na malaman ng natitirang walong Guardian Beasts ang ating pinaplano lalo na at buhay pa ang Labindalawang Dark Lords ay siguradong hindi sila titigil hangga't hindi tayo nauubos. Mas mabuting maging maingat tayo rather than sorry." Sambit ni Dark 1. Hindi siya tanga upang magbasag-ulo o gumawa ng mga komosyon. Paano siyang timawag na isa sa mga Dark Lords kung hindi siya marunong mag-analisa ng mga bagay-bagay patungkol sa kaniyang sarili lalo na sa mga bagay na makakabuti sa kanila. Alam niya kung gaano kalupit ang bawat isang Guardian Beasts lalo na sa kanila. Hindi maitatangging ang kanilang malaking pagkatalo ay nagdulot sa kanila ng mahabang pagsakit mula sa pagkalugmok. Sa oras na bumalik sila at manumbalik ang lakas nilang mga Dark Lords ay siguradong hindi sila nagdadalawang-isip na paslangin ang mga kumakalaban sa kanila lalo na ang kanilang mortal na kaaway, ang Guardian Beasts na nagsilbing isang malaking mantsa sa kanilang dinaraanan upang masakop ang mundong ito.
