WebNovels

Chapter 733 - Chapter 733

Pasikat pa lamang ang nasabing haring araw sa kasalukuyang lugar na kinaroroonan ng mga manlalahok maging si Wong Ming.

Kasabay nito ay nakita nila ang dalawang palatandaan kung saan mismo itatayo ang dalawang magkalabang tower.

Nakaramdam si Wong Ming ng excitement lalo na at makakaharap niya ang kalahati sa malalakas na mga manlalahok.

Mga dalawang daang metro lamang ang layo ng nasabing tower at maasri silang kumolekta ng mga materyales sa pagbuo nito.

Humiwalay si Wong Ming sa nasabing grupo ng makakalaban nila. Masasabing maraming mata ang tila nakatingin sa kanila habang naghiwalay sila ng landas.

Kapansin-pansin na nagsisimula ng gumawa ng sariling plano ang mga kasamahan nila. Kamangha-mangha talaga lalo pa't mayroon na itong disenyo at nasabing estraktura ng magiging tower nila.

Mayroon itong matibay at nakakamanghang disenyo ngunit isaalang-alang pa rin ang availability nito sa kinaroroonan nilang lugar. Plano rin na mayroong pang-atake ang nasabing tower.

...

Abala ang lahat lalo na sa pagkolekta ng mga materyales. Maging si Wong Ming ay tumulong na rin at bawat parte ng ginagampanan nila ay mayroong tagamasid.

Natural lamang iyon lalo pa't hindi maisasakatuparan ang paggawa nila ng pambihirang tower kung walang sumusubaybay sa kanila.

Bawat isa sa kanila ay may gampanin at hindi sila tanga upang mag-away-away da mga oras na ito.

Mahalaga ang bawat segundong lumilipas at hindi nila gugustuhing maudlot ang plano nilang tapusin ang kabuuang estraktura ng nasabing tower nila.

Paggawa ang pangunahing layunin nila at maaari lamang silang magtagumpay kung sila ay magtutulungan at magkakaisa sa kanilang mga layunin.

Halata sa mukha ng lahat ang pagod ngunit masasabi ni Wong Ming na umaalab din ang layunin ng bawat isa na manalo at magtagumpay para sa susunod na pagsubok o di kaya ay magkaroon ng pwesto para sa nasabing ranking list.

Hindi aakalain ni Wong Ming na hindi magiging madali ang lahat lalo na nang maya-maya pa ay nabulabog ang tahimik nilang pagtatrabaho.

Kitang-kita ng lahat ng grupong ito lalong-lalo na si Wong Ming ang sampong kagrupo nila na humahangos pabalik sa mismong tower nila na walang dala.

Ngunit bakas ang bawat pinsala sa katawan nila lalo na ang dugong tila naging mantsa sa mga robang suot-suot ng mga ito.

Dito niya nalaman na inatake sila ng isang pambihirang magical beasts na nasa loob ng kwebang tila natuklasan at ginalugad ng mga kagrupo niya ilang kilometro ang layo mula sa lugar kung saan nila itatayo ang tower nila.

Marami silang nakitang pambihirang mga metallic ores na maaari nilang magamit para patibayin ang depensa ng tower nila.

Hindi na nagdalawang-isip ang mga kagrupo niya na tumuloy at galugarin ang bawat lugar.

Pinakita ng mga ito ang pambihirang mga metallic ores na nakuha ng mga ito sa nasabing lugar kung saan malapit lamang mismo sa bukana ng kweba.

Marami silang nakolekta at masasabi ni Wong Ming na pambihirang mga materyales nga ito na maaari nilang maging alas upang manalo sila.

Gayumpaman ay natitiyak ni Wong Ming na ang metallic ores na ito ay binabantayan mismo ng metal type na magical beast.

Ginambala nila ang nasabing teritoryo ng nasabing magical beast kung kaya't natural lamang na dedepensa at aatake ito sa natural na pamamaraan nito.

Napakalakas ng magical beast na ito dahil isang Metallic Rat Eater ito na nagkaroon ng ebolusyon sa katawan.

Kumakain daw ng metal ores ang mga naglalakihang mga halimaw na daga at tumutubo mismo sa iba't-ibang parte ng katawan ng mga ito ang metallic ores.

Imposible mang isipin ngunit alam ni Wong Ming na posibleng mangyari ang kakatwang pangyayari na ito.

Sigurado siyang may presence ng mataas na metallic ores ang loob ng kwebang iyon na maaaring pinoprotektahan ng metallic rat eater na iyon.

Masasabi ni Wong Ming na maaari niyang mapakinabangan iyon sa paraang gusto niya.

Hindi ito artipisyal na lugar kung kaya't natitiyak ni Wong Ming na magiging oportunidad ito sa mga kapwa niya kalahok upang lumakas kahit na sumasabak sila sa matinding pagsubok na ito.

Dahil sugatan ang sampong mga ipinadalang mga kalahok ay naghanap ng boluntaryong mga kalahok rin ang mangunguha ng mga metallic ores.

Kompara sa pagkolekta ng mga bato sa lugar na ito upang haluin at gawing mga parte ng tower ay mas mainam pa rin ang mga metallic ores..

Agad na nilisan ni Wong Ming kasama ng siyam pang kalahok ang lugar na kinaroroonan nila upang puntahan ang pambihirang kwebang tinutukoy ng mga kapwa nila kalahok para kumuha ng mga materyales.

Makalipas ang sampong minuto lamang ay matagumpay na narating nina Wong Ming ang tinutukoy na kweba sa pamamagitan ng mapang personal na ibinagay ng nangungunang kalahok sa pagpunta nila rito.

Wala silang inaksayahang oras at isinilid sa kani-kanilang mga dalang mga interspatial rings ang mga nakolekta nilang mga metallic ores.

Dito ay personal na nahawakan at naobserbahan ni Wong Ming ang pambihirang metallic ores na nadadampot niya.

Matitibay nga ito at maaaring durugin upang pagdikitin para mas tumibay pa lalo.

Kulang lamang ito sa init upang lumusaw at magdikit.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang mapansin ni Wong Ming na mayroong paparating na limang mga kalahok ngunit hindi nila kagrupo kundi ay maituturing na kalaban.

Sa kaanyuan at postura pa lamang ng mga ito ay masasabing malalakas at matataas ang cultivation levels ng mga ito.

Dito ay nakaramdam ng pangamba si Wong Ming at pinakapal niya ang protective essences bilang paunang depensa niya mula sa maaaring sneak attack ng mga bagong dating na mga kapwa nila kalahok.

Agad na pinagana niya ng palihim ang Demon Eyes niya lalo pa't hindi naman siya ang pangunahing target ng mga kalaban na naririto.

Kung maihahambing sa sampong kagrupo niya ay siya ang may pinakamababang cultivation level at pinakabata kung titingnang maigi.

Hindi nga nagkakamali si Wong Ming at mayroong paparating pa na sampong kagrupo ng mga kalaban.

Dito niya masasabi na isang pandaraya ang nangyayari.

Malinaw na hindi tumupad ang kabilang panig sa nasabing rules ng larong ito.

Ngunit aanhin nila ang pambihirang rules na iyon kung nasa bingit na ng kamatayan ang buhay nila sa mga oras na ito.

Dahil lima lamang ang nasabing kalaban na nakikita ng lahat ng kagrupo ni Wong Ming ay tanging ang malalakas na limang kagrupo niya na mga kalahok ang humarap rito samantalang silang natitirang lima ay ipinagpatuloy ang pangunguha ng mga materyales.

Nagpanggap na tila walang alam si Wong Ming at kalmadong nangunguha ng mga metallic ores upang hindi alarmahin ang mga kasamahan niya maging ang mga kalaban nila.

Mahirap na at baka siya pa ang maunang maging malamig na bangkay sa lugar na ito kung hindi siya magiging mautak.

Sa bilis ng limang nilalang na ito na makarating sa lugar na ito na tila hindi man lamang gumagamit ng maraming enerhiya nila ay isa na iyong indikasyon na walang maidudulot na maganda ang paglitaw ng presensya nila sa lugar na ito.

Sa kanilang limang natitira ay siya ang unang papasok na sa bungad ng kweba.

Dito niya napansin na tila nagkakaroon na ng malaking komosyon sa kanilang hanay maging sa kabilang grupo.

Nakarinig si Wong Ming ng sigawan at tila mga palahaw.

Gamit ang Demon Eyes niya ay kitang-kita niya ng malinaw ang nagaganap.

BANG! BANG! BANG!

Nagpalitan ng malalakas na atake gamit ang mga skills at natural na abilidad ang dalawang magkalabang grupo.

AHHHHHHHHHHHHHHHH!

WAGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong sa isang iglap ay nakarating sa harap ng kagrupo niya ang mga kalaban nila at pinagtataga ng mga ito ang mga kasamahan nila.

SLASH! SLASH! SLASH!

Mula sa tiyan ay tumagos ang mahabang sibat sa likod ng nasabing kasamahan ni Wong Ming.

Ang isa naman ay nabali ang leeg nito at hindi pa ito nakontento at pinugutan ito ng sariling ulo gamit ang napakatalas na espadang hawak ng kalaban nito.

Ang isa naman ay kitang-kita kung paano nabiyak sa kalahati ang katawan nito mula ulo hanggang paa dahil sa napakatalas na katanang hawak nito.

Habang ang dalawa ay mayroong butas na malaki sa tiyan at kaliwang dibdib ng mga ito.

Dito napatunayan ni Wong Ming ang kaniyang hinala na iisang grupo ang limang nilalang na dumating sa lugar na kinaroroonan nila.

Napansin niyang nasa kanilang natitirang lima na ang atensyon ng mga ito.

Hindi umuusal ng kahit na anong salita ang limang nilalang na ito na indikasyon na papaslang lamang ang mga ito at hindi magkukuda.

Agad na napansin ni Wong Ming ang isang kasamahan nila na nasa labas pa ng kweba na kanina pa nakaupo ito sa isang batuhan.

Dito niya napansin na isa itong babae dahil sa pambihirang buhok nito na sobrang haba.

Pansin niyang nakatakip pala ang buong mukha nito at buhok ngunit maya-maya pa ay nasilayan ni Wong Ming na lumutang ito sa ere.

Kasabay nito ay nagliwanag ang katawan ng nasabing babae lalong-lalo na ang sa bandang noo nito. Gamit ang demon eyes ay hindi makakatakas ang bawat detalye sa nasasaktan niya sa kasalukuyan.

Umilaw ang maliit na medalyon nito sa noo kasabay nito ay ang pagiging tila pagkalusaw ng mga metallic ores sa paligid at isang iglap ay tumungo ito sa kalaban nila na tila rumaragasang alon.

SPLLLAAAAKKKKKK!!!!

Kitang-kita kung paanong dumikit sa katawan ng limang nilalang ang metallic ores at tila tumigas ang katawan ng bawat isa sa mga ito kahit na sinubukan pa ng tatlo sa mga na umiwas at gumalaw kanina.

More Chapters