WebNovels

Chapter 731 - Chapter 731

Napaatras naman bigla si Wong Ming lalo pa't alam niyang pinagsama ng apat na nilalang ang lakas nila dahilan upang makaramdam si Wong Ming ng pangamba.

Dito niya napagtanto ni Wong Ming na panggulo lamang ang ginawa ng kinakalaban niyang binata at gusto siya nitong paslangin gamit ang pinakamalakas nilang sandata- ang mismong Array Formation nito.

Array Formation: Holy Sword Judgment!

Mula sa itaas ng Array Formation ay unti-unting lumalabas ang napakalaking espadang direktang tatama mismo sa direksyon ni Wong Ming.

Kitang-kita kung paanong nagbago ang mata ni Wong Ming at nahati sa dalawa ang mismong itim sa mga mata nito.

Dahil dito ay nangamba ang kalaban ni Wong Ming dahilan upang mas pabilisin pa nila ang kanilang huling alas sa binatang si Wong Ming.

Kapwa dumura ng kanilang sariling blood essences ang apat na kalaban ni Wong Ming.

Dahil dito ay naramdaman ni Wong Ming na bumaba ng isang boundary ang apat na kalaban niya.

Kasabay nito ay nagliwanag ang napakalaking espada sa ere at tila pabulusok itong tumungo patungo sa kalupaan lalo na sa mismong direksyon ni Wong Ming.

Kasabay nito ay sumuka din ng blood essences ang binatang nakalaban ni Wong Ming at kitang-kita kung paanong nagsagawa ito ng forbidden skill.

Agad na napansin ni Wong Ming na biglang tumaas ng dalawang lebel ang kalaban niya dahilan upang mas nangamba si Wong Ming.

Biglang lumaki ng doble ang pangangatawan ng kalaban niya at namumula ang mga mata nito.

Ramdam ni Wong Ming na susugurin na siya ng kalaban niya ngunit inunahan niya ang mga ito.

SLASH! SLASH! SLASH!

Agad na kinitilan ng buhay ng mga clone ni Wong Ming ang apat na kalaban niya sa pamamagitan ng talim ng halberd at ng kadenang pumulupot sa mga leeg mga ito dahilan upang hindi sila maghiwalay sa isa't-isa.

Kasunod nito ay walang awang pinugutan ng ulo ng clone ni Wong Ming gamit ang pag-wasiwas ng malakas sa nasabing halberd.

PUAKKK!!!

Sumurit ang napakaraming dugo sa leeg ng mga kalaban niya at gumulong ang mga ulo ng mga sa lupa. Kasabay nito ay halos sabay-sabay na bumagsak ang mga katawan ng mga ito sa lupang kinatatayuan nila.

Tila na-stranded sa ere ang papalabas na espada na bumagal ang pagkakabulusok ngunit hindi na ito mapipigilan pa lalo na at itinudo na ang nasabing skill.

Makikita ang inis sa pagmumukha ng kalaban ni Wong Ming.

Hindi maipagkakailang gusto na nitong paslangin si Wong Ming lalo pa't napaslang ang lahat ng kasamahan niya sa labang ito.

Nagliwanag ang buong sandata ng kalaban ni Wong Ming at kitang-kita na isa itong pambihirang skill.

Skill: Killing Saber!

Humaba ang nasabing Saber at tila sa isang iglap ay narating nito ang pwesto ni Wong Ming.

"Katapusan mo na! Yahhhhh!!!" Pasigaw na qika ng kalaban ni Wong Ming kasabay nito ang pag-wasiwas ng saber nito sa kinaroroonan ni Wong Ming.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang naganap.

Hingal na hingal ang nasabing kalaban ni Wong Ming ngunit makikita ang pag-asa sa mga mata nito.

WHOOSH!

Mula sa nagkakapalang mga alikabok sa lugar na ito ay makikitang bigla na lamang may bumulusok na isang mahabang espada patungo sa nasabing kalaban ni Wong Ming dahilan upang matamaan ito sa kaliwang dibdib direkta mismo sa kaniyang puso.

SHHKKK!

"Hindi maaari ito! Pa-paano'ng nakaligtas ka sa mismong atake ko?!" Saad ng kalaban ni Wong Ming sa nasabing binata habang kitang-kita na nanghihina na ito.

Naramdaman ni Wong Ming ang bilaang pagbaba ng lebel ng kalaban nito kasabay nito ay napasuka ito ng maraming dugo.

Nagawa pa nitong tingnan ang isinuka nito at ilang segundo lamang ay bumagsak ang katawan nito sa nasabing lupang kinatatayuan nito.

Mabilis na kinuha ni Wong Ming ang interspatial rings ng mga kalaban niya maging ang mga kagamitang meron ang mga ito. Hindi aakalain ni Wong Ming na maraming mga kayamanan na pagmamay-ari ang mga nakalaban niya sa kasalukuyan. It was a fortune for him lalo na at mukhang mga mayayamang martial art experts ang mga binibiktima ng mga ito.

Agad na ipinagpatuloy ni Wong Ming ang kaniyang paglalakbay habang maingat na itinago ang mga taling nakolekta niya sa isang interspatial ring niya.

...

Marami ang mga nanonood sa kasalukuyang labanan at kitang-kita na maraming mga madudugong engkwentro ang makikita sa bawat screen na nakalutang sa ere.

Patunay na hindi basta-basta ang nasabing recruitment sa labas ng Wasteland. Ang law of jungle ay naging karaniwan na lamang lalo pa't ang mga mahihinang mga kalahok ay unti-unting nalalagas at ang iba sa mga ito ay nasawi.

Hindi maipagkakailang sobrang nakakatakot ang elimination round.

Marami din ang namangha sa mga ipinakitang abilidad at lakas sa pakikipaglaban ang mga lumahok mapababae man o lalake.

Ang abilidad ng mga ito na maka-survive sa kasalukuyan ay patunay ang lakas nila at maging ang abilidad nilang makaligtas sa nakakaharap nilang mga nilalang.

Unti-unti ng nagkakaroon ng mga pagbabago sa rankings at masasabing ang huling mga minuto na natitira ay siya ring magpapasya ng pinal na ranking.

Sa katunayan ay mayroong nakapansin sa ginawa ni Wong Ming ngunit sa tingin nito ay may ibubuga rin ito ngunit hindi sapat iyon upang makapasok sa rankings.

Dito masusubok ang abilidad ng lahat na maka-survive. Ang mga susunod na mga pagsubok ay mas lalong titindi.

Inaabangan ng lahat ang huling mga minuto at masasabing lahat ng mga magtatagumpay ay siguradong pasok na sa susunod na pagsubok na inihanda ng Vermilion Sect.

Sa isang sulok ay makikitang nanonood din si Mèng Shuchun at masasabi niyang ibang-iba na ang nasabing binatang nakilala niya noon na isa lamang paslit ngunit ang lakas nito sa kasalukuyan ay talaga namang nakakapangilabot.

Napakatuso ng mga nakalaban ng binata ngunit nagawa nitong paslangin ang limang nilalang na siya lamang mag-isa.

Hindi siya makapaniwala na mayroong Spiritual Weapon ang binata at masasabing meron na ring mga opisyal ng Vermilion Sect ang nagsisimulang magkainteres kay Little Devil.

Bibihira lamang ang mayroong Spiritual Weapon at ang ordinaryong martial art experts ay hindi magkakaroon nito kahit anong gawin nila. Tanging pili lamang ang mayroon nito.

Isa pa ay isang Ice Attribute ito at maaaring mapalakas pa ito. Tamang-tama lamang ang Vermilion Sect upang mahasa pa lalo ni Little Devil ang Ice Attribute nito.

Sa tingin nga ni Mèng Shuchun ay mga basic lamang ang alam ni Little Devil.

Marami pa ang maaaring magawa nitong skill na malalakas. Hindi niya gugustuhing makalaban ito lalo na ngayon na nakita niya ang potensyal ng nasabing binata.

Naalala naman niya si Li Zhilan na kapatid ni Little Devil. Sa murang edad nito ay masasabing isa ito sa monstrous genius ng Vermilion Sect. Ito nga ang pinakabatang core disciple at maituturing na direct disciple ni Master Hawk- isa sa pinakamalakas na elder ng Vermilion Sect.

More Chapters